Share

Chapter One

Chapter 01

BUONG AKALA ni Joanna ay magiging masaya ang relasyon nila ni Gin, akala niya wala na siyang mahihiling pa dahil para sa kaniya, Gin is a perfect boyfriend, pero nagkamali siya. Hindi niya inakalang si Gin ang sisira sa buhay niya ng dahil sa pera, at upang makuha pa nito ang pansariling kagustuhan ay nagawa nitong sabuyan ng asido ang mukha niya.

Lumuluhang nakatingin si Joanna sa salamin ng banyo ng kwarto sa ospital na kinalalagyan niya, nakikita niya ang buong mukha niyang sinira ni Gin. Ang pagmamahal niya para dito ay unti-unting natatabunan ng galit, at hindi niya hahayaan na magawa nito ang mga plano nito, lalo na sa kaniyang lolo na hindi niya hahayaang lokohin ni Gin.

“Ipinapangako ko na mapagbabayaran mo sa kulungan ang ginawa mo sa akin Gin, hinding-hindi kita mapapatawad.”madiing pahayag ni Joanna na lumabas na sa banyo matapos niyang makapagpalit ng damit dahil lalabas na siya ng ospital.

Nakapagbayad pa siya sa ospital niya gamit ang bank account niya, at pupunta siya ngayon sa banko upang kumuha ng pera niya dahil baka galawin din iyon ni Gin. Nagpasalamat siya sa nurse at doctor na tumingin sa kaniya, kahit na pinagtitinginan siya  ng mga tao sa ospital dahil sa itsura ng mukha niya ay hindi nalang niya iyon pinansin.

Dere-deretsong naglakad si Joanna palabas ng ospital, nakayuko lang siyang naglalakad. Nang makalabas  na siya ay sinubukan niyang pumara ng taxi para makapunta siya sa presinto upang makadaan na ng bangko at makapag sumbong na siya sa mga pulis. Nahirapan si Joanna na makakuha ng taxi dahil pag nakikita na siya ng mga driver ay hindi siya pinasasakay at itinataboy pa siya, tinatagan ni Joanna ang loob niya hanggang sa makasakay na siya at isang matandang lalaki ang nagmamaneho ng taxi.

“Saan tayo hija?” tanong nito na ikinayuko lang ni Joanna bago niya sinabi ang pangalan ng bank na pupuntahan niya.

“Pwede bang magtanong hija? Anong nangyari diyan sa mukha mo?” kyuryus na tanong ng matandang driver na mas ikinayuko ni Joanna sa kinauupuan niya.

“Na-nasabuyan po ng asido.”

“Sino naman ang walang pusong gagawa sa iyo ng ganiyan? Kawawa ka naman.”ani ng driver na hindi nalang ikinaimik ni Joanna.

Tahimik lang sa buong biyahe si Joanna hanggang makarating na sila sa banko, nagbayad na siya sa matandang driver na ayaw pang kunin ang bayad niya pero binigay niya parin. Nang makalabas siya ng taxi ay naglakad na siya at akmang papasok na siya sa loob ng banko ng harangan siya ng guard.

“Teka miss, papasok ka ba?” tanong nito na ikinalingon ni Joanna na nakita niyang napangitan ang guard sa mukha niya na agad niyang ikinaalis ng tingin dito.

“Magwi-withdraw lang po ako, sir.”

“Sigurado ka? May account ka ba sa bank----“

“It doesn’t mean na ganito ang itsura ko ay wala akong pera na nakatabi dito, you’re being rude to me now. I can report you to your manager.”matapang na putol ni Joanna sa guard na agad napakamot sa batok nito.

“Pasensya na po ma’am, ano po baa ng pangalan niyo ng mailagay ko po sa visitors list”

“Joanna Rissa Lico.”pagbibigay ni Joanna ng pangalan niya na ikinakunot ng noo ng guard na agad tiningnan ang listahan niya bago natawang binalikan si Joanna.

