Share

3

Author: Anoushka
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-07 20:34:30

"Ang init naman!" Inis kong sigaw sa kanya, agad din naman siyang nagmadaling lapitan ako at payungan.

"Huwag kang lumayo sa akin, maiinitan ka talaga." Kanina pa ako nakasimangot dahil wala siyang ibang ginawa kundi inisin ako. Taga sunod lang naman at nakikipag-usap sa mga kasama niya. Hindi nga ako pinakilala.

"Malayo pa ba?" tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, naiirita ako kasi ang lapit namin sa isa't isa. Dumidikit sa balat ko ang pawis niya.

"Malapit na po." Ngumiti ito na halos mapunit ang labi. Para siyang tanga.

Ang aga-aga niya akong ginising kanina, alas singko ng umaga ay maraming kumakatok sa kwarto ko, sinabihan ko na si Laya na sa susunod na kakatok sila mapuputolan sila ng ulo. Pagkagising ko kanina lahat ng tao sa mansyon ay may kanya-kanyang ginagawa, hindi ko alam kung bakit naglalaba at naglilinis ang mga pinsan ko kanina. Marami namang katulong.

"Mang Ben!" Napalingon ako sa lalaking tinawag niya, napangiwi naman ako nang tumatakbo itong paika-ika.

"Nako Lazardo, magpapatulong sana ako. May kasama ka pala." Tumingin siya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. Tumingin na lamang ako sa tanawin. Mainit pero maganda pa rin naman ang natatanaw ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan na lang ng litrato ang magandang view. Siguro ito na lang ang silbi ng cellpohone ko dahil wala namang signal dito.

"Ayos lang po, saan po ba ito dadalhin?"

"Doon lang sa kubo ko, maaari ba?" Hindi nakaligtas sa gilid ng aking mata ang pagtingin ng matanda sa akin, ako ba ang tinatanong niya? Ano namang pakealam ko sa kanila.

"Maaari daw ba, Ms. Fianna?" Lumingon ako sa kanya, naiinis ako sa ngiti niya. Pinasadahan ko ng tingin ang dala ng matandang lalaki na sako. "Babalik po kaagad ako."

"Kahit huwag na," sagot ko kaagad sa kanya at umalis.

"Masungit po talaga ang bago kong alaga, Mang Ben."

"Halata nga ijo, mukhang mahihirapan ka sa isang 'to kaysa sa mga nauna mo."

Nauna? So, hindi ako ang kauna-unahang dinala niya rito? At anong alaga? Boang ba siya? Sa Kung makaalaga, hindi naman ako bata.

"May pupuntahan tayo, tara-"

"Hey, do not touch me-ahck!" sigaw ko sa kanya nang agad niya akong hawakan pagkabalik niya. "Bakit ba ang hilig ninyong manghila rito, nakakainis naman!"

"Hala gage bakit ka umiiyak?" Sinamaan ko siya ng tingin sa tanong nito. "Okay, sorry. Tara na Ms. Fianna, sasakay na po tayo para hindi ka mainitan." Mahinahon na sabi nito.

May sasakyan naman pala, bakit niya pa ako pinalakad mula pa kanina. "Where is it?"

"There po." Inirapan ko siya bago nilingon ang tinuro niya. "Iyan ang special car dito sa La Vieda."

What the fuck? Anong kalokohan ito? Kariton? As in? "Papasakayin mo ako sa kariton, Lazardo? Isusumbong kita kay Abuela!" Padabog ko siyang tinalikuran pero agad ding napatigil dahil sa sinabi niya.

"Iyan ang utos ng Lolo mo, tara na." Napapikit ako nang mariin at kinuyom ang mga kamao, naiinis na ako kahapon pa pero kailangan kong magpigil.

Narinig ko mula kagabi na grabe magbigay ng parusa si Lolo kapag hindi sumunod sa kanya, ayaw ko naman masugatan ang balat ko. Ilang buwan o taon pa ako rito pero sana huwag naman taon talaga. Mauubos ang mga skin care ko at hindi ko iyon makukuha rito.

Naglakad ako at nilagpasan siya, if this is what they want. Okay, fine. "Ako na, boy." Nagtaka akong tumingin sa kanya nang binigyan niya ng pera ang binatang may dala nitong kariton.

"I am your driver for today, Ma'am." Nginiwian ko siya at inirapan. This is crazy! Mainit pa rin naman dahil walang takip ang kariton. "Pakihawak na lang po ito para hindi kayo mainitan."

"Seriously?" Inabot niya sa akin ang payong at pumunta sa likod ko. "Ano bang kabaliwan ito?"

