Home / Romance / The Billionaire's Last Alibi / Chapter 7- The Girl in the Photograph

Share

Chapter 7- The Girl in the Photograph

Author: Meindy
last update publish date: 2026-10-24 22:34:51

“Before I even became a detective.”

Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Seraphina ang sarili niyang mga salita habang nakatitig sa lumang litrato. Nanginginig ang mga daliri niya at kahit pilit niyang pinanatiling kalmado ang mukha, hindi niya maitatago ang takot na unti-unting gumagapang sa dibdib niya.

Sa litrato, isang batang Seraphina ang nakangiti sa tabi ng kanyang ama. Sa likuran nila ay may isang babaeng nakasuot ng puting damit, may mahabang buhok at maamo ang mukha.

Si Evelisse Draventh, ang babaeng dalawang taon nang ipinagluksa ni Kaelvian. Ang babaeng nakita nilang buhay sa ilalim ng Aurelith Grand Hotel at ang babaeng tila bahagi ng nakaraan ni Seraphina.

“Where was this taken?” tanong ni Kaelvian. Pilit niyang pinananatiling mababa ang boses, pero halata ang tensiyon sa kanyang panga.

“Sa isang police charity event. I was seven years old.” Tinitigan ni Seraphina ang litrato. “I remember that day. My father told me someone important would be there, but I don't remember meeting her.”

“Maybe you did.”

“Or maybe someone made sure I wouldn't remember.”

Natahimik silang dalawa. Hindi iyon basta hinala. Kung totoo ang mensahe tungkol sa memory wipe, posibleng hindi lamang si Evelisse ang biktima. Posibleng may mga alaala ring binura sa ibang tao—mga alaalang may kakayahang maglantad sa mga taong nasa likod ng Project Seven.

At kung isa si Seraphina sa mga taong iyon, hindi na simpleng imbestigasyon ang ginagawa niya. Baka sarili niyang buhay na ang iniimbestigahan niya.

“Let me see that,” sabi ni Kaelvian.

Iniabot niya ang litrato. Maingat itong sinuri ni Kaelvian, saka inilapit sa ilaw ng storage room.

“Look at the corner.”

May maliit na simbolo sa ibabang bahagi ng litrato—isang numerong pito na nakapaloob sa bilog. Sa tabi nito ay may bahagyang kupas na petsa.

NOVEMBER 14 — PROJECT SEVEN.

Napaatras si Seraphina.

“That's impossible. Hindi pa ako detective noon. Wala akong alam tungkol sa Project Seven.”

“Neither did I,” sagot ni Kaelvian. “Until someone decided to turn my mother's death into a lie.”

Matalim ang mga mata niya, pero sa ilalim ng galit ay naroon ang isang bagay na hindi niya kayang itago—takot.

Takot na baka ang ina niyang natagpuan niya ay hindi na maibalik sa dati. Takot na baka may mas masahol pang katotohanang naghihintay sa kanya. At takot na baka ang ama niyang pinagkatiwalaan niya sa buong buhay niya ay isa sa mga taong sumira sa kanilang pamilya.

“Seraphina,” mahina niyang tawag.

Napatingin siya rito.

“Whatever happens next, don't go after your father alone.”

Napataas ang isang kilay niya. “Excuse me? I'm the detective here.”

“And I'm the billionaire whose mother is being held in a secret underground facility. I think we both have questionable judgment.”

Sa kabila ng bigat ng sitwasyon, napasinghap si Seraphina na parang gustong matawa.

“Wow. Marunong ka palang umamin ng pagkakamali.”

“Only when I'm trying to impress someone.”

Natigilan siya.

“Are you trying to impress me, Draventh?”

Bahagyang yumuko si Kaelvian, sapat para mapansin niya ang maliliit na pekas sa pisngi nito at ang pagod sa ilalim ng mga mata nito.

“Is it working?”

Saglit na natigilan si Seraphina bago niya iniwas ang tingin.

“Absolutely not.”

