共有

Kabanata 5

作者: Kreine
last update 公開日: 2025-12-28 20:35:54

Heislee Jean Velasco’s Point of View

Pagdating namin sa isang mansion, nalaglag ang aking panga sa pagkabigla. Ilang beses pa akong napakurap, dahil kahit hindi ko na ‘to tanungin, may sagot nang namuo sa aking isipan.

Bahay niya ‘to.

Kaya lang ay bakit naman niya ako dadalhin sa bahay niya? Kagaya nga ng sinabi ko, hindi naman kami magkakilala para sumakay ako sa sasakyan niya, at sumama sa kaniya. Paano na lang ‘to ngayon na dinala niya ako mismo sa bahay niya?

Maliwanag pa sa umaga na dinakip niya talaga ako, dahil hindi naman ako kusang sumama sa kaniya! Hinila niya ako, at sapilitang ipinasakay sa kaniyang sasakyan!

“Bakit ako nandito?” tanong ko nang tumigil ang kaniyang sasakyan.

Pinatay naman niya ang makina ng kaniyang sasakyan, at tinanggal ang suot niyang seatbelt saka lumingon sa akin.

“You’ll stay here.”

Nanlaki naman ang aking mga mata. Hindi nga kami magkakilala, pero ganito ang sasabihin niya? Paano kung patayin ko siya, dahil parang ang bilis niyang magtiwala kung gayon na wala naman siyang ideya kung ano bang klaseng tao ako?

Natawa ako nang pagak nang ako ay matauhan. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin, at tila hindi man lang nagulat sa naging reaksyon ko.

“Why would I stay here? May sarili akong bahay.”

Darius smirked at my response when I stared at him again.

“Because that’s what I want.”

Tila nainsulto naman ako sa kaniyang naging sagot. Ano ‘yon? Dahil lang sa gusto niyang manatili ako rito, susundin ko na siya?

“Gago ka nga,” bulong ko, at umigting ang aking panga.

Hindi ko naman ugaling magmura gamit ang Tagalog, eh. Pero hindi ko mapigilan kung ganitong klaseng tao ang kaharap ko. Nakapanggigil kasi talaga.

“Porque gusto mo, susunod na ako?” singhal ko sa kaniya, habang siya ay nanatiling kalmado. “Alam mo, huwag mong inuubos ang pasensya ko. Kapag talagang nagdilim ang paningin ko, baka masaktan kita.”

Ngunit imbis na matakot sa naging banta ko, may kinuha siya sa storage compartment, at inilapag sa aking hita ang malamig, ngunit mabigat na bagay.

Nang lingunin ko ‘yon ay bahagya akong nanigas sa kinauupuan ko, dahil baril pala ang inilapag niya roon. Tinatamaan din nang liwanag na nanggagaling sa araw ang katawan ng baril, at habang nakatitig ako roon, hindi ko maiwasang manginig sa takot.

“Use that then. It would be an honor if you pulled that trigger and shot my head.”

“Darius,” wala sa sarili kong sambit sa kaniyang pangalan.

Nanginginig ako sa takot, dahil paano siya nagkaroon ng baril kung gayon na kailangan ay registered ang mga ‘to kung bibili? Isa pa, mga pulis, at army lang ang puwedeng humawak nito, pero si Darius? Parang ang hirap hulaan kung ano ba talaga ang kaniyang profession.

“Hmm?”

“Bakit ‘to?”

Hindi siya sumagot. Kaya dahan-dahan akong bumaling sa kaniya, at napansin kung paano magdilim ang kaniyang mga mata.

“Bakit mo ako binigyan ng baril? Saan ‘to nanggaling?”

Oo nga’t nakita ko kung saan niya kinuha ang baril, pero bakit nga ba ‘yon nandoon? Ano ang dahilan niya?

Hindi siya sumagot. Basta na lang niyang kinuha ang baril na nasa aking hita, at kaagad na lumabas ng kaniyang sasakyan.

Ako naman ay hindi makagalaw sa aking kinauupuan, dahil first time ko lamang makakita ng baril, at ang malala pa ay nasa hita ko ‘yon.

