Share

Kabanata 9

Author: Rhea mae
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-20 22:53:19

Mabagal lang na pinatakbo ni Akira ang kabayo. Sa bawat hakbang nito ay parang kumekembot din si Megan. Hindi siya makapagfocus sa magandang paligid dahil magkadikit ang mga kamay nila. Ramdam na ramdam niya ang mainit na katawan ni Akira.

“Ayos ka lang?” tanong ni Akira.

“A-ah, oo. First time ko kasi kaya natatakot pa ako.” Pagdadahilan na lang ni Megan kahit na hindi naman talaga siya natatakot na baka biglang tumakbo ang kabayo. Nang-iinit ang mga pisngi niya dahil magkadikit ang mga kamay n
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 20

    Sunod-sunod ang paglandas ng mga luha ni Megan sa pisngi niya habang nasa dalampasigan siya. Nasa madilim siyang bahagi ng dagat dahil hindi siya pwedeng makita ng senyora.Mahigpit niyang hawak ang dibdib niya habang pigil ang paghikbi niya. Nasasaktan siya dahil ang malafairytale niyang buhay ay matatapos na. Gigising siya isang umaga na hindi na makikita si Akira. Hindi niya akalain na pagkatapos ng mga masasayang nangyari sa kaniya ay matatapos na. Mapapalitan ng sakit at lungkot.Malapit ng maghating gabi pero wala pa ring balita si Megan kung nakauwi na ba si Akira. Gusto niya sanang makausap ito kahit sa huling pagkakataon. Gusto niyang magpaliwanag. Gusto niyang sabihin na totoo ang lahat ng naramdaman niya. Ang saya na naranasan niya at kung bibigyan siya ng pagkakataon, handa niyang pakasalan si Akira. Pero alam niyang sa panaginip na lang mangyayari ang lahat ng iyun.Ayaw niya sanang maghihiwalay sila ni Akira na galit pa rin ito sa kaniya.Magang-maga na ang mga mata ni M

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 19

    Galit na galit na nakatingin si Estrella kay Megan. Hindi magawa ni Megan na tingnan sa mga mata ang Senyora.“Sinabi ko na sayo kung ano ang pinakaayaw ko sa isang tao, iha. Sinabi ko sayo na ayaw na ayaw ko ng niloloko ako at sinisira ang tiwala ko. Ang lakas ng loob mong lokohin ako at ang pamilya ko. Pwede kitang ipakulong sa ginawa mo pero iisipin ko na lang ang pinagsamahan natin sa loob ng isang buwan. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo kahit kailan at huwag na huwag ka na ring magpapakita sa apo ko. Pera ba ang kailangan mo?” Galit pa ring sambit ng Senyora.“Issa, ibigay mo sa akin ang cheque ko.” Maawtoridad na utos ni Estrella. Mabilis namang lumapit si Evelyn sa matanda.“Senyora, huwag niyong gawin ‘to. Hayaan niyong ako na ang maghatid sa kaniya pabalik ng Manila. Bukas na bukas din ay aalis na kami. Hindi ko hahayaan na maabutan mo pa siya bukas.” Ani ni Evelyn. Nang ibigay ni Issa ang cheque ng Senyora ay mabilis itong nagsulat ng amount at isinampal kay Megan.“Yan a

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 18

    Kanina pa lakad nang lakad si Mariel sa sala. Kanina pa sila naghihintay na makauwi na si Akira at Megan. Lubog na ang araw at malapit ng dumilim ang kalangitan pero wala pa rin sila. Hindi rin ma-contact ng mga ito ang mga cellphone nila kaya hindi nila masabihan na umuwi na at kailangan nilang mag-usap-usap.Tahimik na nakatingin si Evelyn sa Senyora. Tahimik lang din ito at nakatingin sa kawalan. Hindi niya alam kung galit ba ito sa kaniya lalo na sa anak niya. Hindi sila masyadong kinakausap ni Estrella.“Senyora Del Valle, okay ka lang po ba?” Tanong ni Evelyn. Napatikhim si Evelyn nang bigla siyang nilingon ni Estrella.“Sa tingin mo ba okay lang ako pagkatapos ng ginawa ng anak ng asawa mo sa pamilya ko? Isa lang ang trabaho mo, Evelyn. Hindi mo pa nagawa ng maayos. Kailangang matupad ang kasunduan namin ni Arnaldo para mapatakbo nila ang mga business namin kapag nakapagtapos na sila ng pag-aaral. Hindi mo pa sinigurado kung anak mo ba ang pumunta rito. Isang anak sa labas ang

