LOGIN“Anthony, please calm down.” Galit na ring wika ni Florabel dahil kung galit ng asawa niya ang paiiralin nito lalo lang silang hindi magkakaintindihan.“Anong gusto mong gawin ko? Hayaan na lang nila na makalaya ang grapist na yan habang ang anak natin ang nagdudusa?!” Sigaw ni Anthony. Wala na siyang pakialam kung sino pa ang nasa harapan niya.Binulungan naman siya ni Florabel dahil masyado ng ipinapakita ni Anthony ang tunay nitong ugali.“You’re a senator. Isa sila sa mga taong bumoto sayo para makaupo ka sa kinalalagyan mo ngayon. Lower your voice at makiusap sa kanila ng maayos.” May diing bulong ni Florabel sa asawa niya. Kumalma naman si Senator Gomez dahil narealize niyang tama naman ang asawa niya.Humugot na ito ng malalim na buntong hininga saka niya tiningnan ang mga magulang ni Sandro at ang headmaster.“Pasensya na sa ipinakita kong asal. I’m a father, gusto ko lang gawin kung anong maganda para sa anak ko. Anak ko ang biktima rito at ayaw kong marinig na parang kasalan
Tatlong araw ng nakakulong si Sandro at pansamantala siyang pinalayo ngayong araw pero hindi pa rin ito pwedeng pumasok ng school. Gustong puntahan ni Yuna si Sandro pero hindi siya pinapayagan ng daddy niya. Hindi rin siya makalabas ng bahay nila. Pinag-online class niya na lang muna ito.Pinuntahan nilang magkakaibigan si Sandro sa bahay ng mga ito. Nakita nilang tulala si Sandro habang nakatingin siya sa kawalan.“Sandro,” agaw atensyon ni Damon ng makita nila ito sa hardin. Nilingon naman sila ni Sandro.“Hey,” usal niya sa mga ito saka siya tipid na ngumiti. Naaawa naman sa kaniya ang mga kaibigan niya dahil sa nangyayari rito.“Hindi ka pa ba nakakausap ni Yuna?” Tanong ni Damon dahil si Yuna lang ang makakapaglinis ng pangalan ni Sandro para makabalik na ito sa pag-aaral at hindi mawala kay Sandro ang latin honor nito.“May dapat pa ba kaming pag-usapan?” Malamig na sagot ni Sandro.“Pero bro, siya lang ang tanging paraan para matapos na ang lahat ng ito at makabalik na sa dati
Naging usap-usapan sa buong school ang tungkol kay Sandro at hindi lang sa buong school kundi sa buong La Union. Hati ang opinion ng mga tao. May mga naniniwalang hindi magagawa ni Sandro ang bagay na ibinibintang sa kaniya. May mga nagsasabi naman na baka itinatago lang talaga ni Sandro ang demonyo sa loob niya.Nakalabas na si Yuna sa kwarto niya dahil kailangan niyang pumasok. Final exam na nila at kailan niyang i-take yun.Papasok pa lang ng gate si Yuna pero sa kaniya na nakatingin ang lahat. Nagtataka pa siya kung anong nangyayari dahil walang sinabi sa kaniya ang mga magulang niya sa ginawa ng mga ito lalo na kay Sandro.Hindi na lang pinansin ni Yuna ang mga estudyanteng nakatingin sa kaniya kahit na alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Nagmadali na lang siyang makapasok ng classroom nila at pagdating niya ng classroom ay napatingin din sa kaniya ang lahat ng mga kaklase niya.“Yuna!” Sigaw ni Angelica ng makita niya na ang kaibigan niya. Nilapitan naman ni Yuna si A
