Share

Baritonong boses

Author: BlueFlower
last update Last Updated: 2025-11-06 16:13:22

Hindi mapakali si Saphira sa kaniyang kinauupuan, kanina pa siya tingin ng tingin sa bintana. Bale si Andrus ang nagmamaneho, habang si Andres naman ang nasa katabing driver seat.

Ang bilis ng tahib ng puso niya dahil sa ilang taon niyang pag-aantay na makilala ang tunay niyang pamilya, sa wakas nandito na siya. Makikilala na niya sila.

At sa lahat pa talaga na puwedeng maging katabi niya ay si Lior pa. Kanina pa ito abala sa laptop habang suot suot ang makapal nitong eyeglasses, ngunit hindi parin maitatago ng eyeglasses ang tinataglay nitong kakisigan.

Matangkad siya, may matikas na tindig at malapad na balikat. Maputi ang kutis, makinis, at halatang inaalagaan ang sarili. Medyo magulo pero natural ang bagsak ng buhok niya, at sa likod ng salamin ay mga matang matalim at malamig ang tingin.

Matangos ang ilong, mahigpit ang panga, at palaging seryoso ang ekspresyon ng mukha. Ang mga labi niya’y manipis at bihirang ngumiti. May simple pero matikas na porma—polo, relo, at maong pero sapat para mapalingon ang kahit na sino.

“Done checking me out?”

“H-Huh? Pasensya na,” kaagad na nakaramdam ng hiya si Saphira at kaagad na napa yuko ng kaniyang ulo.

“Narito na tayo insan!” masiglang imporma ni Andrus sa kanya kaya umangat kaagad ang kaniyang ulo upang tanawin ang nasa harapan niya.

Wala sa sariling napa ngiti siya ng makita ang napaka asul na karagatan.

“Ang ganda…” manghang saad niya at pinagbuksan siya ng pintuan ni Andres.

“Ang ganda diba?” taas noong sambit naman ni Andres at umakbay sa balikat niya ngunit kaagad niya itong pinilipit dahil sa gulat.

“Aray, aray!”

“P-Pasensya na! Hindi ko sinasadya,” nataranta ang dalaga at hindi alam kung saan ibabaling ang tingin. Napa tawa naman kaagad si Andrus.

“Deserb. Buti nga sa’yo, dapat sa leeg mo pinilipit insan hindi sa braso,” nagpipigil tawa na sabi ni Andrus sa kapatid.

“Tumahimik ka, Andrus.”

“Pasensya na talaga, okay ka lang?” hindi na maipinta ang pagmumukha ni Saphira sa sobrang pag-aalala.

Napa tawa si Andres sa reaksyon ni Saphira.

“Okay lang ako, medyo masakit lang ng kaunti.”

“P-Pasensya na, hindi kasi ako sanay na may humahawak sa akin.” Napa iling naman kaagad si Andres.

“Okay lang huwag kang mag-alala, mabuti nga iyan para walang maka lapit na ibang lalaki sa’yo.”

“Tama, tama.” Pag sang-ayon ni Andrus, “Para siguradong ligtas ang baby insan namin,”

Napa ngiwi naman kaagad si Andres.

“Tumigil ka nga sa mga tawag mo sa kaniyang ganiyan Andrus, para kang timang. Kapag narinig ka ng Lola, siguradong tsugi ka doon.”

“Are we going in or not?” napatigil lamang sila sa bangayan ng marinig nila ang baritonong boses na iyon.

“Eto nan nga, papasok na.”

“Bagal mo, kasalanan mo naman.”

“Ako pa talaga?”

Napa iling iling nalamang si Saphira dahil sa kakulitan ng magkapatid. Hindi niya lubos akalain na mapapatawa siya ng mga ito.

Bumaba narin si Lior sa kotse at sumunod sa kanila. Sa pagkakataong ito hindi na nito dala ang laptop at naka pamulsa nalang. Na depina tuloy ang maugat nitong braso na mas lalong dumagdag sa kakisigan ng binata.

