로그인Tipid na ngumiti si Megan sa Senyora Del Valle. Kinakabahan siya dahil baka masabi niya ang pangalan niya gayong pangalan ni Mariel ang kilala nila.
“Please have a seat, darling.” Nakapainit ng pagtanggap sa kaniya ng mga tao sa mansion.
“Issa, kunin mo ang gamit ni senyora mo at idiretso mo na sa magiging kwarto niya rito.” Utos ni Senyorita Estrella. Kinuha naman ng isang babaeng dalaga ang bag niya. Bahagya niya itong nginitian at pinasalamatan. Malaki ang bahay nila sa Manila pero tila ba bigla itong nanliit sa mansion ng mga Del Valle.
“Kumusta ang byahe mo, iha? Bakit hindi mo kasama si Evelyn?” Napatikhim muna si Megan para hindi siya mautal sa pagsagot.
“Nasa Australia po siya sa ngayon ma’am.” Nahihiya niyang sagot. Napapangiti naman si Estrella.
“Lola, tawagin mo na lang akong lola, iha. Hindi na kita makilala dahil ang laki-laki mo na. Sa tingin ko two years old ka pa lang noong huli kitang nakita. Ang ganda ganda mong bata, Mariel. Ang tagal-tagal kitang hinintay na makauwi rito. Alam mo naman kung anong ipinunta mo rito hindi ba? Matagal na naming usapan ng mommy mo na ikaw at si Akira ang ikakasal para sa isa’t isa.” Hindi na alam ni Megan ang isasagot niya kaya napapangiti na lang siya.
Napapaayos siya sa pagkakaupo niya dahil hindi na siya komportable. Kilala nila sa pangalan si Mariel pero hindi ang mukha nito. Napapaisip na lang si Megan kung hindi man lang ba nila nakita sa picture ang itsura ni Mariel.
“Kailan nga pala ang uwi ng mommy mo? Makakarating ba siya sa kasal niyo ni Akira? Sa susunod na buwan na ang kasal niyo at pinauwi kita rito para makapagprepare tayo at para na rin makilala niyo na ni Akira ang isa’t isa.”
“Hindi ko po kasi alam kung kailan siya makakabalik ng bansa. Hindi po niya sinabi sa akin ma’am.”
“Iha, lola. Sanayin mo na ang sarili mo na lola ang itawag sa akin, okay? Ikaw ang babaeng pakakasalan ng apo ko kaya you should call me lola from now on.” Nahihiyang ngumiti at tumango si Megan.
“S-Sige po l-lola.” Sagot niya saka siya napayuko.
“Laila, nasaan ba si Akira? Nakauwi na ba siya?” tanong ni Estrella sa katulong nila.
“Umuwi po siya kanina ma’am pero umalis din kaagad.” sagot nito. Napapailing na lang si Estrella dahil sa apo niya.
“Anyway, alam kong pagod ka na. Magpahinga ka muna sa kwarto mo tapos bumaba ka mamaya para makapagmeryenda ka. Kumain ka na ba ng lunch?” baling ulit nito kay Megan.
“Opo, kumain na ako kanina.”
“Oh siya, ipapahatid na kita sa kwarto mo para makapagpahinga ka na muna. Ipapakilala na lang kita kay Akira mamaya.” Tipid na ngiti ang isinagot ni Megan.
“Issa, ihatid mo siya sa magiging kwarto niya.” utos ni Estrella. Muling lumapit si Issa kay Megan para samahan siya sa magiging kwarto niya.
“This way po senyora.” Magalang na saad ni Issa. Bahagya naman munang yumuko si Megan kay Senyora Estrella bago ito sumama kay Issa.
“Ituring mong sarili mo itong bahay, iha. Huwag kang mahihiya.” Ani ng senyora na muling tinanguan ni Megan bago ito tuluyang sumama kay Issa para makapasok sa kwarto niya.
Umakyat sila sa napakagandang hagdan. Namamanghang tiningnan ni Megan ang buong bahay. Pakiramdam niya ay makakapag-exercise muna siya sa umaga bago makarating sa kusina dahil sa lawak at laki ng mansion.