“Your ears are turning red.”

“It's the lighting.”

“Of course, Detective.”

“Say one more word and I'll arrest you.”

“Then I'll have to ask you to handcuff me personally.”

Napatitig siya rito.

“Kaelvian!”

Napangiti ang lalaki, at sa unang pagkakataon mula nang makita niya ang kanyang ina sa likod ng salamin, nakaramdam siya ng bahagyang gaan sa dibdib. Hindi niya alam kung kailan naging ganito kadali para kay Seraphina na makalusot sa mga pader na itinayo niya sa paligid ng sarili niya. Hindi niya rin alam kung bakit, sa kabila ng lahat ng panganib, gusto niyang manatili ito sa tabi niya.

Ang alam lamang niya, sa bawat pagkakataong hinahawakan siya nito, mas nagiging mahirap ang magpanggap na wala siyang nararamdaman. At iyon ang mas nakakatakot kaysa sa anumang lihim na naghihintay sa kanila.

“Enough flirting. We need answers,” mariing sabi ni Seraphina habang inilalagay ang litrato sa evidence envelope.

“Flirting? I thought you said I wasn't impressing you.”

“Keep talking and I'll make sure you never speak again.”

“Noted.”

Kinuha ni Seraphina ang phone niya at sinubukang tawagan ang kanyang ama. Isang ring. Dalawa. Tatlo.

Walang sumagot. Sa halip, isang bagong mensahe ang pumasok mula sa hindi kilalang numero.

UNKNOWN: If you want to know what happened on November 14, go to the house where the first alibi was created.

Kasunod nito ang isang address.

VEYLORA RESIDENCE — PRIVATE WING.

Naramdaman ni Seraphina ang paglamig ng kanyang mga kamay.

“That's my father's private residence.”

“Where your mother is supposedly being kept?” tanong ni Kaelvian.

“Possibly. The medical record we found listed it as Evelisse's transfer destination.”

“Then we're going there.”

“Not without a plan.”

“Fine. What's the plan?”

Tumingin siya rito. “We enter quietly, find the records, and leave without alerting your father or anyone working for him.”

Tumango si Kaelvian. “Sounds reasonable.”

“Good.”

“Can I add one thing?”

“What?”

“Try not to get yourself killed. I'm starting to like having you around.”

Nawala ang ngiti ni Seraphina. Hindi dahil ayaw niya sa sinabi nito. Kundi dahil may kakaibang init na kumalat sa dibdib niya, isang damdaming hindi niya kayang pangalanan nang hindi isinusugal ang kontrol na matagal niyang pinaghirapang panatilihin.

“Don't say things like that,” bulong niya.

Bumagal ang paghinga ni Kaelvian.

“Why?”

“Because I might start believing you.”

Sa pagkakataong iyon, walang nakahandang biro ang lalaki. Marahan niyang hinawakan ang kamay ni Seraphina.

“Then believe me when I say this,” sabi niya. “I won't let anything happen to you.”

Tumingin siya sa kanilang magkahawak na mga kamay.

“Don't make promises you can't keep, Kael.”

“I've broken enough promises in my life.”

“Then don't break this one.”

Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ilang pulgada lamang ang pagitan nila, at sa isang saglit ay tila nakalimutan nilang nasa loob sila ng isang storage room, hinahabol ng mga taong posibleng may hawak ng kapalaran ng kanilang mga pamilya.

Dahan-dahang umangat ang kamay ni Kaelvian, para bang nais niyang haplusin ang pisngi ni Seraphina. Ngunit bago pa niya ito magawa, tumunog ang phone nito.

Pareho silang napapitlag. Isang tawag mula kay Cassian.

“Please tell me you're not doing something stupid,” bungad ng kaibigan niya.

“Define stupid.”

“Seraphina, may mga pulis sa labas ng Blackthorn office mo. They have a warrant for your arrest.”

Nanlamig siya. “For what charge?”

