Share

CHAPTER 57

Author: Golden Lee
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-11 17:22:51

Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Wendy kasama si Noah, ang agad na bumungad sa kanyang paningin ay ang pigura ni Adrian. Kalong-kalong nito ang munting si Bunbun habang nakatitig sa bata nang may pambihirang lambot sa mga mata habang pinapanood itong kumain ng cake.

Ang mga labi nitong kadalasang blangko, seryoso, at parang yelo ay may nakapaskil na isang bihirang ngiti ngayon.

Ang tagpong iyon ay sapat na upang mag-iwan ng matinding gulat sa puso

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 119

    Nayanig ang buong media nang tuluyang ilabas ni Adrian ang kanyang opisyal na pahayag.Walang pasubali niyang inamin sa harap ng publiko na ang wedding dress ay isang pribadong obra ni Lia Cruz, at hindi isang damit na ipinasadya niya para kay Wendy. Humingi siya ng paumanhin sa paglabag sa copyright at nag-alok ng kaukulang danyos para sa pinsalang idinulot nito.Dahil dito, ang mga komento at usap-usapan ay muling sumabog na parang bulkang nag-alboroto. Ngunit higit sa iskandalo, ang napakalaking halaga ng kompensasyon na ibinigay ni Adrian ang pumukaw sa interes ng lahat tungkol sa pambihirang talento ni Lia sa pagdidisenyo.Sa loob lang ng ilang oras, ang mga kilalang haligi at unibersidad sa mundo ng fashion ay nagsimula nang mag-unahan na kontakin si Lia sa pamamagitan ng iba't ibang channels.Ngunit habang nakatitig sa baha ng mga pribadong mensahe sa kanyang cellphone, walang ibang naramdaman

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 118

    Nang marinig iyon, buong lakas na itinulak ni Zoe si Bruce palayo. Marahas itong lumapit at kinuwelyuhan si Adrian. Matangkad si Zoe at mas lalo na ngayon dahil sa boots na suot nito kaya magkapantay lang ang mata nila."Adrian, huwag mong isiping natatakot ako sa 'yo! Isinilang ni Lili ang mga anak mo, pero iniwan mo siya noong mga oras na kailangan ka niya! At ngayon, ibinigay mo pa ang obra niya sa kutong ‘yan?! Sa mga kasalanan mo pa lang na 'yan, kulang ang kalahating oras na bugbog sa 'yo!"Itinaas ni Zoe ang kanyang kanang kamay, handang ilapat ang isang malakas na suntok sa mukha ng bilyonaryo.Napapikit na lang si Bruce sa takot. Mula pagkabata, lahat ng taong nagtangkang magbuhat ng kamay kay Adrian ay nagtamo ng hindi mabilang na ganti at kalunos-lunos na katapusan. Tahimik na lang siyang nag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ni Zoe.Ngunit lumipas ang ilang segundo, walang tunog n

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 117

    Sa litrato, nakaupo si Wendy sa isang coffee shop kasama ang isang estranghero. Pero hindi ang mukha ng lalaki ang bumasag sa konsentrasyon ni Adrian, kundi ang tattoo ng ulo ng lobo na nakabandera sa braso nito.Biglang umalingawngaw sa isip niya ang babala ni Bruce noon, ang markang iyon ang simbolo ng mga miyembro ng dayuhang mafia.Ibig sabihin, may koneksyon si Wendy sa sindikato.Nang pumasok sa utak ni Adrian ang posibilidad na ang grupong ito ang may gawa sa nangyari sa kanang kamay ni Lia, unti-unting namuti ang kanyang mga daliri sa higpit ng pagkakahawak sa larawan. Lumabas ang nagngangalit na ugat sa kanyang braso. Agad niyang dinial ang numero ni Bruce."Nasaan ka?" matigas niyang tanong pagkasagot pa lang ng linya.Bakas ang gulat sa boses ni Bruce sa kabilang linya. "Nasusunog na ang sarili mong bakod ngayong naisasapubliko palang ang pagtungtong niyo sa global