"Lalarga na po tayo." Ngumiti siya nang napakalawak at kinindatan ako. Kadiri. Hindi manlang sinagot ang reklamo ko!

"Don't do it again!"

"Ang alin po?" he asked and smiled again, pati talaga ngiti nito nakakainis.

"That! The smile and the winks, don't do it again. Para kang timang." At ngumiti pa nga lalo.

"Alam mo Ms. Fianna, itong mukhang ito ang mukha ng buong La Vieda. Sa akin nahuhumaling ang mga kababaihan lalo na ang iyong mga pinsan." Mas lalo pa akong napangiwi nang banggitin niya ang mga pinsan ko.

"Ikaw rin ang nag-alaga sa kanila at naging tour guide?" tanong ko at tumango-tango naman siya. "Kaya pala..."

"Anong kaya pala?" Kunot noo niyang tanong.

"No wonder, ikaw ang pinili ni Lolo dahil sigurado akong hindi kami magkakagusto sa'yo."

"Ha?" Tumawa siya nang tumawa na ikinainis ko, "gusto nila ako at baka ikaw ang kauna-unahang magmamahal sa 'kin."

"The hell-"

"Your mouth, Miss." Taas baba ang kilay niya na para bang nangiinis lalo. As if!

"Let's go!" I shouted irritable. Imposible and I don't believe in love. Gusto ko na bumalik sa Manila!

"Gusto mong maligo?" tanong niya nang makarating kami sa isang falls. Ang ganda dito, hindi ko alam na may ganito pala. "Ang tawag dito, Vieda Falls."

"Pwedeng maligo?" tanong ko naman at napatigil nang mapagtantong wala akong dalang damit. "I don't have an extra clothes, stupid."

"Maka stupid ka naman..." Nanlaki ang mga mata ko at umiwas ng tingin nang naghubad ito.

"W-what are you doing, Lazardo?"

"Maliligo, wala ka namang extra na damit." The fuck?

Nakatalikod pa rin ako sa kanya at narinig ko ang pagbagsak nito sa tubig. "Balita ko, pinadala ka rito dahil kung sino na lang lalaki ang kasama mo-"

"Excuse me?" Nilingon ko siya agad sa sinabi nito, kita ko ang kabuon niya. He's not wearing a shirt and only a short pants. Natigil ako nang pagmasdan ang maliliit na butil ng tubig na dumadaloy sa abs niya.

Alright, he has a good body, a masculine one. And he's hot, I hate to admit that but yeah, he is! Shit lang. Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa baba niya. Gosh! What is happening?

"Tapos ka na po ba tumingin? Masaya rito, Miss Fianna!" Umiwas ako ng tingin at naghanap ng mauupuan but I failed. "Ayaw mo talagang maligo?" sigaw ulit nito.

Napapikit ako nang mariin at dinaramdam ang tunog ng tubig. I want it! Pero kasama ang isang ito, I don't think so. "Ang sarap ng tubig!" Mas lalo akong nainis nang sumigaw siya. Iniinggit talaga ako ng kumag na ito.

Dahan-dahan ko siyang nilingon at nginitian, mas lalo naman siyang ngumiti. Tignan natin kung makakangiti ka pa. "Masarap ba talaga 'yong tubig?" Pabebe kong tanong, tumango naman ito.

Tiningnan ko ang suot kong damit at dahan-dahang hinubad ang taas kong suot. "H-hoy, anong ginagawa mo?" tanong niya. Biglang nabasag ang boses niya at ang kaninang maligayang boses niya ay nawala. I smirked at my mind. Tiningnan ko siya na ngayo'y nakaiwas na ng tingin.

"Can't you see? Maliligo ako."

"Hindi ba't wala kang damit?" Natawa naman ako nang mahina dahil hindi siya makatingin sa akin. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong mang-inis.

"Hindi ko alam kung paano hubarin ang palda ko!"

"H-huh? Nagsusuot ka na hindi mo alam? Magpalda ka na lang!"

"Are you crazy? I can't swim, come here. Help me out!" I shouted back. Pero hindi siya gumalaw. "Lazardo, dali na! Gusto kong maligo!"

"Kaya mo na 'yan!" he shouted back.

Tigas talaga ng apog nito... "A-aray!" Umupo ako na tila ba nasasaktan. Ayaw mo talagang lumapit ah.

"O-oy. Bakit?" Naramdaman kong nasa gilid ko na siya kaya agad akong tumayo at napaatras naman siya nang magkalapit ang aming katawan. I can see how he gulped twice and averted a gaze. "O-okay ka lang?" tanong nito, hindi pa rin makatingin sa akin.

Nakaisip naman ako ng kapilyahan, tiningnan ko ang kamay niyang parang naninigas. Hinawakan ko ito at gulat siyang tumingin sa akin. "Just help me with my skirt," I said looking at him.

