MasukMatapos ang komprontasyon sa abandonadong silid, ang hangin sa Valiente mansion ay naging mas mabigat kaysa sa ginto. Hindi na magawang tumingin sa mata ng isa’t-isa kapag nagkakasalubong silang dalawa. Si Elias ay lalong naging reclusive at laging nagtatago sa kanyang opisina. Marahil ay nagtatayo siya ng mas makapal na pader sa pagitan nilang dalawa.
Alam na ngayon ni Alia ang pinakamalaking sugat ni Elias, at alam ni Elias na si Alia ay vulnerable sa kanyang emosyon. Gayunpaman, ang impormasyong ito ay nagbigay ng isang unspoken power kay Alia.
Isang hapon, habang nag-iisa si Alia sa grand sala ay inabutan siya ni Gino, ang trusted personal assistant ni Elias.
“Ms. Alia,” magalang na sabi ni Gino. “May ipinabibigay po si Mr. Valiente.”
Inabot ni Gino ang isang heavy velvet key na may antique design. Kasama nito ang isang small leather folder na may lamang mga titulo ng lupa.
“Ang susi po ay access sa dating art gallery ni Mrs. Laura. Matatagpuan po iyon sa ground floor sa gilid ng garden. At ang mga dokumento naman po ay ang titulos ng lupain ng inyong lola. Bayad na po ang lahat ng inyong utang, pati na ang penalties,” paliwanag ni Gino.
Ang balita ay dapat maghatid ng relief at kaligayahan sa kanyang puso. Ngunit ang naramdaman ni Alia ay mapait pa sa ginisang ampalaya na kinain nya kanina. Ang kanyang kalayaan ngayon ay ibinigay ni Elias sa pamamagitan ng isang cold contract. Ang kanyang pagtahimik at pagwawalang bahala ang nais nitong maging kabayaran dahil sa pagkatuklas niya sa nakaraan nito. Gaya ng dati, ang lahat ay tanging transaksyon lamang para sa lalaking bilyonaryo.
“Ginagawa niya ito para manahimik ako,” bulong ni Alia habang hawak ang key na nanlalamig sa kanyang palad.
“Hindi ko po alam ang intensiyon ni Mr. Valiente. Maaring ito po ay regalo o marahil, an exchange for your silence.” sagot ni Gino. Isa siya sa pinagkakatiwalaan ni Elias kaya batid nito ang tungkol sa set-up nilang dalawa.
Ang art gallery ay naging sanctuary ni Alia ngayon habang magulo ang kanyang isip. Ang kwartong ito ay hindi kasing-sakit ng nursery room ni Elias, ngunit mayroon itong ghosts ng pagkamalikhain ni Laura. Ang mga easels ay naroon pa rin. May amoy ng lumang oil paint at makikita ang ilan sa mga art piece nito. Dito, sa gitna ng mga bakas ng dating asawa ni Elias ay nahanap ni Alia ang kanyang katahimikan. Ang payapang kapaligiran na walang ibang iniisip kundi ang masterpiece na kanyang ginagawa.
Sinimulan ni Alia ang pagpipintang muli dahil matagal na din nung huli siyang humawak ng paint brush. Ang kanyang passion ay naging outlet ng kanyang frustration at confusion kay Elias. Pinipinturahan niya ang mga abstract pieces na nagpapahayag ng yelo at apoy. Ang labanan ng control at desire na nararamdaman niya ngayon. Ang mga kulay ay madilim ngunit may burst ng vibrant red at deep blue na sumisimbolo sa pag-iisa at pagnanasa.
Isang gabi, habang nagpipinta si Alia ay pumasok si Elias sa art studio. Tahimik at di mararamdaman ang kanyang mga yabag. Tanging ang amoy ng kanyang expensive cologne at ang shadow niya sa dingding ang nagpahiwatig ng kanyang presensya. Bagay na hindi pinansin ni Alia at nagpatuloy sa kanyang ginuguhit.
“Ano ang ginagawa mo?” tanong niya. Ang kanyang boses ay mas soft kaysa sa karaniwan, tila hindi niya kayang maging harsh sa loob ng gallery na kinaroroonan ni Alia. Sabagay, ito ang silid kung saan gumagawa ng obra ang kanyang dating asawa.
“Performance,” sagot ni Alia at hindi siya lumingon sa bilyonaryong lalaki. “Marital duty ko ang maging tahimik at calm. Ito ang ginagawa ko para manatiling calm sa ganitong pagkakataon.”
Lumapit si Elias sa easel at tiningnan ang kanyang obra. Ito ay isang portrayal ng dalawang kamay. Ang isa ay bakal at mahigpit samantalang ang isa naman ay malambot at naghahanap ng kalayaan. Ang masterpiece na gawa niya ay raw at vulnerable.
“Ipininta mo ang ibig sabihin ng ating relasyon,” komento ni Elias, ang kanyang tinig ay may bahid ng pagtataka.
“Hindi po. Ipininta ko ang presyo ng kalayaan ko ngayon,” mariing tugon ni Alia. “Binayaran ninyo ang utang ko para manahimik ako kaya heto ang side effect ng iyong payment.”
