Mag-log inCHAPTER 5 — THE CONCERT OUTSIDE THE DOOR
SOFIA'S POV Tatlong araw pa lang ako rito sa Monteverde Mansion… pero pakiramdam ko, tatlong buwan na akong naglalakad sa paikot-ikot at napakalaking bahay na ito. At hanggang ngayon, aaminin ko, naliligaw pa rin ako. "Left ba 'to o right?" bulong ko sa aking sarili habang may maingat na hawak na tray ng meryenda. Tumingala ako sa kisame, sinusubukang alalahanin ang daan patungo sa study room. "Parang araw-araw yata itong study room na 'to lumilipat ng puwesto, eh." Sa wakas, matapos ang ilang minutong pag-ikot, nakita ko rin ang tamang pasilyo. Sakto namang palabas si Nanay Matet mula sa pinto ng silid. "Ayan ka na pala," sabi niya nang makita niya ako. Lumapit siya at bahagyang iniayos ang mga tasa sa tray. "Ipasok mo na ito kay Sir Gab." Napatingin ako sa nakasarang pinto. "May meeting po ba siya ulit, Nanay Matet?" Tumango siya nang seryoso. "Oo, isang napakahalagang virtual meeting. May kausap siyang mga foreign investors mula sa Europa at Amerika ngayon." Bago niya ako iwan ay lumapit pa siya nang kaunti sa akin at mahinang bumulong sa mismong tainga ko. "Kaya pakiusap, Sofia… huwag na huwag kang gagawa ng kahit anong ingay habang nandoon ka." Tumango ako nang mabilis at ngumiti. "Opo, Nanay Matet. Promise, parang pusa ako kung kumilos ngayon." Napapikit lang si Nanay Matet at marahang bumuntong-hininga. Halatang-halata sa mukha niya na hindi siya buong-pusong naniwala sa akin. Tahimik at maingat akong naglakad papunta sa tapat ng pinto. Pero bago ko pa man maitaas ang aking kamay para kumatok, narinig ko na ang malamig at baritunong boses ni Sir Gab mula sa loob. "...our projections for the fourth quarter remain stable, and we are looking at a twenty-percent increase in our global market share." Wow. Ang sosyal talaga ng isang ’to. English na English, tuwid na tuwid, at walang kahirap-hirap sa pagsasalita. Napanguso ako habang nakasandal sa pader sa labas. Parang G****e Translate ang utak. Napakaperpekto. Naisip kong mukhang hindi pa tamang pumasok dahil seryoso pa ang diskusyon nila sa screen, kaya nagpasya muna akong maghintay sa labas. Sa tabi ng pasilyo, may nakita akong walis na nakasandal. Dahil ayaw kong nakatayo lang nang walang ginagawa, pinulot ko muna ito para maglinis sa gilid. Habang marahang nagwawalis, hindi ko namamalayan na unti-unti na pala akong nagpapatugtog ng sarili kong background music sa utak. Mahina lang ang boses ko sa umpisa. "Bahay kubo... kahit munti..." Nang mapansin kong walang sumasaway, lalo akong ginanahan sa mga sumunod na linya habang itinutulak ang walis sa makintab na sahig. "Ang halaman doon.Ay, sari-sari!" Napapaindak pa ang mga paa ko habang ginagawa kong imaginary microphone ang hawak na walis. Todo bigay ang emosyon ko. Nakalimutan kong ang pinto pala ng study room… ay may manipis na bahagi sa gitna. Samantala, sa loob ng silid... Tahimik na nakaupo si Sir Gab sa harap ng kaniyang napakalaking monitor. Sa screen ay malinaw na nakalatag ang mukha ng limang seryosong foreign investors na nakasuot ng mga mamahaling tuxedo. Lahat sila ay matamang nakikinig sa bawat salitang binibitawan ng CEO ng Monteverde Holdings. Gabriel spoke calmly, his face completely expressionless. "Our