LOGIN
“Limang milyon piso, okay na ba ang halagang yun para pumayag ka sa gusto ko?” Napatitig si Megan sa Ate Mariel niya. Sapat na ang limang milyon para masuportahan niya ang sarili niya sa pag-aaral. Hindi niya na kailangang magmakaawa, hindi niya na kailangang sumunod muna sa utos nila bago siya magkaroon ng pera.
“Megan, what? Hinihintay ko ang sagot mo.” Hindi makapaghintay na saad ni Mariel.
“Paano kung malaman ito ng mommy mo?” Kinakabahang wika ni Megan. Napapairap naman si Mariel.
“Ako na ang bahala kapag dumating si mommy. Ang gagawin mo lang ay pumunta ka ng La Union at magpanggap kang ikaw ay ako. Ayaw kong maikasal sa probinsyano na yun. Ew! May boyfriend na ako at ipapakilala ko rin siya kay mommy next time. Basta sumunod ka lang sa akin at ibibigay ko sayo ang limang milyon. Malaking halaga na yan para sayo. Take it or leave it.” Nakangising sambit ni Mariel.
Nagdadalawang isip naman si Megan dahil hindi niya alam ang gagawin niya. Kailangan niyang maging bride kapalit ng Ate niya para makuha niya ang limang milyong piso. Sinalubong ni Megan ang mga mata ni Mariel. Napapataas naman ng kilay si Mariel dahil naghihintay siya ng sagot mula kay Megan.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Megan bago sumagot.
“Natatakot ako ate. I’m sure na magagalit sa akin ang mommy mo kapag nalaman niya ang ginawa natin—”
“Just do what I said, Megan! Huwag ka ng magreklamo. Okay, gagawin ko ng sampung milyong piso para pumayag ka sa gusto ko. Kailangan mo ng umalis bukas din. Aalis din kami ni Jayson bukas dahil pupunta kami ng Japan. Huwag mo itong sasabihin kay mommy, ako na ang bahalang magsabi sa kaniya.”
“Pero ate, bakit hindi mo na lang pakasalan ang gusto sayo ni Tita Evelyn.” Bakas pa rin ang takot sa mukha ni Megan.
“Naiinis na ako sayo, Megan. Gagawin mo ba o hindi? Kung hindi mo gagawin maghahanap na lang ako ng ibang gagawa. Ayaw kong pakasalan ang probinsyano na yun. I’m sure, maitim o kulay brown ang kulay ng lalaking yun saka pangit. Ayaw kong maikasal sa lalaking katulad niya. Si Jayson lang ang pakakasalan ko. Ngayon kung ayaw mong tanggapin ang iniaalok ko hahanap na lang ako ng iba.” Akma na sanang tatayo si Mariel nang magsalita si Megan.
“Sige, pumapayag na ako sa gusto mo pero gusto ko sanang i-send mo muna sa account ko para makasiguro lang ako na hindi mo ako lolokohin.” Napangisi si Mariel saka niya binuksan ang cellphone niya.
“Madali ka naman palang kausap eh. Pinatagal mo pa.”
Mahigpit na hinawakan ni Megan ang cellphone niya habang busy si Mariel sa cellphone niya.
“Done, naisend ko na sayo.” Ipinakita ni Mariel ang proof of transfer ng pera. Chineck naman muna ni Megan ang bank app niya at nang masiguro niyang nareceive niya ay napapalunok na lang siya. Natatakot siya sa posibleng mangyari sa gagawin niya.
“Igayak mo na yung mga gamit mo dahil aalis ka na bukas. Sa La Union ka pupunta at hahanapin mo ang pamilyang Del Valle. Si Akira Del Valle ang lalaking ipinagkasundo sa akin. Pangalan ko ang gagamitin mo, Megan. Magpapakilala ka bilang ako. Naiintindihan mo ba?” Dahan-dahan na tumango si Megan. Wala siyang magawa, kailangan niyang sumunod dahil malaking halaga sa kaniya ang sampung milyon.
Mapag-aaral niya na ang sarili niya ng hindi na humihingi ng pera sa stepmother niya.
“Aalis na ako, huwag mong kalimutan ang mga habilin ko sayo. Siguraduhin mong hindi nila malalaman ang tunay mong pangalan habang hindi pa ako nakakagawa ng paraan para itigil ang kasunduang kasal na yan.” Muling tumango si Megan.