Sa sandaling iyon, ang art ni Alia ay naging isang paligsahan sa pagitan nila. Si Alia ay gumamit ng sining upang magsalita, at si Elias naman sa halip na magalit ay hinayaan siya. Ito ay isang test ng kanilang control sa bawat isa. Huminga nalang ng malalim si Elias dahil wala siya sa mood patulan si Alia.
“May charity auction sa susunod na buwan,” pahayag ni Elias. Ang business switch niya ay muling bumalik. “Gusto kong ipinta mo ang isang portrait para sa event. Ang kikitain ng art na iyon ay mapupunta sa organization na pinamumunuan ng Valiente family.”
Nagsimula na naman ang panibagong deal. Hindi niya hiningi ang permission ni Alia at basta na lang ipinahayag iyon bilang utos. Para siyang computer sa paningin nito na kung anong nakaprogram ay yun lang ang dapat niyang gawin.
Gayunpaman ay nagbigay ng isang pribilehiyo kay Alia ang panibagong assignment na kanyang gagawin. Batid niya na muli ay may matutuklasan siya sa personal na buhay ni Elias. Tiyak na muli ay mababasag niya ang pader na pilit nitong itinatayo sa pagitan nilang dalawa.
“Kung gagawa ako ng portrait ay kailangan kitang maging model,” sabi ni Alia. Tiningnan niya sa mata ang kausap. “Hindi ang image ng bilyonaryo ang gusto kong ipinta, Elias. Ang tao sa likod ng apelyido ang nais ko.”
Napatahimik si Elias sa kanyang sinabi at bahagyang napalunok. Ang kanyang mukha ay wala pa ding emosyon, ngunit ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng pagkatuliro. Ang huling bagay na gusto niya ay ang lantaran siyang makita ni Alia. Hindi siya makakapayag na maulit ang nangyari sa nursery room kung saan nakita nito ang kanyang kahinaan.
“Isang oras at tatlong beses sa isang linggo sa oras ng trabaho. Pero hindi ko pahihintulutan ang mga personal mong tanong,” matigas na sabi ni Elias. “Ito ay para sa image ng Valiente brand, Alia. Huwag mong kalimutan na ang focus mo ay ang art, hindi ako.”
Ngunit sa kanyang puso ay alam ni Elias na nagbigay siya ng isang mapanganib na access kay Alia. Ang pag-upo bilang model ay nangangailangan ng pagsuko. Ang pahintulutan ang artist na tingnan at analisahin ang kanyang pagkatao. Ngayon ay ng babaeng nakakaalam ng kanyang pinakatagong sikreto pa ang gagawa nito.
Ang art session na gagawin nila ay ang kanilang bagong battleground. Isang lugar kung saan ang passion at tension ay naghahalo sa bawat brushstroke. Ang no-feelings rule ay tila unti-unti ng lumalabo.
Matapos ang matagumpay na media campaign na inilunsad ni Alia gamit ang kanyang masterpiece na "The Burden of Honor," ay pansamantalang naghari ang katahimikan sa Valiente Mansion. Ang portrait ay naging pambansang usapin dahil binago nito ang image ni Elias mula sa isang walang-pusong tycoon tungo sa isang nagsisising lalaki na nalunod sa guilt ng pag-ibig. Ang art ay naging isang sumpa at isang panalangin. Isang sumpa dahil ibinunyag nito ang vulnerability ni Elias, ngunit isang panalangin dahil ito ang nagligtas sa Valiente Corporation mula sa imminent collapse.Si Elias ay hindi na bumalik sa kanyang dating cold na persona. Ang kanyang pag-amin kay Alia tungkol sa pagkamatay ni Laura ay tila isang malaking bato na inalis sa kanyang balikat, ngunit ang bigat ng pagiging responsible sa trahedya ay nanatili. Sa tuwing nagkikita sila ni Alia sa dining table ay wala na ang mga maskara na matagalk na nagtago sa kanilang dalawa. Sa ngayon ay magkasanib na guilt at kakaibang partnership
Ang art studio sa Valiente Mansion ay naging kanilang kulungan at sanctuary sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Ang kontrata na kanilang nilagdaan ay pansamantalang nawala dito at ang tanging nag-uugnay sa kanila ngayon ay ang puting canvas na nakatayo sa gitna. Tinanggal ni Elias ang kanyang armor ng pagiging CEO at isinuot ang mask ng isang lalaking sinira ng guilt.Si Elias ay kasalukuyang nakaupo sa isang matanda at lumang leather armchair. Tila siya ay isang nasirang monumento na pilit pa ring nagtatayo ng kanyang sarili. Sa loob ng maraming oras ay nanatili siyang tahimik at ang kanyang katawan ay kalmado, ngunit ang kanyang mga mata ay parang dalawang malalim na balon na puno ng pighati. Ang perpektong muse para sa isang masterpiece ng pagdurusa na nais iguhit ni Alia.Si Alia naman ay ganap na focused at walang-takot ay nagtatrabaho ng walang-tigil. Ang kanyang mga kamay ay gumagalaw ng may awtoridad at bilis. Ang charcoal ay naglalabas ng mga anino ng kasalanan sa canvas
