Mag-log inHeislee Jean Velasco’s Point of View
“What the heck?!” malutong kong mura nang bigla na lang ulit lumitaw ang isang big bike sa aking gilid. “Bigla-biglang susulpot? Kamote ba ‘tong driver?” Inis akong umirap, at piniling pakalmahin ang aking sarili. Minsan na nga lang akong mag-drive ng sasakyan, kamote pa ang mga nakasasalamuha kong driver ng big bike. Natigilan ako nang magpunta sa harapan ko ang biker. Nakasuot lang naman ‘to ng business attire. “Puwede namang sasakyan na lang ang gamitin niya,” bulong ko sa aking sarili. “Bagong plantsa pa yata ‘yong business attire niya. Hindi ba niya naisip na puwedeng magusot ang damit niya?” Sa lakas ba naman ng hangin, dahil sa bilis ng kaniyang pagpapatakbo, malamang ay maaari talagang magusot ang coat niya. Pero hindi ko naman na ‘yon problema. Kaya nagkibit na lamang ako ng balikat. Kumunot nga lang ang aking noo nang makita ko ang pamilyar na bulto ng lalaki ‘yin. Pasimple ko tuloy binilisan ang aking sasakyan, dahil gusto ko sanang makalayo sa kaniya. Alam kong isang beses lang kaming nagkita, pero nang maalala ko ang plate number niya, napamura na lamang ako sa aking isipan. Matagal na rin nang huli kaming magkita. Wala rin naman akong lakas ng loob na harapin siya. Matapos ang nangyari, tingin ba niya ay magagawa ko siyang harapin?! “Aba’t!” bulong ko nang mas lalo niya lamang binilisan ang kaniyang pagpapatakbo. Umiling na lang tuloy ako, at tinahak na lamang ang shortcut. Mabilis naman akong nakarating sa meeting place namin ni Johanna. Matapos kong maging busy sa business namin sa Baguio, nawalan kami ng communication ni Johanna. Emergency kasi ang nangyari. Kinailangan kong i-manage ang restaurant namin, dahil hindi umuwi biglaan si Mommy rito. Wala namang magma-manage ng business namin sa Baguio kung hindi ay ako lang. Nanibago tuloy ako sa klima rito. Sobrang init! “Kanina ka pa?” tanong ko kay Johanna nang makita ko siyang sumisimsim ng kaniyang kape. Nang mag-angat siya ng tingin, umiling naman siya bilang sagot. Ibinaba niya ang kaniyang kape sa table, habang ako naman ay hinila ang upuan na nasa harapan niya. “Five minutes ago lang nang makarating ako rito,” saad niya. Tumango na lamang ako, at pagod na isinandal ang aking likuran sa upuan. “Kumusta ka? Parang hiyang mo ang klima sa Baguio, ha?” tanong niya sa akin, at bahagyang ngumiti nang nakaaasar. “Huwag mong sabihing isinama mo ‘yong lalaking naka-makeout mo last time.” “Hoy!” sita ko kaagad sa kaniya, pero tumawa lamang siya sa aking naging reaksyon. “Mag-ingat ka naman sa mga sinasabi mo. Alam mo namang suki ako sa issue.” Hindi ko rin alam kung bakit madalas akong naididikit sa mga issue. Ang dami ko na ngang problema, dadagdag pa sila? Wala naman silang basis kung ako ‘yon, eh! “What? Alam mo naman rules nitong coffee shop. Sa tagal na nating nagpupunta rito, hindi naman kumalat ang mga pinag-uusapan natin sa internet,” saad niya, which is totoo naman. Umirap lamang ako bilang sagot. Hindi na ako nakipagtalo pa, dahil may punto naman talaga si Johanna sa pagkatataong ‘to. Na-trauma lang siguro ako. Kaya madalas na naididikit ang aking pangalan sa mga issue. Iniwasan ko na nga rin ang pagpunta sa bar, eh. Kailangan ko munang magseryoso sa ngayon. Marami akong problema, at kung hindi ‘yon haharapin, paano ako uusad? Hindi naman sa lahat ng oras ay puro ako gala. Nang dumating ang order namin, kaagad kong binigyan ng pansin ang croissant na order ko. Hindi na rin ako nag-order ng kape, dahil umiiwas ako roon. Ang tanging iniinom ko na lamang kapag nagki-crave ako ng kape ay cucumber juice. Minsan ay lemon juice naman. Gusto ko kasing bawasan ang mga nakasasama sa akin. Ultimo nga pag-inom ng alak, hindi ko na sinosobrahan. Tikim na lang, dahil ayaw ko namang magkaroon ng sakit. Habang maaga pa, unti-unti ko nang itinitigil. “Kilala mo ba ‘yong naka-makeout mo last time?” Bigla naman akong nabulunan sa biglaang tanong ni Johanna sa akin. Inis ko siyang sinamaan ng tingin kahit na naluluha na ako kauubo. Mabilis kong inabot ang tubig, at uminom kaagad para lang matigil na ako sa pag-ubo. Ang kaso lang ay nakapipikon ang pagiging kalmado ni Johanna na para bang normal lang ang itinanong niya sa akin. “Bakit ba puro siya ang tinatanong mo?” nanggigigil kong bulong sa kaniya, dahil ayaw kong may makarinig sa amin. Nag-angat na lang siya ng tingin sa akin, at nagtatakang sinalubong ang aking nanlilisik na mga mata. “Ano namang masama?” inosenteng tanong nito. Umirap na lamang ako, at wala sa sariling napasulyap sa entrance ng coffee shop. Saktong may isang pamilyar na lalaking pumasok, at napalingon sa aking gawi. Napakurap ako, at hindi inaasahan na magtatagpo muli ang landas namin matapos ang ilang araw na lumipas. Oo nga’t nakita ko siya kanina sa daan, pero bakit naman pati rito sa coffee shop ay kailangang magtagpo muli ang landas namin? Gaano ba ako kasuwerte ngayong araw na ‘to, at kailangang makita ko pa siyang muli? “Nagtatanong lang naman ako kasi curious ako,” dagdag ni Johanna, habang ako naman ay tila napako na sa aking kinauupuan. Nagsimulang maglakad ang lalaking ‘yon, ngunit hindi na nakatingin sa aking gawi. Inaayos niya ngayon ang suot niyang relo, habang sinusundan ang isang lalaking hindi pamilyar sa akin. Umiling ako, at mabilis na tinapos ang aking kinakain. Hindi ko na magawang tingnan pa si Johanna, habang umiinom ako ng tubig. Pilit ko kasing pinakakalma ang aking sarili, dahil nabibingi na ako sa lakas ng kabog ng aking puso, eh. Wala naman dapat akong ikakaba sana, pero bakit kasi nandito ‘to? “Comfort room lang ako,” paalam ko kay Johanna nang ilapag ko ang baso. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Bagkus ay mabilis pa sa alas kuwatro akong tumayo, at naglakad papunta sa comfort room. Gusto ko lang kasi sanang makahinga. Ang kaso lang ay bago pa ako makapasok sa comfort room ay may isang kamay ang pumigil sa aking siko. Napakurap na lamang ako nang bigla ko na lang matagpuan ang aking sarili na nakasandal sa isang malamig na pader, habang ikinukulong ako nang isang lalaki sa kaniyang bisig. “Where do you think you’re going, huh?”Heislee Jean Velasco’s Point of View “Wala pa kaming planong patayin ‘tong mga ‘to. Gusto muna namin silang pahirapan.”Doon ako napatango. Bukod sa isa nga naman ‘to sa mga nanakit sa kaniyang mga magulang, alam nila ang kanilang ginagawa.“Ibaba niyo ang mga baril niyo!” sigaw ng lalaki, at sinamahan pa nang malakas na halakhak. “Gusto niyo talagang magtawag ako ng mga pulis?”Nakatatawa lang, dahil siya pa ang may ganang magtawag ng mga pulis kung gayon na mafia siya, at mas marami siyang nagawang illegal. Ngunit kung sabagay nga naman, kaya nga naman nilang hawakan ang kanilang mga leeg kung gugustuhin nila.Ngunit kilala ko naman sina Darius. Hindi naman sila matatakot sa mga ‘to. Malabong mangyari, dahil kagaya nila, malakas din ang kanilang koneksyon ngayon. Marami rin silang tauhan, at kayang-kaya nilang makipagsabayan sa kanilang mga kalaban.Gusto nila ang hustisya. Kaya kung galit ang mga ‘to, mas galit ang mga kasama ko.Nakarinig ako ng putok ng baril. Kaya napatakip na
