Share

Chapter Two

AKALA NI JOANNA noong mamatay ang kaniyang mga magulang at si Gin nalang ang naging kasama niya ay mararanasan pa rin niya ang masayang buhay dahil kasama niya pa ang lalaking minamahal niya. Maraming pangarap si Joanna na gustong matupad kasama si Gin, pero hindi niya inakala na ang mismong wawasak sa pangarap na ‘yun ay ang lalaking akala niya ay magpapasaya sa kaniya.

Walang buhay si Joanna na naglalakad habang napapatingin sa kaniya ang mga taong kaniyang nakakasalubong, tulala lang siya at nawalan na ng pag-asa. Kahit anong sabihin niya ay walang naniniwala sa kaniya dahil narin sa nangyari sa mukha niya, pinagtatawanan at pinandidirihan na siya. Pakiramdam ni Joanna ay wala ng saysay pa ang buhay niya, na masasaktan lang siya lalo dahil sa kalagayan niya.

“Ano pang silbi ng buhay ko kung ganito lang din naman?”sambit ni Joanna sa kaniyang sarili.

Patuloy lang si Joanna sa kaniyang paglalakad ng matigilan siya ng may apat na batang lalaki ang magkasalubong niya sa daan, napatingin siya dito habang nakatingin din ang apat na bata sa kaniya.

“Tingnan niyo si ate oh? Ang panget ng mukha niya, sunog!” kumento ng isang batang lalaki na ikinayuko ni Joanna at nilagpasan ng lakad ang mga ito pero ramdam ni Joanna na sumusunod ang mga ito.

“Ateng sunog ang mukha bakit ang panget mo?”

“Para kang monster, ang panget panget mo ng mukha mom!”

“Nakakadiri din, baliw ka ba ate?”

“Hu-huwag niyo kong sundan.”ani na sita ni Joanna na natigilan ng muli siyang harangan ng mga bata at nagsimula ng pagkatuwaan ang mukha niya.

Ang mga napapatingin sa kanila ay natatawa pa sa ginagawa ng mga bata, dinadaanan lang sila at wala man lang gustong pumigil sa mga batang pinagtatawanan siya. Gusto man niyang iwasan ang mga bata ay hinaharanag parin siya ng mga ito kaya hindi napigilan ni Joanna na maitulak ang isang bata na ikinatumba nito sa semento.

Kahit siya ay nagulat sa ginawa niya, ganun din ang mga bata.

“Ti-tigilan niyo na kasi ako, alam niyo bang hindi magandang asal na pinagtatawanan niyo ang nakakatanda sa inyo?”sermon ni Joanna sa mga bata na nakatingin sa kaniya.

“Salbahe ka! Panget ka na nga salbahe ka pa!”sigaw ng batang itinulak ni Joanna na dumampot ng bato bago mabilis na tumayo at malakas na ibinato kay Joanna ang batong hawak nito na malakas na tumama sa noo ni Joanna na ikinadugo nito at ngiwing ikinahawak doon ni Joanna.

“Salbahe! Salbahe!” sigaw na ng mga bata na nagdadampot na ng mga bato at pinagbabato sa kaniya.

Anomang pagpapatigil niya sa mga bata ay patuloy lang na binabato siya ng mga nito, tumigil lang ang mga bata nang pabagsak siyang napaupo sa semento at nagtatakbo ang mga ito paalis. Namula ang mga braso ni Joanna dahil sa pambabato ng mga bata sa kaniya, may nakuha din siyang ilang galos at ramdam niya ang paghapdi ng kaniyang noo na bahagyang dumudugo.

Kahit isa na dumadaan sa pwesto niya ay nilalagpasan lang siya, nandidiri sa itsura niya. Lahat ng pinagdadaanan niya ay dahil kay Gin, dahil maling lalaki ang kaniyang minahal. Sa mga oras na ‘yun ay sobrang kinamumuhian ni Joanna si Gin, gustong-gusto niya itong paghigantian pero hindi niya alam kung paano. Gusto niyang ipakulong ito at pagbayarin sa ginawang paninira sa mukha niya at panloloko nito, pero hindi niya alam saan siya magsisimula. Kahit mga pulis ay hindi naniniwala sa kaniya, at ngayong may nanggagaya ng mukha niya, mas mahihirapan siyang humingi ng tulong.

Walang nagawa  si Joanna kundi ang umiyak nalang dahil ‘yun lang ang kaya niyang gawin, humagulgol siya ng iyak kahit pinagtitinginan siya ng mga taong dinadaanan lang siya. Wala ng maisip si Joanna at alam niyang hopeless lang kahit mag-hanap siya ng paraan paano niya mapipigilan si Gin sa iba pang balak nito lalo na sa  kaniyang lolo.

Dahan-dahan na tumayo si Joanna at muling nagpatuloy sa kaniyang paglalakad, hindi niya ininda ang sugat niya sa kaniyang noo. Patuloy lang siyang naglalakad na walang destinasyon, inabot siya ng dilim sa kaniyang paglalakad at hindi pansin na inabot na siya ng dilim sa kaniyang paglalakad sa isang highway na may kadiliman at pasulpot-sulpot ang mga sasakyan. Malapit din sa bangin ang highway na nilalakaran niya, natigil sa paglalakad si Joanna at ibinaling ang tingin sa may bangin kung saan matatanaw niya di kalayuan ang mga ilaw mula sa syudad.

Hindi narin niya alintana ang mga paltos sa paanan niya dahil sa mahabang paglalakad, dumudugo na rin ang mga iyon pero walang pakiealam si Joanna dahil pakiramdam niya ay namanhid na siya sa sakit na pwede niyang maramdaman.

