LOGIN"Saphira, apo ko, balita ko ay tumigil ka ng dalawang taon sa pag-aaral mo? Diba dapat ay nasa kolehiyo kana ngayon?"
Kasalukuyang nasa loob ng cabin na sila ngayon, naka upo sila sa mahaba at malambot na kulay gintong sofa. Naiwan ang iba sa labas, at ang mga bata naman ay naliligo na sa swimming pool. Napa yuko si Saphira, pinaglaruan ang sarili niyang mga daliri at mapait na ngumiti. "Wala po kasing sapat na pera, masiyado pong mahal ang mga bayarin sa loob ng paaralan." pagsisinungaling ng dalaga. Nakaramdam naman ng kahabagan ang matanda sa apo at hinawakan ang mga kamay nito. "Bakit? Hindi ka ba kayang pag-aralin ng mga umampon sa iyo?" kaagad namang tumango si Saphira. "Simple lamang po ang buhay nila, ayaw ko naman din pong maging pabigat sa kanila." ngunit ang totoo ay pinatigil siya sa pag-aaral ni Ginang Linka para mag pokus siya sa pag-aalaga kay Danica. Ayaw niya nalang sabihin ito sa matanda, ngunit hinding hindi niya kalilimutan ang mga sandaling iyon. Kung paano siya nagmakaawa kay Ginang Linka at Ginoong Antonio na huwag siyang patigilin sa pag-aaral. "Saang unibersidad pala ang gusto mong pumasok? Sabihin mo lang at ang lola mo na ang bahala sa'yo," may ngiti na saad nito sa kanya. Hindi niya mawari kung bakit napakagaan ng loob niya sa matanda. "Talaga po?" Tumango ito habang abot tainga ang ngiti sa mga labi. "Oo naman apo ko," marahan nitong isinukbit sa likod ng tainga niya ang nakaharang na hibla ng buhok sa kaniyang noo. "Gagawin ko ang lahat upang makabawi sa mga taon na hindi kita naalagaan." "You can go to Regalia University of Manila." Napa tingin kaagad ang dalawang babae sa bukana ng pintuan. It's Lior, isinarado nito pabalik ang pintuan at ipinahinga ang likod nito sa pader at ipinagkrus ang dalawa nitong braso aa dibdib. Kumunot ang noo ng matanda, halatang hindi ito sang ayon sa naging suhestiyon ng binata. "Hindi puwede Lior, masiyadong malayo ang Manila sa Davao. Sino na lang ang makakasama niya doon?" napa tingin ang matanda kay Saphira at kaagad nahabag sa dalaga. Napa buntong hinga ang lola ni Saphira. "Gusto mo ba doon sa unibersidad na sinabi ni Lior apo ko?" "Kahit saan po wala naman akong problema," ang mas importante sa kanya ay mayroon na siyang pamilya ngayon. "Sige, maganda at disiplinado din ang unibersidad na iyon at nababagay karin doon." tumayo silang parehas ng kaniyang lola at pumunta sa swimming pool area. Nagkatinginan pa silang dalawa ni Lior at napansin niya ang munting pag ngisi nito sa kanya. Dahil sa hindi siya kumportable ay siya na ang unang pumutol ng tinginan nilang dalawa. Naka sunod lamang si Lior sa likod habang naka pamulsa. "Makinig kayong lahat," natigilan ang lahat sa ginagawa at tumingin sa matanda. Doon napatunayan ni Saphira na talagang ginagalang ang matanda sa kanyang tabi. "Kailangan ng apo ko ang tulong niyo, simula sa susunod na pasukan ay papasok siya sa Regalia University of Manila hindi ba't doon ka nag-aaral ngayon Elina?" nakita ni Saphira kung paano tumirik ang mata ni Elina sa ere. Ramdam ni Saphira na hindi siya tanggap ng iba maliban sa kaniyang lola. "Lola, I'm in my third year now. Wala akong oras to deal with her, like