共有

Chapter 2

作者: Zerorizz
last update 最終更新日: 2026-01-14 10:05:58

Miguel’s POV

“Check the monitors,” kalmado niyang utos sa assistant. “I want to know where Lea is. Now.” Walang pag-aalinlangan, agad itong sinunod ng assistant niya.

“Yes sir, checking now.” Ilang segundo lang ang lumipas bago muling nagsalita ang assistant. “Location update, sir. Papunta siya sa bar.”

Matagal na niyang sinusubaybayan si Lea; kabisado niya ang bawat pagliko, bawat paghinto. Matagal na niya itong inaangkin sa isip niya. Kaya nang magbago ang galaw nito ngayong gabi, agad niyang nalaman na may desisyong nabuo sa loob nito—isang desisyong matagal na niyang hinihintay. At hindi siya nagkamali. Hindi umuwi si Lea.

Huminto ito sa harap ng isang bar—isang lugar na hindi niya madalas puntahan, isang lugar na pinupuntahan lamang kapag hindi na kayang dalhin ang bigat ng mundo.

“A bar?,” bulong niya. “Hindi pwedeng manatili siya dito.”

Pumasok siya makalipas ang ilang minuto. Hindi para sumabay. Kundi para manood at bantayan ang bawat galaw nito.

“Let’s rock this night!” narinig niyang sigaw nito.

Nanatiling seryoso si Miguel. Alam niyang lahat ng plano niya ay mangyayari ngayon. Ang desisyon na matagal na niyang gustong planuhin.

“Lasing na siya,” sabi niya sa sarili, nakatuon ang mga mata sa likod ng babae.

“Let her enjoy the night. Everything I planned starts tonight.”

Mula sa VIP section, malinaw ang tanaw niya. Nakita niya kung paano umorder si Lea ng unang inumin—maingat pa, parang may alinlangan. Nakita niya ang ikalawa—mas mabilis, mas walang pag-iingat. At ang ikatlo—may halong tawa na hindi umaabot sa mata.

Bawat galaw nito ay may kahulugan kay Miguel. Ang paraan ng paghawak nito sa baso. Ang pagtagilid ng ulo kapag tumatawa. Ang bahagyang pagyuko ng balikat kapag bumibigat na ang pagod.

“Hindi dapat siya nandito,” malamig niyang sabi sa sarili. “Dapat ay nasa isang tahimik siyang mundo. Isang lugar na ligtas.” Isang mundong hawak niya. Pero para sa kanya, isa na rin itong pagkakataon para magtagumpay sa plano niya.

Tumayo siya mula sa kinauupuan, inayos ang suit, at dahan-dahang naglakad papunta sa direksyon ni Lea. Hindi siya nagmadali. Alam niyang wala nang depensa ang babae—ang alak ay unti-unti nang tinatanggal ang mga pader na matagal niyang pinagmamasdan.

“Eto na ang hinihintay ko, Lea.” bulong niya.

“Sisiguraduhin kong mapapasakin ka—at wala kang magagawa.” Hinintay niya ang tamang sandali. Hinintay niyang bahagyang mawalan ng balanse si Lea. Hinintay niyang mapaupo ito, pumikit, at tuluyang bitawan ang pag-iingat.

At doon siya lumapit.

“Are you alright?” tanong niya, mababa ang boses. “Look at me.” Tumingin si Lea sa kanya, malabo, naguguluhan, ngunit hindi takot. At doon niya nakita ang bagay na matagal na niyang hinihintay.

Hindi alam ni Lea kung sino ang lalaking nasa harap niya. Hindi niya alam kung bakit siya komportable. Hindi niya alam na ang bawat segundo ay matagal nang pinlano.

“You shouldn’t be alone like this,” dagdag ni Miguel, hinawakan ang pulso nito—mahigpit pero hindi marahas. Sapat lang para manatili ito roon. At hindi tumutol si Lea.

Sa sandaling iyon, alam ni Miguel. “This is where it ends.” bulong nito

“Hindi kana makakawala.” Sa mesa, inilapag niya ang folder.

