Mag-log inNagising ako dahil sa ingay na naririnig mula sa labas ng kwarto ko. Pagkatapos naming magkwentuhan kanina ni Abuela, nagpaalam akong magpapahinga muna kaso hindi ko naman alam na makakatulog pala ako ng ganito kahaba.
Tumayo ako at pumunta sa terrace. Gabi na nga. Napabaling naman ako nang may makitang umiilaw sa daan. Ang simoy ng hangin na dumadapo sa katawan ko ay nakakagaan sa pakiramdam at ang mga bituin sa kalangitan ay magandang pagmasdan. Napangiti ako dahil sa naisip, siguro ito lang ang magandang pagmasdan sa lugar na ito. Ito ang paboriting gawain ko simula pa noon; ang nakatingala sa kalangitan at kausapin ang mga bituin na malabong sasagot sa lahat ng reklamo ko sa buhay. But this is what I want, kahit papaano ay may makikinig sa akin. Tao man ito o hindi, magsalita man o hindi. Mas mabuting mailabas ko lahat ng hinanaing ko sa buhay.
"Insan! Gising ka na ba?" Napabuntonghininga ako nang marinig ulit ang ingay, "lumabas ka na! Marami tayong sharing tonight pretty pinsan!" Katok siya nang katok, at sumunod naman ang maraming katok na natitiyak ko't hindi lang isa ang nasa labas ng pinto ngayon.
My cousins. I smiled a little bit. I guess I will have a family here?
"Hi!" Agad akong napaatras nang buksan ko ang pinto dahil sabay silang sumigaw, grabe! Hindi lang lugar ang nagbago, pati ang mga tao. "Maligayang pagbabalik sa Hacienda La Vieda!"
Napangiwi ako nang nagpalakpakan at nagsasayawan sila na para bang isang katutubo. "What the hell-"
"Abuela! Nagmumura si Fianna!" What the fuck? Pati pagsumbong ay sabay?
"Anong ginagawa ninyo?" I asked, giving them a stares.
"We are welcoming you our dear cousin. Anyway, tara na at kumain."
"Busog pa ako." Binawi ko ulit ang kamay mula sa isa kong pinsan. Tiningnan ko ang mga suot nila, kulang na lang ay hindi makita ang talampakan. "What are you wearing?"
"Mamaya na namin ipaliwanag at bawal tumanggi kapag sila Abuela na ang nagsabi na kakain na. Let's go!"
"Hey! You don't need to pull me!" Pilit ko pa ring binabawi ang kamay ko sa kanila, bakit ba kailangan akong hilahin. I can walk naman.
Nang makarating kami sa dining area, nagulat ako nang sobrang haba ng lamesa at naka-upo ang maraming babae. Mga pinsan kong babae. What are they doing here?
"Mi ladies, umupo na kayo at Fianna, dito ka sa tabi ko." Dahan-dahan akong naglakad patungo kay Abuela habang nakatingin pa rin sa kanila, they are smiling at me.
Ang weird ah, anong meron sa mga ngiti at tingin nila? Alam ba nila ang ginawa ko sa Manila? Huhusgahan ba nila ako? Pagtatawanan?
Paano ko naman makakalimutan ang mga mukha nila, siyam sila at ako na ang pang-sampu. Idagdag mo pa ang mga babaeng katulong dito na halos kaedad lang din namin. Malaki ang mansyon kaya masasabi kong hindi ito tulad ng ibang mansyon na malaki na nga ay tahimik pa, kulang na lang ay mga multo ang nakatira.
"What are you doing here?" Bumulong ako kay Angela dahil siya ang katabi ko.
"Kagaya mo, naitapon din." She whispered back.
Pinigilan kong manlaki ang mga mata ko. So, hindi lang ako ang pinatapon? At alam niyang pinatapon ako? Pero ano naman ang kasalanan niya? Sa lahat ng magpipinsan, si Angela ang hindi makabasag kahit pinggan. Pero bahala na, tatanungin ko na lang siya kung kami na lang dalawa.
"Magandang gabi!" Napalingon ako sa matandang sumigaw, boses pa lang ay kilala na kung sino siya. Nagtaka naman ako na lahat sila ay tumayo at yumuko. Anong nangyayari? Wala akong ibang nagawa kundi sumunod sa kanila.
"Magandang gabi, Lolo..."