proposed acquisition will increase our operational efficiency in Asia, and—" Biglang umalingawngaw ang isang boses mula sa labas ng pinto. "...SINGKAMAS AT TALONG!! SIGARILYAS AT MANI!!" Natigil si Gabriel sa gitna ng kaniyang pangungusap. Katahimikan. Isang napakatinding katahimikan ang bumalot sa buong study room. Sa monitor, ang limang foreign investors ay sabay-sabay na napalapit sa kani-kanilang mga camera. Ang kani-kanilang mga mukha ay hindi mawari kung anong emosyon ang ipapakita. Isa sa mga investor mula sa New York ang marahang umayos ng kaniyang salamin at bumasag sa katahimikan ng video call. "...Excuse me, Mr. Monteverde. Is that... background music?" Nanatiling malamig at pormal ang mukha ni Gab, ngunit sa unang pagkakataon sa buong buhay niya, dahan-dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Nawala siya sa kaniyang train of thought. Ramdam na ramdam niya ang biglaang pag-init ng kaniyang tenga sa tindi ng nararamdamang hiya. Muli niyang iminulat ang kaniyang mga mata at tumingin sa camera. "I apologize for the disruption, gentlemen. One moment." Mabilis ngunit swabe napindot ni Gab ang mute button ng kaniyang microphone. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kaniyang upuan, madilim ang kaniyang aura, at tahimik na naglakad patungo sa pinto. Sa labas ng pinto… ako? Todo bigay pa rin ang boses ko. Feel na feel ko ang bawat lyrics habang may matching ikot pa ng walis. Feeling ko talaga ay kasama ako sa opening number ng ASAP. "SITAW, BATAW, PATANI... KUNDOL, PATOLA, UPO'T KALABASA—" Click. Biglang umikot ang door knob at unti-unting bumukas ang malaking pinto ng study room. Agad na naputol ang kanta ko. Huminto ang pag-indak ko at dahan-dahan akong lumingon habang hawak-hawak pa rin ang aking walis sa tapat ng dibdib ko. Naroon si Sir Gab. Nakatayo siya sa may pintuan, maayos ang tindig, at nakatitig nang diretso sa akin. Pareho pa rin ang malamig niyang mukha at pareho pa rin ang walang kaano-anong emosyon sa kaniyang mga mata. Tahimik. Walang sinuman sa aming dalawa ang nagsasalita. Unti-unti kong ibinaba ang hawak kong walis at dahan-dahang ngumiti ng pinakapilit na ngiti na kaya kong gawin. "Hehe... Sir. Good morning, po uli." Dahan-dahan siyang humakbang palabas ng pinto, sapat lang para kami lang dalawa ang makarinig sa kaniyang sasabihin. Mahina at napakalamig niyang binigkas ang pangalan ko. "Sofia." Hindi siya sumigaw. Hindi rin siya nagtaas ng boses. Mas lalo lang humina at lumalim ang tono ng pananalita niya. At doon ko biglang naalala ang Golden Rule ng staff sa mansyong ito: Kapag mas mahina ang boses ni Sir Gab, mas delikado ang sitwasyon. Napalunok ako at napangiti nang alanganin. "Sir… ano pong… may kailangan po ba kayo?" Nanatili siyang nakatitig sa akin ng ilang segundo bago muling nagsalita. Ang boses niya ay mababa at puno ng dry humor. "My meeting... isn't a concert venue." Napakurap ako. Ay, oo nga pala. May foreign meeting nga pala ang boss ko na ito. Napakamot ako sa aking ulo. Ramdam ko ang biglaang pagkapahiya ko sa sarili ko. "Sorry po, Sir… nakalimutan ko pong manipis pala ang pader n'yo." Huminga siya nang marahan, tila pinipigilan ang kaniyang sarili na tuluyan akong itapon palabas ng mansyong ito. Lumingon siya