Nakauniform pa si Sandro nang dalhin siya sa kulungan. Tahimik lang siya at walang sinasabi. Magsasalita na lang siya kapag nasa korte na sila.“Tinawagan ko na ang mommy mo. Papunta na sila rito.” Wika ni Damon dahil sumunod sila sa kulungan.“Thanks bro,” sagot ni Sandro. Napapaupo na lang siya sa gilid ng kama sa kulungan. Nasa labas naman ng kulungan ang mga kaibigan niya.“Susubukan naming makuha ang CCTV footage sa isla. Baka sakaling nahagip nila na si Mikee ang nagbigay ng alak sayo at ganun na rin kay Yuna.” Ani ni Akira. Umiling naman si Sandro sa mga kaibigan niya kaya napapatingin sa kaniya ang mga ito ng salubong ang mga kilay nila.“Ginawa ko na yun. Sinubukan kong humingi ng copy para magamit ko kung sakaling magkaroon ng problema pero hindi raw gumagawa ang CCTV nila noong gabing yun.”“What? Imposibleng hindi gumagawa ang CCTV nila noong gabing yun. Nakita kong nakapula ang ilang mga CCTV kaya siguradong gumagana ang mga yun.” Nagtatakang saad ni Geyvin.“Kung totoo n
Napapahilot na lang si Sandro sa noo niya. Alam niya naman na kakampihan siya ng mga kaibigan niya pero paano niya haharapin kapag nagsampa ng kaso ang mga magulang ni Yuna laban sa kaniya? “Sabihin mo na sa amin, Sandro. Paano ka namin matutulungan kung patuloy kang maglilihim sa amin. Hindi naman totoo ang kumakalat ngayon tungkol sayo hindi ba? Wala kang nigrape na minor.” Seryosong saad ni Damon. Lahat sila ay nag-aalala na para kay Sandro. Graduating siya at marami ang mawawala sa kaniya kung napatunayan ang kumakalat laban sa kaniya. “Hindi ko alam na minor siya.” Sagot niya. Pare-parehong nagulat ang mga kaibigan niya at tila bumagsak ang mga balikat nila sa naging sagot ni Sandro. “Kung ganun, totoong may nangyari sa inyo ng anak ni Mr. Gomez?” Hindi makapaniwalang tanong ni Akira. “Akira!” Sigaw ni Geyvin nang biglang kwelyuhan ni Akira si Sandro. Kalmado lang naman si Sandro dahil wala na siyang magagawa. Nangyari na ang nangyari. “Tanga ka ba?! Nag-iisip ka ba ng maayo
Busy naman si Sandro sa lahat ng mga projects nila at mga paper works. Nakalimutan niya na rin si Yuna dahil hindi na rin sila nagkikita. Hindi niya na rin masyadong inisip ang nangyari sa isla dahil naniniwala siyang sasabihin ni Yuna sa kaniya kung sakaling nakabuo silang dalawa. At dahil ilang linggo niya ng hindi nakikita si Yuna, hindi niya na yun masyadong inisip pa. Nasa gitna sila ng exam nila nang biglang dumating ang mga tauhan ni Mr. Gomez. Napapatingin na rin ang mga estudyante sa kanila. Nagtataka na rin ang prof nila dahil sa daming tao. Ilang minuto lang ang lumipas nang dumating si Mr. Gomez. Walang pasabi itong pumasok ng classroom nina Sandro. Sa kaniya na nakatingin ang lahat ng mga estudyante at dahil siya ang nag-iisang senator sa lugar nila, kilalang-kilala siya ng mga tao. “Mr. Senator, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo? Ano pong ginagawa niyo rito?” tanong sa kanila ng prof nila. Inilibot naman ni Mr. Gomez ang paningin niya sa mga estudyante. “Kailangan
Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam
Salubong ang mga kilay ni Akira habang hawak-hawak niya ang wineglass na pinapaikot-ikot niya.“Balita ko nasa bahay niyo na ang babaeng mapapangasawa mo. Congrats, ikakasal ka na.” Pang-aasar ni Geyvin saka ito uminom ng alak sa baso niya. Malamig pa rin ang mukha ni Akira. Maraming beses niya nan
Tipid na ngumiti si Megan sa Senyora Del Valle. Kinakabahan siya dahil baka masabi niya ang pangalan niya gayong pangalan ni Mariel ang kilala nila.“Please have a seat, darling.” Nakapainit ng pagtanggap sa kaniya ng mga tao sa mansion.“Issa, kunin mo ang gamit ni senyora mo at idiretso mo na sa
“Limang milyon piso, okay na ba ang halagang yun para pumayag ka sa gusto ko?” Napatitig si Megan sa Ate Mariel niya. Sapat na ang limang milyon para masuportahan niya ang sarili niya sa pag-aaral. Hindi niya na kailangang magmakaawa, hindi niya na kailangang sumunod muna sa utos nila bago siya mag







