Teilen

Chapter 22

last update Veröffentlichungsdatum: 05.07.2026 09:29:06

Tahimik ang hallway ng executive floor pagkatapos umalis sina Ashton at Kiarra. Ang marmol na sahig ay nagpaparinig ng bawat yabag, at ang ginintuang ilaw mula sa chandelier ay halos hindi gumagalaw. Nakatayo lang si Larkin, nakatingin sa direksyong nilakaran ng dalawa, hindi namamalayan na ilang segundo na pala siyang nananatiling tulala.

Vice President… De Vera… Kuya… Ano ba talaga ang hindi ko alam?

Walang ingay, walang galaw—hanggang sa bumasag sa tensyon si Samantha.

“Larkin, tara na?” kun
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel

Aktuellstes Kapitel

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 25

    Larkin's POVNagsimula nang lumuwag ang lobby ng De Vera Holdings matapos ang mahaba at magarbo nilang executive meeting. Isa-isang nagpaalam ang mga investors, business partners, at foreign delegates—may mga handshake, may mga paanyaya ng business dinner. Unti-unting humupa ang ingay, hanggang lima na lang kaming natira sa marbled luxury ng lobby: si Ashton, si Kiarra, si Alexander na buhat si Letty, at ako.Tahimik. Parang may nag-aantay ng cue.Si Alexander, parang natural na lang ang mga kilos. Nilalaro niya si Letty, palaging may lambing at biro sa boses.“Princess, gutóm ka na ba?” tanong niya, kunwaring nag-aalala.Tumango si Letty, sabik na sabik. “Super!”Kunwari nagulat si Alexander. “Talaga? Sobrang super?”Napatawa si Letty, sabay sabing, “Sobrang super, Daddy-Uncle!”Natawa silang lahat. Hindi ko maiwasang mapansin ang gaan ng samahan nila—parang natural, parang matagal nang ganito.Lumapit si Ashton, laging parang may balak. “Let’s continue this over dinner.”Agad umanga

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 24

    Third Person's POVTatlong araw nang pabalik-balik si Larkin sa De Vera Holdings. Sa tuwing may dahilan para bumisita—meeting, investor pitch, kahit simpleng “dropping by”—lagi siyang umaasang magkakaroon ng pagkakataon para kausapin si Kiarra. Pero kung hindi siya nauunahan ng schedule o board meeting, parati siyang nababalaho sa lobby, pinagmamasdan ang elevator na tila walang balak bumukas para sa kanya.Hawak niya ang cellphone, paulit-ulit na tinitingnan, parang hinahanap ang lakas ng loob para mag-message. Tatlong taon... Tatlong araw... At kahit kailan, hindi pa rin sapat ang tiyaga ko para makalapit sa kanya.Tumunog ang cellphone. Si Morcan.“Busy?” tanong ni Morcan, pamilyar ang tawa kahit sa linya.“Oo,” mahina lang ang sagot ni Larkin, hindi na nag-abala pang magpaliwanag.“Nasa De Vera ka na naman?”Hindi na sumagot si Larkin.“Tatlong beses ka nang may meeting diyan ngayong linggo, bro. Coincidence?”“Ulol,” tanging sagot niya. Napangiti siya kahit papaano—kahit sandali,

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 23

    Alexander's POVTahimik sa loob ng jet. Malawak ang cabin, puro glass at leather at liwanag mula sa malalaking bintana. May whiskey sa tabi ko, pero untouched. Tatlong laptop, dalawang iPad, contracts, notepad—lahat nakabukas, lahat may ginagawa. Utak ko parang lumilipad din sa bilis ng takbo ng trabaho.“Approve it,” sabi ko habang sinusuri ang Zurich contract.“The Milan shoot? Move it to next month.”“Paris acquisition? Send me the revised proposal.”Hindi na ako natutuwa sa ganitong araw—sanay na ako. Pero kung may magpapakita sa akin ng bagong thrill, siguro… landing sa Pilipinas ‘yon.Lumapit ang head flight attendant, mukhang sanay na rin sa pagiging abala ko. “Sir, we’ll be landing in the Philippines in approximately twenty minutes.”“Noted, thank you,” sagot ko, sabay sara ng laptop at tanggal ng glasses. Inayos ko ang sleeves ng polo ko, tumayo para mag-unat. Sa labas, puro ulap pa. Pero nararamdaman ko na ‘yung excitement—hindi dahil sa negosyo, kundi dahil sa mga taong dad