“Unauthorized access to restricted police records, theft of classified evidence, and obstruction of an active investigation.”

Napatingin siya kay Kaelvian.Someone had framed her. At ang taong iyon ay may sapat na kapangyarihan para gamitin ang buong police department laban sa kanya.

“Cassian, listen carefully,” sabi niya. “Don't go near my office. Delete nothing, touch nothing, and stay away from anyone asking about me.”

“Too late,” sagot nito, biglang naging seryoso ang boses. “May isang lalaki rito. He says he has a message from your father.”

“Ano'ng pangalan?”

“Hindi niya sinabi. Pero may dala siyang badge.”

“Anong badge?”

Saglit na katahimikan.

“Chief Inspector Alaric Veylora.”

Napahigpit ang hawak ni Seraphina sa phone.

“Cassian, get out of there. Now!”

Naputol ang tawag. Kasunod nito, isang video ang dumating mula sa parehong unknown number.

Pinindot ni Seraphina ang play.

Nakita nila ang isang silid na may puting pader. Isang batang babae ang nakaupo sa kama, nakayakap sa sarili, habang may lalaking nakasuot ng laboratory coat na nagsasalita sa labas ng frame.

“Subject response remains unstable. Begin the next phase.”

Unti-unting lumingon ang bata sa camera. Napatakip ng bibig si Seraphina dahil Siya ang batang iyon , pitong taong gulang.Umiiyak siya at nanginginig. Pagkatapos, narinig nila ang boses ng isang babae.

“Seraphina, listen to me. Kapag nagising ka, may mga bagay kang hindi na maaalala. Pero huwag mong kalimutan ang isang bagay.”

Lumapit ang babae sa camera na si Evelisse Draventh.

“Your father isn't the man you think he is.”

Biglang nag-black ang video. Sa ilalim ng screen ay may lumitaw na huling mensahe.

SUBJECT SV-07: MEMORY SUPPRESSION SUCCESSFUL.

Hindi makahinga si Seraphina.

SV-07.

Sarili niyang pangalan, nakatala bilang isang subject sa Project Seven.

Dahan-dahang lumapit si Kaelvian at inalalayan siya nang mapansin niyang nanghihina ang mga tuhod nito. “Seraphina, look at me. You're here. You're safe.”

Pero tila hindi siya naririnig ng babae.

“Kael…” nanginginig niyang sabi. “What if everything I remember is a lie?”

Hinawakan ni Kaelvian ang mukha niya nang marahan, sapat para maibalik ang tingin nito sa kanya.

“Then we'll find the truth together.”

“Even if it destroys my family?”

Hindi nag-atubili ang sagot niya.

“Even then.”

Pumatak ang isang luha sa pisngi ni Seraphina. Pinunasan iyon ni Kaelvian gamit ang hinlalaki niya, at saglit na nanatili ang kamay nito sa mukha ng babae.Hindi siya lumayo. Hindi rin siya binitiwan ni Seraphina.

At sa gitna ng takot at pagdududa, may isang katotohanang unti-unting nabubuo sa pagitan nila—isang bagay na mas mahirap itago kaysa sa anumang sikreto.

Pero hindi nila alam na may isang taong nakamasid sa kanila mula sa security camera ng storage room.

Sa kabilang dulo ng lungsod, nakaupo si Alaric Veylora sa isang madilim na opisina, hawak ang parehong litrato nina Seraphina at Evelisse.

“Sir,” sabi ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan, “they've seen the recording.”

Dahan-dahang ibinaba ni Alaric ang litrato.

“Then it's time.”

“Time for what?”

Tumingin siya sa salamin, sa repleksiyon ng isang lalaking matagal nang natutong itago ang kanyang tunay na mukha.

“Time to remind my daughter who she was before we erased her memories.”

Kinuha niya ang isang folder mula sa drawer at binuksan ito. Sa unang pahina ay may larawan ni Seraphina, may pulang marka sa noo.

Sa ibaba nito ay nakasulat:

PROJECT SEVEN — SUBJECT SV-07.