Nang bumukas ang pinto sa aking gilid, hindi ko ‘yon nilingon. Nanatili akong tulala, at hindi alam ang gagawin. Kaya naman nang maramdaman kong yumuko si Darius, at tinanggal ang suot kong seatbelt, nahigit ko ang aking hininga.

Binuhat niya ako na parang bagong kasal nang walang kahirap-hirap. Kaya mas lalo akong kinabahan, at hindi alam kung susulyapan ko ba siya, o ano.

Tahimik lang siyang naglakad papasok sa kaniyang mansion. Ni hindi ko nga magawang suriin ang kaniyang bahay, dahil parang na-trauma ako sa nangyari kanina, eh.

Paano kung nagkamali si Darius kanina? Baka kung saan na tumama ang bala kung sakali man na may lamang bala ang magazine no’n.

“Welcome back, Sir Ventura,” bati nang isang babae na hindi ko naman kilala.

Nang mapagawi ang aking mga mata sa nagsalita, isang babaeng may edad na ang sumalubong sa akin.

“Prepare a room for her,” Darius said.

Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Darius, at hindi ko man lang alam kung saan kami pupunta. Basta ang alam ko lang ay nakarating kami sa living room nang ibaba niya ako sa sofa.

“Are you hungry?”

Napakurap ako, at hindi maiwasang mag-angat ng tingin, dahil paano niya nagagawang maging kalmado matapos niyang sabihin ang katagang ‘yon kanina?

“Use that then. It would be an honor if you pulled that trigger and shot my head.”

Dahil malapit siya sa akin, hindi ko maiwasang titigan ang kaniyang mga mata, pilik-mata, kilay, at ang kaniyang ilong. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng inis na nararamdam ko sa kaniya ay guwapo naman pala siya.

Siguro ay hindi ko lang ‘yon nakikita noon, dahil nga naiinis ako sa kaniya. Parang nawala sa isip ko ‘yon, dahil nga natabunan ng inis. Ngunit ngayon na tila wala ako sa sarili, at nakalimutan ko ang inis ko sa kaniya, lumitaw ang kaguwapuhan niya.

“Don’t stare at me like that.”

Napabalik ako sa reyalidad nang sabihin niya ang katagang ‘yon. Kaya mabilis kong inilihis ang aking mga mata, habang nararamdaman ko naman ang pag-iinit ng aking mga pisngi.

“You don’t have any idea what you’re doing to me.”

Tumikhim na lamang ako, at piniling ilagay ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib para lamang ilayo siya sa akin.

Hindi kasi siya umayos nang tayo nang ilapag niya ako sa sofa, eh. Bagkus ay ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa magkabilaan kong gilid na para bang ikinukulong ako.

Ngayon ko lang ‘yon napansin, dahil wala ako sa sarili ko kanina. Kaya nga sobrang lakas ng kabog ng aking puso, eh. Hindi ko mawari kung dahil ba sa hiya, o takot ‘to. Basta ang alam ko lang, gusto ko nang magpakain sa lupa.

“It makes me wanna taste you,” he said sensually as if I turned him on, “again.”

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 104

    Heislee Jean Velasco’s Point of View “Wala pa kaming planong patayin ‘tong mga ‘to. Gusto muna namin silang pahirapan.”Doon ako napatango. Bukod sa isa nga naman ‘to sa mga nanakit sa kaniyang mga magulang, alam nila ang kanilang ginagawa.“Ibaba niyo ang mga baril niyo!” sigaw ng lalaki, at sinamahan pa nang malakas na halakhak. “Gusto niyo talagang magtawag ako ng mga pulis?”Nakatatawa lang, dahil siya pa ang may ganang magtawag ng mga pulis kung gayon na mafia siya, at mas marami siyang nagawang illegal. Ngunit kung sabagay nga naman, kaya nga naman nilang hawakan ang kanilang mga leeg kung gugustuhin nila.Ngunit kilala ko naman sina Darius. Hindi naman sila matatakot sa mga ‘to. Malabong mangyari, dahil kagaya nila, malakas din ang kanilang koneksyon ngayon. Marami rin silang tauhan, at kayang-kaya nilang makipagsabayan sa kanilang mga kalaban.Gusto nila ang hustisya. Kaya kung galit ang mga ‘to, mas galit ang mga kasama ko.Nakarinig ako ng putok ng baril. Kaya napatakip na