Umalis naman na si Mariel dahil makikipagkita na naman ito sa boyfriend niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Megan nang maupo na naman siya. Ginagapang ng kaba ang puso niya sa gagawin niya.
Siya ang illegal daughter ng kaniyang ama, panganay si Mariel sa kaniya at simula nang mamatay ang kaniyang ama naging miserable na rin ang buhay niya. Pinag-aaral naman siya ng stepmother niya pero kailangan niya munang pagtrabahuan ang perang mahihingi niya.
Kinabukasan, umalis na kaagad ng Metro Manila si Megan. Pupunta na siya sa pamilya ng mga Del Valle. Iniisip niya na rin ang posibleng maging buhay niya habang nagsstay siya sa mga ito. Sana lang ay makagawa kaagad ang ate niya ng paraan para maitigil ang kasunduang kasal para makabalik din siya kaagad ng Metro Manila.
“Nandito na tayo ineng.” Ani ng tricycle driver. Napatingin si Megan sa malaking gate na nasa harapan niya.
“Tama po ba tayo ng location na pinuntahan?” tanong ni Megan dahil baka naliligaw sila.
“Oo neng, Del Valle family ang hinahanap mo hindi ba? Ayan oh, nakaukit sa malaking gate nila ang apilido nila.” Napatingin si Megan sa gate at nakita niya naman kaagad ang apilidong Del Valle na nakaukit sa taas ng gate.
“Bayad ko po, salamat po.” Matapos niyang magbayad ay umalis na rin ang tricycle driver. Ilang minuto pa siyang nakatitig sa malaking gate. Hindi niya magawang magdoorbell. Hindi niya alam kung babawiin niya na lang ba ang alok sa kaniya ng ate niya.
“Ayy!” gulat niyang sigaw nang may magbusina sa likod niya. Napatingin naman siya sa isang maganda at sports car.
“Hindi ka ba aalis, Miss?! Gusto mo bang banggain kita diyan?!” Napatingin si Megan sa isang lalaking nasa driver seat. Napapaawang na lang siya ng mga labi ng makita niya ang isang gwapong lalaki. Nakasuot ito ng sunglass pero kita niya ang inis sa mukha nito.
BEEP BEEP BEEP
Nagising siya sa iniisip niya nang businahan na naman siya. Mabilis siyang gumilid ng marealize niyang nakaharang siya sa harap ng gate.
“Are you deaf?! Sinabi kong umalis ka hindi ba?! Ano bang ginagawa mo diyan? Kung magsosolicite ka, dun ka sa munisipyo!” Galit na namang angil ng lalaki sa kaniya. Malinaw niya nang nakikita ang gwapo nitong mukha nang alisin nito ang suot niyang sunglass.
Napapaismid na lang si Megan.
“Gwapo sana, masungit naman.” Anas niya habang nakasunod ang paningin niya sa sasakyang papasok na sa loob.
Nang makita niya ang gwardya na isasarado na ang gate ay mabilis niya itong nilapitan.
“Sir, excuse me po. Hinahanap ko po kasi ang bahay ni Ma’am Estrella Del Valle.” Tanong niya.
“Dito siya nakatira, bagong katulong ka ba? Halika pasok ka.” Napatingin si Megan sa sarili niya. Mukha ba siyang katulong o pulubi sa pananamit niya? Kung sabagay, hindi naman kasi siya yung babaeng mahilig sa mga sexy. Palagi siyang nakapants at fitted shirt.
“Ano nga palang sadya mo kay senyora?” tanong ng guard.
“Ako po si Megan—I mean, Mariel Sinclair po galing Manila. Kailangan ko po siyang makausap.”
“Ikaw ba yung mapapangasawa ni Sir Akira? Bakit hindi ka nagpakilala kaagad? Halika at ihahatid na kita sa mansion, ma’am.” Biglang naging marespeto ang tinig ng gwardya sa kaniya.
Hindi akalain ni Megan na inaasahan na pala siyang dumating ngayong araw. Habang naglalakad sila palapit sa mansion ay inililibot niya ang paningin niya. Kita niya ang napakalawak na bakuran, ang mga magagandang bulaklak at ang mas nagpahanga sa kaniya ay ang malinis na bermuda grass.
Para siyang nasa isang mamahaling resort sa ganda ng tanawin na nakikita niya.