Heislee Jean Velasco’s Point of View “Darius,” tawag ko sa kaniyang pangalan.May nauna na ring pumasok ngayon sa event hall, habang kami ni Darius ngayon ay nasa labas lamang.“Hmm?”Napasulyap ako sa hawak niyang baril nang lumingon siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagiging malambing niya sa akin ngayon, parang natatakot pa rin ako.Alam ko naman na sanay na sila sa ganito, pero hindi ko ap rin naman kasi talaga maiwasang matakot, eh. Siguro ay dahil alam kong hindi healthy ang ganitong environment sa kanila.May mga trauma sila, at alam kong hindi nakabubuti sa kanila ang mga ganito, kahit pa alam ko naman ang rason.“Ipangako mo sa akin na walang mangyayaring masama sa ‘yo,” sambit ko, habang nakatingin ngayon sa kaniyang mga mata. “Dapat wala kang sugat.”He pursed his lips. Nakita ko rin ang pagkislap ng kaniyang mga mata, pero nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Hindi nagsasalita.“Mangako ka sa akin, Darius.”Lumapit naman siya sa akin, at hinalikan ka
Heislee Jean Velasco’s Point of View “I found him,” bulong ni Darius sa aking tabi.Biglang naging alerto ang lahat, habang ako naman ay hindi ko alam kung dapat ba akong mabahala lalo na nang umayos ang lahat ng kanilang upo.Tumayo si Darius. Kaya napatayo rin ako. Napalingon tuloy siya sa akin nang salubong ang kaniyang mga kilay, pero hilaw lang akong ngumiti sa kaniya.Hindi ako puwedeng magpaiwan dito kung alam ko naman na susundan niya ang lalaking ‘yon. Alam ko naman na mas ligtas ako kung nandito ako kasama ng kaniyang mga kapatid. Pero hindi ko naman siya puwedeng iwan na lang nang basta-basta.“Sama ako,” saad ko naman sa kaniya.Mahina lang ang pagkasabi ko roon, pero kung sakali man na nakabukas ang microphone niya, alam kong narinig ng mga kasama niya ‘yon.“Love…”Kumapit lang ako sa kaniyang braso, dahil ayaw ko rin naman talagang maiwan. Wala lang siyang nagawa sa huli, dahil mapilit ako.Kaya habang nandito kami ngayon sa hallway, minsan ay napalilingon ako sa aking
Heislee Jean Velasco’s Point of View Kagaya nga ng sinabi ni Darius, nagpatawag talaga siya ng medics para sa akin. Hindi ko maiwasang makaramdam nang hiya lalo pa’t may napatitingin sa aming gawi ang iba pang mga bisita.Although, hindi naman halata na nurse nga ‘tong lumapit sa akin, at sinusuri ako, pero parang gusto ko pa ring magpakain ngayon sa lupa.“Hindi naman kasi kailangan—”“I saw what happened. Tingin mo hindi ko papansinin ‘yon?” sagot niya sa akin.Kinagat ko na lamang ang aking ibabang labi, pero napasulyap lamang siya roon. Kaya mabilis kong inilihis ang aking mga mata.“Are you okay?” tanong sa akin ni Jasmine, at halata ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. “Hindi na ba talaga masakit ang likod mo? Masama ang pagkakatama ng likod mo sa dingding kanina.”Ngumiti lang ako nang tipid sa kaniya.Sa katunayan ay hindi ako makapaniwala na nagawa kong saksakin ang balikat ng gagong ‘yon. Nanginginig lang ako kanina, pero nagawa kong sugurin ang lalaking ‘yon. Ni hindi ko m