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 103

    Heislee Jean Velasco’s Point of View “Darius,” tawag ko sa kaniyang pangalan.May nauna na ring pumasok ngayon sa event hall, habang kami ni Darius ngayon ay nasa labas lamang.“Hmm?”Napasulyap ako sa hawak niyang baril nang lumingon siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagiging malambing niya sa akin ngayon, parang natatakot pa rin ako.Alam ko naman na sanay na sila sa ganito, pero hindi ko ap rin naman kasi talaga maiwasang matakot, eh. Siguro ay dahil alam kong hindi healthy ang ganitong environment sa kanila.May mga trauma sila, at alam kong hindi nakabubuti sa kanila ang mga ganito, kahit pa alam ko naman ang rason.“Ipangako mo sa akin na walang mangyayaring masama sa ‘yo,” sambit ko, habang nakatingin ngayon sa kaniyang mga mata. “Dapat wala kang sugat.”He pursed his lips. Nakita ko rin ang pagkislap ng kaniyang mga mata, pero nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Hindi nagsasalita.“Mangako ka sa akin, Darius.”Lumapit naman siya sa akin, at hinalikan ka

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 102

    Heislee Jean Velasco’s Point of View “I found him,” bulong ni Darius sa aking tabi.Biglang naging alerto ang lahat, habang ako naman ay hindi ko alam kung dapat ba akong mabahala lalo na nang umayos ang lahat ng kanilang upo.Tumayo si Darius. Kaya napatayo rin ako. Napalingon tuloy siya sa akin nang salubong ang kaniyang mga kilay, pero hilaw lang akong ngumiti sa kaniya.Hindi ako puwedeng magpaiwan dito kung alam ko naman na susundan niya ang lalaking ‘yon. Alam ko naman na mas ligtas ako kung nandito ako kasama ng kaniyang mga kapatid. Pero hindi ko naman siya puwedeng iwan na lang nang basta-basta.“Sama ako,” saad ko naman sa kaniya.Mahina lang ang pagkasabi ko roon, pero kung sakali man na nakabukas ang microphone niya, alam kong narinig ng mga kasama niya ‘yon.“Love…”Kumapit lang ako sa kaniyang braso, dahil ayaw ko rin naman talagang maiwan. Wala lang siyang nagawa sa huli, dahil mapilit ako.Kaya habang nandito kami ngayon sa hallway, minsan ay napalilingon ako sa aking

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 101

    Heislee Jean Velasco’s Point of View Kagaya nga ng sinabi ni Darius, nagpatawag talaga siya ng medics para sa akin. Hindi ko maiwasang makaramdam nang hiya lalo pa’t may napatitingin sa aming gawi ang iba pang mga bisita.Although, hindi naman halata na nurse nga ‘tong lumapit sa akin, at sinusuri ako, pero parang gusto ko pa ring magpakain ngayon sa lupa.“Hindi naman kasi kailangan—”“I saw what happened. Tingin mo hindi ko papansinin ‘yon?” sagot niya sa akin.Kinagat ko na lamang ang aking ibabang labi, pero napasulyap lamang siya roon. Kaya mabilis kong inilihis ang aking mga mata.“Are you okay?” tanong sa akin ni Jasmine, at halata ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. “Hindi na ba talaga masakit ang likod mo? Masama ang pagkakatama ng likod mo sa dingding kanina.”Ngumiti lang ako nang tipid sa kaniya.Sa katunayan ay hindi ako makapaniwala na nagawa kong saksakin ang balikat ng gagong ‘yon. Nanginginig lang ako kanina, pero nagawa kong sugurin ang lalaking ‘yon. Ni hindi ko m

