AGAD NA napalayo si Joanna kay Marvin na bitawan siya nito sa pagkakahawak nito sa bewang matapos nilang makalayo sa boutique. Nasa may parte sila ng mall na wala masyadong dumadaan na mga tao ng alisin ni Marvin ang saklob at salamin na suot nito at masamang tingin ang pinukol kay Joanna."Do you really want everyone to fvcking get their attention unto you huh?! Hindi ba at sinabi ko na sumunod ka lang sa akin?" may inis na sermon ni Marvin kay Joanna."Nakasunod naman ako sayo eh, hinarang lang talaga ako nung sales lady. Tsaka hindi ako kumukuha ng atensyon sa iba, sadyang hindi magawang manahimik ng mga tao pag nakakakita ng ganitong mukha. Sunog ang mukha ko at lahat ng taong makakakita sa akin iisipan ako ng hindi maganda, it's not my fault." paliwanag na ani ni Joanna."Do you know how people knew about me? If they fvcking know that i'm---""--na panget at sunog ang mukha ang kasama mong babae? Sorry ha, pero ikaw naman ang may gusto nito diba?" putol na ani ni Joanna na tinata
PAGSAPIT nang umaga ay inis na inis si Joanna kay Marvin habang nakasakay ito sa taxi papunta sa mall na sinabi ni Marvin na pagkikitaan nila. Hindi maiwasan ni Joanna na mapikon sa lalaki dahil talagang hindi siya nito sinabay sa pag-alis gayong iisang lugar lang ang pupuntahan nila.“Okay lang Joanna, atleast kahit papaano nagbigay ng pamasahe ang damuho na ‘yun kahit parang napilitan lang. Habaan mo ang pasensya mo dahil tutulungan ka niyang makabawi kay Gin kahit parang labag sa kalooban ng hudyong panget ang ugali. Panget man ang mukha ko mas panget naman ang ugali niya, at hindi nareretoke ‘yun.”inis na ani ni Joanna habang kausap niya ang kaniyang sarili.“Ms. okay ka lang ba?” usisang tanong ng taxi driver na agad ikinalingon ni Joanna dito.“A-ah o-opo, hobby ko po talagang kausapin ang sarili ko.”ngiwing ngiting sagot ni Joanna sa taxi driver.“Hija, pasensya na sa itatanong ko, pero anong nangyari sa mukha mo? Bakit parang nasunog ‘yan?”tanong ng driver na ikinahawak ni Jo
MATAPOS makapagpalit ni Joanna ng damit na bigay sa kaniya sa baniyo sa likuran ng bahay ni Marvin, ay lumabas na siya sa banyo habang tinutuyo ang buhok niya gamit ang bagong tiwalya. Habang tinutuyo ni Joanna ang buhok niya ay hindi niya maiwasan na madagdag ang inis kay Marvin, ilang oras siyang pinaghintay nito kanina sa labasan kaya lamig na lamig siya. At ng bumalik ito na may dalang tiwalya at damit na gagamitin niya ay hindi man lang nito inabot ng ayos at dere-deretso siyang iniwan.“Hindi sa nagiging ungrateful ako dahil may gustong tumulong na makapaghiganti ako kay Gin ah, pero may attitude problem ba ang Marvin na ‘yun? Doesn’t he know ang tamang pag-abot ng gamit? Hindi ko naman pinagpilitan ang sarili ko na tulungan niya ako ah, siya ang nag-offer kaya bakit parang masama pa sa loob niya?”inis na reklamo ni Joanna ng magulat siya ng may tumikhim sa bandnag likuran niya na agad niyang nilingon.“Kung wala ka ng irereklamo at tapos ka na diyan, get inside. Madami pa tayon
PABAGSAK na napaupo si Joanna sa may kalsada sa tapat ng malaking bahay ni Marvin ng hilahin siya nito at ipagtabuyan sa bahay nito matapos niyang tanggihan ang tulong na inaalok nito dahil na rin sa gagawin niya na mahirap pagdesisyunan. Napangiwi si Joanna dahil sa kaniyang pagkakabagsak dahil na rin sa pagkakatuon ng kaniyang mga palad sa kalsada na masamang tingin ang ibinaling niya kay Marvin na nasa may bukas na gate nito at plain na nakatingin sa kaniya.“Hindi mo ba alam ang pagiging gentleman?! Hindi mo naman ako kailangang kaladkarin palabas ng mansion mo ah!”inis na singhal ni Joanna dito.“It’s your fvcking fault, ikaw na nga ang tinutulungan ikaw pa anng nag-iinarte. Why? Maganda ka ba? Sa itsura at kalagayan mo sa tingin mo you can revenge to the man who made you miserable?”pahayag ni Marvin na agad ikinatayo ni Joanna sa pagkakasalampak nito sa kalsada.“Nasasabi mo lang na panget ako dahil sunog ang mukha ko eh, masyado kang mapanglait! Tsaka sino ba naman kasi ang tat
INIIKOT ni Joanna ang kaniyang tingin sa malaking bahay na pinagdalhan sa kaniya ng lalaking hindi niya alam kung bakit isinama siya nito. Nakatayo lang siya sa ilang dipa ang layo sa kinauupuan ngayon ng lalaking prenteng nakaupo. Mag-iisang oras na din silang nakarating na sa tingin ni Joanna ay bahay ng lalaking di man lang siya inaayang maupo.“E-excuse me, pwede ko bang malaman kung bakit dinala mo ako dito? Bahay mo ‘to tama ba?” agaw pansin na pagtatanong ni Joanna dito na poker face lang siyang binalingan ng tingin nito.“Will you just zip your mouth for a minute, I’m fvcking thinking here.”“Sandali lang mister, dinala-dala mo ako sa bahay mo para tumayo ng mahigpit isang oras dito tapos gusto mo na manahimik pa din ako? Hindi ko alam kung bakit dinala mo ako dito pero mister, mukhang mayaman ka naman, imposible naman na kidnapper ka.”sitang ani ni Joanna.“Why would I kidnap an ugly woman like you, I’m thinking here so keep fvcking quite.”sita nito kay Joanna na hindi niya m
AKALA NI JOANNA noong mamatay ang kaniyang mga magulang at si Gin nalang ang naging kasama niya ay mararanasan pa rin niya ang masayang buhay dahil kasama niya pa ang lalaking minamahal niya. Maraming pangarap si Joanna na gustong matupad kasama si Gin, pero hindi niya inakala na ang mismong wawasak sa pangarap na ‘yun ay ang lalaking akala niya ay magpapasaya sa kaniya.Walang buhay si Joanna na naglalakad habang napapatingin sa kaniya ang mga taong kaniyang nakakasalubong, tulala lang siya at nawalan na ng pag-asa. Kahit anong sabihin niya ay walang naniniwala sa kaniya dahil narin sa nangyari sa mukha niya, pinagtatawanan at pinandidirihan na siya. Pakiramdam ni Joanna ay wala ng saysay pa ang buhay niya, na masasaktan lang siya lalo dahil sa kalagayan niya.“Ano pang silbi ng buhay ko kung ganito lang din naman?”sambit ni Joanna sa kaniyang sarili.Patuloy lang si Joanna sa kaniyang paglalakad ng matigilan siya ng may apat na batang lalaki ang magkasalubong niya sa daan, napatingi