Ang kontratang matagal nang naghihintay.

Hindi niya minamadali si Lea. Hindi niya tinatakot. Hindi niya kailangan.

Ang alak ang gumawa niyon para sa kanya. At nang pumirma ang babae—

Alam ni Miguel na tapos na ang paghihintay. Sa labas ng bar, habang tahimik na nakasara ang pinto, tumingin si Miguel sa dilim ng kalsada.

“You never knew,” sabi niya sa sarili. “That I was already there… long before tonight.”

Sa loob ng bar, tuluyang naglaho ang babaeng akala’y walang nakapapansin.

At sa katahimikan ng VIP lounge, umupo si Lea sa sofa na parang nawalan ng bigat ang katawan. Mabigat ang talukap ng mga mata niya, mabagal ang paghinga, at ang mundo ay unti-unting nagiging malabo. Hindi niya namalayan kung kailan napalapit nang tuluyan si Miguel—kung kailan ang presensiya nito ay naging tanging malinaw sa gitna ng kalituhan.

“Relax,” mahinang sabi ni Miguel, halos isang bulong na idinidikit sa tenga niya. “I’ve got you.”

At naniwala si Lea—ngunit hindi pa rin niya ito masilayan nang malinaw dahil sa hilo dulot ng pag-inom.

Isang kamay ang umalalay sa likod niya, ang isa ay humawak sa kanyang kamay—mahigpit, sigurado, parang matagal na itong may karapatang hawakan siya. Hindi siya nanlaban. Hindi siya nagtanong. Ang pagod at alak ay mas malakas kaysa sa kahit anong pagdududa.

Sa labas ng bar, tahimik na umandar ang kotse ni Miguel. Walang ilaw. Walang saksi. Ang lungsod ay patuloy na gumagalaw, walang kaalam-alam na may isang buhay na tuluyan nang inililihis ang direksiyon. Habang nakasandal si Lea sa upuan, bahagyang gumalaw ang kanyang ulo, at sa pagitan ng antok at ulirat, isang pangalan ang muntik na lumabas sa kanyang labi—ngunit hindi niya ito natuloy.

Ngumiti si Miguel. Ngiting kontrolado ang lahat. Hindi dahil masaya siya. Kundi dahil sigurado siya.

Matagal na niyang pinaghandaan ang gabing ito. Ang bawat hakbang. Ang bawat desisyon ni Lea na akala nito ay kanya. Ang bawat pagkakataong hinayaan niyang mapagod ito, masaktan, at maniwalang mag-isa.

“Sleep,” bulong niya, ang boses ay parang utos na hindi kailanman tinututulan. “You’re safe now.” Pero ang kahulugan ng safe—iyon ang hindi alam ni Lea.

Sa likod ng saradong pinto ng kotse, sa gitna ng madilim na kalsada, nagsimula ang isang kwentong walang balikan. Isang kasunduan na pinirmahan nang walang alaala. Isang buhay na unti-unting kukulong sa ginhawa, yaman, at kontrol.

At habang papalayo sila sa ilaw ng bar, isang bagay ang malinaw kay Miguel—

Hindi na niya kailangang maghabol.

Dahil mula sa gabing iyon,

si Lea ay pumirma sa isang kasunduang kasal na hindi niya kailanman ginusto..

Hindi niya kailangang pilitin ang tadhana. Matagal na niya itong hinulma. Sa bawat hakbang na inakala ni Lea na kanya, may aninong sumusunod—siya. Sa bawat desisyong akala nito ay pansamantala, may wakas na siyang itinakda. Habang dumadausdos ang lungsod palayo sa salamin ng kotse, naramdaman ni Miguel ang katahimikang matagal niyang hinintay. Wala nang ingay. Wala nang sagabal. Ang mundo ay umayon sa plano niya. At sa pagitan ng dilim at ilaw, isang bagay lamang ang sigurado—ang gabing ito ang simula ng isang pag-aangking hindi na niya kailanman bibitawan.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • The Billionaire's Marriage Deal   Chapter 10

