تسجيل الدخولNakarating silang tatlo ng New York. Lahat sila ay nakangiti habang nasa gate ng isang school na papasukan nila.“Finally,” mahinang wika ni Kyline saka niya tiningnan si Megan at Bianca na tila hindi rin makapaniwala na nasa New York na sila. “Magkakasama pa rin tayo. Magkakaiba man tayo ng course pero iisang school ang pinapasukan natin at iisang apartment ang tinitirhan natin.” Masayang saad nito.“Kinikilig ako.” Tumatawang saad ni Bianca. “Group hug tayo, bilis!” Nagtatawanan naman silang nagyakapan.Mahigpit na hinawakan ni Megan ang bag niya. Ito na ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Hindi niya man alam ang mangyayari sa kanila pero susubukan niyang makapagtapos sa school na ito at makahanap kaagad ng trabaho.Malayo na siya sa Ate niya at sa stepmom niya. Sigurado siyang makakalimutan niya na rin si Akira. Dalawang buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan si Akira.Sinubukan niya itong i-search sa social media pero hindi lumalabas ang
Tulalang nakatingin sa kawalan si Megan. Isang linggo na ang nakalipas simula nang umalis siya sa poder ng mga Del Valle. Mapait siyang ngumiti. Siguradong ikinasal na rin si Akira at Mariel dahil kahapon ang schedule ng kasal nila.Mapait siyang ngumiti saka siya bumuntong hininga. Masakit pa rin sa dibdib niya ang nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkikita ng stepmom niya dahil umalis na siya sa bahay nila. Sapat na ang perang ibinigay ni Mariel sa kaniya para makapag-aral siya at matupad ang pangarap niya. Hindi niya na kaya ang walang katapusang utos ng stepmom niya sa kaniya. Hindi niya magawa ng maayos ang mga school works niya dahil gabi na bago siya matapos sa mga trabaho niya sa loob ng bahay nila.“Huy, okay ka lang?” Panggigising ni Kyline sa pagde-day dream ni Megan. Bumuntong hininga lang si Megan habang nananatiling nakatingin siya sa kawalan. Nakatira siya ngayon sa bahay ng isa sa mga kaibigan niya.“Naaalala mo pa rin ba siya? Bakit hindi mo subukang bal
Masakit sa loob ni Megan na umalis ng bahay. Panay na ang hikbi niya na halos hindi na siya makahinga. She just want to talk to Akira pero ayaw na siyang makausap at makita ni Akira. Isa siyang impostora kaya sino siya para kausapin ni Akira Del Valle?Mabilis na pinunasan ni Megan ang mga luha niya pero sunod-sunod pa rin ang pagpatak ng mga ito sa pisngi niya.Muli siyang lumingon sa bahay pero nakasarado pa rin ito.Galit na galit namang tinabig ni Akira ang mga babasagin sa loob ng bahay nila sa rancho.“Damn it! Goddman it!” Galit na galit niyang sigaw habang tinatabig ang mga vase na nakadisplay sa sala. Nagkalat na ang mga basag na vase sa sahig. Hindi niya na tiningnan si Megan dahil hanggang ngayon ay nagagalit pa rin siya.Masakit pa rin sa loob niya na niloko lang siya ni Megan. Hindi niya akalain na mapapalapit siya sa isang impostora. Pera lang ba ang kailangan ni Megan sa kaniya kaya ito nagpanggap at lumapit sa kaniya?Hilaw na lang na natawa si Akira.“Pare-pareho lang