Ang library ng Valiente mansion ay nanatiling tahimik dahil sa mga kasalukuyang nangyayari. Ang bigat ng katotohanan ay mas mabigat pa sa mga mamahaling aklat na nakahanay sa mga shelves na nakadikit sa dingding. Sa isang malaking mahogany table ay nakasalansan ang mga conflicting evidence: Ang lihim na journal ni Laura, ang detalyadong financial reports ng fraud, at ang opisyal na Police Report na nagsasabing ang pagkamatay ay isang solitary vehicular accident. Sa pagitan ng mga documents na ito ay nagkatinginan sina Alia at Elias. Ang kanilang bargain ay naselyuhan ng katotohanan para sa pag-asa.Si Elias ay nakatayo pa at ang kanyang posture ay matigas pa rin, ngunit ang kanyang mga mata ay parang dalawang sugatang animal na nakulong. Si Alia naman ay nakaupo at ang journal ay mahigpit niyang hawak. Sa ngayon ay hindi na siya ang babaeng may utang dahil siya na ang Judge at ang Confessor.“Umupo ka, Elias,” utos ni Alia. Gamit ang kanyang pangalan ng may isang finality na nagpapah
Pagkatapos ng pagtuklas ni Alia sa journal ni Laura ay nagbago ang kanyang pakikitungo kay Elias. Hindi na iyon nababalot ng takot kundi ng tunay na galit at matinding pagdududa. Hindi lamang isang simpleng journal ang hawak niya ngayon dahil tila isa itong bomba na inihagis sa gitna ng kanilang contractual marriage. Malaking tulong ang journal na ito sa kung ano ang nais niyang malaman tungkol kay Elias at Laura, maging ang dahilan sa pagbabalik ni Andrea.Bawat pahina ng journal ay nagpapahiwatig na si Elias ay hindi lamang nagtatago ng isang masakit na alaala, kundi isang posibleng krimen na ginagamit ang kanyang buhay at ang buhay ng kanyang magiging anak bilang shield sa publiko. Ang bawat haplos at halik ni Elias ay naging kasangkapan upang panatilihin siyang tahimik. Ito ay hindi upang ipahayag ang kanyang damdamin. Sa mata ni Alia, si Elias ay isang lalaking nag-aalab sa guilt at kapangyarihan at kailangan niyang makawala sa kahit na anong paraan.Ang bigat ng impormasyong dal
Hindi nagising si Alia dahil sa ingay, kundi dahil sa bigat ng alaala ng nakaraang gabi. Ang silid niya ay tahimik at naliligo sa sinag ng umaga ngunit ang kanyang isip ay maingay at tila naliligalig. Pakiramdam niya ay hindi pa nawawala sa kanyang balat ang init ng pagdikit ni Elias sa kanya habang nagsasayaw sa dance floor. Ang pagnanasa na hindi niya mapigilan nang oras na iyon at ang nag-aalab na banta ng mainit na hininga ni Elias sa kanyang tainga. Ngunit ang pinakamabigat sa lahat ng kanyang nararamdaman ngayon ay ang sulyap ng babaeng nakaitim, si Andrea na dumagdag sa bagabag ng kanyang puso.Batid ni Alia sa kanyang sarili na hindi siya nagkamali. Dama niya ang galit sa mga mata ni Andrea ay totoo. Madilim man ang kinaroroonan niya nung panahong iyon ngunit batid ni Alia na totoo ang kanyang nakita. Ang mabilis na pagkawala ni Andrea sa kanyang paningin ay tila nagpapatunay lamang sa kanyang matagal na hinala. Si Elias ay may itinatagong malaking lihim tungkol sa kanyang nak
Bahagyang napapalunok ng laway si Alia dahil kasalukuyang nasa harapan niya ang bilyonarong asawa sa papel. Ang art session nilang dalawa ni Elias ay kanilang ginagawa ngayon. Ang serye ng art sessions na iyon ay nagbigay ng kakaibang experience para kay Alia. Para sa kanya ang art session nila ay naging isang pormalisadong arena para sa kanilang psychological warfare. Tatlong beses sa isang linggo nila ginagawa ang session. Tanging ang tunog lamang ng paghampas ng brush ni Alia sa canvas at ang maingat na paghinga ni Elias ang pumupuno sa dating art gallery ni Laura. Si Alia ay gumagamit ng kulay at texture upang magtanong samantalang si Elias naman ay gumagamit ng kanyang kapangyarihan at katahimikan upang magtago.Sa loob ng maraming oras ay tinititigan ni Alia ang bawat detalye ng mukha ni Elias. Hinahanap niya ang tunay na pagkatao nito sa likod ng perpektong maskara. Ngayon lamang niya napansin na may peklat sa gilid ng kaliwang mata si Elias. Hindi iyon kasing-haba ng daliri







