مشاركة

Kabanata 10

مؤلف: Rhea mae
last update تاريخ النشر: 2026-06-20 22:59:24

Nasa sala na si Megan dahil ngayong araw siya susukatan para sa wedding gown niya. Pinapapili muna siya ng design na gusto niya pero sa dami ng ipinakita sa kaniyang sample ay hindi niya alam ang pipiliin niya.

“Hi lola,” nakangiting bati ni Akira nang dumating ito. Napangiti naman si Estrella dahil mukhang maganda na ang mood ng apo niya.

“Maupo ka na at mamili ka rin ng kulay na isusuot mo sa kasal niyo. Kailangan nang simulan ang pagtatahi dahil masyado na silang gahol.” Wika ni Estrella.
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 28

    Napapahilot na lang si Sandro sa noo niya. Alam niya naman na kakampihan siya ng mga kaibigan niya pero paano niya haharapin kapag nagsampa ng kaso ang mga magulang ni Yuna laban sa kaniya? “Sabihin mo na sa amin, Sandro. Paano ka namin matutulungan kung patuloy kang maglilihim sa amin. Hindi naman totoo ang kumakalat ngayon tungkol sayo hindi ba? Wala kang nigrape na minor.” Seryosong saad ni Damon. Lahat sila ay nag-aalala na para kay Sandro. Graduating siya at marami ang mawawala sa kaniya kung napatunayan ang kumakalat laban sa kaniya. “Hindi ko alam na minor siya.” Sagot niya. Pare-parehong nagulat ang mga kaibigan niya at tila bumagsak ang mga balikat nila sa naging sagot ni Sandro. “Kung ganun, totoong may nangyari sa inyo ng anak ni Mr. Gomez?” Hindi makapaniwalang tanong ni Akira. “Akira!” Sigaw ni Geyvin nang biglang kwelyuhan ni Akira si Sandro. Kalmado lang naman si Sandro dahil wala na siyang magagawa. Nangyari na ang nangyari. “Tanga ka ba?! Nag-iisip ka ba ng maayo

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 27

    Busy naman si Sandro sa lahat ng mga projects nila at mga paper works. Nakalimutan niya na rin si Yuna dahil hindi na rin sila nagkikita. Hindi niya na rin masyadong inisip ang nangyari sa isla dahil naniniwala siyang sasabihin ni Yuna sa kaniya kung sakaling nakabuo silang dalawa. At dahil ilang linggo niya ng hindi nakikita si Yuna, hindi niya na yun masyadong inisip pa. Nasa gitna sila ng exam nila nang biglang dumating ang mga tauhan ni Mr. Gomez. Napapatingin na rin ang mga estudyante sa kanila. Nagtataka na rin ang prof nila dahil sa daming tao. Ilang minuto lang ang lumipas nang dumating si Mr. Gomez. Walang pasabi itong pumasok ng classroom nina Sandro. Sa kaniya na nakatingin ang lahat ng mga estudyante at dahil siya ang nag-iisang senator sa lugar nila, kilalang-kilala siya ng mga tao. “Mr. Senator, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo? Ano pong ginagawa niyo rito?” tanong sa kanila ng prof nila. Inilibot naman ni Mr. Gomez ang paningin niya sa mga estudyante. “Kailangan

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 26

    Takot na takot si Yuna nang salubungin niya ang mga mata ng kaniyang ama. Kung mapapatay siya ng kaniyang ama, wala siyang magagawa sa bagay na yun.“Ngayon sagutin mo ang tanong ko. Buntis ka ba?” May diin nitong tanong. Napapakurap na lang si Yuna, hindi pa rin alam ang isasagot.“Sumagot ka!” Sigaw pa ni Mr. Gomez na halos ikanginig ng buong katawan ni Yuna.“Oo! Yan naman ang gusto mong marinig hindi ba? Oo buntis ako!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya. Hindi pa nakontento si Mr. Gomez at sunod-sunod niya nang sinampal si Yuna.“Anthony, enough!” Pumagitna na si Florabel sa mag-ama niya. Masyadong mabigat ang mga kamay ni Mr. Gomez at siguradong mag-iiwan ng pasa ang mga sampal nito kay Yuna.

