Mag-log inBiglang nagbago ang takbo ng buhay ni Chloe Fontanilla matapos mahuli ang boyfriend niya na may kalaguyong iba, pinalayas siya nito agad, sakto namang nagka-emergency ang nanay niya sa ospital at kailangan agad ng pambayad para maisalba ang buhay nito. Dahil wala na siyang matakbuhan o mahingan ng tulong, napilitan siyang pumasok bilang stay-in maid sa mansyon ng isang sikat at mayamang bilyonaryo—si Alexander Valdemar. Kilalang suplado at walang awa sa negosyo ang bilyonaryong si Alex. Kontrolado niya ang lahat sa buhay niya, maliban sa bagong katulong na unti-unting nakakakuha ng atensyon niya dahil sa katatagan nito sa kabila ng mga pinagdaraanan sa buhay. Ngunit muling nanganib ang tahimik na buhay ni Chloe nang subukan siyang ipahiya ng ex-boyfriend niya sa isang malaking party. Sa pag-aakalang wala na naman siyang kakampi, biglang sumalo at nagpakita ng matinding proteksyon si Alex. Handang harapin ng bilyonaryo ang sinumang babastos sa babaeng pinoprotektahan niya. Kakayanin ba ni Chloe na makuha ang tiwala at pagmamahal ng isang tulad ni Alex, o mapapasama lang siya sa isang mapanganib na sitwasyon?
view moreCHLOE FONTILLA
Hawak ko ang isang maliit na paper bag na naglalaman ng paboritong carbonara ni Marcus. Galing pa ako sa double shift ko sa convenience store, puyat at pagod na pagod, pero nawala lahat ng pagod ko nang maalalang anniversary namin ngayon. Tatlong taon na kami. Tatlong taon ko siyang sinuportahan, at tinulungan nung mga panahong walang-wala siya.
Pero pagkatapat ko pa lang sa pinto ng inuupahan naming apartment, may kakaiba na akong naramdaman. Bukod sa hindi naka-lock ang pinto, may naririnig akong tawanan sa loob.
Hindi lang basta tawa. Malanding hagikhik ng isang babae.
Dahan-dahan kong itinulak ang pinto. Parang huminto ang mundo ko nang makita ko ang mga nagkalat na damit sa sahig ng maliit naming sala. Isang mamahaling leather jacket na panlalaki, at isang pulang lace na dress na siguradong hindi sa akin. Kasunod niyon ang pamilyar na boses mula sa kwarto namin.
"Oh, babe, stop it! Baka dumating ’yung boring mong girlfriend," wika ng isang babae. Tunog maarte, malandi, at walang pakialam.
"Hayaan mo siya. Pagod ’yun sa trabaho, baka madaling-araw na umuwi. Saka don’t call her my girlfriend, Bianca. Pakinabang lang ang habol ko sa isang ’un," sagot ng isang lalaki.
Si Marcus. Walang kaduda-duda, boses niya ’yun.
Parang may bumaong na kutsilyo sa dibdib ko. Pakinabang? Ang lalaking inalagaan ko, ang lalaking pinadalhan ko ng pera kahit pambili ng gamot ng nanay ko sa probinsya ay tinitipid ko—ganito lang ang tingin sa akin?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Itinatag ko ang mga tuhod kong nangangatog at marahas kong itinulak ang pinto ng kwarto.
"Marcus?"
Sabay na napalingon ang dalawang taong nakahiga sa kama ko—sa kama *namin*. Si Marcus, gulo-gulo ang buhok, at isang magandang babae na may mestisang kutis at halatang galing sa alta lipunan dahil sa ayos nito kahit bagong gising. Si Bianca Laurel. Kilala ko siya dahil madalas siyang ma-feature sa mga fashion blogs.
"Chloe!" Gulat na napabangon si Marcus, pero mabilis ding nawala ang takot sa mukha niya. Pinalitan agad ito ng pagkairita. "Anong ginagawa mo rito? Ang aga mo yata?"
"Anong ginagawa ko rito?" Natawa ako, pero may kasamang luha na pumatak sa pisngi ko. "Apartment ko ’to, Marcus! Ako ang nagbabayad ng renta rito! At tinatanong mo ako kung bakit ako nandito habang may kinalantari kang iba sa kama ko?!"
Binitiwan ko ang hawak kong pagkain. Lumikha ito ng basang tunog sa sahig, parang ang durog-durog kong puso.
Naiinis na tumayo si Marcus at nagsuot ng shorts. Walang bakas ng hiya o pagsisisi sa mga mata niya. Sa likod niya, nakataas ang isang kilay ni Bianca habang nakasandal sa headboard, pinapanood ako na parang isang palabas sa TV.
"You know what, Chloe? Mabuti na rin ’to para matapos na," malamig na sabi ni Marcus. "Let’s break up."
Natigilan ako. "Ano? Break up? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa ’yo?"
"Puro ka na lang naman kasi sumbat, Chloe! Tingnan mo nga ang sarili mo. Amoy mantika ka palagi galing sa trabaho mo, haggard, walang kaayusan. Ni hindi kita maiharap sa mga kaibigan ko kasi nakakahiya!" Binalingan ni Marcus si Bianca at ngumiti. "Si Bianca, siya ang kailangan ko. Mayaman siya, may koneksyon. Matutulungan niya ako sa career ko. Ikaw? Hanggang dito ka na lang."