    Tahimik ang mansion sa gabi, ngunit sa loob ng kanyang opisina, hindi tahimik ang isip ni Miguel. Nakaupo siya sa kanyang leather chair, nakatingin sa city lights sa labas ng floor-to-ceiling window. Ang bawat ilaw ay parang nagbabalik sa kanya ng alaala—si Lea, ang galit, ang pagtutol, ang takot, at ang lihim niyang kiliti sa bawat galaw.“Every fight, every glance, every hesitation…” bulong niya sa sarili. “It only makes her mine more.”Hindi siya nagmamadali. Hindi kailanman. Alam niya na ang pinaka-epektibong paraan upang makuha ang isang babaeng malakas at independyente ay hayaan siyang lumaban—hayaan siyang umangkin ng kanyang sariling puwang, at pagkatapos, dahan-dahan, sirain ang depensa niya.Sa kabilang silid, si Lea ay nakaupo sa sofa, hawak ang telepono. Tahimik, nanginginig, ngunit hindi nagpaapekto sa galit at determinasyon. Alam niya na may banta sa kanya, at ramdam niya ito—isang presensya, malamig at mapang-ari, kahit wala pang pumasok sa silid.Bumukas ang pinto, at

  • The Billionaire's Marriage Deal   Chapter 9

    Tahimik ang mansion ni Miguel. Ang liwanag mula sa kalye ay sumasayad lamang sa dingding, parang mga mata ng lungsod na nagmamasid sa kanya. Hawak niya ang telepono, nanginginig ang mga kamay, ngunit may determinasyon. Hindi niya kayang palampasin ang katahimikan sa loob ng sarili niya.Tumawag siya sa kanyang ina. “Mama… bakit niyo ako ginawa nito nang hindi ko alam?!” Ang tinig niya’y pabulong, ngunit punong-puno ng galit at sama ng loob.Tahimik ang kabilang linya. Sandali, maririnig niya ang bahagyang buntong-hininga ng ina niya.“Lea… anak…” simula ni Doña Rosa, parang sinusubukang palamigin ang tono. “Alam namin na mahirap ito, pero para ito sa ikabubuti mo.”“Para sa ikabubuti ko? Ano ang ikabubuti ko kung ang buhay ko ay ginagawang palitan para sa pera at kapangyarihan niyo?!” sigaw ni Lea, hawak ang telepono nang mahigpit, nanginginig sa galit.“Anak, naiintindihan mo, pero kailangan mo ring maunawaan…”“Hindi! Hindi niyo ako pinagkatiwalaan! Paano niyo nagawa ito sa akin nan

  • The Billionaire's Marriage Deal   Chapter 8

    Tahimik ang mansion sa hatinggabi. Ang ilaw ay banayad, halos naglalaro sa mga dingding at sahig. Ngunit sa katahimikan, hindi nagtatagumpay ang pag-iisa ni Miguel. “Where are you?” bulong niya sa sarili, malamig at kontrolado, ngunit may bahid ng matinding pagnanais. Hindi siya nag-aalala tungkol sa kung sino ang makakarinig. Hindi niya kailangan. Ang tanging mahalaga: si Lea. Walang ulat mula sa assistant niya na nagsasabi kung nasaan ang babae. Ngunit alam ni Miguel—alam niya. Alam niya ang bawat galaw, bawat paboritong lugar, bawat escape route. Hindi siya nagmamadali. Hindi niya kailangan. Obsession, para sa kanya, ay hindi kagyat. Ito ay tahimik, mapanganib, at tumpak. Samantalang si Lea, nakatakas sa kanyang presensya. Nawalan ng katahimikan, huminga nang malalim, naglakad sa labas ng mansion nang palihim. Ang bawat hakbang niya ay puno ng takot at galit. “Hindi ako pumayag sa lahat ng ito,” mahina niyang bulong, parang tanging panlalaban sa sarili niya. Hindi niya alam na