“Ma’am ang lakas mo naman akong singhalan eh sinungaling ka pala, pwede kitang dalhin sa presinto.”saad ng guard na ikinakunot ng noo ni Joanna na ikinalingon niya sa guard.

“What do you mean? Hindi ako nagsisinungaling.”

“Sabi niyo kayo si Ms. Joanna Rissa Lico eh nasa loob na po ang may ari ng pangalan na ‘to, kasama pa nga niya ang boyfriend niya. Lumang galawan mo na ‘yan miss, eh.”saad ng guard na gulat na ikinalingon ni Joanna sa  transparent na pintuan kung saan nakita niya sa loob si Gin kasama ang babaeng impostara na kamukha niya na kausap ang manager  ng banko.

“N-No, impostor ang babaeng ‘yun! Ako si Joanna Rissa Lico at hindi siya, magnanakaw ang dalaw---ano ba bitawan mo nga ako!”

Hinila ng guard si Joanna palayo sa bank bago siya patulak na binitawan na paupong ikinabagsak ni Joanna sa sahig, pinagtinginan sila ng mga dumadaan na tao.

“Kung hindi ka pa aalis na panget ka tatawag na ako ng pulis at ipakukulong ka, pati identity ng iba ginagawa niyong modus. Alis na!”singhal sa kaniya ng guard na sunod-sunod na iling ang ginawa ni Joanna.

“Ako talaga si Joanna, sinunog lang nila ang mukha ko para makuha ang pera ko.”

“Baliw ka ba? Paanong ikaw ang inaagawan mo ng pangalan eh ang panget panget ng mukha mo, uulitin ko ms. umalis ka na kung ayaw mong kaladkarin kita papuntang presinto. Ginugulo moa ng trabaho ko!”sitang singhal na may panglalait na saad sa kaniya ng guard bago ito bumalik sa pwesto nito.

Naluluhang binalikan ng tingin ni Joanna ko sina Gin na nakukuha na ang pera na inipon niya gamit ang babaeng impostor na kinuha ang kaniyang mukha. Mas dumoble ang galit na nararamdaman ni Joanna para kay Gin, mabilis siyang tumayo sa pagkakasalampak niya sa sahig at mabilis na naglakad upang pumunta sa presinto.

Tinakbo lang ni Joanna ang pinakamalapit na presinto at kahit pinagtitinginan siya ng mga tao dahil sa mukha niya, kahit nakikita niya ang pandidiri ng mga ito sa kaniya ay wala siyang pakielam. Isa-isa ng kinukuha ni Gin ang iniwan ng kaniyang mga magulang at pinaghirapan kaya hindi niya hahayaan na tuluyan iyon na mawala.

Hinihingal man ay hindi tumigil si Joanna sa kaniyang pagtakbo hanggang makarating siya sa presinto, agad siyang pumasok at agad na pinuntahan ang desk  ng isang pulis na nagulat sa pagsulpot niya.

“Parang awa niyo na tulungan niyo ako.” Hinihingal na pagmamakaawa ni Joanna sa pulis na napatunganga sa mukha niya.

“Tulungan niyo ako! Lahat ng pagmamay-ari ko kinukuha ng isang taong napakasama ng ugali, parang awa niyo na hulihin niyo siya.”iyak ni Joanna habang napapatingin sa kaniya ang ilan pang mga pulis.

“Sino ba ang nirereklamo mo Ms?” tanong ng pulis sa kaniya.

“Si Gin Cristobal, tulungan niyo ako mamang pulis. Sinunog niya ang mukha ko at pinaalis sa sarili kong bahay, kinukuha niya ang per ako. Parang awa niyo na po tulungan niyo ako.”iyak na pagmamakaawa ni Joanna na tumatangong ikinatayo ng pulis.