Kaagad na binawi ni Saphira ang tingin niya nang magtagpo ang mga mata nila at ibinalik sa harapan ang atensyon.

“Welcome to Floroverga garden beach resort! Enjoy your stay here,” isa isa silang sinabitan ng kuwintas sa leeg na gawa sa kulay pink na rosas. Namangha naman kaagad si Saphira dahil ito ang paborito niyang rosas!

Ang pagkakataon nga naman!

“Thank you,” may ngiti na saad ng dalaga habang ang dalawa niyang pinsan ay parang wala lang. Pa simple niyang sinulyapan sa gilid ng mata niya si Lior at nakita niyang tinangihan nito ang bulaklak.

Napa irap naman sa ere ang dalaga. Grabe naman kung maka asta ang binata, para bang kung sinong tagapag mana.

Napansin din ng dalaga na halos walang tao sa buong resort. Dapat maraming tao ngayon hindi ba kasi tag-init na?

“Saphira?”

Awtomatikong napa tigil sa pagkhakbang ang kaniyang mga paa gayundin ang dalawa niyang pinsan na nasa unahan.

Dahan dahan siyang napa lingon sa kaniyang likuran. At tama nga ang hinala niya, si Nelson nga.

“Anong ginagawa mo rito?” hindi komportable na bulalas ni Saphira.

“Hindi ba dapat kami ang mag tanong niyan sa’yo Saphira? Paano ka nakapasok at nalaman na nandito kami?” may bahid na panunuya sa boses ni Nelson. Kasama nito ang pamilya Imperial, ngunit pansin niyang wala si Danica at si Ginang Linka.

“Wala na kayong pakialam doon,” walang gana niyang tugon.

Napansin niyang nagbulungan kaagad ang mga kamag-anak ng pamilya Imperial dahil sa naging sagot niya. Ganito naman sila palagi kapag siya na ang pinag-uusapan. Tumawa naman ng may panunuya si Nelson.

“Huwag mong sabihin na sinusundan mo kami?” napa tawa na naman ng mahina si Nelson at humakbang papalapit sa kanya.

“Sinakto mo pa talaga sa pagtitipon ng pamilya? Ibang klase, bilib na ako sayo.”

Humakbang siya paatras dahil palapit nan ang palapit si Nelson sa kanya.

“Hindi ba’t bumalik ka na sa totoo mong pamilya Saphira? Umalis ka na, nasisira araw namin dahil sa’yo.” Ani ng lola ni Danica.

“Oo nga, ayaw naming masira ang maligayang araw naming. Kaya puwede ba? Umalis ka na,”

Napa yuko nalamang si Saphira kasabay nito ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Ipinangako niya sa sarili na simula noong umalis siya sa puder ng mga Imperial ay wala na siyang kikilalanin pang mga Imperial.

Napa igtad nalamang siya ng bigla na lang maramdaman ni Saphira na lumapit pala ang bibig ni Nelson sa tainga niya.

“Bakit? Gusto mo bang magkabalikan ulit?” may mapilyong ngiti sa mga labi na bulong nito sa tainga niya at tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa na para bang isa siyang bulok na gulay sa palengke.

Sa hindi kalayuan mula sa kinatatayuan ng dalaga ay naikuyom ni Andrus at Andres ang kanilang mga kamao at susugod na sana ng biglaan na lang silang mapa tigil.

Nang biglaan nalang may lumipad sa ere na isang mabigat na suntok papunta sa panga ni Nelson. Tumalsik ang katawan nito na para bang isang papel na wala ng halaga

“Diyos ko!” sabay sabay na usal ng pamilya Imperial.

“Fvck, Ouch!” malakas na daing ni Nelson kasabay nito ang pagdaloy ng dugo sa ilong ng binata.

“Dugo! Tumawag kayo ng ambulansya dali!”

Parang nahimasmasan naman si Saphira sa nangyari at napa tingin kaagad sa kaniyang kaliwang tagiliran at tama nga ang hinala niya, si Lior nga ang may gawa non.