"M-magandang gabi, L-lolo..." They then looked at me like I did something wrong, "Why?" I asked.
"Fianna, my apo is here." Ngumiti ako sa kanya at lumapit, I hugged him tightly.
"Lolo, I missed you po." Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang isa kong kamay.
"Napakaganda mo pero hindi ko gusto ang suot mo." Yumuko ako upang tingnan ang suot ko, bumaling din ako sa mga pinsan ko na sabay ding nagkibit-balikat. Napalingon ako sa isang katulong na lumapit sa akin at may inabot na damit. "Magpalit ka muna."
"Pero Lo---"
"No buts, Fianna. Nasaan ang alalay mo, sasamahan ka niyang magpalit." Pagkasabi niya no'n dumating agad sa gilid ko si Laya at hinilia ako nang marahan palayo.
Gusto kong magreklamo pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Ano bang mali sa damit ko?
"What is happening?" agad kong tanong sa sarili nang makapasok kami ni Laya sa loob ng kwarto ko. "Kailangan ko talagang magpalit ng damit?" inis kong tanong sa kanya.
"Narinig ko po kanina mula sa mga alalay ng iyong mga pinsan na pinatapon din po sila ng kanilang magulang rito para ang Lolo at Lola mo ang mag-disiplina at ang unang hakbang po ay magsuot ng maayos na damit," mahabang sabi nito. Kumunot naman ang noo ko at ulit pinagmasdan ang suot na maikling short at off shoulder na damit.
"Hindi ba maayos ang suot ko? Tignan mo nga ito, parang pangmatanda. Nakita mo ba sila? Nasisira ang body figure nila and for pete's sake, I am a model. I can't wear like this." Tinapon ko ang damit sa sahig, mas lalo pa akong nainis nang kunin ni Laya. "What are you doing?"
She heaved a sigh and faced me, "balita ko rin po ay napaparusahan ang hindi susunod sa utos ng Lolo ninyo." Ano? Padabog kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan sina Mommy but the number cannot be reached. "Why I can't contact them?" inis kong tanong.
Hindi puwedeng ganito, grabeng parusa naman. "Ma'am, magpalit na lang po kayo." Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang damit. Wala naman akong magagawa kundi sumunod, kaytagal kong hindi pumunta rito hindi ko na alam kung ano ang nangyayari at ano ang mangyayari sa akin dito.
Gusto kong lumabas sa mansyon na ito. Unang araw ko pa lang ang dami na agad pinapagawa. "That's perfect to you, Fianna," Abuela said, ngumiti naman ang mga pinsan ko nang nakatingin sa akin.
Gusto kong umirap sa kanilang lahat, sumigaw na ang panget nila ka-bonding! Pero ano pa nga bang magagawa ko kung ganito magbigay ng disiplina ang grandparents namin? Do I have a choice? Magpapakamatay ba ako para kunin ulit ako nina Mommy? Gagawa ng ibang mali para makaalis dito? Ano? Wala akong alam!
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanila nang napatigil dahil sa lalaking nakita ko. Anong ginagawa niya rito? Inalis ko rin agad sa isipan ang tanong na iyon nang makitang may kasama itong iba pang lalaki, naka linya sa gilid. Ano ba sila dito? Army?
They are all wearing a white shirt and a black short, naka-tsinelas lang din. "Abuela, pati ba mga lalaki ay katulong dito?" tanong ko.
Tumawa naman siya nang mahina at imbis na siya ang sumagot, si Lolo na. "Sila ang mga pinag-aral ko at nagtatrabaho sila sa hacienda. Iyan na ang nakasanayan dito na sila ang magbabantay habang kumakain tayo tuwing gabi. There is a reason why you need to wear an approriate clothes."
"And why is it?" I asked. Hindi ba appropriate ang nakasanayan kong kasuotan?
"Maraming lalaki rito kaya bawal magsuot ng ganoong damit, Fianna." Jenna, one of my cousin. Napatawa ako dahil sa rason nila.
"What's funny?" Abuela asked. Kinalma ko muna ang sarili ko bago sila harapin.
"That's too old-fashioned. I mean, don't get me wrong, okay? I do respect your decision Lolo but as your apo, I think we have a right to wear what we want. Right, cousins?" Hindi nila ako sinagot at yumuko na lang. "Hindi kayo agree sa akin? Pumapayag kayong suotin ko ito kasama kayo? I am a famous model, I don't wear like this."