STATUS: REACTIVATION AUTHORIZED.

At sa huling linya, may isang utos na magpapabago sa lahat.

“SEPARATE HER FROM KAELVIAN DRAVENTH BY ANY MEANS NECESSARY.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Last Alibi   CHAPTER 11 -The Chief’s Confession

    “Ask her what she did at 11:47 PM.”Paulit-ulit na naglalaro sa isip ni Kaelvian ang mensaheng iyon habang nakatitig sa litrato ni Seraphina na hawak ang baril sa Room 2701.Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot sa babaeng minamahal niya o sa katotohanang maaaring tuluyan silang paghiwalayin.“Kaelvian?”Nasa harap niya si Seraphina, namumula ang mga mata at mahigpit ang pagkakayakap sa sarili. Kanina pa niya sinusubukang ipaliwanag na hindi niya maalala ang gabing iyon, pero hindi niya masisisi si Kaelvian kung nahihirapan itong maniwala.“May kailangan akong gawin,” malamig niyang sabi habang kinukuha ang susi ng sasakyan.“Saan ka pupunta?”“Sa taong posibleng may sagot sa lahat ng tanong natin.”“Your father?”Tumango siya.“Hindi na ako makapaghihintay, Seraphina. Kung may alam si Alaric tungkol sa nangyari sa mom ko, ngayong gabi ko siya haharapin.”“Then I'm coming with you.”“Hindi.”Napaatras si Seraphina sa matigas na tono niya.“Hindi mo ako pwedeng pagbawalan, Kaelv

  • The Billionaire's Last Alibi   10-The Man in the Footage

    “Kael…”Halos hindi lumabas ang pangalan mula sa bibig ni Seraphina.Nakatitig siya sa tablet, sa lalaking nasa CCTV footage na kamukhang-kamukha ng lalaking katabi niya ngayon. Parehong matalim ang panga. Parehong tindig. Parehong paraan ng paghawak sa black-and-gold keycard.Si Kaelvian Draventh.Ang lalaking hinalikan niya ilang minuto lamang ang nakalipas.Ang lalaking pinili niyang pagkatiwalaan kahit ang buong mundo nila ay binubuo na ng mga kasinungalingan. At ang lalaking posibleng may kinalaman sa pagkawala ng kanyang ina.“Tell me that's not you,” nanginginig niyang sabi.Hindi sumagot si Kaelvian.Hindi dahil wala siyang gustong sabihin, kundi dahil hindi rin niya maintindihan ang nakikita niya.“Kaelvian!” Napaatras si Seraphina, hawak pa rin ang tablet. “Look at me and tell me that's not you!”“I don't know.”Tatlong salitang mas masakit kaysa sa anumang kasinungalingan.Napailing siya. “You don't know?”“I have never been in that room on November 14. I was in London that

  • The Billionaire's Last Alibi   Chapter 9-One Hour to Lose You

    “Want Seraphina back? Bring us the original Room 2701 footage. Alone.”Isang oras.Iyon lang ang ibinigay nila kay Kaelvian Draventh para iligtas ang babaeng unti-unti nang nagiging pinakamahalagang tao sa buhay niya.Napapikit siya habang umaagos ang dugo mula sa gilid ng kanyang labi. Nakagapos ang mga kamay niya sa likod ng upuan, at ang ulo niya ay mabigat pa rin mula sa tama na natanggap niya bago siya nawalan ng malay.Pero hindi ang sakit ang iniisip niya kundi si Seraphina.Ang huling sigaw nito bago sila pinaghiwalay. Ang mga daliring saglit niyang nahawakan bago ito tuluyang nawala sa kanya.Please, be alive.“Touch her, and I'll burn this entire empire to the ground,” bulong niya sa madilim na sasakyan.Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang lalaking naka-black suit na nakita niya sa storage room. May hawak itong tablet at isang maliit na pistol.“Sentimental, aren't we, Mr. Draventh?”Tumingala si Kaelvian, malamig ang mga mata.“Untie me.”The man laughed. “You don't seem

