Share

Chapter Four

PABAGSAK na napaupo si Joanna sa may kalsada sa tapat ng malaking bahay ni Marvin ng hilahin siya nito at ipagtabuyan sa bahay nito matapos niyang tanggihan ang tulong na inaalok nito dahil na rin sa gagawin niya na mahirap pagdesisyunan. Napangiwi si Joanna dahil sa kaniyang pagkakabagsak dahil na rin sa pagkakatuon ng kaniyang mga palad sa kalsada na masamang tingin ang ibinaling niya kay Marvin na nasa may bukas na gate nito at plain na nakatingin sa kaniya.

“Hindi mo ba alam ang pagiging gentleman?! Hindi mo naman ako kailangang kaladkarin palabas ng mansion mo ah!”inis na singhal ni Joanna dito.

“It’s your fvcking fault, ikaw na nga ang tinutulungan ikaw pa anng nag-iinarte. Why? Maganda ka ba? Sa itsura at kalagayan mo sa tingin mo you can revenge to the man who made you miserable?”pahayag ni Marvin na agad ikinatayo ni Joanna sa pagkakasalampak nito sa kalsada.

“Nasasabi mo lang na panget ako dahil sunog ang mukha ko eh, masyado kang mapanglait! Tsaka sino ba naman kasi ang tatanggap sa offer mo, maghihiganti lang ako kay Gene pero kasal na inaalok mo.”

“Are you dumb? Sa tingin ko inalok kita ng kasal para maging asawa? Bobo k aba para hindi mo ma gets na plan ‘yun para makapaghiganti ka sa lalaking ‘yun? Panget ka na nga asyumer ka pa, hindi ka nalang maging grateful dahil tutulungan kitang mabawi  lahat ng kinuha niy sayo at mapagbayaran ang mga ginawa niya. If you don’t like that idea then bahala ka, ituloy mo nalang ang pagpapakamatay na gagawin mo.”singhal ni Marvin sa kaniya na ikinasara na nito sa gate na hindi napigilan ni Joanna na mainis at mapikon sa ugali meron si Marvin.

“Judgemental na masama ang ugali! Ang dami-daming pwedeng paraan para makatulong ka ‘yung confusing pa!”sigaw ni Joanna sa inis pero wala na siyang narinig mula kay Marvin ng bahagya siyang magitla ng malakas na kumulog na ikinatingala niya sa kalangitan at makitang dumadagim na ang langit.

“Uulan pa yata, saan ako sisilong nito? Wala akong kapera-pera ngayon, hindi ko pa alam kung anong lugar ‘tong bahay ng mapanglait na lalaking ‘yun, gwapo nga panget naman ng ugali.”ani ni Joanna na napabuntong hininga at mabilis na tinawid ang kabilang side kung saan may malaking puno doon.

Miya-miya pa ay biglang bumagsak na ang ulan kaya mas lumapit siya sa may puno para may masilungan siya, pero nababasa parin siya. Nilingon niya ang malaking bahay ni Marvin, habang yakap-yakap niya ang kaniyang sarili dahil nagsisimula na siyang lamigin.

“Walang puso, bakit kasi sa dami ng paraan para tulungan niya ako bakit kailangan pa kaming ikasal?”tanong ni Joanna sa kaniyang isipan ng bahagya siyang mapaisip.

“Pero kung hindi ko tatanggapin ang tulong niya, hindi ako makakapaghiganti kay Gin. Hindi ko mababawi ang mga kinuha niya sa akin at hindi ko mapipigilan ang balak niya sa aking lolo, ‘yun nalang ba talaga ang option?”pahayag na tanong ni Joanna sa kaniyang sarili.

