LOGIN
“Narinig mo ba? Yung childhood sweetheart daw ni Attorney Ferrer… nais daw tumalon mula sa rooftop ng hotel? Gustong magsuicide?”
Sumayad ang bulungan ng mga bisita sa pinto, at para bang may matulis na pangil na tumusok sa puso ni Erin.
Napakaraming beses na itong ginawa ni Menchie. Dapat ay manhid na siya. Dapat..
Pero ngayong araw… ibang iba ang naramdaman niya.
Ngayon ang kasal nila ni William. Ang araw sana na pinakamasaya sa kanyang buhay!
At sa lahat ng araw na maaari nitong sirain, ngayon pa talaga? Isang tahimik ngunit malupit na mensahe ang ipinaparamdam ng babae sa kanya: na sa pagitan nilang dalawa, si Menchie pa rin ang pipiliin ng fiancé niya.
Gaya ng dati..
Limang taon silang magkasintahan ni William, at sa bawat anibersaryo, sa bawat sandaling ipinagdiriwang nila ang pagmamahalan nila, sa bawat okasyong darating, palaging may eksenang dramatiko si Menchie. At ang lalaki—walang mintis—ay iiwan siya para alalayan ang babaeng iyon.
At si Erin? Lagi na lang siyang natitira sa likod. Nahihiya. Natatalo.
Ngayon ang huli. Ito ang tanging pagkakataong ibinibigay niya kay William. Kapag lumakad palabas ang lalaki para puntahan si Menchie, ngayong mismong araw ng kasal nila… tapos na ang lahat sa kanila. Hindi na siya babalik sa buhay nito kahit kailan.
“If she wants to die, let her die! What’s the point of calling me?”
Nanlamig ang batok ni Erin sa narinig. Bahagyang nakabukas ang pintuan kung saan naroroon si William; dumulas sa makitid na awang ang malamig at matigas na tinig ng lalaki. Sa sumunod na saglit, humina na ang boses nito, parang alingawngaw na lang ng bubuyog na umiikot sa kanyang pandinig.
Ibinaba ni William ang tawag bago naglakad pababa ng hagdanan.
At nang lumitaw ito sa harap niya—kalma, walang bakas ng pag-aalinlangan at parang walang inaalala—sumiklab ang kaba sa dibdib ni Erin.
Ibig sabihin ba nito… hindi nito balak puntahan si Menchie? At ngayon, siya na ba talaga ang pipiliin ng lalaki? Halos pumalakpak ang tainga niya sa sobrang saya!
Tama ang ultimatum na ibinigay ni Erin sa kanilang relasyon: ito ang huling pagkakataon. At sa sandaling iyon, tila umaayon sa kanya ang tadhana. Sa wakas, may pag-asa siyang hindi siya muling bibiguin ni William.
“Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ng lalaki, walang kaabot-abot na emosyon sa mukha; malamig ang kanyang mga mata. “Malapit na ang kasal. Ready ka na ba?”
Kahit ganoon ang tono at ugali ng lalaki, hindi mapigilan ni Erin ang matuwa. Matagal na niyang alam na may emotional detachment si William—madalas itong walang pakialam sa nararamdaman ng iba. At kahit masakit, tinanggap niya iyon. Minahal niya ang lalaki sa kabila ng mga kakulangan nito.
Mula sa simpleng crush… naging relasyon… at ngayon, kasal na talaga nila. Pakiramdam ni Erin ay natupad na sa wakas ang pinakamailap niyang pangarap.
At alam niyang may halaga siya kay William. Kung wala, bakit siya nito pakakasalan?
Hinawakan niya ang braso ng lalaki, kumikislap ang kanyang mga mata habang nagsasalita, “Sa wakas, honey… ikakasal na tayo ngayon.” Halos tumalon ang tuwa sa kanyang tinig.
“Alam ko.”
Isang diretso, malamig, walang pagbabago. Parang wala lang.Bago pa man mahipo ni Erin ang anumang pag-aalinlangan sa kanyang dibdib, bumukas ang pinto ng event hall. Dito sila ikakasal—sa mismong reception area. Simple lang, pero iyon ang gusto niya. Wala siyang hinihiling kundi ang makasama si William sa altar. Sa harapan, naghihintay ang pari sa kanila.
“Ngayon, i-welcome natin ang ating soon-to-be Mr. and Mrs. Ferrer!” masiglang anunsyo ng emcee, binubuhay ang tahimik na lugar.
Nagpalakpakan ang mga bisita.
Agad napahawak si Erin sa braso ni William at naglakad sila patungo sa altar. Walang maraming seremonyas, diretso na sa main event! Nakapinta sa kanyang mukha ang saya, ang kilig, ang pag-asang ito na ang simula ng bago nilang buhay.
Paglapit nila sa altar, muling nagsalita ang emcee.
“Ngayon ay—”
Hindi na niya natapos ang pangungusap.
Tumunog muli ang cellphone ni William.
At sa isang iglap, napawi ang ngiti sa labi ni Erin. Ang ringtone na iyon… iisa lang ang may karapatang gumamit niyon.
Menchie.
Dahan-dahang hinugot ni William ang cellphone mula sa bulsa ng kanyang coat. Walang pag-aalinlangan, walang tingin kay Erin, sinagot niya ang tawag.
“Bakit?”
Nais sanang iligtas ng emcee ang tahimik na pagkailang sa loob ng hall—gawing biro ang biglaang pagsagot ni William—ngunit napakabilis ng sumunod na nangyari.
“Pupunta na ako diyan.”
Diretsong sinabi iyon ni William, malamig, walang alinlangan. At bago pa maunawaan ng lahat ang nangyayari, bumaba siya ng stage—walang paalam, walang tingin man lang sa bride to be na nakatayo sa tabi niya.
Nag-umpisa ang bulungan sa paligid. May nagtakip ng bibig, may nag-angat ng kilay, may nagpaawang ng labi sa gulat.
“Don’t go!” habol ni Erin,habang hawak ang laylayan ng kanyang wedding gown, pinipilit abutin ang lalaki. Nanginginig ang tinig niya, puno ng pagkadurog. “Sabi mo… ito na ang huling pagkakataon mo. Sabi mo ako na ang priority mo, William…”
Huminto si William. Bahagyang sumimangot, tila napilitan lang makinig. May bakas ng pag-aalinlangan sa kanyang mukha, pero saglit lang iyon.
“Tumalon talaga si Menchie sa building, diyan lang sa malapit..” mahinang sabi niya, parang nagpapaliwanag pero walang emosyon. “Pupuntahan ko muna siya. Ikaw na bahalang gumawa ng excuse sa mga bisita… Babalik ako kaagad.”
“William!” Napakapit si Erin sa braso niya, mahigpit at desperado—halos ibaon ang mga kuko sa kanyang balat. “Kung aalis ka ngayon para puntahan siya… hindi na natin itutuloy ang kasal. Wala nang kasalang magaganap.”
Parang kidlat ang tensiyong bumalot sa pagitan nila.
Marahas na inalis ni William ang kamay nito. “Kung gano’n—bahala ka. Wala akong pakialam sa pananakot mo. Maging makatao ka naman, Erin!”
Para itong sampal na walang tunog. Napaupo halos si Erin sa bigat ng sakit na kumalabog sa dibdib niya. Naluha ang kanyang mga mata, at sa ilang saglit lang, dumaloy ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.
Sandali lang—isang iglap—napakunot ang noo ni William nang makita ang luhang iyon. May bahagyang pag-awang ng konsensya. Pero tulad ng dati, hindi iyon sapat para pigilan siya.
Kailangan niyang puntahan si Menchie.
At sa totoo lang, kampante siya. Alam niyang hindi siya hihiwalayan ni Erin. Alam niyang hindi siya kayang bitawanng babae. Obsess ito sa kanya.. Nasobrahan na ito sa pagmamahal—at iyon ang dahilan kung bakit siya sigurado na tinatakot lang siya ng babae.
Kahit pa galing sa mayamang pamilya si Erin—isang babaeng lumaki sa luho at kapritso—iniwan nito ang lahat. Sumunod ito sa kanya, at iniwan ang sariling pamilya. Ganoon siya kamahal ng babae.. Hindi nito kayang mawala siya.
At ang tanging kapalit na hinihingi ni Erin?
Na pakasalan niya ito balang araw.
At dahil nandito na sila… akala ni Erin, iyon na ang sagot.
Ngunit sa harap ng desisyong ito, unti-unting guguho ang pangarap na iyon.
Si Menchie—ang babaeng palaging nagdudulot ng gulo sa kanilang relasyon—at si William, palaging nandoon upang linisin ang kalat nito. At si Erin? Tinitiis ang lahat. Inuuna ang pang-unawa kaysa sa sakit na unti-unting kumakain sa kanya.
Pero ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat. May hangganan na siya.
Tahasan siyang nagbanta: “Kapag umalis ka, tapos na tayo.” Ito ang unang beses na naglagay siya ng matibay na boundary.Subalit si William… hindi niya maaaring pabayaan si Menchie. Hindi pagkatapos ng lahat ng pagtatangkang ito. Hindi kapag may banta na naman sa buhay nito.
Hindi niya maaaring pabayaan si Erin na magkamali sa sariling determinasyon dahil lang sa galit ito—gano’n ang iniisip niya.
Bubuka pa lang ang bibig niya upang magsalita nang muling tumunog ang kanyang cellphone.
At sa sandaling iyon—walang tingin, walang paliwanag—tumakbo siya palabas ng venue.Napatingin ang mga bisita sa isa’t isa.
Hindi makapaniwala.“Tumatakas ang groom!!”
Nang magsimula nang mag-ingay ang buong hall, pinunasan ni Erin ang kanyang mga luha. Pinilit niyang patatagin ang sarili. Lumapit siya sa emcee na tila natulala pa rin dahil sa gulo. Maingat niyang kinuha ang mic, humugot ng hininga, at diretsong nagsabi:
“Ladies and gentlemen… I’m sorry. The wedding is off.”
At doon, tuluyang sumambulat ang kaguluhan. Nag-ingay ang mga bisita, may mga napabulalas, may mga napaawang ang labi sa gulat, may mga nagbubulungan.
Naramdaman niya ang mga titig ng awa. Ang mga tinging puno ng simpatya. Pero wala na siyang pakialam.
Alam niya kung ano ang susunod: pagtatawanan siya ng buong lugar.
Ang babaeng umiibig nang sobra. Ang babaeng iniwan sa altar. Ang babaeng naghintay, nagbigay, nagmahal—pero tinalikuran pa rin.Tumakbo si Erin palabas, halos hindi na niya ramdam ang lupa dahil sa pakiramdam na pagiging lutang. Sa di-kalayuang hotel, may mga nag-uumpukang tao—malakas ang sigawan, may flashing lights, may tensyon.
At doon, sa gitna ng pulutong ng mga tsismoso at rescuer, nakita niya si William.
Inaalo si Menchie, habang unti-unti itong ibinababa mula sa air cushion ng mga rescuer.
Ang babae—nakasuot din ng wedding gown—may namumulang mga mata at nanginginig sa pag-iyak.“William… How could you leave me alone?” halos mapigtal ang tinig ni Menchie habang patuloy ito sa paghikbi. “Di ba… nangako tayo na magsasama tayo habang buhay?”
“Kailan mo ba ititigil ’tong kalokohan mo?” nanlamig ang boses ni William, nakasimangot ngunit gaya ng dati—walang anumang ekspresyon.
Hinawakan ni Menchie ang mukha niya, diretso, walang pag-aalinlangan. “I don’t know…” nanginginig ang boses nito.
At doon—parang may sumaksak sa puso ni Erin.
Noong bata pa sila, minsan niyang hinawakan ang mukha ni William. Tinitigan ito nang buong pagmamahal. Pero agad siyang itinulak palayo, at mariing sinabi ng lalaki:
“Hindi ko gustong may humihipo sa mukha ko.”
Doon unang nabasag ang puso niya. Doon niya unang naramdaman ang lamig ng taong minamahal niya. Hindi iyon malilimutan ni Erin—hindi kailanman.
Pero ngayon… ngayon ay iba.
Hindi gumalaw si William.