Heislee Jean Velasco’s Point of View Nagmadali kaming maglakad patungo sa dulo ng hallway. Doon nanggagaling ang boses, at habang palapit kami nang palapit doon, kumakabog nang malakas ang aking puso.“Tingin mo ay may tutulong sa ‘yo?”Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. She’s fighting for her life. Ni hindi ko man lang ‘yon masikmura lalo na’t lalaki ang nagsasalita, at ang malala pa ay parang may katandaan din ‘to.“Walang makakarinig sa ‘yo rito. Kahit sumigaw ka pa nang sumigaw, hindi ka nila maririnig.”Akala yata ng lalaking ‘to ay walang pupunta sa powder room. Hindi nag-iisip. Alam na may event dito, tapos sasabihin niya ang bagay na ‘yon?Pagkarating namin sa doon, nakita naming pilit niyang itinataas ang damit ng waitress kanina.Magulo ang kaniyang buhok, at higit sa lahat ay umiiyak na ‘to, at nagmamakaawa sa matandang lalaki.Nang sulyapan ko ang kaniyang mukha, siya ‘yong lalaking nangbastos sa akin kanina.Ang gagong ‘to! Talagang utak manyakis?!Mabilis kong ina
Heislee Jean Velasco’s Point of View “Powder room muna ako,” paalam ko kay Darius.Lumingon naman siya kaagad sa akin, at nagtangkang tumayo, pero umiling lamang ako sa kaniya.“Dito ka na lang.”“What?” gulantang na tanong niya, pero ngumiti lamang ako nang matamis sa kaniya.“May mga tauhan naman kayo rito, hindi ba?” tanong ko sa kaniya.Alam ko ring napalingon na ang kaniyang mga kasama sa aming gawi, pero hindi ako lumingon sa kanila. Bagkus ay inabot ko pa ang kaniyang pisngi, at hinaplos ‘to.“Saglit lang naman ako.”“Love, it’s dangerous,” angal nito, pero umiling lang talaga ako. “Sasama ako.”“Darius, it’s fine. May mga tauhan naman kayo rito. Kapag kasi sumama ka, baka hindi niyo mahanap ‘yon,” paalala ko sa kaniya.Kaya nga sila nandito ngayon, dahil sa mission nila. Kung sasama siya sa akin, hindi ba ay parang makagugulo lang ako sa mission niya?Alam ko naman na ginagawa lang niya ‘to para protektahan ako, pero hindi ‘to ang tamang oras para sumunod siya sa akin.Hahana
Heislee Jean Velasco’s Point of View “You’re soaking wet, woman.” I groaned when I felt his finger on my clit, teasing me. Napatingala ako nang bumaba ang halik niya sa aking leeg. His tongue was twirling on my neck. And when I didn’t create a seductive noise, he suddenly bit my neck just to hear
Heislee Jean Velasco’s Point of ViewAno ba kasi ang iniisip ko? Gusto kong sabunutan ang sarili ko, dahil sa narinig ko, pero mas nangingibabaw kasi ang hiyang nararamdaman ko.Kung bakit ba naman kasi kung anu-ano ang iniisip ko, at hindi na lang siya tinanong, hindi ba?Ano ang napala ko ngayon?
Heislee Jean Velasco’s Point of ViewNalaglag ang aking panga nang matagpuan ko ang aking sarili na nakasunod sa kaniya papunta sa parking lot.Ni wala nga akong maalala na pumayag akong samahan siya sa kung saan man siya pupunta, eh. Kaya medyo nakagugulat. Hindi ko ‘to inaasahan.Ang nakapagtatak
Heislee Jean Velasco’s Point of View“What the actual fuck?” gulantang kong sambit, habang nakatitig sa kaniyang mga mata, at bahagyang nanglaki ang aking mga mata.Ipinilig lamang niya ang kaniyang ulo nang marinig niya ang aking sinabi. Mas inilapit nga niya ang kaniyang mukha sa akin. Tila hindi