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 116

    Habang nakatitig sa mag-iina na tuluyan nang napatawad ang isa't isa, nakaramdam si Adrian ng isang hindi maipaliwanag na emosyon. May kaunting luwag, ngunit mas nangingibabaw ang lungkot. Ang buong pamilya nilang apat na sana’y pagsusumikapan niyang bawiin, ay nalulusaw sa kanyang harapan. Ang kaligayahang abot-kamay na niya sana ay winasak niya nang tuluyan.Naisip niya, wala nang mas tanga pang lalaki sa mundo kaysa sa kanya. Hawak na niya ang pinakamagandang baraha, ngunit winasak niya ang sariling laro. Ngayon, nalalasahan na niya ang mapait na bunga ng pag-iisa at pagka-ulila na ipinaranas niya kay Lia noon. Doble ang balik ng karma sa kanya; ito ang nararapat sa kanya, at wala siyang karapatang magreklamo.Gusto niyang humakbang, gusto niyang sumali sa yakap ng tatlo at maranasan ang init ng isang pamilya. Ngunit ilang beses man niyang sinubukang itaas ang kanyang kamay, nanatili itong nakalaylay sa gilid. Alam niyang wala nang

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 115

    Isang pilit at sarkastikong tawa ang kumawala sa mga labi ni Lia."Adrian, sa tingin mo ba bobo ba ako para utuin mo ulit?" Malamig ang boses niya, ngunit bawat salita ay may talim na humihiwa sa hangin. "Sa loob ng apat na taong pagsasama natin, pumasok ba kahit isang beses sa isip mo ang pakasalan ako sa harap ng altar? Hindi, 'di ba? Ang tanging inatupag mo araw-araw ay kung paano ako gagamitin at kung paano ako tuluyang palalayasin sa pamilya Serano. Ayoko na sanang magtanim ng galit sa nakaraan, pero sumobra ka na. Sinira mo ang limitasyon ko, at titiyakin kong hindi ka makakalusot ngayon."Nang magtagpo ang kanilang mga mata, halos mapaurong si Adrian sa lalim ng poot na nakita niya sa mga mata ni Lia. Para siyang sinaksak ng kutsilyo diretso sa kanyang puso.Nang magsalita siya, gumaralgal at tuluyang napaos ang kanyang boses. "Lia... handa akong makipagtulungan sa kahit anong gusto mong gawin para maayos 'to. Per

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 114

    Hinalikan ni Noah ang ulo ng kapatid at bumulong, "Huwag kang umiyak... andito lang si Kuya."Niyakap ni Bunbun ang leeg ng kapatid, na ngayo’y humahagulgol na. "Bad si Daddy... bad si Daddy."Matalas ang isip ng bata; naiintindihan niya ang lahat. Nakita niyang magpapakasal sa iba ang Daddy niya. Paano naman ang Mommy niya? Ibig bang sabihin nito ay tuluyan na sila nitong iiwan?Nasasaktan din si Noah para sa kapatid. Pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang maliit niyang kamay. "Inaway niya si Mommy. Sobrang bad guy niya. Huwag na natin siyang kakausapin kahit kailan."Tumango-tango si Bunbun habang sumisinghot. "Hm-mm!" Kahit mahal na mahal niya ang Daddy niya, mas mahal niya ang Mommy niya. Hindi niya papayagang saktan nito ang kanilang ina.Hinila ni Noah ang kamay ni Bunbun patungo kay Lia. Pagkakita sa namumulang mukha ng ina, hindi na nakatiis ang batang babae at

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 47

    Nang mapansin na matagal na nanatiling tulala at walang reaksyon si Lia, hindi na nakatiis si Adrian. Humakbang siya at marahas na hinablot ang pulso ng babae, habang ang kanyang mga mata ay pinaliligiran ng matinding takot at lantarang pagmamadali.“Lia..

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 46

    Sa gitna ng kanilang pag-uusap, biglang umalingawngaw ang tunog ng doorbell ng bahay.Ang kanina’y matamlay na mukha ni Bunbun na nakasubsob sa balikat ni Leonard ay biglang nagliwanag. Mabilis itong bumaba mula sa pagkakahawak ng ama at nagmamadaling tumakbo patungo sa

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 43

    Kalong-kalong ni Noah si Bunbun, nakayuko ang kanyang ulo. Ang makakapal at mahahaba niyang pilikmata ay tuluyang nagkubli sa anumang emosyong naglalaro sa kanyang mga mata.Matapos ang ilang sandali ng mabigat na katahimikan, dahan-dahan siyang nagsalita. “Gusto lang n

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 41

    Chapter 39Pagbalik sa silid-aralan, pabagsak na naupo si Noah sa kanyang upuan. Bahagyang namumula ang mga gilid ng kanyang mata, at ang dalawang maliliit na kamao ay mariing nakakuyom sa ibabaw ng desk.Paulit-ulit na u

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status