Hindi umiwas. Hindi nagalit.Hinayaan niya si Menchie na haplusin ang kanyang mukha. Hinayaan niyang manatili ang kamay nito sa kanya. At nang tumulo ang luha ni Menchie, mas lalo pang humigpit ang yakap ni William, para bang siya mismo ang nasasaktan.
At sa sandaling iyon…
sumabog ang panibagong piraso ng puso ni Erin.Napatingin si Erin sa papalapit ang ambulansiya, umiilaw ang pula’t asul sa malamlam na sikat ng araw.. Nakita niyang binuhat ni William si Menchie mula sa mga rescuer, marahang inalalayan, parang isang bagay na napakahalaga sa kanya—isang bagay na kailanman ay hindi naging si Erin.
At sa sandaling iyon, may malakas na kalabog sa dibdib niya.
Isang katotohanang tumama nang walang awa.Akala niya noon, ang pagiging malamig ni William ay bahagi lang ng pagkatao nito—isang pagkukulang na maaari niyang unawain, tanggapin, at unti-unting pagaanin. Akala niya, kapag sapat ang pasensya, sapat ang taon, at sapat ang pagmamahal… balang araw ay matutunaw din ang yelo sa puso nito.
Na darating ang araw na titingnan din siya ni William nang may init.
Na makikita rin siya nitong mahalaga. Na ang mga matang iyon—maganda pero walang emosyon—ay mapupuno rin ng saya… para sa kanya.Ngunit mali siya.
Lubos na mali.Ang realidad na pilit niyang tinatakasan ay dumamba sa kanya—malinaw, malinaw na malinaw:
May damdamin si William. Pero hindi iyon kailanman para sa kanya.Hindi siya naging tahanan ng lalaki.
Hindi siya naging choice. Hindi siya naging sagot.Napangiti si Erin, isang mapait at durog na ngiti, kasabay ng pagbagsak ng masaganang luha sa kanyang mga pisngi.
Limang taon niyang ipinaglaban ang lalaking iyon—pero ano nga ba siya sa buhay nito?Sa loob niya, may boses na tumatawa, mapanlait at totoo:
“Erin, ang tanga mo. Panaginip lang ang limang taon na ’yan. At ngayong nagising ka na… tumayo ka na.”Tahimik siyang bumalik sa lounge. Walang lingon, walang pag-aatubili. Hinubad niya ang kanyang wedding gown—isang bagay na minsang kumatawan sa pangarap, pag-asa, at pag-ibig na hindi niya kailanman nakuha. Ngayon, isa na lang itong tela ng ilusyon.
Nagpalit siya ng sarili niyang damit, ramdam ang bigat ng bawat paghinga.Sa labas, naroon pa rin ang kaguluhan—mga bulong, sigawan, at pagkalito ng mga bisita sa gulong nangyari sa kasal. Ngunit para kay Erin, naging hungkag ang lahat.
Wala na siyang pakialam.Sanay naman siya.
Sa buong buhay niya, walang ibang naging mas makapal ang mukha pagdating kay William kundi siya.Noong bata pa sila, buong tapang niyang sinundan ang binata—ang kilalang "genius" ng law department—at dahil doon, naging tampulan siya ng biro at pangungutya sa buong university. Tinawag siyang kapit-tuko, desperada, katawa-tawa. Ngunit hindi siya natinag. Kahit dapa, bumabangon siya. Kahit kahiya-hiya, nagpapakatatag pa rin siya.
Ngunit ngayong gabi.. Ang kanyang dream wedding na ikasal sa ilalim ng papalubog na araw, ay naunsiyami.. ngayon siya tuluyang nauntog at nagising sa katotohanan.
Ngayon dumugo ang sugat na matagal na niyang tinatakpan. Ngayon niya napatunayan kung ano ang ayaw niyang aminin sa sarili:Hindi siya gusto ni William.
Hindi kailanman.*****************
Nagtungo si Erin sa law firm nang walang bakas ng pag-aalinlangan sa mukha kinabukasan, ngunit mabigat ang bawat hakbang. Pagkarating sa kanyang mesa, tahimik niyang binuksan ang computer. Walang ibang tunog kundi ang mahinang ugong ng printer habang inilalabas nito ang kanyang resignation letter—isang papel na magtatapos sa limang taong relasyon at tatlong taong pakikipaglaban sa pagmamahal na siya lang ang may dala.