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 25

    Lumipas pa ang mga araw at itinago pa rin ni Yuna ang tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi na rin nagtagpo ang landas nila ni Sandro. Pareho na silang naging busy.Kauuwi ni Yuna mula sa school, ramdam niya ang panghihina ng buong katawan niya. Nagugutom na rin siya, gusto niyang kumain pero alam niyang isusuka niya lang yun. Napapagod na rin siya kababalik ng cr nila sa school dahil sa tuwing kumakain siya at nabubusog, ang kasunod nun ay ang paghalukay sa sikmura niya.Napatigil siya sa paglalakad niya ng makita niya ang kaniyang ama na nasa sala. Umiinom ito ng kape habang may binabasang magazine.“Oh, Yuna, mabuti naman at nandito ka na. Kumusta ang pag-aaral mo?” Tanong sa kaniya ng kaniyang ama.“Fine dad,” sagot niya. Napatingin si Yuna sa kinakain ng daddy

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 24

    Hindi na alam ni Yuna kung ano bang dapat niyang gawin. Graduating pa lang siya ng senior high school at college naman si Sandro. Kahit na gusto siyang panindigan ni Sandro, ayaw niya naman nang mapipilitan lang si Sandro dahil nabuntis siya nito. Tulalang naupo sa sofa si Yuna habang hawak-hawak niya ang tatlong PT na pare-pareho ang lumabas na resulta. Napapahilamos na lang siya sa mukha niya saka siya humugot ng malalim na buntong hininga. Napagbubuhatan na siya ng kaniyang ama ng kamay dahil lang sa hindi niya pagpayag sa kasal na gusto ng mga ito. Paano pa kaya kapag nalaman nito na buntis na siya? “Anong gagawin ko? Bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng ‘to?” Problema niyang sambit sa sarili niya. May gusto siya kay Sandro pero hindi niya magawang matuwa at kiligin. Wala sa plano niya ang mabuntis habang nag-aaral siya. Siguradong kahihiyan siya ng mga magulang niya kapag nalaman ng mga ito ang pagbubuntis niya. Kung ipapalaglag niya naman ang anak niya, kaya ba talaga yu

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 23

    Nasa hardin si Yuna at Angelica habang nagpapalipas ng oras. Hindi na masyadong nakikita ni Yuna si Sandro kaya pakiramdam niya ay namimiss niya itong makita. Kahit isang sulyap lang baka makompleto na naman ang araw niya. Naiintindihan niya namang masyadong busy ang mga ito lalo na at final na nila. Tahimik lang naman sila ni Angelica. Napapatingin na lang si Angelica kay Yuna dahil hindi niya na mabilang kung nakailang kilong mangga na ba si Yuna. “Hindi ka pa ba nagsasawa sa mangga? Hindi ka naman mahilig diyan dati ah. Kakain ka man pero mga isang piraso okay na yun sayo, pero kilo-kilong mangga? Naglilihi ka ba?” Pagbibiro ni Angelica dahil sa dami ng nakain ni Yuna na mangga. Napatigil naman sa pagnguya si Yuna nang marealize niya ang sinabi ni Angelica. Napalunok siya at nakaramdam ng kaba. Paano kung nagbunga kahit isang beses lang yun?Paano na lang ang pag-aaral niya? Ang mga pangarap niya? Hindi siya sumagot, nagpatuloy na lang siya sa pagkain niya. Ayaw niyang isipin

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 1

    “Limang milyon piso, okay na ba ang halagang yun para pumayag ka sa gusto ko?” Napatitig si Megan sa Ate Mariel niya. Sapat na ang limang milyon para masuportahan niya ang sarili niya sa pag-aaral. Hindi niya na kailangang magmakaawa, hindi niya na kailangang sumunod muna sa utos nila bago siya mag

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 7

    Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 6

    Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 5

    Salitang tinitingnan ni Estrella ang dalawa. Napapakagat labi na lang si Megan dahil baka ito na ang huling araw niya sa mansion ng mga Del Valle. Sa unang kita pa lang niya sa Senyorito ng mansion ay masungit na ito at tila mainitin ang ulo. Siguradong mapapalayas na siya sa mansion at siguradong

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status