Sunod-sunod ang paglandas ng mga luha ni Megan sa pisngi niya habang nasa dalampasigan siya. Nasa madilim siyang bahagi ng dagat dahil hindi siya pwedeng makita ng senyora.Mahigpit niyang hawak ang dibdib niya habang pigil ang paghikbi niya. Nasasaktan siya dahil ang malafairytale niyang buhay ay matatapos na. Gigising siya isang umaga na hindi na makikita si Akira. Hindi niya akalain na pagkatapos ng mga masasayang nangyari sa kaniya ay matatapos na. Mapapalitan ng sakit at lungkot.Malapit ng maghating gabi pero wala pa ring balita si Megan kung nakauwi na ba si Akira. Gusto niya sanang makausap ito kahit sa huling pagkakataon. Gusto niyang magpaliwanag. Gusto niyang sabihin na totoo ang lahat ng naramdaman niya. Ang saya na naranasan niya at kung bibigyan siya ng pagkakataon, handa niyang pakasalan si Akira. Pero alam niyang sa panaginip na lang mangyayari ang lahat ng iyun.Ayaw niya sanang maghihiwalay sila ni Akira na galit pa rin ito sa kaniya.Magang-maga na ang mga mata ni M
Galit na galit na nakatingin si Estrella kay Megan. Hindi magawa ni Megan na tingnan sa mga mata ang Senyora.“Sinabi ko na sayo kung ano ang pinakaayaw ko sa isang tao, iha. Sinabi ko sayo na ayaw na ayaw ko ng niloloko ako at sinisira ang tiwala ko. Ang lakas ng loob mong lokohin ako at ang pamilya ko. Pwede kitang ipakulong sa ginawa mo pero iisipin ko na lang ang pinagsamahan natin sa loob ng isang buwan. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo kahit kailan at huwag na huwag ka na ring magpapakita sa apo ko. Pera ba ang kailangan mo?” Galit pa ring sambit ng Senyora.“Issa, ibigay mo sa akin ang cheque ko.” Maawtoridad na utos ni Estrella. Mabilis namang lumapit si Evelyn sa matanda.“Senyora, huwag niyong gawin ‘to. Hayaan niyong ako na ang maghatid sa kaniya pabalik ng Manila. Bukas na bukas din ay aalis na kami. Hindi ko hahayaan na maabutan mo pa siya bukas.” Ani ni Evelyn. Nang ibigay ni Issa ang cheque ng Senyora ay mabilis itong nagsulat ng amount at isinampal kay Megan.“Yan a
Kanina pa lakad nang lakad si Mariel sa sala. Kanina pa sila naghihintay na makauwi na si Akira at Megan. Lubog na ang araw at malapit ng dumilim ang kalangitan pero wala pa rin sila. Hindi rin ma-contact ng mga ito ang mga cellphone nila kaya hindi nila masabihan na umuwi na at kailangan nilang mag-usap-usap.Tahimik na nakatingin si Evelyn sa Senyora. Tahimik lang din ito at nakatingin sa kawalan. Hindi niya alam kung galit ba ito sa kaniya lalo na sa anak niya. Hindi sila masyadong kinakausap ni Estrella.“Senyora Del Valle, okay ka lang po ba?” Tanong ni Evelyn. Napatikhim si Evelyn nang bigla siyang nilingon ni Estrella.“Sa tingin mo ba okay lang ako pagkatapos ng ginawa ng anak ng asawa mo sa pamilya ko? Isa lang ang trabaho mo, Evelyn. Hindi mo pa nagawa ng maayos. Kailangang matupad ang kasunduan namin ni Arnaldo para mapatakbo nila ang mga business namin kapag nakapagtapos na sila ng pag-aaral. Hindi mo pa sinigurado kung anak mo ba ang pumunta rito. Isang anak sa labas ang
Tipid na ngumiti si Megan sa Senyora Del Valle. Kinakabahan siya dahil baka masabi niya ang pangalan niya gayong pangalan ni Mariel ang kilala nila.“Please have a seat, darling.” Nakapainit ng pagtanggap sa kaniya ng mga tao sa mansion.“Issa, kunin mo ang gamit ni senyora mo at idiretso mo na sa
“Limang milyon piso, okay na ba ang halagang yun para pumayag ka sa gusto ko?” Napatitig si Megan sa Ate Mariel niya. Sapat na ang limang milyon para masuportahan niya ang sarili niya sa pag-aaral. Hindi niya na kailangang magmakaawa, hindi niya na kailangang sumunod muna sa utos nila bago siya mag
Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam
Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan







