Share

The Billionaire's Play-Off
The Billionaire's Play-Off
Author: Rhenkakoi

Simula

Prologue

MALAKAS na sigaw ang pumuno sa malaking mansion na pinamana ng mga magulang ni Joanna sa kaniya, nakasalampak si Joanna sa sahig habang umiiyak na nasasaktan dahil sa pagbuhos ng asido sa  kaniyang mukha ng kaniyang nobyo at kinakasama.

“G-Gin…ba-bakit?”

Hindi makapaniwala si Joanna sa ginawa ng kaniyang nobyo na si Gin, simula ng mamatay ang mga magulang ni Joanna ay nagpasya ang dalawa na magsama. Matagal na ang kanilang relasyon at hinihintay ni Joanna na magpropose si Gin sa kaniya upang matawag na silang mag-asawa, at bumuo ng kanilang sariling pamilya.

Ang sakit sa pagkakabuhos ni Gin ng asido sa mukha ni Joanna ay mas nadaig ng sakit sa ginawa nito, dahil sinadya ni Gin ang pagbuhos ng asido sa mukha niya na parang intensyon talaga ni Gin na sirain ang mukha niya.

“Pasensya na Joanna, ang totoo matagal ko ng plano na gawin ‘to. Matagal ng nawala ang pagmamahal ko sayo at napalitan ng pagmamahal sa pera, tiniis ko nalang na pakisamahan ka para magawa ang mga plano ko. As you see, dahilan kung bakit may nakawaan sa kumpanya mo ay dahil nasa plano ko ‘yun. Nakukuha ko na ang tiwala ng board of investors mo, kaya hindi na kita kailangan, pati itong bahay mo nagawa ko ng ilipat sa pangalan ko.”

“Hi-hindi mo pwedeng gawin sa akin ‘to Gin! Anong ginawa kong masama sayo para gawin mo ang mga bagay na ‘to? Bakit kailangan pati mukha ko ay sirain mo?!”nasasaktang sigaw ni Joanna kay Gin na ngising paluhod na umupo sa harapan niya.

“Dahil sa pera, mas kailangan ko ng pera kaysa sa pag-ibig, Joanna. At kung binabalak mong magsumplong sa pulis huwag mo nalang gawin, dahil wala silang magagawa para sayo. Bakit? Dahil din sa pera,  ngayong nasa pangalan ko na lahat ng pera mo, madali na sa akin na alisin ka sa  buhay ko.”pahayag ni Gin na tumayo na sa pagkakaluhod niya habang hindi makapaniwala at lumuluhang nakatingin si Joanna sa kaniya.

“Hindi mo pwedeng gawin sa akin ‘to?! Ginawa ko naman lahat para sayo di’ba? Bakit bigla ka nalang nagbago ng ganiyan?”iyak ni Joanna na ikinabuntong hininga ni Gin.

“Ang dami mong drama, umalis ka na sa pamamahay ko ng maayos. Kung ipagpipilitin mo ang sarili mo, wala akong magagawa kundi kaladkarin ka palabas dito.”

“Huwag mo namang gawin sa akin ‘to Gin, alam okong maha---Gin! Don’t do this to me!”

Pilit na inaalis ni Joanna ang kamay ni Gin na hinihila siya palabas ng mansion ng kaniyang mga magulang, nakikita niya na desidido si Gin na palayasin siya.

Hindi maintindihan ni Joanna ang nangyayari, kahapon ay okay pa sila ni Gin pero pag gising niya ay bigla na itong nagbago. Nagmamakaawa  si Joanna kay Gin pero wala na siyang nagawa ng itilapon siya ni Gin palabas ng pintuan na ikinasalampak niya sa sahig.

“Umalis ka na habang mabait pa ako sayo at kinokonsider ko pa ang naging pagsasama natin, oo nga pala. The reason kung bakit ko sinira ang mukha mo, nabalitaan ko na hinahanap ka ng lolo mo mula pa sa London, nang malaman ko kung sino ang lolo mo nagulat ako sa yaman na meron siya. Nililihim mob a sa akin ang tungkol sa mayaman mong lolo?”pahayag na ani ni Gin na ikinailing ni Joanna dito.

“Hi-hindi, ang sabi ng aking ina ay matagal ng pinutol ng aking lolo ang koneksyon nito sa kaniya ng pakasalan ng aking ina ang aking ama. Pero hindi ko maunawaan kung bakit dahil doon ay ginawa mong sirain ang mukha ko, hindi ganito ang Gin na nakilala at minahal ko.”hinanakit na pahayag ni Joanna.

“Eto na ang Gin ngayon, mas gusto ang pera dahil kung wala ka nito, pahihirapan ka ng society na kinabibilangan mo. About sa lolo mo na hinahanap ka, hindi mo na kailangang isipin ‘yun dahil magkikita naman kayo, I mean ng Joanna na makakasama ko.”ngising pahayag ni Gin ng mapalingon si Joanna sa bandang likuran ni Gin kung saan hindi niya napigilan ang paglaki ng kaniyang mga mata dahil nakikita niya ang isang babaeng yumakap sa bewang ni Gin na kamukhang-kamukha niya.