I'm so busy talaga." sabay pout pa nito. Napa buntong hininga ang matanda. Si Elina lang kasi ang nag-aaral sa RUM dahil graduate na ang ibang apo niya. "Kailangan may mag-alaga sa kanya roon Elina. Hindi natin alam ang panahon," Marahang pinisil naman ni Saphira ang kamay ng kaniyang lola at nahihiyang ngumiti. Ayaw niyang magdulot ng pagkalito sa pamilya para lang sa kanyang kapakanan. "Lola, okay lang kahit hindi na--" "I can," walang emosyon na enterapsyon ni Lior sa usapan nila. Napa lingon silang lahat sa likuran kung saan naka sandal ang binata sa hamba ng pintuan. "Hindi ba nakaka abala sa iyo apo?" "It's a hassle, but I can handle it." walang halong plastikan na tugon ng binata kaya napa tawa ng mahina ang matanda. Nagkasalubong kaagad ang kanilang paningin sa pangalawang pagkakataon, pakiramdam ni Saphira ay hinihigop ng binata ang lahat ng enerhiya ng kaniyang katawan kaya si Saphira na ang unang nag-iwas ng tingin. Ito ang unang pagkakataon na nag suhestiyon ang binata at ito pa mismo ang nag-offer na personal na samahan si Saphira. Para sa kanila ay bihira lamang itong mangyari. "Sige, may tiwala ako sa iyo apo ko." sabay kindat ng matanda kay Lior. Parang hindi naman nagustuhan iyon ng binata at bumalik itong pumasok sa cabin. "Lior, wait for me naman!" malakas na sigaw ni Elina ang ipinakilala ng matanda sa kanya kanina na kapatid daw niya sa ama. Huminto ito sa harapan niya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Hmp!" maarteng sabi nito at hinabol si Lior. "Pagpasensyahan mo na si Elina ija, ganoon lang talaga iyon ngunit mabait naman siya na bata." ngumiti nalang si Saphira at hindi na nagkumento pa. *** Ilang linggo na ang nakakalipas at hindi parin mawala sa isipan ni Danica ang na-i-kwento ni Nelson sa kanya. "Papa, sino kaya iyong mga kasama ni Saphira noong mga nakaraang linggo?" kasalukuyang nasa hapag sila ngayon, kumakain ng umagahan. Tumigil sa pagsubo ng adobong manok ang kaniyang Ina. "Oo nga mahal ko, sabi rin kasi ng Mama sa akin na naroon daw si Saphira sa Floroverga resort. Alam naman nating mga may kaya lang na pamilya ang nakakapasok doon, kagaya natin." taas noo nitong sabi. Napa buntong hininga si Antonio at inilagay muna sa mesa ang isang tasa ng kape. "Huwag kayong mag-aalala, sigurado akong nandoon lang si Saphira dahil baka nagtatrabaho siya doon." napa tango tango naman ang mag-ina. Naisip nga nila at biglang napa ngiti nalang. "May punto karin Papa, baka nga wala ng pera iyong babae na iyon. Mabuti nga sa kanya," parang may nabunot na tinik sa lalamunan ni Danica. Ayaw niya kasing maramdaman na nalalamangan siya ni Saphira kahit sa kaunting pagkain pa ito. "Kamusta pala ang mata mo anak ko? Sumasakit paba?" malambing na tinig ng ama. Nag-pout naman kaagad si Danica. "Okay naman Papa, pero iyung debut ko, hindi ko nagawa dahil kaka labas ko palang sa hospital." Napa tawa naman kaagad ang Ina niyang si Linka at inabot ang pisngi ng anak. "Sige, gagawa tayo ng napaka engrandeng kaarawan mo. Selebeasyon narin ito dahil sa tagumpay na operasyon ng mata mo." Gumuhit ang malawak na ngiti sa mukha ni Danica at niyakap ng mahigpit ang kanyang Ina at gayundin ang