Tumingin siya sa palda ko at tumango nang marahan, lumapit ako sa tainga niya at bumulong, "You can do it."

Ang tagal niyang gawin kaya hinila ko ang kamay niya patungo sa likod ko, I can feel his hand in my butt. "Pakibilisan, gusto ko na maligo."

Naramdaman ko ang pagnginig ng kanyang kamay habang dahan-dahang inalis ang tali ng palda ko, nagkatinginan lang kaming dalawa na para bang dinaramdaman ang bawat paggalaw niya. Ako ang kinakabahan sa kapilyahan ko pero natutuwa akong makitang mas kinakabahan siya.

"There you are," I said. Tiningnan ko ang palda na nasa baba na. I am now wearing a two piece of underwear. "Like it?" Napatingin agad siya sa akin at mabilis na tumalikod.

"Bilisan mo maligo, aantayin kitang matapos." Seryosong sabi niya kaya bumuntonghininga ako.

"Akala ko ba sasabay tayong maligo."

"Fianna!" Nagulat ako sa pagsigaw niya. Teka? Sinigawan niya ba ako? Anong karapatan niyang sigawan ako at bakit bigla akong natakot sa sigaw niya? Bali na yata ako.

"Why?" I asked, nagugulohan sa pagsigaw niya.

"S-sorry, uhm... Aantayin na kitang matapos." He turned away and I hear him cursed.

I smiled at his back. there you are Lazardo. Wala pa ring kupas ang kagandahan ko. Nakukuha ko pa rin ang mga lalaki. But I don't want him, ang layo niya para sa akin. At natitiyak akong hindi ko siya magugustuhan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Love Of Me   7

    Gusto kong batuhin si Laya dahil kanina pa siya palakad-lakad na parang siya ang kinakabahan. Noong natapos ang hapunan, nagsipasok na kami sa mga kwarto namin. Ngayon ay kasama ko si Ate Angela dahil mag-uusap din kami."Hindi mo ba papakalmahin si Laya?" tanong ni Angela. Umiling ako at itinuon na lang ang attention sa cellphone ko. Naglalaro lang ako dahil wala naman akong kausap."Hayaan mo siya, mahihilo rin iyan mamaya." Walang gana kong sabi. Alam kong kinakabahan at pinoproblema ni Laya kung ano ang pag-uusapan namin ni Lolo mamaya.Sa oras na ito ay kausap na ni Lolo si Lazardo, inaantay ko na lang na ako ang tatawagin kaya naman habang hindi pa ako tinatawag, kakausapin ko muna si Angela. "Ano bang sasabihin mo sa akin, Ate Angeloa?" tanong ko. Umayos naman siya ng upo sa kama ko, humarap sa akin at agad na binawi ang phone ko kaya sumimangot ako sa kanya Nakikita niyang may ginagawa ako e!"Ano ba talagang ginawa mo kanina? Hindi mo ba alam na ang laki ng gulong pinasok mo?

  • The Billionaire's Love Of Me   6

    Kinagat ko ang ibabang labi ko, napapikit ng mariin dahil hindi ko alam kung haharapin ko ba si Lolo. Pero kung hindi ko naman iyon gagawin ay wala pa rin akong takas, ilang oras na lang ay maghahapunan na kami. Palihim kong tiningnan ang sarili, natitiyak naman akong maayos ang suot ko."Hmmm..." Iyon lang ang tanging nasabi ko, kinakabahan ako. Paano kung malaman niyang umalis ako at nalaman niyang pinayagan ako ni Lazardo sa kapilyahan ko? Papagalitan niya ba si Lazardo?Naisip ko pa lang ay parang nakokonsensya na ako."I heard from Jeanna na umalis ka raw, namasyal ka ba ulit? Saan ka nagpunta?"Jeanna? That bitch!Huminga ako nang malalim, umayos ng upo at saka dahan-dahang lumingon sa kanya."Hi, Lo! Ah, opo. Namasyal po ako kanina, umuwi lang agad dahil umulan. Kasama ko po si Lazardo, dinala niya po ako sa mga rosas, ang ganda nga po e!" Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya, tinanggal ko ang kaba sa aking dibdib para hindi niya mahalata na may nagawa akong hindi mag