“Makikita naman niya ang kaniyang apo na maayos sa tabi ko.”ngising pahayag ni Gin na sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ni Joanna.

“Hmm? Kung sisirain mo naman ang plano ko, mag-isip ka Joanna. Walang maniniwala sayo dahil sa itsura mo, at kung susubukan mo parin na sirain ang plano ko. Para hindi ako mabulilyaso, kaya kitang patahimikin ng tuluyan.”

“H-Hindi mo kayang ga-gawin ‘yun Gin, hindi mo kayang manakit ng ta—“

“Kaya ko, nagawa ko nga sa step-dad ko hindi ba? Umalis ka na at huwag ng magpakita pa….”putol na saad  ni Gin na kumuha ng ilang libong pera sa bulsa nito bago ibinato kay Joanna na hindi makapaniwala sa  nangyayari.

“Take that money, and leave peacefully, Joanna.”

“Hayop ka Gin!”galit na sigaw ni Joanna na mabilis na tumayo sa  pagkakasalampak niya sa sahig at sinugod si Gin at sunod-sunod na pinagsusuntok ang dibdib nito na bahagyang ikinalayo ng babaeng may mukha niya.

“Bakit mo ginagawa sa akin ‘to! Nangako ka na pasasayahin mo ako noong mawala ang mga magulang ko, tapos ganito lang ang gagawin---“

Hindi natuloy ni Joanna ang mga sasabihin niya ng malakas na sampal ang nakuha ng kanang pisngi niya na ikinahagulgol niya ng iyak dahil ang masakit na sampal ni Gin, ay kasabay ng paghapdi ng mukha ng sunog na mukha ni Joanna.

“Aish!” ingos ni Gin na pinahid ang kamay niyang pinangsampal kay Joanna sa suot niyang damit.

“Nangako ako sa magulang mo pero hindi sayo, Joanna. Pwede ba umalis ka na.”saad ni Gin na pumasok na sa loob ng bahay at pinagsaraduhan siya ng pintuan.

Sinugod ni Joanna ang pintuan at pinaghahampas iyon, sakit at galit ang nararamdaman ni Joanna sa mga oras na ‘yun. Hindi niya inakalang gagawin ni Gin sa kaniya ang ganitong kasakit na bagay  dahil lang sa pera.

Parang binagsakan ng langit si Joanna sa ginawa ni Gin, pakiramdam niya pinagtaksilan siya ng taong pinagkakatiwalaan niya buong buhay niya. Wala ng magawa si Joanna kundi ang humagulgol ng iyak, naisip ni Joanna na magsumplong sa kapulisan kaya agad siyang tumakbo paalis ng mansion.

Hindi pa man siya nakakalayo ay napatilapon nalang siya sa kalsada ng mabundol siya ng isang tricycle na ikinangiwi niya sa  sakit dahil napuruhan ang kanang paa niya. Mas lalong napaiyak si Joanna sa nangyayari sa kaniya, nilapitan siya ng driver ng tricycle pero hindi agad siya nito natulungan dahil nagulat ito ng makita ang sunog niyang mukha.

“Tu-tulungan n-niyo ko, p-parang awa niyo na….”iyak na pagmamakaawa ni Joanna kaya agad na siyang tinulungan ng driver.

Sinakay siya nito sa tricycle nito bago ito pinatakbo upang dalhin siya sa ospital, hagulgol na iyak nalang ang nagawa  ni  Joanna sa mga oras na ‘yun. Nang madala na siya sa ospital ay agad siyang inasikaso ng mga nurses, matapos siyang gamutin ay dinala na siya sa isang kwarto kung saan may ilan siyang kasamang mga pasyente.

Nakatulala  lang si Joanna sa higaan niya ng dumating ang isang doktor upang sabihin ang lagay niya, hindi niya magawang makapag pokus sa sinasabi nito, unti-unting napupuno ng galit ang puso ni Joanna ng alalahanin niya ang ginawa ni Gin sa  kaniya.

“Hayop siya!”gigil na pahayag ni Joanna na masakit man ang katawan ay bumangon siya sa kaniyang pagkakahiga at tinanggal ang IV sa kamay niya.

Gusto niyang pagbayaran ni Gin ang ginawa niya  pero agad siyang pinigilan ng doctor.

“Ms. Joanna, kumalma lang po kayo…”

“Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa akin! Lahat ng pasakit at pananakit niya sa akin sisiguraduhin ko na magbabayad siya!” galit na galit na sigaw ni Joanna habang patuloy siyang pinipigilan ng doctor sa pagkikilos niya.

“Hindi ko siya mapapatawad!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status