kanyang Ama. "Salamat Mama, Papa! At saka gusto ko sanang imbitahan lahat ng kaklase ko, gusto kong ipakita sa kanila na okay na ako! Na nakakakita na ako!" nagkatinginan naman kaagad ang mag-asawa, halatang nagdadalwang isip si Antonio. "Oo naman anak, kung anong gusto mo, gagawin natin." "Pero Linka--" "Antonio, hindi ba may trabaho ka pa sa opisina?" pinandilatan siya ng mata ng asawa."Oh? Bakit naka simangot ka na naman? Paminsan na nga lang tayo magkita tapos ganiyan pa mukha mo. Sino na naman ba kaaway mo? Si Danica na naman ba?""Hindi." marahas na itinapon ni Saphira ang kulay brown niyang sling bag sa couch at pabagsak na umupo duon. Uupo narin sana iyong lalaki ngunit itinaas ni Saphira sa ere ang kaniyang kamay.Signaling him to stop."Edward," panimula ng dalaga at walang ganang tinapunan ng tingin ang kaibigan, "Maligo ka kaya muna?"Napa tingin naman kaagad si Edward sa sarili niya. Naka lab-gown pa ito ng kulay puti na para bang pupunta ito sa isang madugong operasyon sa ER. Habang ang buhok nito ay parang ginawa ng tulugan ng langgam at may noddles pang naka dikit malapit sa tainga niya.Marahang inamoy ni Edward ang sarili."Hindi naman, kakaligo ko lang kaya noong nakaraang araw!" napa buntong hininga na lamang ang dalaga. Nakilala niya si Edward noong kasagsagan ng highschool days niya, sila ni Danica bago siya pinahinto ng mga adoptive parents niya
Habang tinatanaw ni Lior ang papalayong bulto ni Saphira ay kinuha niya kaagad ang selpon sa bulsa. May tinipa siyang kung anong numero doon at tinawagan ito."Yes Mr. Del Fierro? Long time no calls, ah? May ipapagawa ka na naman ba?""Yes, a million." seryosong tugon ni Lior. Kumislap naman kaagad ang mata ng kausap niyang lalaki sa kabilang linya."Iyan ang gusto ko sa'yo eh! Sige, anong ipapagawa mo sa akin Mr. Del Fierro?"Napa tingin si Lior sa hawak niyang yosi at umihip kaagad mula roon at saka tumingala sa langit. Habang ang selpon ay nasa kaliwang tainga niya."Find out about Saphira Imperial's background." bakas sa boses ng binata ang lamig. Kumunot naman ang noo ng kausap niya sa kabilang linya."Hindi ba't ito ang nawawalang apo ng pamilya Vergara na inampon ng pamilya Imperial?"Tinapon ni Lior sa lupa ang upos nang yosi at inapakan iyon."Yeah, find all about her backgrounds in ten minutes." "Alrighty!" masiglang sagot ng lalaki sa kabilang linya at pinutol na ang tawag
Huminto na ang sasakyan hudyat na naka uwi na sila. Tahimik lang na si Lior sa driver seat habang sila ay palabas na."Lola, Lior ko!" masiglang bati ni Elina at imbes na yakapin ang matanda ay si Lior ang niyakap nito. Napa ngiwi naman kaagad si Saphira sa nasaksihan habang ang matanda ay napa iling iling lang."Bakit ang tagal niyo? So marami pa namang lamok here outside the mansion." maarte nitong sabi.Marahas na tinangal ni Lior ang pagkaka kapit ni Elina sa braso niya at lumayo ng tatlong hakbang sa dalaga. Na para bang isa itong malalang sakit.Napa tawa naman sa isipan si Saphira dahil sa nakita niyang pandidiri sa mukha ng binata."Lior naman eh, why so distant to me? Magpapahatid ako sayo ngayon sa set okay? At hindi ako tatanggap ng 'no'." "You know I won't." walang ganang sagot ni Lior at may tinipa sa selpon nito."Elina apo, may gagawin pa si Lior. At saka, ihahatid niya pa si Saphira." kaagad na umiling si Saphira."H-Hindi na kailangan lola! K-Kaya ko na ang sarili ko