“Stupid fvck.” Dahan dahang pinulot ni Lior ang eyeglasses niya at pinagpagan mula sa lupa at isinuot uli ito.

“Let’s go,”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Masked Desire    Doña Vergara

    Lahat ng gusto ni Danica ay ibinibigay ng Ina, lalong lalo na ngayon na naging matagumpay ang operasyon nito.Naka ngiting tinutungo ni Danica ang hapagkaininan. Pakiramdam ng dalaga ang gaan ng gising niya at ang aliwalas ng paligid, ganito pala ang pakiramdam kapag normal kang ipinanganak sa mundo.Iyung pakiramdam na normal mong nakikita ang lahat.Napaka ayos ng mansiyon nila, kulay krema ang ding ding nito at may malaking chandelier sa pinaka gitnang sala. Kulay ginto ang malalaking kurtina at may iilang yaya rin sila sa loob ng mansiyon."Magandang umaga Mom, Dad..." napa tigil muna sa paghakbang ang dalaga at mas lumapad pa ang ngiti niya ng makita si Nelson."Nelson!" patakbo niya itong niyakap kaagad namang tumikhim ang Ama ni Danica kaya si Nelson na ang lumayo sa pagkakayakap ni Danica sa kanya.Sumimangot naman kaagad si Danica at umarteng masakit ang kaniyang mata."Aray," napa hawak ang dalaga sa mata niya."Anak!" na alarma kaagad ang magulang ng dalaga at inalalayan

  • The Billionaire's Masked Desire    Lior Del Fierro

    "Saphira, apo ko, balita ko ay tumigil ka ng dalawang taon sa pag-aaral mo? Diba dapat ay nasa kolehiyo kana ngayon?"Kasalukuyang nasa loob ng cabin na sila ngayon, naka upo sila sa mahaba at malambot na kulay gintong sofa. Naiwan ang iba sa labas, at ang mga bata naman ay naliligo na sa swimming pool.Napa yuko si Saphira, pinaglaruan ang sarili niyang mga daliri at mapait na ngumiti."Wala po kasing sapat na pera, masiyado pong mahal ang mga bayarin sa loob ng paaralan." pagsisinungaling ng dalaga.Nakaramdam naman ng kahabagan ang matanda sa apo at hinawakan ang mga kamay nito."Bakit? Hindi ka ba kayang pag-aralin ng mga umampon sa iyo?" kaagad namang tumango si Saphira."Simple lamang po ang buhay nila, ayaw ko naman din pong maging pabigat sa kanila." ngunit ang totoo ay pinatigil siya sa pag-aaral ni Ginang Linka para mag pokus siya sa pag-aalaga kay Danica.Ayaw niya nalang sabihin ito sa matanda, ngunit hinding hindi niya kalilimutan ang mga sandaling iyon. Kung paano siya n

  • The Billionaire's Masked Desire    Pagtatagpo

    "Okay ka lang anak ko?" hinawakan ng Ina ni Nelson ang makabilaang pisngi ng binata na kaagad namang iwinakli nito, tumayo mula sa lupa at marahas na idinura ang dugo mula sa kaniyang bibig."Sino ba 'yong lalaking iyon? Sino siya para suntukin ako?"Tumabi sa kanya ang kaniyang Ina pati narin ang pamilya Imperial at tumingin sa papalayong bulto ng apat. Hindi nila kilala kung sino ang kasama ni Saphira na tatlong lalaki.Ngumiti ng mapanuya ang lola ni Danica."Baka ito ang mga lalaki na pinagkukunan niya ng pera ngayon dahil wala na siya sa puder ng Imperial?" napa tango naman kaagad si Nelson sa naisip at napa ngisi."Ganiyan naba siya ka desperado? Gagamitin niya ang mga lalaki para lang sa pera?" natatawang tugon naman ni Nelson at nagtawanan nalamang silang lahat."Hindi eh, parang may mali anak ko." biglang putol ng Ina ng binata sa tawanan. Nagsalubong ang kanilang mga kunot sa noo."Anong ibig mong sabihin Cynthia?" tanong ng lola ni Danica."Kung nakaya ni Saphira na makap

