Share

Chapter Three

INIIKOT ni Joanna ang kaniyang tingin sa malaking bahay na pinagdalhan sa kaniya ng lalaking hindi niya alam kung bakit isinama siya nito. Nakatayo lang siya sa ilang dipa ang layo sa kinauupuan ngayon ng lalaking prenteng nakaupo. Mag-iisang oras na din silang nakarating na sa tingin ni Joanna ay bahay ng lalaking di man lang siya inaayang maupo.

“E-excuse me, pwede ko bang malaman kung bakit dinala mo ako dito? Bahay mo ‘to tama ba?” agaw pansin na pagtatanong ni Joanna dito na poker face lang siyang binalingan ng tingin nito.

“Will you just zip your mouth for a minute, I’m fvcking thinking here.”

“Sandali lang mister, dinala-dala mo ako sa bahay mo para tumayo ng mahigpit isang oras dito tapos gusto mo na manahimik pa din ako? Hindi ko alam kung bakit dinala mo ako dito pero mister, mukhang mayaman ka naman, imposible naman na kidnapper ka.”sitang ani ni Joanna.

“Why would I kidnap an ugly woman like you, I’m thinking here so keep fvcking quite.”sita nito kay Joanna na hindi niya mapigilan na ikainis sa lalaking hindi maitatanggi ang kagwapuhan pero mapanglait naman.

“Sana man lang paupuin mo ako habang nag-iisip ka diyan, diba?” angal ni Joanna na poker face na lumingon sa kaniya.

“Why don’t you sit on the floor? Baka madumihan mo pa ang upuan ko, that’s expensive for you to transfer the dirt on them.”saad nito na mas lalong ikinainis ni Joanna pero dahil nangangawit na siya ay ginawa nalang niya ang sinabi nito.

Naiinis na umupo si Joanna sa sahig at naghalukipkip, nakikita naman niya na mayaman ito pero hindi niya akalain na mas higit pa ang ugali nito sa mga mayayaman na mayabang at maarte na napapanuod niya noon sa mga pelikula.

“You said a while ago na gusto mong maparusahan si Gin Cristobal, am I right?” seryosong tanong nito kay Joanna.

“Oo sinabi ko nga, anong pakielam mo naman dun? Tsaka can you explain to me why you took me here in your house when were both stranger? I don’t get it kasi, bakit pinasakay mo ako sa kotse mo tapos dinala sa bahay mo without any reason. I’m trying to end my life in that place at kung hindi mo nalang kaya ako pinansin at nilagpasan mo nalang ako!”angal na reklamo ni Joanna.

“I will help you get even with him, I’ll help you take your revenge with that man.”seryosong pahayag ng lalaki sa kaniya na ikinawalan ng imik ni Joanna sa sinabi nito.

Nakatitig si Joanna dito dahil hindi mag sink sa isipan niya ang sinabi ng gwapong lalaki sa kaniya, wala siyang maisip na dahilan kung bakit sinabi nito na tutulungan siya nitong maghiganti kay Gin gayong hindi naman siya nito kilala.

“Did you hear me, woman?”

“Narinig kita, pero hindi ko maintindihan kung bakit tutulungan mo akong makapaghiganti kay Gin. Hindi tayo magkakilala that’s for sure, do you know Gin?” tanong ko sa kaniya.

“No, I just want to help a pitied ugly woman like you who wants to end her life just because of a man. You should be grateful.”ani na sagot nito.

“Mapanglait ka masyado, Mr. pero bakit mo ako tutulungan na maghiganti sa lalaking nanakit sa akin kung hindi mo naman pala siya kilala?”tanong ni Joanna dahil naguguluhang din siya sa kung ano ba ang dahilan nito para alukin siya na tutulungan siya nitong maghiganti kay Gin.

“I told you, I have pity for people who have a damag---“

“Oh shut up!” putol na singhal ni Joanna na ikinatayo nito sa pagkaka-upo sa sahig.

“Hindi ako maniniwala na tutulungan mo ako dahil naawa ka sa akin gayong hindi mo ako totally na kilala. Hindi ka naawa sa akin that’s the fact and for sure naman na hindi ka matulungin, kaya pwede ba don’t pity me. Aalis na ako.” Pahayag ko na ikinatalikod ko na para magawa ko naman kung ano ang naudlot na gagawin ko kanina.