Dahan-dahan siyang huminga habang pinipirmahan ang dokumento, pilit na pinapakalma ang pagkabog ng kanyang dibdib. Pagkatapos, tumayo siya, kinuha ang papel, at marahang inilapag ito sa mesa sa loob ng opisina ni William. Walang sermon. Walang paliwanag. Isang malinis na wakas.
Tapos na. At ayaw na niyang bumalik.
Hindi pa siya nakakalayo nang biglang nag-vibrate ang kanyang telepono. Saglit siyang napatigil.
Si William.
Sinagot niya iyon..
“Nabalitaan ko na kinancel mo ang kasal natin,” bungad nito, malamig pero halatang pinipigilan ang sarili. “Bakit hindi mo sinabi nang maaga? Alam mo bang malaking iskandalo ito para sa firm? Dapat, sinabihan mo ako kaagad!”
Napahawak si Erin sa gilid ng mesa, pilit pinipigil ang panginginig ng kanyang kamay. Umakyat ang galit mula sa sikmura niya, patungo sa kanyang ulo.
“Bakit ko naman itutuloy ang kasal?” balik tanong niya, ang boses niya ay malamig—kalma pero mapanganib. “Gusto mo bang hintayin kita roon? Iniwan mo ako, William. Nakalimutan mo? Ikaw ang tumakbo—bitbit ang babaeng kailangan mong iligtas. Tapos ngayon, may lakas ka pang magtanong ng ganyan? Nasaan na ang hiya mo? Ang kapal ha!”
Natahimik si William. Ilang segundong wala siyang naisagot, na para bang ngayon lang niya naunawaan kung gaano kababa ang ibinagsak ni Erin dahil sa kanya. Mula pa noon, si Erin ang araw sa mundo niya—maingay, masigla, walang sawang nagmamahal. Ngayon lang niya ito narinig na parang tinatalikuran na siya.
“Kasalanan ko ang lahat,” sagot ni William, mabilis pero laging may kontrol. “Hindi ko dapat hinayaan na malagay ka sa ganoong sitwasyon.”
Mapait ang ngiting sumulpot sa labi ni Erin. Bakit nga ba niya naisip noon na ang isang lalaking hindi marunong umiyak, hindi marunong kumapit, ay matututong mahalin siya? Bakit siya umasa?
Tumingin siya sa resignation letter—ang huling pirma niya sa buhay na kasama si William.
“William, tungkol sa pagreresign ko—”
Hindi na niya iyon natapos. Isang malambing na tinig ang sumingit mula sa kabilang linya, malapit, malumanay, at walang pakialam sa sakit ng iba.
“William… masakit ang likod ko. Halika, masahihin mo naman ako.”
Parang tumigil ang oras.
Saglit na katahimikan ang bumalot sa paligid—bago nagsalita muli si William, ngayon ay may bahid ng pagkabalisa pero hindi pagdududa.
“Busy ako ngayon. Pag-uusapan na lang natin sa susunod.”
At isang maikling beep ang sumunod—isang tunog na parang pinto na tuluyan nang isinara sa pagitan nila.
At sa wakas, tuluyang natahimik ang linya.
