Compartir

Pagtatagpo

Autor: BlueFlower
last update Última actualización: 2025-11-13 19:48:11

"Okay ka lang anak ko?" hinawakan ng Ina ni Nelson ang makabilaang pisngi ng binata na kaagad namang iwinakli nito, tumayo mula sa lupa at marahas na idinura ang dugo mula sa kaniyang bibig.

"Sino ba 'yong lalaking iyon? Sino siya para suntukin ako?"

Tumabi sa kanya ang kaniyang Ina pati narin ang pamilya Imperial at tumingin sa papalayong bulto ng apat. Hindi nila kilala kung sino ang kasama ni Saphira na tatlong lalaki.

Ngumiti ng mapanuya ang lola ni Danica.

"Baka ito ang mga lalaki na pinagkukunan niya ng pera ngayon dahil wala na siya sa puder ng Imperial?" napa tango naman kaagad si Nelson sa naisip at napa ngisi.

"Ganiyan naba siya ka desperado? Gagamitin niya ang mga lalaki para lang sa pera?" natatawang tugon naman ni Nelson at nagtawanan nalamang silang lahat.

"Hindi eh, parang may mali anak ko." biglang putol ng Ina ng binata sa tawanan. Nagsalubong ang kanilang mga kunot sa noo.

"Anong ibig mong sabihin Cynthia?" tanong ng lola ni Danica.

"Kung nakaya ni Saphira na makapasok sa beach resort na ito, ibigsabihin malalaking tao ang kaniyang mga kasama."

Nagkatinginan naman ang pamilya Imperial sa bawat isa. May punto nga naman si Cynthia, hindi kasi kung sino lang ang nakakapasok sa lugar na ito. Kailangan may koneksyon ka at sapat na salapi upang makapasok.

Halata sa mukha ng pamilya Imperial ang pagka dismaya.

SA KABILANG BANDA NAMAN...

"Nandito na kami mga pepols!" malakas na sigaw ni Andrus habang may naka plakadang ngiti sa labi na abot hanggang tainga.

Pagkapasok nila sa cabin, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng aircon at amoy ng bagong linis na kahoy. Maluwang ang loob, isang modernong tropical design na may halong rustic charm.

Habang sa kanan naman ay may malalaking salaming bintana na tanaw ang asul na dagat at mga puno ng niyog na bahagyang sumasayaw sa hangin. Ang liwanag ng araw ay dumadaloy papasok, lumalaro sa sahig na gawa sa pinakinis na kahoy.

Sa gitna ng eksklusibong cabin, naroon ang isang malinis at malaresort na pool, hindi kalakihan ngunit sapat para na para sa kanila. Ang tubig ay malinaw, at sa ilalim nito ay may ilaw na kumikislap na parang mga bituin kapag dumidilim na. Sa paligid ng pool, may mga recliner chairs at malalambot na sofa, perpekto para sa pagpapahinga matapos lumangoy o mag-sunbathing sa labas.

Sa kaliwa, may malaking dining area na may mahabang mesa na yari sa bamboo wood, may mga nakahandang baso, plato, at mga basket na may prutas. Sa dulo naman ay ang mini kitchen, simple pero kumpleto may gawaan ng kape, maliit na prigider, at shelves na puno ng snacks at alak.

Napa ngiti ang dalaga sa nasaksihan ng dalawa niyang mata. Para itong isang paraiso para sa mga taong gustong kumawala sa masalimoot at masakit na reyalidad.

"Ang ganda hindi ba?" napukaw kaagad ang atensyon ni Saphira dahil sa boses na iyon at tumingin sa kanyang tagiliran at saka tumango.

"Oo, walang katulad..."

"Andres, Insan, hali na kayo. Mas nauna pang pumasok sa inyo si Lior eh," Kinaladkad na ni Andrus si Saphira patungo sa labas ng cabin kung saan matatagpuan ang swimming pool.

Ang mga nagtatawanan na naka upo sa kaniya kaniya nilang mga upuan ay biglang natigilan at tumingin sa kanya.

"S-Saphira a-apo ko?" nabaling ang tingin ng dalaga sa matandang naka upo sa pinaka dulo ng mahabang lamesa. Namumula ang mata nito habang papunta sa gawi niya na naka ngiting inalalayan ni Andres.

"Siya naba ito Andrus?" marahang inabot nito ang pisngi niya. Hindi siya maka galaw, pakiramdam niya ay paunti unti siyang nauubusan ng hininga dahil sa mga nangyayari.

"Ikaw naba ang matagal nang nawawalang apo ko, ija?"

"A-Ako po si Saphira," iyon lamang ang naging tugon niya sa matanda kasabay nito ang mainit at malambot na yakap sa kanya. Parang natunaw lahat ng problema ni Saphira sa mga sandaling iyon.

