Share

Chapter Eighteen

TULOG pa ang asawa, maingat na bumangon si Harry para hindi ito magising. May nilamay din kasing trabaho kagabi ang babae sa laptop niya. Alam niyang madaling-araw na ito nakatulog.

He set the alarm clock para magising si Jemima ng six o’clock ng umaga. Susunduin naman ito ni Cohen mamaya. Halos patingkayad niyang tinungo ang banyo para maligo.

Nang handa na siyang umalis ay saka niya napansin ang supot na nakalagay sa ibabaw ng kaniyang traveling bag. Ipinaghanda pala siya ng asawa ng vitamins. Napangiti siya. Nagawa pa rin siyang alalahanin ng asawa kahit na pagod ito sa trabaho.

Dinampian niya ng halik sa noo ang tulog na tulog na asawa. Pinasadahan muna niya ito ng tingin bago maingat na lumabas ng kuwarto.

Habang nasa airport ay nakapangalumbaba siyang naghihintay ng oras ng kaniyang flight. Malalim ang iniisip ni Harry. Kung waa lang trabaho sa opisina ay paniguradong isasama niya ito. Gagawan niya ng paraan na mai-tour ang asawa

Julia

Thank you for reading. I appreciate your support.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status