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 100

    Heislee Jean Velasco’s Point of View Nagmadali kaming maglakad patungo sa dulo ng hallway. Doon nanggagaling ang boses, at habang palapit kami nang palapit doon, kumakabog nang malakas ang aking puso.“Tingin mo ay may tutulong sa ‘yo?”Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. She’s fighting for her life. Ni hindi ko man lang ‘yon masikmura lalo na’t lalaki ang nagsasalita, at ang malala pa ay parang may katandaan din ‘to.“Walang makakarinig sa ‘yo rito. Kahit sumigaw ka pa nang sumigaw, hindi ka nila maririnig.”Akala yata ng lalaking ‘to ay walang pupunta sa powder room. Hindi nag-iisip. Alam na may event dito, tapos sasabihin niya ang bagay na ‘yon?Pagkarating namin sa doon, nakita naming pilit niyang itinataas ang damit ng waitress kanina.Magulo ang kaniyang buhok, at higit sa lahat ay umiiyak na ‘to, at nagmamakaawa sa matandang lalaki.Nang sulyapan ko ang kaniyang mukha, siya ‘yong lalaking nangbastos sa akin kanina.Ang gagong ‘to! Talagang utak manyakis?!Mabilis kong ina

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 99

    Heislee Jean Velasco’s Point of View “Powder room muna ako,” paalam ko kay Darius.Lumingon naman siya kaagad sa akin, at nagtangkang tumayo, pero umiling lamang ako sa kaniya.“Dito ka na lang.”“What?” gulantang na tanong niya, pero ngumiti lamang ako nang matamis sa kaniya.“May mga tauhan naman kayo rito, hindi ba?” tanong ko sa kaniya.Alam ko ring napalingon na ang kaniyang mga kasama sa aming gawi, pero hindi ako lumingon sa kanila. Bagkus ay inabot ko pa ang kaniyang pisngi, at hinaplos ‘to.“Saglit lang naman ako.”“Love, it’s dangerous,” angal nito, pero umiling lang talaga ako. “Sasama ako.”“Darius, it’s fine. May mga tauhan naman kayo rito. Kapag kasi sumama ka, baka hindi niyo mahanap ‘yon,” paalala ko sa kaniya.Kaya nga sila nandito ngayon, dahil sa mission nila. Kung sasama siya sa akin, hindi ba ay parang makagugulo lang ako sa mission niya?Alam ko naman na ginagawa lang niya ‘to para protektahan ako, pero hindi ‘to ang tamang oras para sumunod siya sa akin.Hahana

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 4

    Heislee Jean Velasco’s Point of ViewNalaglag ang aking panga nang matagpuan ko ang aking sarili na nakasunod sa kaniya papunta sa parking lot.Ni wala nga akong maalala na pumayag akong samahan siya sa kung saan man siya pupunta, eh. Kaya medyo nakagugulat. Hindi ko ‘to inaasahan.Ang nakapagtatak

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 3

    Heislee Jean Velasco’s Point of View“What the actual fuck?” gulantang kong sambit, habang nakatitig sa kaniyang mga mata, at bahagyang nanglaki ang aking mga mata.Ipinilig lamang niya ang kaniyang ulo nang marinig niya ang aking sinabi. Mas inilapit nga niya ang kaniyang mukha sa akin. Tila hindi

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 2

    Heislee Jean Velasco’s Point of View“What the heck?!” malutong kong mura nang bigla na lang ulit lumitaw ang isang big bike sa aking gilid. “Bigla-biglang susulpot? Kamote ba ‘tong driver?”Inis akong umirap, at piniling pakalmahin ang aking sarili. Minsan na nga lang akong mag-drive ng sasakyan,

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 1

    Heislee Jean Velasco’s Point of View “You’re soaking wet, woman.” I groaned when I felt his finger on my clit, teasing me. Napatingala ako nang bumaba ang halik niya sa aking leeg. His tongue was twirling on my neck. And when I didn’t create a seductive noise, he suddenly bit my neck just to hear

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status