LOGINNaiwan akong nakatayo sa kusina, nakatitig sa kawalan habang naririnig ko ang mabibigat na hakbang ni Lander patungo sa beranda. Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko, at ang tibok ng puso ko ay parang ayaw kumalma.Muntik na, sa loob-loob ko. Isang segundo na lang, kung hindi niya pinigilan ang sarili niya, baka tuluyan na akong bumigay. At ’yun ang ikinakatakot ko, ang katotohanan na sa kabila ng lahat ng sakit, may bahagi pa rin sa akin na sabik sa kaniya.Ipinagpatuloy ko ang paghahain, pilit na ibinabalik ang isip ko sa realidad. Paglipas ng sampung minuto, sumunod ako sa beranda para tawagin siya. Tahimik kaming kumain. Walang nag-ungkat sa nangyari sa loob ng banyo o sa gilid ng lababo. Pero ang bawat pagdampi ng kubyertos at ang bawat sulyap sa isa't isa ay puno pa rin ng hindi sinasadyang kuryente.Nang matapos ang gabi, nahiga ako sa kama habang siya naman ay pumwesto na sa kaniyang masikip na papag sa sala. Nakikinig ako sa tunog ng aking paghinga sa labas, naghihintay na d
Sa bigat ng kaniyang hila, bahagya akong napaatras at napatingin sa kaniya nang may gulat. Nanatili siyang nakaupo sa sementong baitang, ngunit ang kaniyang hawak sa aking pulso ay mahigpit, hindi sapat para masaktan ako, kundi sapat para pigilan akong umalis. Tinitigan niya ako nang malalim, tila may gustong sabihin, bago dahan-dahang binitawan ang aking kamay nang makitang napatitig ako sa kaniya. Walang nagsalita sa amin, ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng aming paghinga bago ko tuluyang pinilit ang sarili kong lumabas ng banyo.Nang sumunod na lumabas si Lander sa banyo, pareho na kaming nakapagpalit ng tuyong damit, pero ang tensyon sa pagitan naming dalawa ay hindi pa rin nababawasan. Nakatayo siya malapit sa lamesa, dahan-dahang hinahaplos ang kaniyang nakabalot na palad habang nakatingin sa akin."Salamat sa pag-aalaga, Sef," sabi niya, ang tono niya ay pilit na ibinabalik sa normal, pero ang kaniyang mga mata ay nananatiling nakatitig nang malalim.Hindi ako sumagot.
Matapos pirmahan ang mga papeles na dala ni Marco, mabilis na pumasok si Lander sa banyo para gawin ang susunod niyang task, ang ayusin ang tumutulong gripo. Kinuha niya ang lumang toolbox na hiniram niya kay Aling Nena."Sef, nasaan nga pala 'yung selyo na binili ko kanina sa hardware?" sigaw niya mula sa loob, kasunod ng tunog ng mga bakal na nagkakabagkan."Nandoon sa ibabaw ng ref, Lander! Sandali, kukunin ko lang," sagot ko habang abala sa paghahalo ng niluluto kong ulam.Kinuha ko ang maliit na plastik ng thread seal tape at naglakad patungong banyo. Pero bago pa ako makarating sa pinto, narinig ko ang isang malakas na kalabog, kasunod ng malakas na singasing ng tubig at mahinang pag-ungol ni Lander."F*ck!"Mabilis akong pumasok at doon ko nakita ang kaguluhan. Mukhang biglang natanggal ang mismong ulo ng gripo habang pilit niya itong iniikot gamit ang lumang wrench. Dahil hindi pa nakasara ang main valve sa labas, ang tubig ay parang fountain na sumabog paitaas.Nakatayo si La
"Lander, bakit mo ba talaga ginagawa ’to?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. "Hindi mo kailangang magpakababa nang ganito para lang mapatawad kita."Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin. "Hindi ko ’to ginagawa para lang mapatawad mo ako, Sef. Ginagawa ko ’to dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong maging tao ulit para sa ’yo. Sa loob ng ilang buwa at taon, puro trabaho ang inisip ko, hanggang sa nakalimutan ko na kung ano ang talagang mahalaga."Lumapit siya nang kaunti. "Noong nakita kita sa ospital, doon ko na-realize na balewala ang lahat ng hotels na itinatayo ko kung wala ka naman doon. I’m sorry for everything. Kung kailangang maging utusan mo ako rito habambuhay para lang bumalik ang tiwala mo, gagawin ko."Hindi ako agad nakapagsalita. Ang galit na matagal kong itinago ay parang unti-unting lumalambot. Hindi pa ako handang sabihing okay na ang lahat, pero sa nakikita ko ngayon, pagod na pagod pero nakangiti pa rin, alam kong seryoso siya."Matulo
Nang sumapit ang tanghalian, misyon naman niya ang mamalengke. Pinanood ko siyang umalis gamit ang lumang bisikleta ni Aling Nena, ang landlady ko. Nakakatawang tignan, isang lalakeng may height na 6'1, nakasuot ng sunglasses na mas mahal pa sa kabuuan ng bahay ko, pero pumipedal sa isang bisikletang may basket na puno ng kangkong at luya.Pagbalik niya, hingal na hingal siya. "Ang hirap makipag-tawaran sa palengke, Sef. Mas mahirap pa kaysa sa pakikipag-close ng deal sa mga investors.""Bakit? Magkano ba ang bili mo sa isang kilong manok?" tanong ko habang binubuklat ang plastik."The lady said it was 250, but I used my negotiation skills. I told her the supply chain in this area seems efficient, so she should lower the overhead cost passed to the consumer. She just stared at me and called me baliw. I ended up paying 300 just to make her stop shouting," kwento niya habang nagpupunas ng pawis.Hindi ko napigilang tumawa. Isang malakas na tawa na matagal nang hindi lumalabas sa mga la
Asefeh’s POV"Sigurado ka na ba, Sef? Pwede naman tayong mag-extend pa ng isang araw kung nahihilo ka pa," pag-aalala ni Marco habang tinutulungan akong iligpit ang gamit ko."Ayoko na rito, Marco. Amoy gamot, amoy sakit. Gusto ko na sa apartment ko," sagot ko habang dahan-dahang isinusuot ang tsinelas ko. Gusto ko na lang magpahinga sa sarili kong kama, malayo sa mga monitor at lalong-lalo na, malayo kay Lander.Kahit narinig ko siyang ipinagtanggol ako laban kay Isabella noong isang araw, hindi pa rin no’n mabubura ang anim na buwan na paghihirap ko. Sabi ko kay Marco, huwag siyang magpapakita sa akin sa pag-discharge ko. Gusto ko ng tahimik na exit.Pero paglabas na paglabas namin ng hospital room, napatigil ako.Nakatayo sa tapat ng pinto si Lander. Hindi siya naka-suit. Naka-simpleng t-shirt lang siya na puti at maong, pero ang aura niya, parang pagmamay-ari niya ang buong hallway. Agad siyang lumapit at bago pa ako makapagsalita, kinuha na niya ang bag na bitbit ni Marco."Lande