  • The Billionaire's Love Of Me   5

    Kanina pa kami naglalakad dalawa pero hindi pa rin kami nag-uusap. Badtrip pa rin ako sa kanya."Ayaw mo talaga akong pansinin? Ilang kilomentro na lang makikita na natin ang Lolo mo." Hindi ko siya sinagot.Ano naman kung makita ako ni Lolo na ganito ang suot? Hindi niya ako sasaktan dahil magsusumbong ako kina Mommy. "Miss, may hindi pa tayo nadaanan. Dadalhin kita sa La Vieda Roses.""La Vieda Roses?" Napahinto ako at lumingon sa kanya, hindi ko pa narinig na may mga rosas dito. Ang tagal ko na talagang nawala. "Where is it?" I asked rudely. I heard him chuckled but I did not bother to ask why.Natuwa yata ang dugyot dahil pinansin ko na siya. Kinakausap ko lang siya dahil interesado ako sa mga roses, walang iba! Ang dungis niya!"Tara." Inalahad niya sa akin ang kamay niya na kinataka ko."Anong gagawin ko diyan? Kaya ko namang maglakad na hindi nakahawak sa kamay mo." I immediately turned my back at him.Anong tingin niya sa akin? Tanga maglakad? Madapa or something - "Eyyy!" sum

  • The Billionaire's Love Of Me   4

    "How's the tour, cousin?" Lumingon ako kay Lucy nang nagwawalis ito.Actually, lahat kami nagwawalis. I don't even know how to do it. Ginagaya ko lang sila. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kami ang pinapalinis ni Abuela, ang dami nilang katulong. Para yata kaming mga tanga rito, naglilinis pero wala namang dumi."It was... fun." I smiled secretly when I remembered what happened yesterday.Pagkatapos ko kasing maligo hindi na ako pinapansin ni Lazardo kahit anong pilit ko. Ang dami kong tinatanong pero maikli lang ang sagot nito at hindi makatingin sa akin."Lazardo is fun?" Napatingin naman ako kay Jeanna nang lumapit ito sa amin ni Lucy. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-iling ni Lucy nang makita ang kapatid nito. Kinunotan ko siya ng noo."She's the ex of Lazardo." Tumango ako nang bahagya at lumingon kay Jeanna na ngayo'y kakaiba ang tingin sa akin."Get a life, Lucy.""Okay Ate." Ngumisi si Lucy at kinindatan ako. What's with them? Alam kong dati pa silang hindi magkasundo,

  • The Billionaire's Love Of Me   3

    "Ang init naman!" Inis kong sigaw sa kanya, agad din naman siyang nagmadaling lapitan ako at payungan."Huwag kang lumayo sa akin, maiinitan ka talaga." Kanina pa ako nakasimangot dahil wala siyang ibang ginawa kundi inisin ako. Taga sunod lang naman at nakikipag-usap sa mga kasama niya. Hindi nga ako pinakilala."Malayo pa ba?" tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, naiirita ako kasi ang lapit namin sa isa't isa. Dumidikit sa balat ko ang pawis niya."Malapit na po." Ngumiti ito na halos mapunit ang labi. Para siyang tanga.Ang aga-aga niya akong ginising kanina, alas singko ng umaga ay maraming kumakatok sa kwarto ko, sinabihan ko na si Laya na sa susunod na kakatok sila mapuputolan sila ng ulo. Pagkagising ko kanina lahat ng tao sa mansyon ay may kanya-kanyang ginagawa, hindi ko alam kung bakit naglalaba at naglilinis ang mga pinsan ko kanina. Marami namang katulong."Mang Ben!" Napalingon ako sa lalaking tinawag niya, napangiwi naman ako nang tumatakbo itong paika-ika."Nako Lazardo,

  • The Billionaire's Love Of Me   2

    Nagising ako dahil sa ingay na naririnig mula sa labas ng kwarto ko. Pagkatapos naming magkwentuhan kanina ni Abuela, nagpaalam akong magpapahinga muna kaso hindi ko naman alam na makakatulog pala ako ng ganito kahaba.Tumayo ako at pumunta sa terrace. Gabi na nga. Napabaling naman ako nang may makitang umiilaw sa daan. Ang simoy ng hangin na dumadapo sa katawan ko ay nakakagaan sa pakiramdam at ang mga bituin sa kalangitan ay magandang pagmasdan. Napangiti ako dahil sa naisip, siguro ito lang ang magandang pagmasdan sa lugar na ito. Ito ang paboriting gawain ko simula pa noon; ang nakatingala sa kalangitan at kausapin ang mga bituin na malabong sasagot sa lahat ng reklamo ko sa buhay. But this is what I want, kahit papaano ay may makikinig sa akin. Tao man ito o hindi, magsalita man o hindi. Mas mabuting mailabas ko lahat ng hinanaing ko sa buhay."Insan! Gising ka na ba?" Napabuntonghininga ako nang marinig ulit ang ingay, "lumabas ka na! Marami tayong sharing tonight pretty pinsan!

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status