“Senyora, nandito na po ang Senyorita Mariel.” Wika ng guard nang makapasok sila ng sala. Natigil ang paglilibot ng paningin ni Megan nang bumaba mula sa magandang hagdan ang isang matandang babae.
Nakangiti ito sa kaniya at sinalubong siya ng yakap at beso.
“Welcome home, iha. You are so beautiful darling. Ikaw lang ba mag-isa? Hindi mo ba kasama ang mommy mo?” Napalunok si Megan. Para siyang naestatwa sa kinatatayuan niya. Ngayong nakita niya na ang senyora ng mga Del Valle mas lalo siyang natatakot sa pinasok niya.
Nakatalikod pa rin si Akira kay Ethan dahil napahinto siya sa sinabi nito. Salubong na ang mga kilay niya at sigurado siya na hindi siya nagkamali sa pangalan na binanggit ni Ethan.Muli niyang hinarap si Ethan na seryosong nakatingin sa kaniya. Nagkaanak sila ni Megan pero paano yun nangyari? Isang beses lang may nangyari sa kanila at walang sinasabi si Megan sa kaniya kahit na maraming beses na silang nagkita.“What did you say again? Repeat it, Ethan.” Maawtoridad niyang wika kay Ethan. Matapang namang sinalubong ni Ethan ang mga mata ng kaniyang ama. Nakakuyom ang mga maliliit na kamao ni Ethan. Alam niyang pagagalitan siya ng mommy niya pero hindi na siya pwedeng umatras. Kapag umalis ang daddy niya sa bansa, hindi na siya magkakaroon ng pagkakataon para makilala at makasama ito.“I know you won't believe me po, but I am the child you had with Megan Sinclair.” Ulit niyang sagot. Bahagyang natawa si Akira, hindi niya alam kung maniniwala ba siya o pinaglalaruan lang ba siya ni Eth
Mabilis na tumakbo si Akira para salubungin si Ethan na umiiyak na tumatakbo papunta sa kaniya.“Yung bata!” Sigaw ng mga nasa paligid. Kinakabahan na dahil baka mabangga ito. Mabilis na itinulak ni Akira si Ethan pabalik sa kabilang kalsada. Naiharang na lang ni Akira ang mga kamay niya sa harap niya.“Magpapakamatay ba kayong dalawa?!” Sigaw ng driver na kinabahan din dahil biglang tumawid si Ethan. Nakapreno ito kaagad at ilang inches na lang ay mababangga niya na si Akira.Nang marinig ni Akira ang iyak ni Ethan ay mabilis niya itong nilapitan kahit na gusto niyang suntukin sa mukha ang driver.“Oh shit, are you okay kid?” Nag-aalala niyang tanong. Umiiyak lang naman si Ethan hindi dahil sa takot sa sasakyan kundi dahil hindi niya na naman makikita ang daddy niya.Chineck ni Akira ang kabuuan ni Ethan at napansin niyang may gasgas ang parehong siko nito dahil sa pagtulak niya.“Bakit ka ba biglang tumawid? Alam mo kung gaano kadelikado ang ginawa mo? Paano kung nasagasaan ka? Paan
Nasa conference room si Megan kasama ang ibang mga empleyado at si Rico. Nagpaplano na naman sila ng susunod nilang gagawin. Tahimik lang naman si Megan na nakikinig habang isa-isang pinepresent ng mga empleyado ang mga proposal nila.“Siya nga pala, Miss Sinclair. Ikaw ang ipagkakatiwala ko para makipagmeet-up sa client natin mamaya okay? Kailangan kong puntahan ang mga investors natin sa Tagaytay kaya hindi ako pwede. Ikaw na muna ang makipagkita sa kaniya. Maaasahan ba kita?” Maawtoridad na wika ni Rico. Sa tuwing nasa oras sila ng trabaho, masyado na silang pormal sa isa’t isa. They just want to be professional.“Yes, sir. I will.” Sagot ni Megan. Muli silang nagpatuloy sa mga pinag-uusapan nila. Tumagal sila ng dalawang oras sa loob ng conference room. Nang matapos sila ay isa-isa na rin silang lumabas.Pabalik na rin sana si Megan sa office niya nang tawagin siya ni Rico.“Nakalimutan kong sabihin sayo na lalaki pala ang client na imemeet mo mamaya. Kapag may kailangan pa siya,