Ang sakit. Grabe pala kapag ang taong pinagkatiwalaan mo ang mismong magsasabi sa ’yo kung gaano ka kawalang-kwenta. Kaya ko namang tanggapin kung sabihin niyang hindi niya na ako mahal. Pero ang maliitin ako dahil sa kahirapan ko habang ginawa ko naman ang lahat para sa kanya? Doon ako pinakapatay.
"Napaka-kapal ng mukha mo," bulong ko, habang nanginginig ang buong katawan ko sa galit at dusa. "Lumayas kayo rito. Ngayon din!"
Dito na sumingit si Bianca. Bumaba siya sa kama, nagsuot ng silk robe, at lumapit sa akin nang may mapang-aping ngiti.
"Excuse me, clear skin? Baka ikaw ang dapat lumayas," maarteng sabi ni Bianca habang may kinukuhang papel sa kanyang branded na bag. Inihagis niya ito sa mukha ko. "I bought this apartment complex yesterday, Fontanilla. Ang pamilya ko ang bagong may-ari ng buong building na ’to. At dahil hindi ko gusto ang mukha mo, you are evicted. Effective immediately."
Nanlaki ang mga mata ko habang binabasa ang demolition at eviction notice. Legal ito. May selyo at pirma.
"Hindi niyo pwedeng gawin ’to... Gabi na, umuulan sa labas!" Pakiusap ko, biglang nawala ang tapang ko.
Wala akong ibang matutuluyan. Ang huling pera ko ay nagastos ko na para sa anniversary dinner na ’to, at ang natitirang sahod ko ay ipinadala ko na sa ospital ng nanay ko. Literal na zero ang balanse ng wallet ko ngayon.
"Manigas ka sa labas," deklara ni Marcus. Hinablot niya ang luma kong maleta sa gilid, mabilis na isinilid doon ang ilang piraso ng damit ko na nakasabit, at marahas akong itinulak palabas ng kwarto hanggang sa marating namin ang may pintuan.
"Marcus, please! Kahit bukas na lang ng umaga! Wala akong mapupuntahan!" Yakap ko ang maleta ko habang pilit na humahawak sa hamba ng pinto.
"Huwag mo na kaming gambalain dito, Chloe. Humanap ka ng ibang matutulugan mo. Marami namang bangketa riyan," sabi ni Marcus bago ako tuluyang itinulak palabas.
Blag!
Sumara ang pinto sa mismong mukha ko. Kasabay niyon ang mabilis na pagkulog at ang pagbuhos ng napakalakas na ulan.
Napadpad ako sa waiting shed malapit sa building. Basang-basa ako, nanginginig sa lamig, at yakap-yakap ang tanging natitirang ari-arian ko sa mundo. Ang dumi ng hitsura ko, eksaktong-eksakto sa sinabi ni Marcus.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa, nagbabakasakaling may mautangan man lang kahit pang-commute o pang-motel ngayong gabi. Pero bago ko pa mabuksan ang mga contact ko, isang notification ang lumabas.
Isang text mula sa tiyahin ko sa probinsya.
“Chloe, tumawag ang doktor ng nanay mo. Kailangan daw bayaran ang balance na tatlumpung libo para sa susunod na gamot niya bukas. Kung hindi, ititigil ang treatment. Gawan mo ng paraan, anak, parang awa mo na.”
Nabitawan ko ang cellphone ko sa semento.
Napahawak ako sa ulo ko habang tuluyan nang bumuhos ang iyak ko, kasabay ng ingay ng ulan at ng mga sasakyang dumadaan sa harap ko. Bakit sabay-sabay? Bakit kung kailan wala na akong natira sa sarili ko, saka pa ako lalong binabaon ng mundo?
Niloko ako. Pinalayas. At ngayon, nanganganib ang buhay ng nanay ko dahil wala akong pera. Ito na yata ang pinakamababang dinalhan ng buhay ko. Wala akong takbuhan, walang kakapitang kaibigan, at walang pamilyang mayaman na pwedeng sumalo sa akin.
Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko gamit ang basang braso ko. Alam kong wala akong mararating kung iiyak lang ako rito hanggang mag-umaga. Kailangan kong kumilos. Kahit anong trabaho, kahit gaano kahirap, kahit gaano kapeligro, papasukin ko. Kailangan ko ng pera ngayon din.
Tiningnan ko ang screen ng cellphone ko na may bitak. Nag-search ako sa internet ng mga emergency job agencies na tumatanggap ng stay-in na manggagawa agad-agad. Doon ay may isang post na pumukaw sa mga mata ko:
“URGENT: High-paying Stay-in Housekeeper for the Valdemar Residence. Inquire at Apex Employment Agency. Immediate deployment.”
Valdemar. Kahit sino naman sa bansa ay kilala ang pangalang ’yan. Sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking tech at real estate conglomerates sa Asya. Pero balita ring misteryoso at malupit ang kasalukuyang pinuno ng pamilya na si Alexander Valdemar.