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 22

    Tahimik ang hallway ng executive floor pagkatapos umalis sina Ashton at Kiarra. Ang marmol na sahig ay nagpaparinig ng bawat yabag, at ang ginintuang ilaw mula sa chandelier ay halos hindi gumagalaw. Nakatayo lang si Larkin, nakatingin sa direksyong nilakaran ng dalawa, hindi namamalayan na ilang segundo na pala siyang nananatiling tulala.Vice President… De Vera… Kuya… Ano ba talaga ang hindi ko alam?Walang ingay, walang galaw—hanggang sa bumasag sa tensyon si Samantha.“Larkin, tara na?” kunwaring casual ang tono, parang walang nangyari.Hindi sumagot si Larkin. Mabigat ang mga mata, walang emosyon.“Lark?” pilit ni Samantha, pero hindi niya nakita ang malamig na ekspresyon sa mukha ng lalaki.Dahan-dahang lumingon si Larkin, malamig ang mga mata.Mahina, halos pabulong, “Hindi na mauulit.”Napakunot ang noo ni Samantha. “Ano’ng ibig mong sabihin?”Diretso ang tingin ni Larkin, boses na parang galing sa ilalim ng bundok. “Ang paraan ng pakikipag-usap mo kay Kiarra.”Tahimik. Kakaib

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 21

    Tahimik na naglalakad si Kiarra kasama si Ashton sa executive hallway ng De Vera Holdings, ilang minuto matapos ang masakit na komprontasyon kay Samantha. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa—tanging ang marahang tunog ng kanilang hakbang at ang mabilis na tibok ng puso ni Kiarra ang namamagitan sa katahimikan.Tatlong taon… Akala ko handa na ako. Pero bakit nanginginig pa rin ang puso ko?Biglang huminto si Ashton, hindi lumilingon. Nakatingin lang siya sa malayo, mariin ang mga labi. Seryoso ang tinig nang sa wakas ay magsalita siya, “Narinig ko.”Hindi na kailangang linawin ni Kiarra—alam niyang ang tinutukoy ng kuya niya ay ang bawat salitang binitiwan ni Samantha.Malamig ang boses ni Ashton, “Lahat.”Dahan-dahan siyang humarap kay Kiarra, halatang pinipigilan ang galit.“Isang tawag lang, Kiarra,” mahina pero matalim ang tono. “Ipu-pull out ko lahat ng investment ng De Vera Holdings sa Villareal Group. At sisiguraduhin kong wala nang kumpanya sa consortium natin ang makikipagtr

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 20

    Third Person's POIVMaagang dumating si Larkin sa De Vera Holdings para sa isang mahalagang business meeting. Pagbaba pa lang niya sa lobby, ramdam na agad ang bigat ng bagong kapaligiran. Mamahalin ang mga marble floor, high ceiling, at bawat empleyado ay maayos ang postura at kilos. Pero kahit gaano ka-busy ang paligid, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang gabing nakita niya si Kiarra sa entablado—ang tatlong taong pagkawalay na parang isang iglap lang.Tatlong taon… At iyon lang ang pagitan natin?Habang nasa meeting, paminsan-minsan siyang napapatulala sa mga papel sa harap niya. Laging bumabalik sa mukha ni Letty, at sa tanong kung bakit ni minsan ay hindi siya hinarap ni Kiarra pagkatapos ng event.Pagkatapos ng meeting, mag-isang naglakad si Larkin sa executive hallway. Tahimik, malamig ang aircon, at nag-e-echo ang bawat yabag niya. Sa dulo ng pasilyo, bumukas ang elevator. Lumabas si Kiarra—nakasuot ng ivory business suit, mahaba ang buhok, simple ang make-up, at ma

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status