Share

Chapter 6 - I'll Ruin You!

Penulis: RSolace95
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-21 14:58:32

Kinabukasan…

Hindi ko agad napansin na hindi pala okay ang pakiramdam ni Sevi, hindi dahil sa may sakit siya kundi para bang nag iba ang timpla ng mood niya. 

Sanay na kasi akong basahin ang bawat kilos ni Sevi, kung kailan siya masaya, kung kailan may iniisip, kung kailan may gusto siya pero hindi niya sinasabi sa’kin. Pero kaninang umaga, habang nag-aalmusal kami, saka ko lang napagtanto na iba ang tingin ng mga mata niya. 

Hindi ‘yung usual na curious na tingin ng bata. Kundi ‘yung tahimik na nakatitig, nakatulala, nakapatong ang baba niya sa magkabilang palad at tila kinakapa-kapa pa nito ang mukha niya parang may kinukumpara siya.

“Okay ka lang ba, anak?” tanong ko kay Sevi at unti–unti kong iniangat ang mukha niya.

“Mom, I’m sorry. Kasi hindi ko po malimutan yung guy po na nagpakita sa’kin ng picture na kamukhang kamukha ko po.” sagot niya, kahit hindi mo siya makita basta marinig mo lang ang boses alam mong malungkot talaga ito. 

Huminga ako ng malalim, kailangan kong maging kalmado, ayaw kong makaramdam ng takot si Sevi sa’kin. 

“Sevi, anak. He’s not related to us nor to you—”

“But, Mom. The guy said that the one in the picture is my Dad.” putol niya sa’kin, hindi siya nagpapatalo kahit pa sinabi ko na sa kanya kagabi na kaibigan ko lang ‘yung binabanggit na kamukha niya. 

“He’s not your Dad, Sevi.” pinipilit ko pa ring maging kalmado. 

“Mommy, sabi mo po sa’kin bad ang nag la-lie. Did he cheat that’s why you're mad at him?” 

For the second time, huminga ako ng malalim bago ko siya hinarap. I forced him to look me straight in the eyes. “You’re just four years old, ang dami mo ng nalalaman, who taught you that?”

“Mom, please answer me, is he really my Dad?” 

Wala na akong alibi na pwedeng sabihin, “y-yes, baby. May ginawa siyang bad kay Mommy kaya ako galit sa kanya,” hindi ko alam kung tama bang sabihin ko ito pero siguro naman deserve ni Sevi malaman. “But, it doesn’t mean na galit ka rin sa kanya—”

“Oh, okay, Mom. Naiintindihan ko na po kasi mabait kang Mommy, hindi ka naman po magagalit ng hindi po bad ‘yung ginawa sa’yo. From now on, galit na rin po ako sa kanya kasi inaway ka po niya!” 

Hindi ako nakasagot agad, dahil sa totoo lang kahit alam kong masama ang nasa isip ko, masaya akong ganito siya. Ayaw ko siyang tanggalan ng ama ngunit paano naman ako kung sakaling mapalapit siya kay Terrance? Baka iwan din ako ng anak ko. 

Yayakapin ko sana siya at pipilitin kong ipaintindi sana sa kanya ang sitwasyon ngunit tumayo na siya at nilagpasan ako. Lumapit siya sa school bag niya.

“Mommy,” sabi niya habang sinasara ang baunan niya, “pwede po ba akong magdala ng extra biscuit? Kay Enzo, he’s my friend.”

Pilit akong ngumiti. “Sige. Basta ikaw din, kakain ka ha! ‘Wag mong kalimutan kumain.”

Tumango siya at niyakap ako saglit bago tumakbo palabas ng pinto, dala ang backpack niyang mas malaki pa sa likod niya.

“Something will happen, Mommy. It might be later, tomorrow, or I don’t know!” he winked at me at humaripas na ng takbo papuntang sasakyan.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon para sabihin sa’kin ang bagay na ‘yun pero isa lang ang alam ko, papalapit na ‘yung araw na hindi ko hinihintay na dumating, siguro tungkol doon ang sinasabi ni Sevi sa’kin. 

Nakatingin lang ako sa likod ni Sevi na ngayon ay nasa loob na ng sasakyan at masasabi kong matapang at matalinong bata siya, at alam ko rin na kahit matapang at matalino siya, bata pa rin siya. May mga feelings siyang dapat iniisip ko, dapat cinoconsider ko. 

Sumakay na rin ako at hinatid na namin siya sa school. Saka ko lang naramdaman ang bigat sa dibdib ko. ‘Yung pakiramdam na may paparating, at hindi ko alam kung handa na ba ako. Ito na ang realidad at isa sa mga consequences ng pag-uwi namin ng Pilipinas. 

Pagkahatid namin ay umuwi muna ako sa apartment ulit, at habang naghahanda akong pumasok sa ospital, napansin ko ang katahimikan sa loob ng bahay. Si Manang Cecil, gaya ng dati, maagang naglinis. May nakasinding kandila sa maliit na altar sa kusina, San Rafael, patron ng mga biyahero. 

“Ma’am,” sabi niya, “nag-alay po ako ng dasal para sa inyo at kay Sevi.”

Ngumiti ako. “Salamat, Manang.”

Hindi ko sinabi sa kanya kung gaano ko ‘yon kailangan.