“Tatanggihan mo ang chance na makabawi ka sa ginawa ng lalaking iniiyakan mo at dahilan mo para tapusin mo ang buhay mo? Siguro nga hindi totoo na naawa ako sayo, but it’s a rare chance na may mag-aalok sayo ng tulong, right? Kung itutuloy mo  ang pagpapakamatay mo that a cheap one to do, sa tingin mo magdudusa at mapagbabayaran ng lalaking kinamumuhian mo ngayon pag namatay ka?”pahayag nito na ikinatigil ni Joanna sa kaniyang paglalakad.

“If you will ignore my offer and continue what you were doing, then go. I won’t force you, woman.”ani pa nito na ikinabalik ng tingin ni Joanna dito.

“Sa tingin mo, matutulungan mo akong mapabagsak si Gin at mabawi lahat ng mga kinuha niya at mabulok siya sa bilangguan kasama ng babaeng ginaya ang mukha ko?” seryosong paninigurado ni Joanna.

Alam niyang tama ang sinabi nito sa kaniya, hindi lang siya makapaniwala na may tutulong sa kaniya na hindi niya kilala.

“Nothing is impossible to me, woman. I’m Marvin Guevarra, and everything I want to happen always happen.”saad nito nayabangan si Joanna sa presensya nito pero gusto niyang kunin ang opportunity na mabawi niya kay Gin ang lahat. Dahil narealize niyang tama ang huling mga salitang sinabi nito sa kaniya. Na kahit mamatay siya mas magiging pabor ‘yun kay Gin at magagawa pa nito ang mga balak nito.

“K-kung matutulungan mo ako na mabawi kay Gin lahat at maipakulong siya, anong kapalit?” tanong ni Joanna dito.

Nasisiguro si Joanna na tinutulungan siya nitong walang hihingin ng kapalit, sa panahon ngayon, alam ni Joanna na wala ng libre. Tumayo si Marvin sa kinatatayuan nito at naglakad palapit sa kaniya, nang makalapit na ito dalawang dangkal ang layo sa kaniya ay napatitig siya sa gwapong mukha nito. May ipagmamayabang talaga ang mukha nito pero hindi maalis sa isipan ni Joanna na mapanglait ang lalaking nasa harapan niya.

“Matalino ka pala kahit panget ka, you know that every help I will do to take down that man is not for free.”ngising ani nito na tinaasan ng isang kilay ni Joanna.

“Insult me whenever you want, panget na kung panget kung matutulungan mo ako na mabawi lahat ng kinuha ni Gin sa akin at mapakulong ko siya, then kahit magkano ibibigay ko sayo.”ani ni Joanna na ikinawalan ng ngisi ni Marvin ng ilapit nito ang gwapo nitong mukha sa kaniya.

“I have more than money than yours woman, you think pera ang gusto kong kapalit?”

“T-then a-ano?”nauutal na tanong ni Joanna habang hindi nilalayo ni Marvin ang pagkakalapit ng mukha nito sa kaniya.

“Do everything para mapabagsak mo si Gin Cristobal, crash him into pieces and were quits.”

“B-bakit ba gusto mong mapabagsak ko si Gin gayong hindi mo naman siya kilala?” nagtatakang tanong ni Joanna na ikinalayo ng mukha ni Marvin sa kaniya at nagpamulsa sa kaniyang harapan.

“I’ll help yu in your revenge kaya bawasan mo ang pagiging matanong mo, gawin mo nalang ang dapat mong gawin para mabawi mo ang lahat ng kinuha niya.” Pahayag ni Marvin na bahagyang ikinaingos ni Joanna.

“Fine, nakakapagtaka pero dahil tutulungan mo ako iiwasan ko nalang magtanong. Pero ano bang gagawin natin para mapabagsak natin si Gin?” tanong ni Joanna na deretsong ikinatitig ni Marvin sa kaniya.

“Marry me and be a Guevarra.”

“Marry—MARRY YOU!” gulat na may kalakasang bulaslas ni Joanna na hindi makapaniwalang nakatingin kay Marvin na nakikita niyang mukhang seryoso sa sinabi nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status