Naisip niya bigla, ganito ba talaga ang pakiramdam kapag may pamilya ka?

"Masayang masaya ako at sa wakas nakita na kita apo ko," may galak ang boses nito at humiwalay sa pagkakayakap at lumingon sa likuran ang matanda.

"Anak, narito na ang anak mo." tumingin pabalik ang matanda sa dalaga, "Siya ang Papa mo, Saphira." napa tingin si Saphira sa lalaking naka upo sa kaliwang bahagi ng lamesa.

Nasa edad sengkuwenta anyos na ito, may maliit na puting balbas at naka suot ng tuxedo na para bang may meeting pa na pupuntahan. Nagtagpo ang kanilang mga mata ngunit umiwas lamang ito ng tingin sa kanya.

Hindi man sabihin ni Saphira ngunit nakaramdam siya ng sakit sa bandang puso niya dahil sa naging mailag na reaksyon nito.

Hindi mawari ni Saphira kung bakit wala siyang kahit anong naramdaman sa Ama 'raw' niya. Pinakilala siya isa-isa sa mga taong naroon, halatang hindi ito nasisiyahan sa kaniyang presensya.

Habang si Andrus at Andres ay abala sa pagluto ng bangus at si Lior naman ay tahimik lang na naka masid sa gilid.

Pagkatapos ng pagpakilala ng lahat, pinaupo na siya katabi ng sinabi nilang lola niya. Nilagyan siya nito ng kahit ano-anong karne at gulay sa plato niya.

"Kumain ka ng marami apo ko," malambing itong ngumiti sa kanya. Naiilang na ngumiti din siya pabalik dito at kumain hindi alintana ang matatalas na mga mata na nakatingin sa gawi niya.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • The Billionaire's Masked Desire    Hindi pagkaka intindihan

    "Oh? Bakit naka simangot ka na naman? Paminsan na nga lang tayo magkita tapos ganiyan pa mukha mo. Sino na naman ba kaaway mo? Si Danica na naman ba?""Hindi." marahas na itinapon ni Saphira ang kulay brown niyang sling bag sa couch at pabagsak na umupo duon. Uupo narin sana iyong lalaki ngunit itinaas ni Saphira sa ere ang kaniyang kamay.Signaling him to stop."Edward," panimula ng dalaga at walang ganang tinapunan ng tingin ang kaibigan, "Maligo ka kaya muna?"Napa tingin naman kaagad si Edward sa sarili niya. Naka lab-gown pa ito ng kulay puti na para bang pupunta ito sa isang madugong operasyon sa ER. Habang ang buhok nito ay parang ginawa ng tulugan ng langgam at may noddles pang naka dikit malapit sa tainga niya.Marahang inamoy ni Edward ang sarili."Hindi naman, kakaligo ko lang kaya noong nakaraang araw!" napa buntong hininga na lamang ang dalaga. Nakilala niya si Edward noong kasagsagan ng highschool days niya, sila ni Danica bago siya pinahinto ng mga adoptive parents niya

  • The Billionaire's Masked Desire    Anak?

    Habang tinatanaw ni Lior ang papalayong bulto ni Saphira ay kinuha niya kaagad ang selpon sa bulsa. May tinipa siyang kung anong numero doon at tinawagan ito."Yes Mr. Del Fierro? Long time no calls, ah? May ipapagawa ka na naman ba?""Yes, a million." seryosong tugon ni Lior. Kumislap naman kaagad ang mata ng kausap niyang lalaki sa kabilang linya."Iyan ang gusto ko sa'yo eh! Sige, anong ipapagawa mo sa akin Mr. Del Fierro?"Napa tingin si Lior sa hawak niyang yosi at umihip kaagad mula roon at saka tumingala sa langit. Habang ang selpon ay nasa kaliwang tainga niya."Find out about Saphira Imperial's background." bakas sa boses ng binata ang lamig. Kumunot naman ang noo ng kausap niya sa kabilang linya."Hindi ba't ito ang nawawalang apo ng pamilya Vergara na inampon ng pamilya Imperial?"Tinapon ni Lior sa lupa ang upos nang yosi at inapakan iyon."Yeah, find all about her backgrounds in ten minutes." "Alrighty!" masiglang sagot ng lalaki sa kabilang linya at pinutol na ang tawag