"Fianna." I looked at Angela when she stopped me. What did I do? Tama naman ah. Ang panget kaya magsuot ng mga ganitong damit.
Gulat kaming lumingon kay Lolo nang tumawa ito nang malakas, "That's right, my princess but you are here in my territory. Your father brought you here and you don't have a choice but to follow me..." Natahimik ako nang masama itong tumingin sa akin, ang kaninang kayabangan at inis ko ay napalitan ng kaba.
Kung hindi ako natatakot kay Daddy, kay Lolo naman ako nakakaramdam ng takot. Isa rin sa dahilan kung bakit ayaw ko rito. I love him but sometimes, he is too much.
"Bukas na bukas, mamamasyal ka para makita mo ang buong hacienda at masanay sa ilang taon na pananatili mo rito," he said.
"Kasama sila?" Turo ko sa mga pinsan ko na ngayo'y nakangiti rin, medyo gumaan din ang pakiramdam ko na marinig ang mamamasyal.
"No, kasama si Lazardo." Halos manlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi. Agad akong lumingon sa lalaking nakangiti na ngayon sa akin at kumakaway.
"Ew, I don't want him Lolo---"
"Your manners, Fianna. Lazardo is my scholar and he is the best at protecting a lady." He smiled like he is so sure of what he was talking about.
Bumaling ulit ako kay Lazardo at napangiwi nang kumindat siya sa akin. Ew! I am starting to hate my life!
Gusto kong batuhin si Laya dahil kanina pa siya palakad-lakad na parang siya ang kinakabahan. Noong natapos ang hapunan, nagsipasok na kami sa mga kwarto namin. Ngayon ay kasama ko si Ate Angela dahil mag-uusap din kami."Hindi mo ba papakalmahin si Laya?" tanong ni Angela. Umiling ako at itinuon na lang ang attention sa cellphone ko. Naglalaro lang ako dahil wala naman akong kausap."Hayaan mo siya, mahihilo rin iyan mamaya." Walang gana kong sabi. Alam kong kinakabahan at pinoproblema ni Laya kung ano ang pag-uusapan namin ni Lolo mamaya.Sa oras na ito ay kausap na ni Lolo si Lazardo, inaantay ko na lang na ako ang tatawagin kaya naman habang hindi pa ako tinatawag, kakausapin ko muna si Angela. "Ano bang sasabihin mo sa akin, Ate Angeloa?" tanong ko. Umayos naman siya ng upo sa kama ko, humarap sa akin at agad na binawi ang phone ko kaya sumimangot ako sa kanya Nakikita niyang may ginagawa ako e!"Ano ba talagang ginawa mo kanina? Hindi mo ba alam na ang laki ng gulong pinasok mo?
Kinagat ko ang ibabang labi ko, napapikit ng mariin dahil hindi ko alam kung haharapin ko ba si Lolo. Pero kung hindi ko naman iyon gagawin ay wala pa rin akong takas, ilang oras na lang ay maghahapunan na kami. Palihim kong tiningnan ang sarili, natitiyak naman akong maayos ang suot ko."Hmmm..." Iyon lang ang tanging nasabi ko, kinakabahan ako. Paano kung malaman niyang umalis ako at nalaman niyang pinayagan ako ni Lazardo sa kapilyahan ko? Papagalitan niya ba si Lazardo?Naisip ko pa lang ay parang nakokonsensya na ako."I heard from Jeanna na umalis ka raw, namasyal ka ba ulit? Saan ka nagpunta?"Jeanna? That bitch!Huminga ako nang malalim, umayos ng upo at saka dahan-dahang lumingon sa kanya."Hi, Lo! Ah, opo. Namasyal po ako kanina, umuwi lang agad dahil umulan. Kasama ko po si Lazardo, dinala niya po ako sa mga rosas, ang ganda nga po e!" Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya, tinanggal ko ang kaba sa aking dibdib para hindi niya mahalata na may nagawa akong hindi mag