Naglakad palapit si Erin at tinapik nang bahagya si Timothy sa balikat.Agad itong napabalikwas. Matapos ang sandaling pagkalito, naging matalas at alerto ang kanyang mga mata. Nang makita niyang si Erin ito, agad na nawala ang bagsik sa kanyang tingin. Umupo siya nang medyo balisa, at pilit na itinago ang sugatang kamay sa likuran.“Bakit hindi ka doon tumitira sa ipinaayos ko para sa iyo?” tanong ni Erin.Ibinaba ni Timothy ang kanyang tingin, tila itinatago ang nararamdaman sa likod ng kanyang mahahabang pilikmata. Mahina ang kanyang boses. “Mas… ligtas dito.”Tiningnan ni Erin ang naninigas na panga nito at ang nakakuyom na mga kamao—at agad niyang naintindihan. Siguro ang law firm na ito, na nagbibigay sa kanya ng trabaho at pagkain, ang tanging lugar na itinuturing niyang "ligtas." Kaya naman instinct na niya na bantayan ito.“Sige, simula ngayon, pwede ka nang tumira dito.” Itinuro ni Erin ang isang silid sa malapit. “Linisin mo iyong bakanteng storage room. Iyon ang magiging k
Pagkatapos ng matinding gulo sa mansyon ng pamilya Gener, tuluyan nang naglaho si Jerwin.Nagbitiw siya sa lahat ng kanyang posisyon sa Gener Corporation at nawala nang walang bakas. Maliban kay Lolo Jo, walang nakakaalam kung nasaan siya. Hindi siya pinigilan ni Blake at hindi rin ito nagtanong, na tila ba inaasahan na nito iyon—o sadyang wala lang itong pakialam.Sa halip, ibinuhos ni Blake ang lahat ng kanyang oras sa dalawang bagay: ang pagpapatatag sa Gener Group at ang pagbabantay sa lagay ni Edward Sandoval.Dumating na rin ang mga batikang doktor sa neurosurgery na ipinatawag niya mula sa ibang bansa. Matapos ang masusing pagsusuri, nagbigay sila ng balitang muling nagbigay ng pag-asa sa pamilya Sandoval..“Nang mahulog si Mr. Sandoval, mapalad na tumama muna siya sa isang air-conditioning unit sa ibaba kaya nabawasan ang lakas ng pagbagsak. Dahil din sa naging matagumpay na operasyon noon para tanggalin ang mga namuong dugo, malaki ang tsansa na magising pa siya. Maaaring ma
“Walang kinalaman?”Napangisi si Lolo Jo habang dahan-dahang lumalapit, ang kanyang malabo pero matalas na mga mata ay nakatitig sa mukha ni Jerwin. “Kung ganoon, sabihin mo sa akin—bakit? Ha? Kalokohan lang ba ang mga sinabi ni Ryan kahapon?! Totoo ba na—”“Hindi!” putol ni Jerwin nang paos ang tinig, litaw ang mga ugat sa kanyang leeg sa tindi ng tensyon. “Kahit sabihin nating loko-loko ako, alam ko pa rin kung saan ang hangganan ko!”“Hangganan?” pang uuyam ng matanda, sabay hampas ng baston sa sahig. “Ang hangganan mo ay ang iwan ang lahat at tumakbo sa impiyernong iyon para mamatay?!”“Hindi iyon kamatayan.” Sinalubong ni Jerwin ang titig nito nang hindi kumukurap. “Iyon ay paraan para makawala.”“Paraan para makawala?” Humalakhak nang malamig si Lolo Jo, na tila nakarinig ng pinakakatawa-tawang biro sa mundo. “Kulang pa ba ang mga pagkakataong ibinigay sa iyo ng pamilya natin? Hawak mo na ang yaman at kapangyarihan—mga bagay na papatay ang ibang tao para makuha—tapos sasabihin m
Bigla niyang narinig ang boses ni Jerwin mula sa kanyang likuran. Huminto si Blake sa paglalakad pero hindi siya lumingon.Nanatiling nakayuko si Jerwin, nakatitig sa mga dokumentong hawak niya. Halatang hirap siyang lumunok habang nanginginig ang kanyang lalamunan.“Pagbutihin mo ang pagtrato sa kanya. Wag mo siyang sasaktan.”Sa sandaling lumabas ang mga salitang iyon, tila ba naging kasing-lamig ng yelo ang hangin sa loob ng opisina. Humigpit ang kapit ng mga daliri ni Blake sa doorknob hanggang sa mamula ang kanyang mga kuko.Dahan-dahan siyang lumingon.“Anong sinabi mo?”Hindi malakas ang boses niya, pero bawat salita ay parang talim ng yelo na tumatarak sa pandinig ni Jerwin.Nag-angat ng tingin si Jerwin at sinalubong ang mga mata ni Blake. Ngayong nabitawan na niya ang salitang iyon, isang desperadong tapang ang lumitaw mula sa kailaliman ng kanyang pagkatao.Pilit siyang ngumiti nang nakakaloko at dahan-dahang inulit ang sinabi, na tila ba bawat salita ay may diin.“Sabi ko…
“Tama na.”Sa wakas ay nagsalita na si Blake. Hindi malakas ang boses niya, pero may bigat itong agad na nagpatahimik sa histerikal pagsigaw ni Ryan. Hindi siya tumingin kay Jerwin. Sa halip, nanatiling nakatitig ang kanyang malalamig na mata sa kanyang tito—na tila tumitingin sa isang taong wala nang buhay.“Tito,” kalmado niyang sabi, “ang huling barahang inilabas mo ay kaawa-awa. Masyadong desperadong galaw.”Walang emosyon ang kanyang tono, na tila nang-uuyam pa. “Ang mga krimen mo ay may matibay na ebidensya, isa-isa. Kahit anong daldal mo sa mga bagay na walang kinalaman dito, walang magbabago.”“Walang kinalaman?”Biglang humalakhak nang parang baliw si Ryan, na tila nakarinig ng pinakakatawa-tawang biro sa mundo. Dumadaloy ang luha sa kanyang mukha. “Hahaha… Blake, niloloko mo lang ang sarili mo!” sigaw niya. “Alam kong nagdududa ka rin! Ikaw—”Blag!Biglang bumukas ang pinto ng sala mula sa labas, kaya naputol ang kanyang sasabihin. Pumasok ang ilang pulis na naka-uniporme. H
Umaagos ang luha sa kanyang mukha habang nagsisimulang umamin, putol-putol at magulo ang kanyang mga salita.“Si... si Ryan... nahanap niya ako... sabi niya tutulungan niya akong makaganti sa inyo... Alam niyang galit ako sa’yo... kay Blake... kay Erol...”“Sinabihan niya akong pumunta kay Tito Edward at magpakalat ng mga tsismis tungkol sa’yo... Hindi ko akalain na tatawagan ka talaga ni Tito Edward para harapin ka... Pagkaalis mo, sinampal niya ako at sabi niya tatawag siya ng pulis...”Nanginginig ang boses ni Miguel sa takot at pagsisisi. “Nag-panic ako. Sinubukan kong kunin ang phone niya... Tinawag niya akong hayop at tinulak niya ako... Nag-react lang ako nang hindi nag-iisip... kaya tinulak ko rin siya pabalik...” Pumiyok ang kanyang boses. “Hindi ko sinasadyang mahulog siya! Talagang hindi! Nawalan lang siya... nawalan siya ng balanse...” Nagsimula siyang humagulgol nang husto, paulit-ulit na bumubulong nang paos, “Hindi ko gustong patayin siya... hindi ko sinasadya...”Tahim
CEBU—sa tanggapan ni William sa S&F Law Firm.Narinig ni William ang sunod-sunod na busy tone mula sa kanyang mobile phone. Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin doon.Ang bigla at walang paalam na pag-hang up ni Arnold ay parang manipis na tinik na bumaon sa kanyang lalamunan.May mali. May m
Tahimik lang na nakasandal sa sofa si Blake, at matamang nakikinig sa mga tsismoso niyang mga kaibigan. Walang makikitang emosyon sa kanyang mukha. Ang kanyang mga daliri ay humihimas sa malamig na baso ng alak na nagpapawis na ang labas.Nang marinig niya ang salitang “William,” bahagyang kumurap
Halos maaninag ni Arnold sa kanyang isipan ang hitsura ni William sa kabilang dulo ng telepono—nasasaktan, napipilitang yumuko at magtanong sa sandaling iyon. Dahil dito, bahagyang gumaan ang kanyang pakiramdam. Hindi niya lubos maisip na magpapakababa si William ng ganito at makikipag usap ng maay
Maingat niyang itinaas ang kanyang mga mata at sinulyapan si Arnold na nakaharap sa kanya. Bahagya niyang ibinuka ang manipis na mga labi."Attorney Deigratia...”Mabilis na lumingon si Arnold. “Mr. Gener, may iba pa po ba kayong tagubilin?”Bahagyang sumandal si Blake. Dahan-dahang umikot ang kan