"Ikaw na naman?" kitang kita sa pagmumukha ni Nelson ang pagka pikon ng makita niya si Lior. Sariwa parin sa ala ala ng binata kung paano siya nito nasuntok nung nakaraan."What are you doing here?" hindi binigyang pansin ni Lior ang dalawa sa kaniyang harapan at naka pokus lamang ang atensyon kay Saphira.Marahang kumawala ang dalaga mula sa pagkakakulong sa bisig ng binata. "Hinihintay ko si Lola,""Are you ignoring us!?" doon na napa tingin si Saphira at Lior sa harapan ng marinig ang matinis na boses na iyon ni Danica. Nagtinginan kaagad ang mga tao sa paligid.Binalingan lamang silang dalawa ni Lior ng walang ganang tingin. "Danica, tama na. Hindi ako nandito para maghanap ng away--""Really? Akala ko ba farmer ang mga magulang mo, ha? At ngayon malalaman ko na isa kang Vergara? Isa ka talagang sinungaling!" dinig na dinig sa kabuuan ng food court ng mall ang sigaw ni Danica. "Danica, hindi ko din alam--""You don't need to explain yourself. Let's go," naramdaman nalang ni Sap
Continuation..."D-Doña Vergara, mabuti at n-napasyal kayo dito sa lungsod." masiglang bati ni Linka sa matandang kaharap niya. Kunot noong tumingin ang matanda babae sa kaharap niyang si Linka at di kalaunan ay ngumiti ito."Misis Imperial," pormal na sagot ng lola ni Saphira. "Kami nga, kami nga Doña Vergara," malawak na ngiti ang natanggap ng matanda kay Linka at nakipag kamay pa ito gayundin naman ang ginawa ni Antonio.Habang si Nelson at Danica ay naka tayo lamang, naka tingin kay Saphira ng walang emosyon. Na para bang sinasabi nila kay Saphira na 'umalis ka diyan'."Ka liit liit naman bg mundo ano? Nagkita pa talaga tayo dito, ano po pala ang dayo niyo dito Doña?" sa pagkakataong ito si Antonio na ang nagsalita.Kahit mayaman ang pamilya Imperial, hindi parin maihahalintulad ang pamilya nila sa pamilya na napapa loob sa elite circle.Isa na roon ang mga Vergara's.May malawak na ngiti na tumingin ang matanda sa katabi niyang dalaga."Hindi ko pala napapakilala, ito si Saph
Lahat ng gusto ni Danica ay ibinibigay ng Ina, lalong lalo na ngayon na naging matagumpay ang operasyon nito.Naka ngiting tinutungo ni Danica ang hapagkaininan. Pakiramdam ng dalaga ang gaan ng gising niya at ang aliwalas ng paligid, ganito pala ang pakiramdam kapag normal kang ipinanganak sa mundo.Iyung pakiramdam na normal mong nakikita ang lahat.Napaka ayos ng mansiyon nila, kulay krema ang ding ding nito at may malaking chandelier sa pinaka gitnang sala. Kulay ginto ang malalaking kurtina at may iilang yaya rin sila sa loob ng mansiyon."Magandang umaga Mom, Dad..." napa tigil muna sa paghakbang ang dalaga at mas lumapad pa ang ngiti niya ng makita si Nelson."Nelson!" patakbo niya itong niyakap kaagad namang tumikhim ang Ama ni Danica kaya si Nelson na ang lumayo sa pagkakayakap ni Danica sa kanya.Sumimangot naman kaagad si Danica at umarteng masakit ang kaniyang mata."Aray," napa hawak ang dalaga sa mata niya."Anak!" na alarma kaagad ang magulang ng dalaga at inalalayan