Binisita ni Megan si Estrella sa hospital ng malaman niyang nasa hospital pa rin ito. May dala siyang mga bulaklak at pagkain. Kumatok siya ng pintuan at isang nurse naman ang nagbukas sa kaniya.“Good afternoon ma’am, sino po sila?”“I’m Megan Sinclair, gusto ko sanang mabisita si Senyora Estrella. Is she awake?” Nang marinig ng nurse ang apilido ni Megan ay pinapasok niya ito kaagad.“Senyora, may bisita ka po.” Sambit ng nurse. Napatingin naman na si Estrella kay Megan. Blangko lang ang mukha nito at para bang hindi masaya na makita si Megan. Lumabas naman muna ang nurse para makapag-usap ang dalawa.Ibinaba ni Megan ang mga bulaklak na binili niya sa gilid ng lamesa ng senyora.“Kumusta ka na po, Senyora?” Magalang na tanong ni Megan. “Dinalhan kita ng mga bulaklak at pagkain. Gusto mo po bang kumain?” Dagdag niya saka siya naupo. Nakatingin naman si Senyora Estrella sa mga bulaklak na dala ni Megan.“Nakakausap mo pa rin ba si Akira?” Ito kaagad ang tanong nito.“Hindi po, hindi n
“May sasabihin ka ba sa amin?” Tanong ni Damon. Tahimik lang naman si Akira habang nakaupo sa single sofa. Kapag umuwi siya ng France siguradong bihira niya na rin makakasama ang mga kaibigan niya. Tatanggapin niya yun kung ang makakapagpatahimik sa buhay ni Megan ay ang umalis siya.He really likes her pero hindi kaya ng konsensya niya na siya ang magiging dahilan para madamay si Megan sa gulo ng pamilya nila.“Kinansel ko na ang kasal namin ni Mariel.” Tipid na sagot ni Akira. Pansamantalang natahimik si Damon at Geyvin. Ramdam nilang seryoso si Akira pero hindi nila maintindihan, bakit hinintay pa ni Akira na umabot ng pitong taon bago ito magsalita?“Are you really sure about that?” Tanong ni Damon. Napabuntong hininga naman si Akira.“Kailangan, hindi ko na kayang tiisin ang ugali ni Mariel. Matagal na panahon ang ibinigay ko sa kaniya para magbago pero kahit anong gawin kong pakiusap sa kaniya, hindi niya pa rin maalis ang pagiging sinungaling niya. Sa loob ng pitong taon, kasin
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Akira habang nakatingin siya sa labas ng bintana ng office niya. Pinagmamasdan niya lang ang city view. Pumayag na siya sa gusto ng mommy niya. Uuwi na siya ng France at mananatili na siya dun. Ito na lang ang natitirang paraan para magkaroon silang lahat ng tahimik na buhay lalo na si Megan.Masakit man sa loob niya na umalis pero kailangan. Iiwan niya na ang lahat sa Pilipinas lalo na ang mga naging parte ng nakaraan niya. Hindi matitigil ang lahat ng ito kung patuloy pa rin siyang mananatili na maging parte ng buhay nila.Napatingin siya sa pintuan niya nang bigla itong bumukas. Si Mariel naman ang pumasok.“Aalis ka?” Diretsong tanong nito kaagad. Inaasahan niya namang malalaman kaagad ni Mariel ang balak niya dahil wala namang hindi nalaman si Mariel sa lahat ng plano niya.Naupo na siya sa swivel chair niya saka niya binuklat ang mga papeles na nasa gilid ng lamesa.“Iyun lang ang makakapagpatigil ng mga nangyayari sa buhay nat
Salubong ang mga kilay ni Akira habang hawak-hawak niya ang wineglass na pinapaikot-ikot niya.“Balita ko nasa bahay niyo na ang babaeng mapapangasawa mo. Congrats, ikakasal ka na.” Pang-aasar ni Geyvin saka ito uminom ng alak sa baso niya. Malamig pa rin ang mukha ni Akira. Maraming beses niya nan
Tipid na ngumiti si Megan sa Senyora Del Valle. Kinakabahan siya dahil baka masabi niya ang pangalan niya gayong pangalan ni Mariel ang kilala nila.“Please have a seat, darling.” Nakapainit ng pagtanggap sa kaniya ng mga tao sa mansion.“Issa, kunin mo ang gamit ni senyora mo at idiretso mo na sa
Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam
Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan







