Share

The Billionaire's Return
The Billionaire's Return
Author: Golden Lee

CHAPTER 1

Author: Golden Lee
last update publish date: 2026-02-11 11:05:11

Tahimik na ang buong Lia Atelier.

Isa itong high-ceiling studio na puno ng salamin, Italian marble ang sahig, at custom-made na mga mannequin na suot ang mga disenyo ni Lia Cruz—isang pangalan na sapat na para patahimikin ang buong fashion industry. Isang tawag lang niya, may runway. Isang pirma lang niya, sold out ang koleksyon.

Ngunit ngayong gabi, wala siyang audience. Wala siyang spotlight. Siya lang—at ang katahimikan. Tinahi niya ang huling detalye ng gown: isang couture piece na nagkakahalaga ng mas mahal pa sa karamihan ng kotse. Hinawi niya ang buhok sa likod ng tenga, pagod pero kontento.

“Finally,” mahina niyang bulong.

At sa mismong sandaling iyon—

Namatay ang mga ilaw. Hindi unti-unti, hindi kumurap—isang iglap, nilamon ng dilim ang lahat.

“Is there anyone here?” napasabi siya, mabilis na tumayo.

Ang buong studio ay nilamon ng dilim. Ang mga bintana’y malinaw na nagpapakita ng liwanag ng siyudad sa labas, pero sa loob, parang sinadya ang pagkawala ng ilaw, parang may nagpatay ng mundo niya.

Kinapa niya ang mesa, hinanap ang cellphone. Isang vibration at isang mensahe ang nakita niya.

Unknown Number.

“Hindi ka nakakasawang pagmasdan, Lia.” Nanikip ang dibdib niya.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa phone. Parang may nakamasid—isang presensyang hindi niya makita. At kasabay ng katahimikan, may boses na bumulong sa dilim, papalapit sa kanya.

“I want you to be mine again—this time, you’ll live by my rules.”

Parang may malamig na kamay na gumapang sa batok niya.

“Sino ka?” pabulong niyang sabi, sabay umatras.

Nanlambot ang mga tuhod niya. Kahit burahin niya ang alaala, kahit palitan niya ang mundo— iisa lang ang lalaking magsasalita sa ganitong paraan.

Pinindot niya ang call button.

No signal. “Hindi maaari,” mahina niyang sabi habang nililibot ang tingin.

At sa mismong sandaling iyon—

Isang ilaw ang biglang bumukas. Hindi ang mga chandelier. Hindi ang ceiling lights. Kundi ang desk lamp sa gitna ng studio. At sa ilalim ng ilaw, nakaupo sa paborito niyang upuan, nakapamewang, tila nanonood ng palabas.

Si Adrian Serano.

Black tailored suit na perpektong akma sa katawan. Isang mamahaling relo na kayang bumili ng buong floor. Mga matang madilim—hindi galit, hindi masaya, kundi siguradong-sigurado.

“There you are, Lia.” mababa niyang bati.

“Akala mo ba hindi kita mahahanap?” Parang nawala ang hangin sa baga ni Lia.

“Paano ka nakapasok dito?” nanginginig niyang tanong, umatras.

Tumayo si Adrian. Mabagal. Walang pagmamadali. Parang alam niyang walang tatakbuhan ang babae. Lumapit siya—isa, dalawa, tatlong hakbang.

“I purchased the entire building,” payak niyang sagot. Nanlaki ang mga mata ni Lia.

“Including your security company.” dagdag niya, bahagyang ngumiti.

“You’re insane, Adrian.” bulong ni Lia habang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

Huminto si Adrian sa harap niya. Sobrang lapit—naaamoy niya ang mamahaling pabango nito, ramdam ang init ng katawan.

“I’m just taking what’s mine.” bulong nito.

Umangat ang kamay niya, hinaplos ang pisngi ni Lia—marahan pero may bigat, parang pag-angkin. Tinabig niya ito agad.

“Huwag kang lalapit,” sabi ni Lia.

Hindi ito nagalit. Sa halip, mas lalo lamang lumalim ang ngiti niya—mabagal, mapanganib, parang alam niyang wala nang saysay ang pagtutol.

“Wala na tayo,” nanginginig niyang sabi, “at tapos na tayo sa papel, Adrian.”

Sandaling tumahimik si Adrian. At sa unang pagkakataon, hindi emosyon ang naramdaman sa mga mata niya—kundi kontrol. Tahimik, tiyak, at puno ng planong matagal nang hinihintay ang tamang sandali.

“But that doesn’t mean I was done.” mahinahon niyang sabi.

“Sinisigurado kong hindi ka na makakawala, Lia.” dagdag niya, mababa ang boses. Humakbang siya muli, papunta sa pinto. Lumingon siya sa wakas.

“I always get what I want. The world knows that.” pahabol niyang kalmado. Humigpit ang dibdib ni Lia, habang sa mga mata ni Adrian ay malinaw ang isang bagay—kontrolado niya ang lahat.

“I’ll see you soon.”