“Dito po ang kwarto mo senyora. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako.” Binuksan ni Issa ang pintuan at pumasok naman si Megan. Namamangha niyang tiningnan ang kwarto niya. Napakalawak nito, malayong malayo sa kwarto niya sa bahay ng stepmother niya. Ang kwarto niya sa bahay nila ay isang stock room pero dito, para siyang isang tunay na prinsesa.
“May kailangan ka pa po ba senyora?” nilingon ni Megan si Issa na naghihintay sa kaniya na baka may iutos siya.
“Wala naman, salamat.” Sagot niya. Ngumiti at bahagyang yumuko si Issa bago ito lumabas at isinarado na ang pintuan.
“Grabe, bakit tinalikuran ni Ate Mariel ang buhay niya rito? Kung siya lang ang pumunta, I’m sure matutuwa siya dahil para siyang prinsesa rito. Kung sabagay, kung hindi niya naman mahal ang lalaking ipinagkasundo sa kaniya, wala na akong magagawa dun.” Hinaplos ni Megan ang kama niya at kinikilig siyang humiga. Napapasipa pa siya. Impit ang sigaw niya dahil baka marinig siya.
“Oh my God. I can’t believe this. Ang ganda-ganda at ang komportable ng kwarto.”
Matapos niyang subukan ang malambot niyang kama ay lumabas siya ng balcony. Mula sa ibaba ay kita niya ang napakalawak na swimming pool.
“Gaano kaya kalawak ang mansion na ‘to?”
Nagpangalumbaba siya sa balcony habang nakatingin sa paligid ng kwarto niya. Napapalibutan ng napakalinis na bermuda grass ang buong mansion. Hindi niya mapigilang hindi mainggit sa magandang buhay ng Ate Mariel niya. Hindi nito kailangang magtrabaho para lang magkaroon ng allowance.
“Kung buhay lang sana kayong dalawa, mama, daddy, siguro masaya rin ang buhay ko pero ang bilis niyo akong iniwan.” Hindi niya maiwasang hindi malungkot kapag naaalala niya ang mga magulang niya. Namatay ang mama niya sa panganganak sa kaniya, dalawang taon na rin ang nakalipas nang mamatay din ang daddy niya sa isang aksidente.
Simula nang maulila siya sa magulang, naging miserable na rin ang buhay niya. Nakita niya na rin ang totoong ugali ng stepmother niya. Hindi niya naman masisisi ang stepmother niya dahil kabit ang mama niya. Ang kwento sa kaniya ng daddy niya ay walang kasalanan ang kaniyang ina dahil wala itong alam na kasal na pala ang daddy niya.
“I said I don’t want her here! Get her out of here! Goddamn it!” napatingin si Megan sa ibaba ng balcony niya ng marinig niya ang sigaw na yun.
Mula sa ibaba ay kita niya ang isang lalaki.
“Siya na naman? Dito ba siya nakatira?” usal ni Megan habang nakatingin sa gwapong lalaki. Tisoy, matangkad, perfect jaw line, golden brown eyes.
“Iho!” Napatingin naman si Megan kay Senyora Estrella habang sinusundan ang binatang lalaki.
“Sino kaya siya? Ano kayang role niya rito sa mansion?” kuryosong sambit ni Megan sa sarili niya. Nang lingunin niya ang lalaki ay mabilis itong tumalon sa tubig ng pool. Napaawang ang mga labi ni Megan. Kahit na malayo sa kaniya ang gwapong lalaki ay kitang-kita niya ang napakaganda nitong katawan, ang six packs abs at ang mga muscle nito.
Nang mapatingin sa kaniya ang lalaki ay mabilis siyang umupo para magtago. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya. Dahan-dahan siyang naglakad ng nakaupo papasok ng kwarto niya. Nang maisarado niya ang balcony ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Napapahawak na lang siya sa dibdib niya.
“Sino ba siya?” aniya, kinakabahan dahil hindi imposibleng makasalamuha niya ang lalaki lalo na kung sa mansion din ito nakatira.
Humugot pa ng malalim na buntong hininga si Mariel. Ayaw niya sanang sabihin, gusto niya na lang sanang itago habang buhay pero hindi niya kaya knowing na naghirap si Megan noong mga panahon na namatay na ang daddy nila.“Siguro sa lahat ng ginawa ko sayo at ni mommy noong mga panahon na wala na si dad, karma ko na siguro ‘to. You’re the true Sinclair, Megan. You’re the true heiress of Sinclair and not me. Ikinasal man si dad at mommy pero hindi nila ako tunay na anak. Ikaw man ang bunga ng pagkakamali ni dad sa relasyon nila ni mommy pero ikaw naman ang totoong Sinclair.” Sambit niya na kahit na nasasaktan siya.Napatitig si Megan kay Mariel tila ayaw niyang paniwalaan ang mga sinasabi ni Mariel sa kaniya ngayon.“Pinaglalaruan mo ba ako, Mariel? Gusto mong paniwalaan kita para gawin mong katawa-tawa kapag naniwala ako sayo?” Galit na wika ni Megan. Nanatili namang seryoso ang mukha ni Mariel. Walang bakas na nagbibiro lang siya at pinaglalaruan lang si Megan.“Ano bang makukuha ko k
Papasok pa lang sana si Megan ng gate nang may biglang humila sa kaniya at nagtakip ng bibig niya.“Ssssshhh,” ani ni Mariel. Nanlalaki ang mga mata ni Megan na tiningnan si Mariel. Tumingin pa si Mariel sa loob ng bahay nila bago niya hinila si Megan palayo.“Change place tayo. Hindi na kita macontact kanina kaya dito na kita hinintay. Biglang umuwi ng bansa si mommy at ayaw niya sanang makipagkita ako sayo. Sa ibang lugar na lang tayo mag-usap.” Mahinang sambit ni Mariel. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Megan.“Ano ba talagang gusto mong sabihin sa akin? Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin ngayon? We can talk inside my car.” Umiling naman si Mariel.“Delikado rito. Mag-usap tayo sa bahay ko. Huwag kang mag-aalala dahil wala akong gagawin sayo.” Hinila na ni Mariel si Megan at sa sasakyan naman ni Megan sila sumakay.Sa passenger seat sumakay si Mariel habang sa driver seat naman si Megan. Nakahinga naman ng maluwag si Megan kung sasakyan niya ang gagamitin.Seryoso naman ang m
Bumaba na si Megan sa kwarto nila dahil sa tingin niya ay nakaalis na si Akira. Nasa loob na ng kwarto si Ethan at nakapagshower na rin ito. Nauna na rin itong kumain kasabay si Akira kaya siya na lang ang kakain sa kusina.Naghain na siya ng pagkain niya at nagsimula nang kumain. Sinubukan niya ulit tawagan ang number ni Mariel habang kumakain pero hindi pa rin ito nagriring. Siguro ay nakablock na siya kaagad kay Mariel. Hindi niya na lang pinilit at nagfocus na lang siyang kumain.Alam niyang si Akira ang nagluto ng mga dinner nila ngayon dahil kilala niya na ang luto ni Akira.Nang matapos siyang kumain ay tumambay na lang siya sa sala. Nagsscroll siya sa cellphone niya ng makita niya sa gilid ng mga mata niya na may nakatingin sa kaniya. Kunot noo niyang tiningnan ang taong nakatitig sa kaniya at nakita niya naman si Akira.“Why are you still here? Hindi ba at kanina ka pa umalis?” Kunot noo niyang tanong.“Hindi, nagpalipas na muna ako ng oras sa hardin niyo habang hinihintay ki