Kanina pa kami naglalakad dalawa pero hindi pa rin kami nag-uusap. Badtrip pa rin ako sa kanya."Ayaw mo talaga akong pansinin? Ilang kilomentro na lang makikita na natin ang Lolo mo." Hindi ko siya sinagot.Ano naman kung makita ako ni Lolo na ganito ang suot? Hindi niya ako sasaktan dahil magsusumbong ako kina Mommy. "Miss, may hindi pa tayo nadaanan. Dadalhin kita sa La Vieda Roses.""La Vieda Roses?" Napahinto ako at lumingon sa kanya, hindi ko pa narinig na may mga rosas dito. Ang tagal ko na talagang nawala. "Where is it?" I asked rudely. I heard him chuckled but I did not bother to ask why.Natuwa yata ang dugyot dahil pinansin ko na siya. Kinakausap ko lang siya dahil interesado ako sa mga roses, walang iba! Ang dungis niya!"Tara." Inalahad niya sa akin ang kamay niya na kinataka ko."Anong gagawin ko diyan? Kaya ko namang maglakad na hindi nakahawak sa kamay mo." I immediately turned my back at him.Anong tingin niya sa akin? Tanga maglakad? Madapa or something - "Eyyy!" sum
"How's the tour, cousin?" Lumingon ako kay Lucy nang nagwawalis ito.Actually, lahat kami nagwawalis. I don't even know how to do it. Ginagaya ko lang sila. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kami ang pinapalinis ni Abuela, ang dami nilang katulong. Para yata kaming mga tanga rito, naglilinis pero wala namang dumi."It was... fun." I smiled secretly when I remembered what happened yesterday.Pagkatapos ko kasing maligo hindi na ako pinapansin ni Lazardo kahit anong pilit ko. Ang dami kong tinatanong pero maikli lang ang sagot nito at hindi makatingin sa akin."Lazardo is fun?" Napatingin naman ako kay Jeanna nang lumapit ito sa amin ni Lucy. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-iling ni Lucy nang makita ang kapatid nito. Kinunotan ko siya ng noo."She's the ex of Lazardo." Tumango ako nang bahagya at lumingon kay Jeanna na ngayo'y kakaiba ang tingin sa akin."Get a life, Lucy.""Okay Ate." Ngumisi si Lucy at kinindatan ako. What's with them? Alam kong dati pa silang hindi magkasundo,
"Ang init naman!" Inis kong sigaw sa kanya, agad din naman siyang nagmadaling lapitan ako at payungan."Huwag kang lumayo sa akin, maiinitan ka talaga." Kanina pa ako nakasimangot dahil wala siyang ibang ginawa kundi inisin ako. Taga sunod lang naman at nakikipag-usap sa mga kasama niya. Hindi nga ako pinakilala."Malayo pa ba?" tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, naiirita ako kasi ang lapit namin sa isa't isa. Dumidikit sa balat ko ang pawis niya."Malapit na po." Ngumiti ito na halos mapunit ang labi. Para siyang tanga.Ang aga-aga niya akong ginising kanina, alas singko ng umaga ay maraming kumakatok sa kwarto ko, sinabihan ko na si Laya na sa susunod na kakatok sila mapuputolan sila ng ulo. Pagkagising ko kanina lahat ng tao sa mansyon ay may kanya-kanyang ginagawa, hindi ko alam kung bakit naglalaba at naglilinis ang mga pinsan ko kanina. Marami namang katulong."Mang Ben!" Napalingon ako sa lalaking tinawag niya, napangiwi naman ako nang tumatakbo itong paika-ika."Nako Lazardo,
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig mula sa labas ng kwarto ko. Pagkatapos naming magkwentuhan kanina ni Abuela, nagpaalam akong magpapahinga muna kaso hindi ko naman alam na makakatulog pala ako ng ganito kahaba.Tumayo ako at pumunta sa terrace. Gabi na nga. Napabaling naman ako nang may makitang umiilaw sa daan. Ang simoy ng hangin na dumadapo sa katawan ko ay nakakagaan sa pakiramdam at ang mga bituin sa kalangitan ay magandang pagmasdan. Napangiti ako dahil sa naisip, siguro ito lang ang magandang pagmasdan sa lugar na ito. Ito ang paboriting gawain ko simula pa noon; ang nakatingala sa kalangitan at kausapin ang mga bituin na malabong sasagot sa lahat ng reklamo ko sa buhay. But this is what I want, kahit papaano ay may makikinig sa akin. Tao man ito o hindi, magsalita man o hindi. Mas mabuting mailabas ko lahat ng hinanaing ko sa buhay."Insan! Gising ka na ba?" Napabuntonghininga ako nang marinig ulit ang ingay, "lumabas ka na! Marami tayong sharing tonight pretty pinsan!