  • The Billionaire's Marriage Deal   Chapter 7

    Hindi agad pumasok si Miguel sa kwarto. Alam niyang gising na si Lea. Alam niya ang ritmo ng paghinga nito, ang bahagyang paggalaw ng kurtina, ang sandaling tahimik na sinusundan ng maingat na hakbang. Ilang minuto na niyang minamasdan sa monitor, hindi bilang isang lalaking nagmamadali—kundi bilang isang lalaking sanay maghintay hanggang bumigay ang sitwasyon sa kanya. “Give her time,” bulong niya sa sarili. Hindi dahil may konsensya siya. Kundi dahil alam niyang mas madaling kontrolin ang isang taong naguguluhan kaysa sa isang taong takot. Sa loob ng kwarto, nakaupo si Lea sa gilid ng kama, hawak ang kumot na parang sandata. Hindi siya umiiyak ngayon. Napagod na siya sa pag-iyak. Ang natitira ay pagkalito—at iyon ang pinaka-delikado. Isang mahinang katok ang umalingawngaw. Hindi bigla. Hindi malakas. Sapat lang para ipaalam ang presensya, hindi ang pananakot. “Lea,” tawag ng isang boses mula sa labas. Mababa. Kalma. Kontrolado. Nanigas siya. Kilala niya ang boses na iyon k

  • The Billionaire's Marriage Deal   Chapter 6

    Hindi agad siya pumasok. Alam iyon ni Lea kahit hindi niya nakikita. May presensyang biglang pumuno sa espasyo—hindi maingay, hindi agresibo, ngunit sapat para magbago ang hangin sa paligid. Parang may isang pinto na matagal nang nakabukas, at ngayon lang unti-unting isinasara. Tumigil ang paghinga niya sandali. May yabag ng paa. Mabagal. Kontrolado. Walang pagmamadali. Humigpit ang hawak ni Lea sa gilid ng sofa. Hindi siya nakatingin, pero ramdam niya ang titig—isang tinging hindi sumusukat, kundi umaangkin. Hindi niya alam kung bakit iyon ang unang salitang pumasok sa isip niya. Pag-angkin. “Gising ka na.” Mababa ang boses. Kalmado. Walang bahid ng pagtataka o pag-aalala. Isang pahayag lamang, parang alam na niya ang sagot bago pa man itanong ang tanong. Dahan-dahang tumingala si Lea. At doon niya siya unang nakita. Matangkad. Nakatayo sa gitna ng sala na parang natural lang na naroon siya—parang ang buong lugar ay itinayo para sa kanya. Maayos ang suot, walang lukot, wal

  • The Billionaire's Marriage Deal   Chapter 5

    Tahimik ang penthouse ni Miguel Guero. “Everything aligned,” bulong niya sa sarili, ang boses ay mababa, kontrolado. Isang uri ng katahimikan na hindi kailanman naging bakante—sapagkat puno ito ng kontrol. Puno ng mga desisyong matagal nang pinlano. Puno ng isang tagumpay na hindi niya kailangang ipagsigawan. “She’s mine,” sabi niya, bilang pag-angkin—bilang tagumpay. Puno ng pagmamayabang. Hindi iyon pangako. Isa lamang itong pahayag. Nakatayo siya sa harap ng floor-to-ceiling window, hawak ang baso ng alak na hindi pa niya iniinom. Sa ibaba, kumikislap ang lungsod—mga ilaw, mga buhay, mga pangarap na hindi niya kailangang habulin. Lahat ng gusto niya, nakuha na niya. At ang huli—ang pinakamahalaga—ay nasa kanya na. Si Lea. Hindi siya ngumiti nang malaki. Hindi siya tumawa. Hindi siya nagdiwang tulad ng ibang lalaki. Hindi iyon ang uri ng tagumpay na kailangan ng ingay. Ito ang uri ng panalo na masarap namnamin sa katahimikan. “Welcome to my world, Lea,” bulong niya sa hangi

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status