Wala na akong pakialam kung masungit o nakakatakot ang bilyonaryong ’yun. Ang mahalaga, malaki ang sahod at may matutulugan ako.
CHLOE FONTILLANakatitig lang ako sa sahig habang nakaupo sa dambuhalang sofa sa loob ng master bedroom ni Sir Alex. Ang lambot ng tela, iyong tipong lulubog ka talaga kapag sumandal ka, pero tuwid na tuwid ang likod ko. Paano ba naman, basang-basa pa rin ng pulang wine ang suot kong uniporme. Kulay puti pa naman ito kaya kitang-kita ang malaking mantsa sa dibdib ko na dahan-dahang natutuyo at nanunuyo sa balat ko. Amoy maasim na ewan na rin ako dahil sa alak.Pero mas mabigat pa sa basang uniporme ang nararamdaman ko ngayon.Kanina, noong hinarap ni Sir Alex sina Marcus at Bianca sa harap ng maraming tao, pakiramdam ko ay huminto ang mundo ko. Akala ko talaga katapusan ko na. Sanay naman akong mapahiya, sanay akong tapakan nina Marcus simula nung iniwan niya ako sa ulan pagkatapos kong magpakapagod magtrabaho para sa kanya sa convenience store. Pero iba 'yung kanina. Harap-harapan akong minaliit sa harap ng mga mayayaman, tinapon ang wine na parang aso ako na pinalalayasan. At ang pi
ALEXANDER VALDEMAR Hindi ko ugaling mag-aksaya ng oras sa mga bagay na walang direktang kita sa kumpanya, lalo na sa mga walang kuwentang social gathering. Kung hindi lang dahil sa mahalagang business merger na kailangan kong i-secure, hindi ko sasadyain ang gabing ito. Pero iba ang naging takbo ng gabi ko. Sa gitna ng maingay at mapagpanggap na bulwagan ng aking mansyon, isang pamilyar na pigura ang kumuha ng buo kong atensyon.Si Chloe.Noong unang araw na pumasok siya sa Valdemar Mansion para mag-apply bilang stay-in maid, akala ko ay isa lang siya sa mga ordinaryong aplikante na madaling sumuko sa bigat ng trabaho. Halata sa mukha niya ang matinding pagod at ang bigat ng mundong dinadala niya noon. Nakita ko sa background check na baon siya sa utang dahil sa ospital ng kanyang ina at kamakailan lang ay pinalayas ng gago niyang ex-boyfriend. Pero imbis na umiyak o magmakaawa, may kakaibang tapang sa kanyang mga mata na bihira kong makita sa ibang tao. Noong halos matumba siya sa pa
CHLOE FONTILLANapakalaki pala talaga ng ballroom ng mga Valdemar kapag nakabukas ang lahat ng mga dambuhalang chandelier. Kulay ginto ang buong paligid, may banayad na tugtog ng violin, at nagkakatipon ang mga pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang tao sa bansa. Lahat sila ay naka-gown at tuxedo, nagtatawanan habang may hawak na baso ng mamahaling champagne.Samantalang ako, heto, suot ang aking gray na maid uniform at puting apron, bitbit ang isang silver tray na puno ng mga wine glass.Medyo masakit pa rin ang ulo ko galing sa lagnat kahapon, pero tiniis ko. Hindi pwedeng mag-inarte ngayon dahil ito ang pinakamahalagang gabi para sa kompanya ni Sir Alex. Mula sa pwesto ko malapit sa buffet table, nakita ko si Alex na nasa gitna ng karamihan. Bagay na bagay sa kanya ang suot nitong itim na bespoke tuxedo. Mas lalo siyang mukhang dominant at seryoso habang nakikipag-kamay sa mga business partners niya.Ewan ko ba, tuwing tumitingin ako sa kanya, naaalala ko kung paano niya ako bin
CHLOE FONTILLANakalipas ang tatlong araw, at feeling ko ay tumanda ako ng sampung taon.Grabe, hindi nga nagbiro ang receptionist sa ahensya. Si Sir Alex ay hindi lang basta masungit—he is a certified control freak. Lahat ng bagay sa mansyon, may partikular na pwesto at tamang anggulo. Ang mga unan sa sofa ng sala, kailangang eksaktong nakatagilid ng forty-five degrees. Ang baso sa dining table, dapat walang kahit isang fingerprint. Kulang na lang ay magdala ako ng ruler at magnifying glass habang naglilinis.At ang pinakamahirap sa lahat? Halos hindi ako natutulog. Tuwing gabi, kapag tahimik na ang buong staff quarters, doon lang sumisiksik sa isip ko ang lahat. Ang mukha nina Marcus at Bianca na nagtatawanan habang pinalalayas ako. Ang sakit ng katotohanan na binalewala lang ang tatlong taon ko. Idagdag mo pa ang pag-aalala ko kay Nanay. Kahit naipadala ko na ang pang-down sa ospital, kailangan pa rin ng tuluy-tuloy na gamot.Kaya heto ako ngayon, alas-dos ng madaling-araw, nakatit


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.