  • The Billionaire's Masked Desire    Matigas pa sa bato

    Huminto na ang sasakyan hudyat na naka uwi na sila. Tahimik lang na si Lior sa driver seat habang sila ay palabas na."Lola, Lior ko!" masiglang bati ni Elina at imbes na yakapin ang matanda ay si Lior ang niyakap nito. Napa ngiwi naman kaagad si Saphira sa nasaksihan habang ang matanda ay napa iling iling lang."Bakit ang tagal niyo? So marami pa namang lamok here outside the mansion." maarte nitong sabi.Marahas na tinangal ni Lior ang pagkaka kapit ni Elina sa braso niya at lumayo ng tatlong hakbang sa dalaga. Na para bang isa itong malalang sakit.Napa tawa naman sa isipan si Saphira dahil sa nakita niyang pandidiri sa mukha ng binata."Lior naman eh, why so distant to me? Magpapahatid ako sayo ngayon sa set okay? At hindi ako tatanggap ng 'no'." "You know I won't." walang ganang sagot ni Lior at may tinipa sa selpon nito."Elina apo, may gagawin pa si Lior. At saka, ihahatid niya pa si Saphira." kaagad na umiling si Saphira."H-Hindi na kailangan lola! K-Kaya ko na ang sarili ko

  • The Billionaire's Masked Desire    Knight in shining armor

    "Ikaw na naman?" kitang kita sa pagmumukha ni Nelson ang pagka pikon ng makita niya si Lior. Sariwa parin sa ala ala ng binata kung paano siya nito nasuntok nung nakaraan."What are you doing here?" hindi binigyang pansin ni Lior ang dalawa sa kaniyang harapan at naka pokus lamang ang atensyon kay Saphira.Marahang kumawala ang dalaga mula sa pagkakakulong sa bisig ng binata. "Hinihintay ko si Lola,""Are you ignoring us!?" doon na napa tingin si Saphira at Lior sa harapan ng marinig ang matinis na boses na iyon ni Danica. Nagtinginan kaagad ang mga tao sa paligid.Binalingan lamang silang dalawa ni Lior ng walang ganang tingin. "Danica, tama na. Hindi ako nandito para maghanap ng away--""Really? Akala ko ba farmer ang mga magulang mo, ha? At ngayon malalaman ko na isa kang Vergara? Isa ka talagang sinungaling!" dinig na dinig sa kabuuan ng food court ng mall ang sigaw ni Danica. "Danica, hindi ko din alam--""You don't need to explain yourself. Let's go," naramdaman nalang ni Sap

  • The Billionaire's Masked Desire    Prestehiyosong Pamilya

    Continuation..."D-Doña Vergara, mabuti at n-napasyal kayo dito sa lungsod." masiglang bati ni Linka sa matandang kaharap niya. Kunot noong tumingin ang matanda babae sa kaharap niyang si Linka at di kalaunan ay ngumiti ito."Misis Imperial," pormal na sagot ng lola ni Saphira. "Kami nga, kami nga Doña Vergara," malawak na ngiti ang natanggap ng matanda kay Linka at nakipag kamay pa ito gayundin naman ang ginawa ni Antonio.Habang si Nelson at Danica ay naka tayo lamang, naka tingin kay Saphira ng walang emosyon. Na para bang sinasabi nila kay Saphira na 'umalis ka diyan'."Ka liit liit naman bg mundo ano? Nagkita pa talaga tayo dito, ano po pala ang dayo niyo dito Doña?" sa pagkakataong ito si Antonio na ang nagsalita.Kahit mayaman ang pamilya Imperial, hindi parin maihahalintulad ang pamilya nila sa pamilya na napapa loob sa elite circle.Isa na roon ang mga Vergara's.May malawak na ngiti na tumingin ang matanda sa katabi niyang dalaga."Hindi ko pala napapakilala, ito si Saph

  • The Billionaire's Masked Desire    Doña Vergara

    Lahat ng gusto ni Danica ay ibinibigay ng Ina, lalong lalo na ngayon na naging matagumpay ang operasyon nito.Naka ngiting tinutungo ni Danica ang hapagkaininan. Pakiramdam ng dalaga ang gaan ng gising niya at ang aliwalas ng paligid, ganito pala ang pakiramdam kapag normal kang ipinanganak sa mundo.Iyung pakiramdam na normal mong nakikita ang lahat.Napaka ayos ng mansiyon nila, kulay krema ang ding ding nito at may malaking chandelier sa pinaka gitnang sala. Kulay ginto ang malalaking kurtina at may iilang yaya rin sila sa loob ng mansiyon."Magandang umaga Mom, Dad..." napa tigil muna sa paghakbang ang dalaga at mas lumapad pa ang ngiti niya ng makita si Nelson."Nelson!" patakbo niya itong niyakap kaagad namang tumikhim ang Ama ni Danica kaya si Nelson na ang lumayo sa pagkakayakap ni Danica sa kanya.Sumimangot naman kaagad si Danica at umarteng masakit ang kaniyang mata."Aray," napa hawak ang dalaga sa mata niya."Anak!" na alarma kaagad ang magulang ng dalaga at inalalayan

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status