  • The Billionaire's Last Alibi   CHAPTER 8-The Man Who Stole Her Memories

    “SEPARATE HER FROM KAELVIAN DRAVENTH. BY ANY MEANS NECESSARY.”Tatlong beses binasa ni Seraphina ang mensaheng nasa screen, pero hindi pa rin niya kayang tanggapin ang nakikita niya.SV-07.Memory Suppression Successful.Project Seven.Lahat ng ito ay may kinalaman sa kanya.“Seraphina?”Narinig niya ang boses ni Kaelvian, pero parang nagmula iyon sa napakalayong lugar. Nakatingin pa rin siya sa video na paulit-ulit nang pinapatugtog sa isip niya. Ang batang umiiyak. Ang babaeng nagbabala sa kanya. Ang boses ng isang lalaking nagsabing may mga bagay siyang hindi na maaalala.At ang pinakamasakit sa lahat—ang mukha ng kanyang ama.“Tell me it's fake,” bulong niya.Hindi sumagot si Kaelvian.“Please.” Napatingin siya rito, namumuo ang luha sa kanyang mga mata. “Sabihin mo lang na may ibang paliwanag. Na hindi ako ginawang experiment ng sarili kong ama.”Naramdaman ni Kaelvian ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya. Gusto niyang bigyan ito ng sagot. Gusto niyang sabihin na may pagkak

  • The Billionaire's Last Alibi   Chapter 7- The Girl in the Photograph

    “Before I even became a detective.” Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Seraphina ang sarili niyang mga salita habang nakatitig sa lumang litrato. Nanginginig ang mga daliri niya at kahit pilit niyang pinanatiling kalmado ang mukha, hindi niya maitatago ang takot na unti-unting gumagapang sa dibdib niya. Sa litrato, isang batang Seraphina ang nakangiti sa tabi ng kanyang ama. Sa likuran nila ay may isang babaeng nakasuot ng puting damit, may mahabang buhok at maamo ang mukha. Si Evelisse Draventh, ang babaeng dalawang taon nang ipinagluksa ni Kaelvian. Ang babaeng nakita nilang buhay sa ilalim ng Aurelith Grand Hotel at ang babaeng tila bahagi ng nakaraan ni Seraphina. “Where was this taken?” tanong ni Kaelvian. Pilit niyang pinananatiling mababa ang boses, pero halata ang tensiyon sa kanyang panga. “Sa isang police charity event. I was seven years old.” Tinitigan ni Seraphina ang litrato. “I remember that day. My father told me someone important would be there, but I don't

  • The Billionaire's Last Alibi   Chapter 6-The Truth Behind the Glass

    “Don’t trust your father. He was the one who brought me here.”Parang may malamig na kamay na humawak sa puso ni Kaelvian. Ilang segundo siyang hindi nakagalaw. Nakatitig lang siya sa babaeng nasa kabilang panig ng salamin—sa matang dalawang taon niyang hinanap sa bawat litrato, sa bawat panaginip, at sa bawat gabing sinisisi niya ang sarili sa hindi pagsagot sa huling tawag nito. “Mom…” His voice cracked. “Please, sabihin mong hindi mo talaga ako nakalimutan.” “Kael…”Nanginginig ang mga daliri ni Evelisse habang nakadikit ang palad niya sa salamin. Isang pangalan. Isang bulong. Pero sapat iyon para tuluyang mabasag ang depensang matagal nang itinayo ni Kaelvian sa paligid ng sarili niyang damdamin. “I'm here, Mom. Nandito na ako.” Lumapit siya sa salamin, halos hindi na makahinga. “I'm going to get you out. I promise.”Biglang umilaw ang pulang emergency lights sa buong corridor.SECURITY BREACH. SUBJECT EV-01 MUST BE SECURED. “Damn it!” Napaatras si Seraphina nang magsimula

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status