“Kung papayag ako, hindi ba niya naiisip na magiging kahihiyan para sa kaniya na ikasal siya sa isang panget na tulad ko kahit sabihin pa niyang para lang sa pagtulong  niya sa akin kaya gagawin niya ang nasa isip niya? Pero bakit ba gusto niya akong tulungan? Naawa ba talaga siya sa ak—“

Hindi natuloy ni Joanna ang sasabihin niya ng mapabahing siya dahil sa lamig ng ulan at dahil basang-basa na siya, umupo siya sa may gilid ng puno at pinag-iisipan ang alok ni Marvin dahil nakikita niya na kung gusto niyang mapagbayaran ni Gin lahat ng kasalanan at pangloloko nito sa kaniya ay isang opportunity ang pagtulong na inaalok ni Marvin. Gusto niyang mag doorbell sa gate ni Marvin para sabihin na nagbago na ang isipan niya pero pinagtabuyan na siya nito at ayaw niyangn magmakaawa para lang tulungan siya nito.

Muling napabahing si Joanna sa pagkaka-upo niya ng mapalingon siya sa malaking gate ng bahay ni Marvin na nagbukas kung saan nakita niya si Marvin na nakapayong at plain ang itsura ng mukha na naglakad palapit sa kaniya na agad niyag ikinatayo.

“Pinagmumukha mo akong masamang tao sa itsura mo dito, don’t you know that woman?”ani ni Marvin ng makalapit ito sa harapan niya.

“Bakit hindi ba masama ang ugali mo? Bakit ka lumabas sa mansion mo?”ani ni Joanna kahit gusto niyang sabihin na nagbago na ang isip niya at papayag na siya sa plano nito pero walang nalabas sa kaniyang bibig.

“You need me don’t you know that? For you to get revenge to that man, you need to use me yet you rejected me helping you. Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon, tatanungin uli kita. Once you reject my plan then I won’t force my fvcking sel---“

“Pumapayag na ako.”putol na sagot ni Joanna kay Marvin na ikinatikom ng bibig nito na hindi niya alam kung tama bang nakita niyang napangisi ito sa sinabi niya.

“You changed your mind?”

“Kung ‘yun ang magiging paraan  para makapaghiganti ako kay Gin then tatanggapin at gagawin ko, wala na akong malalapitan para tulungan ako. Meron man hindi sila maniniwala sa akin dahil sa sunog kong mukha, at dahil may gumagawa ng itsura ko. Kung tinutulungan mo ako dahil naawa ka sa akin o kung may iba kang dahilan wala na akong pake, ang gusto ko lang maparusahan si Gin sa lahat ng ginawa niya sa akin.”pahayag ni Joanna na bahagyang ikinatango ni Marvin.

“That’s good, marunong ka palang mag-isip kahit papaano. Let’s go, pag-usapan natin ang magiging plano natin.”ani ni Marvinn na tinalikuran na si Joanna at nauna ng maglakad pabalik sa bahay nito.

Bahagyang napasimangot si Joanna habang yakap-yakap ang sariling sumunod kay Marvin.

“Ang sama talaga ng ugali ng isang ‘to, kita na niyangn basang-basa na ako dahil sa ulan hindi man lang nag offer ng payong.”inis na ani Joanna ng paggkapasok niya sa gate ay napahinto naman siya dahil iniharang ni Marvin ang payong nito sa kaniya.

“Dito ka lang, I will get towel for you, ayokong mabasa ang sahig ko dahil sa  pagpasok mo. I will spare some of my unused brand clothes to you and change in the restroom in backyard of my house.If you’re done, pumunta ka sa sala para makapag usap na tayo ng maayos.”saad nito bago isinara ang payong nito at nilagay sa tabihan bago pumasok sa bahay nito.

“Napaka-arte ng lalaking ‘yun, parang sinasabi niya na ang dumi-dumi ko dahil sa itsura ko.”pikong ani ni Joanna na pinabayaan nalang ang hindi magandang ugali ni Marvin dahil wala din naman siyang kaparatan na umangal.

“Ang lamig!” bahagyang angal ni Joanna na ikinabahing niya sa kaniyang kinatatayuan habang hinihintay ang pagbalik ni Marvin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status