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 17

    Pauwi na ng La Union si Akira at Megan. Tuwang-tuwa sila sa tatlong araw na pagstay nila sa Baguio. Parehong naka-off ang mga cellphone nila kaya hindi sila macontact. Nang makalabas sila ng Baguio ay muling binuksan ni Akira ang roof ng sasakyan niya. Nakatirintas na ang mga buhok ni Megan para hindi ito lumilipad kung saan-saan.“Wooooaahh! This is so gooood!” Sigaw ni Megan habang nakadipa ang mga kamay niya. Sinisigurado niya namang maayos ang pagkakapwesto niya. Nakasuot din siya ng seatbelt.“Nakakarelax ng isip.” Nakangiti niyang usal. Hindi na yun narinig ni Akira dahil maging siya halos hindi niya na rin marinig ang boses niya.“Gusto mo bang bilisan ko pa?!” Sigaw ni Akira. Sunod-sunod namang tumango si Megan kaya mas binilisan ni Akira. Ilang minutong nakadipa ang mga kamay ni Megan pero nang makarating na sila sa residential area ay binagalan na ni Akira ang pagdadrive niya. Ayaw naman nilang makasagasa ng hayop o tao.Bumalik na rin si Megan sa upuan niya pero nanatiling

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 16

    Prenteng nakaupo si Senyora Estrella sa sala habang tinatawagan niya ang apo niya pero hindi ito sumagot sa unang tawag at ngayon naman ay hindi na sila macontact ni Megan. Blangko ang mukha ni Estrella. Walang emosyong makikita sa mga mata niya.“Senyora, alam kong malaking perwisyo sa pamilya niyo ang ginawa ni Megan. Huwag kang magalit sa kaniya. Kasalanan ko ang lahat ng ito dahil hindi ko sinigurado kung ang anak ko ba talaga ang nagpunta rito. Hayaan mong ako na ang magparusa sa kaniya.” Pakiusap ni Evelyn habang kasama niya si Mariel. Namamanghang inililibot ni Mariel ang paningin niya sa mansion ng mga Del Valle.Inis na kinalabit ni Evelyn ang anak niya para magpaliwanag ito sa Senyora.“I’m sorry po lola, hindi ko naman po alam na gagawin ito ng kapatid ko. Hindi ko po alam na plano pala niyang agawin sa akin ang fiance ko.” Paawang sambit ni Mariel. Tiningnan sila ni Estrella. Nananatiling blangko ang mukha nito. Hindi nila alam kung galit ba ito o hindi.“I’m really sorry,

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 15

    Nakatulalang nakatingin sa kawalan si Megan. Kanina pa siya gising pero hindi pa rin siya bumabangon. Ramdam niya ang bigat ng mga kamay ni Akira na nakayakap sa kaniya. Nakatulala lang siya sa kisame. Iniisip ang mga nangyari kagabi. Hindi niya akalain na ibibigay niya ang unang gabi niya sa lalaking nakilala lang siya sa maiksing panahon. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maging masaya.May kaunting pagtingin na siya kay Akira dahil nakita niya namang mabait naman ito. Masungit lang talaga ito kapag hindi niya gusto ang pinapagawa sa kaniya.Muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Megan. Sa mga nakalipas na mga linggo na nasa loob siya ng pangangalaga ng mga Del Valle, nakalimutan niya na kung sino talaga siya. Dahil sa mga Del Valle pakiramdam niya nagkaroon ulit siya ng pamilya. Hindi siya pinapahirapan. Ibinibigay sa kanya ang lahat ng gusto niya. Para siyang tunay na senyorita.Nakakatulog siya kung kailan niya gusto, gumigising siyang may nakahanda ng pagkain. Id

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 7

    Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 3

    Salubong ang mga kilay ni Akira habang hawak-hawak niya ang wineglass na pinapaikot-ikot niya.“Balita ko nasa bahay niyo na ang babaeng mapapangasawa mo. Congrats, ikakasal ka na.” Pang-aasar ni Geyvin saka ito uminom ng alak sa baso niya. Malamig pa rin ang mukha ni Akira. Maraming beses niya nan

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 2

    Tipid na ngumiti si Megan sa Senyora Del Valle. Kinakabahan siya dahil baka masabi niya ang pangalan niya gayong pangalan ni Mariel ang kilala nila.“Please have a seat, darling.” Nakapainit ng pagtanggap sa kaniya ng mga tao sa mansion.“Issa, kunin mo ang gamit ni senyora mo at idiretso mo na sa

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 1

    “Limang milyon piso, okay na ba ang halagang yun para pumayag ka sa gusto ko?” Napatitig si Megan sa Ate Mariel niya. Sapat na ang limang milyon para masuportahan niya ang sarili niya sa pag-aaral. Hindi niya na kailangang magmakaawa, hindi niya na kailangang sumunod muna sa utos nila bago siya mag

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status