“Si-sige Ms. Saan ba natin makikita ang taong sinasabi mo?”tanong ng pulis na nagkaroon ng pag-asa ang puso ni Joanna na agad sinamahan ang mga pulis sa bahay ng kaniyang mga magulang dahil alam niyang sa mga oras na ‘yun ay nakabalik na ang dalawa sa bahay niya.

Sinamahan siya ng tatlong pulis at ng makarating sila ay agad silang nagtungo sa pintuan ng bahay niya at agad na kinatok ng isang pulis ang pinto ng bahay.

Miya-miya pa ay nagbukas na ang pintuan at si Gin agad ang bumungad sa kanila na agad ikinasiklab ng galit ni Joanna para dito.

“Siya! Hulihin niyo ang lalaking ‘to, walang siyang kasing sama kaya hulihin niyo siya!”galit na sigaw ni Joanna habang tinuturo si Gin na hindi man lang nagulat sa pagdating  nila.

“Magandang gabi sir, ang sabi ng nagreklamo sa amin ay ninanakaw mo daw lahat ng pagma-may ari niya, sinunog mo din daw ang kaniyang mukha. Totoo po ba iyon?” magalang na tanong ng pulis na ikinalingon ni Joanna dito.

“Bakit niyo pa siya tinatanong?! Hulihin niyo na siya!”sigaw ni Joanna na ikinalingon niya kay Gin ng magbuntong hininga ito.

“I don’t know her, hindi ko alam kung bakit pinagbibintangan niya ako sa bagay na hindi ko alam.”saad ni Gin na hindi mapaniwalaan ni Joanna.

“Singungaling…sinungaling ka?! Nagsisinungaling siya, kilala niya ako eh. Ako ang dati niyang nobya na siniraan niya ng mukha, na ninakawan kaya hulihin niyo na siya, ano ba?!”

“Nobya? Mukhang baliw ang isang ‘to mga sir. Paano ko magiging nobya ang isang panget na katulad niya? No offense, but look at you? Sino ang papatol sa katulad mo?”ani ni Gin na ikinadoble ng galit ni Joanna sa pagsisinungaling nito sa harapan ng mga pulis.

“Napakasama mo Gin!”

“Babe, anong nangyayari?”

Lahay sila ay napalingon sa babaeng impostora na lumabas at yumakap sa braso ni Gin na hindi parin makapaniwala si Joanna na nakikita niya dito ang kaniyang mukha.

“Anyway, this is my fiancée, Joanna Rissa Lico. Beautiful isn’t? Wait? Ano ngang pangalan mo?”ngising tanong ni Gin kay Joanna.

“Jo-Joanna…sir ako si Joanna Rissa Lico, ako ang may ari ng bahay na ‘to.  Impostor ang babaeng ‘to! Nagkasabwat sila sa ginawa nila sa akin!”baling ni Joanna sa mga pulis na nagkakatinginan.

“Alam mo Ms. kung wala kang mahanap na magugulo,  pwede bang kami ng nobyo ko?”ani ng babaeng kasama ni Gin.

“Pasensya na po, mukhang napaniwala kami ng babaeng ‘to. Aalis na po kami.”saad ng mga pulis na nagsimula ng umalis.

“Sa-sandali! Maniwala naman kayo sa akin! Huwag kayong umali---“

“Nakakaawa ka Joanna, I told you, walang maniniwala sa mga sasabihin mo kaya manahimik ka nalang.”putol na ani ni Gin na lumuluhang masamang tingin ang ibinigay ni Joanna sa dalawa.

“Sa susunod na manggulo ka pa, ipapaligpit na kita. Kayang kong gawin ang bagay na ‘yun Joanna kaya kung ako sayo, itikom mo nalang ang bibig mo at magpakalayo-layo.”ani ni gin bago siya pinagsarhan ng pintuan.

Ang pag-asang naramdaman ni Joanna kanina ay biglang nadurog ng pinong-pinong, wala na siyang nagawa sa mga oras na ‘yun kundi ang umiyak dahil sa kaniyang sinapit sa pagmamahal niya para kay Gin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status