Hindi maalis sa isip ni Megan ang mga sinabi ni Mariel kahit na nakauwi na siya sa bahay nila. Tulala siyang umiinom ng kape. Hindi niya alam kung nakailang baso na ba siya ng kape sa buong maghapon.“Mommy, are you okay po?” Nag-aalalang tanong ni Ethan sa mommy niya.“Come here, honey.” Ani ni Megan sa anak niya. Lumapit naman kaagad si Ethan saka niya ito niyakap.“What is going on po mommy? Are you and Daddy okay po? He hasn't come home here for five days, Mommy, and I'm worried about him.” Kumalas na si Megan sa yakap niya sa anak niya saka niya hinaplos ang mukha nito. Wala na siyang oras sa anak niya dahil masyado siyang busy sa trabaho niya tapos ang dami pang nangyayari sa buhay nila.“He's fine, we just had some things to argue about with your dad. Right now we're not talking because I don't have time to deal with him, baby. You don't understand yet, but there are things I have to prioritize over my relationship with your dad.” Seryoso niyang sagot sa anak niya. Wala siyang
Tatlong araw ang lumipas simula nang mahospital si Akira. Ni minsan o kahit isang minuto lang ay hindi siya binisita ni Megan. Tatlong araw siyang nagtiis sa loob ng hospital. Namimiss niya na ang mag-ina niya.“Pauwi na rin ako. Sabay ka na sa akin?” Tanong ni Sandro nang pumasok ito sa kwarto ni Akira.“Yeah, sure.” Kinuha na ni Akira ang isang bag niya saka siya sumunod kay Sandro.“Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Megan? Parang masyadong malalim ang galit niya sayo. Hindi ka binisita o kahit man lang tinanong ang kalagayan mo.” Tanong ni Sandro habang naglalakad sila palabas ng hospital.“It’s a long story. Aayusin ko na ‘to. Hindi pwedeng mawala sa akin ang mag-ina ko. Hindi ko na nakikita ang sarili ko na magmamahal pa ng ibang babae.”“Mabuti nga yun na ayusin mo kaagad. Huwag kang sumuko dahil kung ano man ang ikinakagalit niya sayo, kasalanan mo yun. Hindi naman siya magagalit sayo kapag wala kang ginawa na ikagagalit niya. Siya nga pala, kumusta si Mariel? Parang isang bu
Sa pananatili ni Akira sa hospital ay si Damon ang nagbantay sa kaniya. Paminsan-minsan naman ay binibisita siya ni Geyvin. Umaasa si Akira na pupuntahan pa rin siya ni Megan pero lumipas ang isang araw pero hindi niya nakita si Megan. Kahit naghatid lang sana ng mga pagkain niya o gamit.Napapabuntong hininga na lang siya. Pinigilan niya naman talaga ang galit niya. Inalis niya sa isip niya ang pagdududa niya dahil alam niyang hindi siya magagawang lokohin ni Megan pero nang makita niya si Damon kung nasaan din si Megan, hindi niya na napigilang hindi sundan si Damon.Ilang beses pa niyang hinanap si Damon sa mga kwarto hanggang sa makita niya ito na kasama si Megan. Biglang nablangko ang isip niya. Hindi siya makapag-isip ng maayos at tila ba bago pa man nagreact ang isip niya nauna na ang katawan niya.Diretso niyang nilapitan si Damon at sinuntok.“You want water?” Napatingin si Akira kay Damon na umiinom ngayon ng tubig. Naiinis pa rin siya sa sarili niya. Wala siyang dapat sisih
Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan
Salitang tinitingnan ni Estrella ang dalawa. Napapakagat labi na lang si Megan dahil baka ito na ang huling araw niya sa mansion ng mga Del Valle. Sa unang kita pa lang niya sa Senyorito ng mansion ay masungit na ito at tila mainitin ang ulo. Siguradong mapapalayas na siya sa mansion at siguradong
Hindi alam ni Akira kung bakit mabilis na nakuha ng babae ang atensyon niya. Kanina pa siya paikot-ikot sa mansion pero hindi niya makita si Megan. Hindi niya naman alam ang pangalan nito kaya hindi niya matanong ang mga katulong nila.Kalahating oras na siyang naglalakad para mahanap si Megan pero
Salubong ang mga kilay ni Akira habang hawak-hawak niya ang wineglass na pinapaikot-ikot niya.“Balita ko nasa bahay niyo na ang babaeng mapapangasawa mo. Congrats, ikakasal ka na.” Pang-aasar ni Geyvin saka ito uminom ng alak sa baso niya. Malamig pa rin ang mukha ni Akira. Maraming beses niya nan