Sabay umalis si Adrian sa studio, dala ang pagiging sigurado sa plano. Naiwan ang gulat at kaba sa buong studio—mga chandelier, ceiling lights, lahat ay nananatiling bukas at tahimik na parang walang nangyari.

Naiwang mag-isa si Lia sa gitna ng liwanag, pero mas ramdam niya ang dilim. At habang nakatayo siya sa gitna ng studio, unti-unti niyang naunawaan—hindi ang dilim ang bumalot sa kanya, kundi ang kaalamang muling gumalaw si Adrian sa mundo niya.

“Hindi… hindi pa ito tapos,” mahina niyang bulong, parang sinusubukang paniwalain ang sarili.

Wala na siya roon, pero naroon ang presensya niya.

Tahimik. Sigurado. At imposibleng takasan.

Bumalik ang mundong pilit niyang tinakasan. At sa isang siyudad na hawak ng isang lalaki, may isang lalaking tiyak na sa huli, babalik siya sa buhay na minsan niyang iniwan.

Humigpit ang hawak ni Lia sa phone, parang doon na lang siya kumakapit. Pilit niyang kinumbinsi ang sarili na tapos na ang lahat—pero ang mga salitang iniwan ni Adrian ay parang aninong ayaw mawala. Sa gabing iyon, unang beses niyang naramdaman na kahit malaya siya sa papel, bihag pa rin ang puso’t isip niya.

“I’ll see you soon.”

Sa gitna ng katahimikan, mga salitang nag-iwan kay Lia ng matinding gulo sa isipan—isang kaguluhang alam niyang hindi niya kayang takasan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 139

    Para kay Adrian, ang mabilis at sapilitang yakap na iyon ay parang isang maagang biyaya mula sa langit. Pagkabitaw niya kay Lia, mabilis siyang tumalikod.Kasabay ng bawat hakbang niya palayo, hindi niya namamalayang may mainit na luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Noon, palagi niyang pinapaniwala ang sarili na ginamit niya lang si Lia. Na wala siyang nararamdaman para sa babae.Iniisip niya na ang lahat ng mabubuting bagay na ginawa niya para rito noon ay palabas lang para sa ikabubuti ni Wendy.Pero kamakailan lang niya napagtanto ang katotohanan. Ang dahilan kung bakit hindi niya magawang itapon o ipamigay ang mga gamit ni Lia ay hindi dahil wala siyang oras, kundi dahil hindi niya kayang mawalay ang mga ito sa paningin niya.Ang rason kung bakit hinding-hindi niya pinatapak si Wendy sa bahay nila ay hindi dahil hinihintay niyang gumaling ang binti nito. Kundi dahil diring-diri siyang makita

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 138

    Habang nakatitig sa matandang humahagulgol at basang-basa ang mukha sa luha, biglang gustong matawa ni Lia.Mukhang pare-pareho yata ng acting class ang pinagtapusan ng mag-inang ito.Noon, napakagaling umakto ni Adrian bilang mapagmahal na asawa, kaya hindi niya napansin ang mga patalim sa likod nito. Ngayon naman, ang ina nito ang may pa-ganap na mapagmahal at nagsisising biyenan.Isang sarkastikong ngisi ang pinakawalan ni Lia. “Tapos na ang dapat mangyari. Kaya pakiusap, Madam Serano, magtira ka naman ng kahit kaunting respeto sa sarili mo. Tungkol naman sa nangyari kahapon, napakalaking pinsala ang idinulot nun sa’kin at sa mga anak ko. Hindi iyon kayang burahin ng isang simpleng sorry mo lang. Ang abogado ko nalang ang kausapin niyo. Kung wala na kayong ibang sasabihin, lumayas na kayo. Huwag niyo na akong subukan, baka hindi ko lang magustuhan ang susunod kong gagawin!”

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 137

    Matagal bago tuluyang naproseso ni Madam Serano ang katotohanan. Hindi lang pala isang apo ang mayroon siya, may apo rin siyang babae.Sa isang iglap, tila bula na naglaho sa utak niya ang lahat ng pinsalang idinulot niya kay Lia. Mabilis niyang hinawakan ang braso ni Adrian at hinila ito papuntang pinto.“Ayan, sumama ka sa’kin, pupuntahan natin ang apo ko. Sabi ko na nga ba, pamilyar ang mukha ng batang iyon! Kadugo natin siya, isang Serano! Kung ganoon, hindi natin pwedeng hayaang tawaging tatay ang ibang lalaki. Kailangan natin siyang bawiin at iuwi sa mansiyon para opisyal na kilalanin ng pamilya!”Nandidiri at malakas na itinaboy ni Adrian ang kamay ng ina. Puno ng nag-uumapaw na pait at galit ang kanyang mga mata.“Anong karapatan nating bawiin siya at piliting kilalanin ang mga kadugo niya? Tayo ang unang nang-iwan sa kanya! Dahil sa atin, nagkaroon siya ng autism simu