  • The Billionaire's Masked Desire    Baritonong boses

    Hindi mapakali si Saphira sa kaniyang kinauupuan, kanina pa siya tingin ng tingin sa bintana. Bale si Andrus ang nagmamaneho, habang si Andres naman ang nasa katabing driver seat.Ang bilis ng tahib ng puso niya dahil sa ilang taon niyang pag-aantay na makilala ang tunay niyang pamilya, sa wakas nandito na siya. Makikilala na niya sila.At sa lahat pa talaga na puwedeng maging katabi niya ay si Lior pa. Kanina pa ito abala sa laptop habang suot suot ang makapal nitong eyeglasses, ngunit hindi parin maitatago ng eyeglasses ang tinataglay nitong kakisigan.Matangkad siya, may matikas na tindig at malapad na balikat. Maputi ang kutis, makinis, at halatang inaalagaan ang sarili. Medyo magulo pero natural ang bagsak ng buhok niya, at sa likod ng salamin ay mga matang matalim at malamig ang tingin.Matangos ang ilong, mahigpit ang panga, at palaging seryoso ang ekspresyon ng mukha. Ang mga labi niya’y manipis at bihirang ngumiti. May simple pero matikas na porma—polo, relo, at maong pero sa

  • The Billionaire's Masked Desire    Tatlong lalaking estranghero

    Napa tingin sa makulimlim na kalangitan ang dalaga kasabay nito ang pagbagsak ng malalaking butil ng ulan. Malakas ang ihip ng hangin at ramdam niya ang lamig na dulot non sa katawan niya.Napa tingin siya sa mahabang kalsada na walang ka tao-tao kundi isang punding ilaw lamang ang tanging nagbibigay liwanag doon. Kahit ni isang motorsiklo man lang ay walang dumadaan.“Nasaan naba ako?” hindi na niya alam saan siya dinala ng kaniyang mga paa kanina sa sobrang pag-iisip.Habang naglalakad ay naramdaman niya ang pagsakit ng kaniyang ulo kaya napa hawak kaagad siya sa kaniyang sentido.“Ito na naman,”Ilang segundo pa ay bumagsak na nang tuluyan ang kaniyang katawan, kasabay nito ang pag doble ng kaniyang paningin kaya pa ulit-ulit niyang pinupok pok ang ulo niya. Nagbabasakaling maibsan ag sakit ngunit wala.“Argh!” napa luhod nalang siya sa sementadong kalsada nang mas umigting pa ang sakit na para bang pa ulit-ulit itong sinasaksak ng punyal.Nahihirapan na siyang habulin ang sarili n

  • The Billionaire's Masked Desire    Ang lalaki sa likod ng sasakyan

    Ramdam ni Saphira ang init na tumatagos sa kaniyang maputla at walang kasing puting balat. Kaunting kembot nalang at magiging ka kulay niya na ang papel dahil sa kaputian niyang taglay.“Ija, hindi ka ba talaga sasakay? Walang dumadaan dito na mga traysikel. Ikaw rin ang mahihirapan,” paalala ni manong drayber sa kanya. Nasa sengkuwenta anyos na siguro ang edad nito.Napa tingin siya sa kanyang bulsa at hinugot doon ang bente pesos, ito nalamang ang natitira niyang pera.“Bente pesos nalang po ang pera ko Manong,”Napa kamot ng ulo ang drayber.“Eh saan kaba patungo ija?”“May kilala po ba kayong malapit na karendirya ho dito? Iyong may telepono po? Doon lang sana ako magpapalipas ng oras,” napa isip naman kaagad ang driver kasabay ang pag tango nito.“Sige sakay na, masiyadong mainit kapag naglakad ka pa.”Malaking ngiti ang naging tugon ng dalaga at kaagad ng sumakay.***Kasalukuyang tinatawagan ni Saphira ang ibinigay na numero sa kanya ng pamilya Imperial dahil ito raw ang numero

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status