Nakatitig lang siya sa kawalan habang dumadaloy ang mga luha sa kaniyang mga mata bago tumingala sa kalangitan kung saan mga bituin ang kaniyang nakikita.

“Bakit? Bakit kailangang sa akin mangyari ang ganito? M-May ginawa ba akong kasalanan sayo kaya ginagawa moa ng mga bagay na ‘to sa akin? Ka-kailangan ba talagang umabot sa ganito? Kinuha mo na nga ang mga magulang ko sa akin, tapos kailangan ko pang dumanas ng ganito? Natutuwa ka ba sa mga ginagawa mo sa akin ha? Ano bang kasalanan ko sayo para parusahan mo ako ng ganito?! Bakit sa akin mo ginagawa lahat ng itooo?!” galit na galit na sigaw at hagulgol na iyak ni Joanna na nag-echo sa bangin sa harapan niya.

Sa lahat ng mga nangyari sa kaniya, hindi niya maiwasan na sisihin ang diyos, na magalit siya dito. Alam niyang walang ginagawa ang diyos dahil si Gin ang may kasalanan sa kaniya, pero gusto niyang ilabas ang galit niya, dahil pakiramdam niya kung kikimkimin niya iyon ay baka mabaliw siya.

“Ka-kahit i-isa walang naniniwala sa akin, dahil sa itsura ng mukha ko kaya ano pang silbi ng buhay ko! Bakit kailangan ko pang mabuhay kung maghihirap lang din ako ng ganito habang si Gin ay nagpapakasaya sa ginawa niya sa akin. Sana pinatay niya nalang ako.”iyak ni Joanna natigilan ng may dumaan na sasakyaan na ikinahabol niya ng tingin doon.

Pinunasan ni Joanna ang kaniyang mga luha bago humarap sa madilim na kalsada at nagsimula ng humakbang papunta sa gitna nito. Walang ibang maisip si Joanna kundi tapusin ang buhay niya upang hindi na siya mahirapan sa kaniyang sitwasyon.

Nang tumigil na siya sa kaniyang paglalakad at agad na siyang humarap upang maghintay ng sasakyan na na tatapos ng buhay niya.

“Mas mabuti pang ako na ang tumapos ng paghihirap na ‘to, kung mabubuhay lang ako para pasakitan ng ganito mas gugustuhin ko nalang na mamatay.”lumuluhang ani ni Joanna ng may makita na siyang sasakyan na dadaan na dahan-dahan niyang ikinapikit.

Hinintay niya ang kaniyang kamatayan, inihanda na niya ang kaniyang sarili. Wala siyang maramdaman na takot at nakakarinig man siya ng busina ay hindi siya kumilos sa kinatatayuan niya.

“What the fvck is your problem?! If you're going to fvcking kill yourself don't bother other fvcking people!”

Napamulat si Joanna dahil imbis na tunog ng pagkakabunggo niya ang kaniyang narinig ay isang malutong at malakas na sigaw ng isang lalaki ang kaniyang nakikita na papalapit sa kinatatayuan niya.

“Can you fvcking choose another place to kill yourself?! Damn it!”galit na singhal pa nito sa kaniya ng makalapit na ito sa harapan niya.

“Ba-bakit ka huminto?! Bakit tumigil ka?! Dapat binangga mo nalang ako, dapat hinayaan mo nalang ako mamatay dahil gusto ng mawala sa mundong ‘to!”iyak na sigaw ni Joanna sa lalaking nasa harapan niya.

“Tss! You want kill yourself then do it in a place where anyone can see you, not here!”singhal nito sa kaniya.

“Ay-ayoko lang naman na maghirap pa ako ng ganito, bakit sa lahat ng pwedeng manakit sa akin bakit si Gin pa, bakit siya pa! Bakit hindi ko nakita na pera lang ang habaol niya sa akin!” nagawang saad ni Joanna na ikinatitig ng lalaki sa kaniya.

“Galit na galit ako sa kaniya! Gusto kong maparusahan siya sa ginawa niya sa akin pero hindi ko magawa dahil walang naniniwala sa akin! Minahal ko lang naman siya pero bakit niya sinira ang buhay ko!”iyak pang paglalabas ng hinanakit ni Joanna habang kitang-kita ang galit niya sa mga mata niya.

“Are you referring to Gin Cristobal?” seryosong tanong ng lalaki na dahan-dahan na ikinatingin ni Joanna dito na kita niyang seryosong nakatingin sa kaniya.

“Y-you knew him?”

“You say a while ago that you want to have revenge to him, is that right?”seryosong tanong nito na hindi pinansin ang tanong niya na ikinatango niya lang dito.

“Get in my car.” Saad na utos nito sa kaniya na ikinakunot ng noo ni Joanna sa sinabi nito ng maglakad na ito pabalik sa kotse nito.

Nakasunod lang ng tingin si Joanna sa lalaking nakalapit na sa kotse nito na salubong ang kilay na binalik ang tingin sa kaniya.

“Are fvcking deaf? I said get in my car you ugly woman!”sigaw na panlalait nito sa kaniya na ikinainis ni Joanna dito.

“Alam kong sunog ang mukha ko pero hindi mo na ako kailangang lait---“

“Get.in.my.car. NOW!”

Nagutla si Joanna ng sigawan na siya nito sa huling sinabi nito na hindi niya alam kung bakit kusang kumilos ang mga paa niya at nagalakad siya papunta sa kotse nito. Naguguluhan din si Joanna kung bakit pinasasakay siya ng lalaki habang kanina lang ay grabe siyang sigawan nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status