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 136

    Pinunasan ni Noah ang kanyang mga luha at tahimik na bumalik sa kwarto. Tiningnan niya ang natutulog na si Bunbun. Yumuko siya at marahang hinandugan ng halik ang matambok na kamay ng kapatid."Bunbun, kahit sinong piliin ni Mommy sa huli, aalagaan ka ni Kuya. Hinding-hindi ko hahayaang saktan ka ng kahit sino."Napahilig si Adrian sa upuan ng eroplano, paulit-ulit na nag-e-echo sa isip niya ang mga salita ng anak. Bawat salita nito ay parang talim na bumaon sa dibdib niya.Tama ang anak niya. Ang katotohanang nagkawatak-watak ang pamilya nila ay dahil sa sarili niyang mga maling desisyon. Inaani na niya ngayon ang pait ng nakaraang pang-iiwan at pagtataksil kay Lia. Ito ang karapat-dapat na karma sa kanya.-Makalipas ang kalahating oras, sa wakas ay lumipad na ang eroplano.Kinaumagahan na nang makarating siya sa lumang mansiyon ng pamilya Serano.&n

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 135

    Habang hawak ang kanyang cellcellphone, nakatayo si Lia sa tapat ng bintana habang dinadamdam ang malamig na simoy ng hangin ng gabi.Hindi ito kasing-ginaw noong gabing lisanin niya ang pamilya Serano noon, mas malamig pa sa gabi ang puso niya ngayon. Wala na siyang kahit katiting na tiwala kay Adrian. Ubos na ubos na siya noon pa man.Noon, masyado niyang ibinigay ang sarili sa lalaking ito. Naniwala siyang mamahalin siya nito habambuhay at totoo ang bawat pag-aalaga nito sa kanya. Kaya naman, pikit-mata siyang nagtiwala—walang kaalam-alam na sinasaksak na pala siya nito sa likod.Siya lang ang nakakaalam kung gaano kasakit ang naramdaman niya noong mga oras na iyon. Parang may paulit-ulit na humihiwa sa laman niya gamit ang kinakalawang na kutsilyo. Masakit pero dahan-dahan itong ibinabaon.Hinding-hindi niya malilimutan ang pakiramdam na iyon habang buhay. At hinding-hindi na niya muling pa

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 134

    Ang tindi rin magbiro ng tadhana sa kanya. Kung kailan unti-unti na niyang naaabot ang mga pangarap niya pagkatapos ng matagal na paghihirap, doon pa siya makakatanggap ng ganitong klaseng bagsik.At ang dahilan ng sakit na ito at dahil lang sa isang tao, kay Adrian. Apat na taon na ang lumipas, bakit ba hindi pa rin siya makalaya sa sumpa ng lalaking iyon?Noon, ginawa siyang panangga sa gulo, at hindi niya isinumbat kahit nawala ang kakayahan niyang magpinta. Hindi niya isinumbat na hindi itinaboy siya ng sarili nilang anak.Pero bakit hanggang ngayon, ayaw niya pa rin siya nitong lubayan?Hindi pa ba sapat ang pinsalang idinulot nito sa kanya at sa mga bata?Habang tumatagal, lalong nagdidilim ang mukha ni Lia sa galit. Napahigpit ang kapit ng dalawa niyang kamay sa unan na tila ba anumang oras ay mapupunit na ito sa matinding emosyon.Hinawakan ni Leonard ang likod ng kamay niya para pakalmahin siya. "Lili, huwag kang mag-alala. Tutulungan kitang alamin kung sino ang may utak sa li

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 100

    Hindi na napigilan ni Adrian ang mapahawak sa sarili niyang dibdib. Ang tindi ng sakit na tila sumusuntok sa puso niya ay nagdulot ng bara sa kanyang lalamunan, halos hindi siya makahinga.Sobrang sikip sa dibdib na isiping ang bunso niyang si Bunbun ay kailangang magtiis at

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 99

    Nang marinig ang binitawang pangako ng anak, sa wakas ay nakahinga nang maluwag si Madam Serano.Dahan-dahan itong sumandal sa unan, hinayaan ang doktor na ibalik ang oxygen tube sa kanyang ilong at muling ibalik ang IV drip sa kanyang kamay.Dahil sa sob

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 3

    Flashback — Ang PaghihiwalayTahimik na inilapag ni Lia ang divorce papers sa mesa. Walang sigaw. Walang luha. Pero sapat ang bigat ng papel para tuluyang mabasag ang matagal nang katahimikan sa pagitan nila.“Kung mananatili tayo sa ganito, pareho lang tayong mauubos,” mahinahon niyang sabi.Hindi

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 2

    “Check the monitors,” kalmado niyang utos sa assistant. “Tell me where Lia is. Now.” Walang pag-aalinlangan, agad itong kumilos. Sanay na ang lahat sa tono ni Adrian—walang emosyon, walang puwang para sa tanong. Utos iyon, at ang utos niya ay palaging sinusunod. “Yes, sir. Checking now.” Ilang se

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status