patungo sa loob ng kaniyang silid at saka muling ibinalik ang tingin sa akin. Malamig ang kaniyang mga mata. At higit na mas malamig ang iisang salitang lumabas sa kaniyang bibig. "Inside." Napalunok ako. Napatingin ako sa loob ng madilim at seryosong study room, saka ako muling tumingin sa kaniya. Ay, Lord... Mukhang hindi na ito simpleng sermon. Baka graduation ceremony na dahil sa katangahan ko. Mahigpit kong hinawakan ang tray habang dahan-dahan akong humakbang papasok. At sa likod ko... Click. Marahang sumara ang pinto.CHAPTER 7 — THE UNEXPECTED TESTSOFIA'S POVMatapos ang halos limang minutong pakikipagngitian at pormal na pagpapakilala ko sa limang foreign investors on screen habang si Sir Gab ay tila nagpipigil na lang ng hininga sa tabi ko, natapos din sa wakas ang video conference.Click.Nang tuluyang mamatay ang monitor, muling bumalik ang nakabibinging katahimikan sa loob ng study room. Tahimik kong nilaro ang mga daliri ko habang nakatayo sa gilid, naghihintay ng hatol.Hindi agad tumayo si Sir Gab. Inayos niya ang kaniyang mga sleeves bago dahan-dahang sumandal sa kaniyang upuan.Tumingin siya sa akin—malamig, kalkulado, at walang kaano-anong emosyon."The investors like you," simpleng utos at pahayag niya. Ang boses niya ay mababa at baritono.Biglang nagliwanag ang mukha ko. Automatic na pumasok ang self-confidence ko sa katawan. "Talaga po, Sir? Naku, sabi ko naman sa inyo, effective talaga ’yung charisma ko kahit sa mga taga-ibang bansa. International market pala ang level ko—""That
CHAPTER 6 — THE FOREIGN INVESTORS MET THE MAID SOFIA'S POV Click. Marahang sumara ang pinto ng study room sa likod ko. Pakiramdam ko, kasabay ng tunog na iyon ay ang tuluyang pagsara ng natitira kong pag-asa na makaligtas sa sermon ng seryosong bilyonaryong ito ngayon. Mahigpit kong hinawakan ang magkabilang gilid ng tray habang dahan-dahang lumalapit sa kaniyang mesa. Hindi agad nagsalita si Sir Gab. Tahimik lang siyang bumalik sa kaniyang ergonomic high-back chair, inayos ang kaniyang mamahaling suit jacket, at pinindot ang isang button sa kaniyang keyless mechanical keyboard. Sa isang iglap, bumalik ang audio at video feed ng kaniyang conference call. "Ladies and gentlemen," malamig at swabe niyang panimula, na tila ba walang naganap na biglaang folk-song concert sa labas ng kaniyang pinto kanina. "Thank you for waiting. Let's resume the session." Napatingin ako sa napakalaking monitor na nakasabit sa pader. Halos mapasigaw ako sa gulat nang makita ang screen. Lima?! Liman
CHAPTER 5 — THE CONCERT OUTSIDE THE DOORSOFIA'S POVTatlong araw pa lang ako rito sa Monteverde Mansion… pero pakiramdam ko, tatlong buwan na akong naglalakad sa paikot-ikot at napakalaking bahay na ito.At hanggang ngayon, aaminin ko, naliligaw pa rin ako."Left ba 'to o right?" bulong ko sa aking sarili habang may maingat na hawak na tray ng meryenda. Tumingala ako sa kisame, sinusubukang alalahanin ang daan patungo sa study room. "Parang araw-araw yata itong study room na 'to lumilipat ng puwesto, eh."Sa wakas, matapos ang ilang minutong pag-ikot, nakita ko rin ang tamang pasilyo. Sakto namang palabas si Nanay Matet mula sa pinto ng silid."Ayan ka na pala," sabi niya nang makita niya ako. Lumapit siya at bahagyang iniayos ang mga tasa sa tray. "Ipasok mo na ito kay Sir Gab."Napatingin ako sa nakasarang pinto. "May meeting po ba siya ulit, Nanay Matet?"Tumango siya nang seryoso. "Oo, isang napakahalagang virtual meeting. May kausap siyang mga foreign investors mula sa Europa at
CHAPTER 4 — THE PUNISHMENT PROTOCOLSOFIA'S POV"Magdasal ka na." Iyon ang huling salitang iniwan sa akin ni Nanay Matet bago niya ako tuluyang iniwang nakatulala sa labas ng study room. Napakamot ako sa aking ulo habang dahan-dahang sumusunod sa kaniya pabalik sa kusina. "Grabe naman po… nagsabi lang naman ako ng totoo. Masama na ba ang maging matapat ngayon?"Pagpasok namin sa kusina, parang may biglang dumaan na anghel. Sabay-sabay na napatingin sa akin ang lahat ng staff. May nagpipigil ng hininga, may mga napapikit, at may isa pang palihim na nag-sign of the cross habang nakatingin sa akin.Napakurap ako. "Bakit po kayo ganyan tumingin? Parang ihahatid n'yo ako sa sementeryo, ah."Tahimik. Walang sumagot.Hanggang sa ang isang matandang kusinero ang marahang nag-angat ng tingin mula sa kaniyang hinahalo. "Ilang taon na akong nagtatrabaho rito sa mga Monteverde, Sofia… pero ikaw pa lang ang nakita kong unang nangahas na sumagot kay Sir Gab."Napakamot ulit ako sa ulo ko. "Talaga
CHAPTER 3 — FINISHED? SOFIA'S POV Alas-sais pa lang ng umaga, gising na ang buong Monteverde Mansion. Ako? Kanina pa gising. Hindi dahil masipag ako o ganado sa unang opisyal na araw ko ng pagtatrabaho. Kundi dahil naligaw lang naman ako kagabi papunta sa banyo sa dulo ng quarters namin. "Huwag kang tatawa, Sophie," bulong ko sa sarili habang naglalakad sa malawak na pasilyo patungo sa kusina. "Isang barangay ba naman ang laki ng bahay na 'to, natural lang na mawalan ka ng direksyon." Pagpasok ko sa kusina, bumungad sa akin ang ilang staff na seryosong abala sa paghahanda ng almusal. "Good morning po," masigla kong bati. Halos sabay-sabay silang tumango, pero walang nagsalita. Parang natatakot silang ngumiti o gumawa ng kahit anong emosyon. Grabe, sa ganda ng mansyong ito, parang may multo yata sa takot ng mga tao rito. "Magandang umaga," seryosong bati rin ni Nanay Matet habang papalapit sa akin. "Magandang umaga po, Nanay Matet." Tinanguan niya ako at itinuro ang isang tr
CHAPTER 2 — THE BILLIONAIRE APPEARS SOFIA's POV Tahimik. Iyon agad ang napansin ko habang sinusundan ko si Nanay Matet sa loob ng Monteverde Mansion. Hindi ito ang ordinaryong katahimikan na maririnig mo sa simbahan o sa library. Ito iyong klase ng katahimikan na parang pati ang hangin ay nagdadalawang-isip kung gumawa ng ingay. Napatingin ako sa paligid. May mga kasambahay na abala sa kani-kanilang trabaho. May naglilinis ng malalaking bintanang salamin, may nag-aayos ng mga sariwang bulaklak sa plorera, at may maingat na nagdadala ng tray ng tsaa. Lahat sila seryoso. Walang nagkukuwentuhan. Walang nagtatawanan. Parang bawal maging masaya rito. Ang boring naman. Lumapit ako nang kaunti kay Nanay Matet at marahang bumulong. "Nanay Matet..." Hindi siya lumingon, diretso lang ang lakad. "Ano 'yon?" "Bawal po bang huminga nang malakas dito?" Huminto siya sa paglalakad. Dahan-dahan niya akong nilingon. Seryoso ang mukha. "Hindi." Napangiti ako. "Ay, buti naman po." Napapiki