Hindi ako present buong umaga sa ospital dahil inuna ko syempre asikasuhin ang anak ko at siguraduhing nasa loob na siya ng school campus bago ako pumasok sa trabaho.   

Kahit hawak ko ang chart, kahit kabisado ko ang routine, parang may bahagi ng isip ko na nasa ibang lugar. Sa litrato. Sa tanong ni Terrance. Sa banta niyang hindi siya titigil.

Hindi pa man ako nakakabawi, nag-vibrate sa phone ko.

Unknown number.

Tinignan ko sandali bago sagutin.

“Doc. S,” sabi ng boses sa kabilang linya. “This is from the IT department ng Reyes Holdings.”

Nanlamig ang kamay ko. This is sudden! Anong meron, alam na ba talaga ni Terrance?! Kukunin na ba talaga niya ang anak ko?! 

“May kinalaman po ba kayo sa nangyari kanina?”

“Anong nangyari?” tanong ko, pilit kong idiniretso ang boses ko.

Nag-atubili siya. “May system breach po kasi kanina. Pero mukhang internal?” ‘yung boses sa kabilang linya, parang sigurado siyang may kinalaman ako, bakit parang pinagbibintangan niya ako?!

Hindi na ako nagsalita.

Kasi biglang pumasok sa isip ko ang eksena kanina—si Sevi, tahimik, seryoso, masyadong kalmado para sa batang mag lilimang taong gulang pa lang at sa sinabing huli sa’kin ni Sevi na Something will happen siguro ito na ang sinasabi niyang iyon. 

Ang anak ko, sa sobrang talino hindi ko rin alam kung paano niya nagagawa ang mga bagay na ginagawa lamang ng matatanda. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang talino niyang ‘yun sa mga ganung bagay. Mahirap mang paniwalaan, ‘wag kayong mag-aalala pati akong Nanay niya ay namamangha. 

“Okay na po pala, Doc.” dugtong ng lalaki. “Resolved na raw. Pasensya na sa istorbo.”

Binaba ko ang tawag.

Napaupo ako.

Hindi ko na kailangang itanong kung sino ang may gawa, napahilot ako sa aking sentido. 

~

Terrance’s POV

Sa loob ng Reyes Holdings, ibang ingay ang nadatnan ko, hindi siya basta ingay na nag-uusap tungkol sa meeting, sa mga brainstorming ng mga empleyado, at kung anu-ano pa. This time, iba. 

Alam ko ‘yon bago ko pa tuluyang buksan ang pinto ng floor, ang mga empleyado ko ay nagsisigawan, nagsisisihan, ‘yung mga keyboard halos binabagsak at hinahampas sa sobrang gigil at inis, ang mga phones na sabay-sabay tumutunog. The kind of disorder na hindi dapat nangyayari sa kumpanyang kontrolado ko hanggang huling decimal.

“Ehem.” tumikhim ako ngunit para silang walang naririnig. Halos pabagsak kong isinarado ang pinto at huminto ang lahat nang makita nila ako.

Good.

Mas malinaw kong nakita ang problema.

Ang mga screens ng bawat monitor at black, ang mga presentations ay corrupted, at ang buong system ay offline. Isang buong floor ng Reyes Holdings na sanay sa precision, ngayon parang mga batang nawalan ng direksyon.

Mayamaya lang ang bawat monitor, ay may lumabas na isang kalabaw, nakasuot pa ito ng barong habang ngumunguya ng damo.

Paulit-ulit na umiikot sa screen, para bang nang-aasar. 

May nakalagay sa itaas na text… 

I’LL RUIN YOU!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 21 - Pink High Heels

    Halos tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. “What?” gulat kong sagot. “You said,” he continued casually, “he’s not dead, but practically the same.”I felt the sting of that truth, even if I didn’t remember saying it.“You also said you’d use his money to support me.”Napahawak ako sa railing ng hagdan.“Excuse me?”“And you kept touching my chest,” he added calmly. “Commenting on my muscles.”My face burned.Oh my God. Did I say all of these?! “And you said,” he finished, eyes locking with mine, “if he cheated on you, you’d cheat back so you’re even.”Silence exploded between us.I wanted the floor to swallow me whole.“Tell me that’s not true,” bulong ko.He stepped closer.“You also slapped my hand away when I asked who I was. Called me an idiot.”That sounded more like me.I closed my eyes briefly. “Terrance, I was drunk. Hindi ko masyadong maalala! And if that really happened, pwede ba mag sorry na lang?”“You were honest,” he corrected softly.Mas masakit yun.Before I could re

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 20 - Dead Husband

    Hindi ko na mabilang kung ilang baso na ang nainom ko pero alam ko, nahihilo at hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa paligid ko. Nabibingi ako sa lakas ng sound system. Yung feeling ba na, alam ko yung tugtog pero hindi ko na masabayan. Mayamaya lang, may tumabi sakin na lalaki, ang dami niyang tanong pero ni isa sa mga tanong or sinasabi niya ay hindi ko na marinig. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko at akmang hahalikan ako nang bigla na lamang nawala sa harapan ko ang lalaki. Makita ko na lang ay nakahawak siya sa kanyang kaliwang pisngi at nakasandal na halos sa couch. Bumaling ako sa gumawa sakanya nun, at nakita ko si Terrance malabo man ang paningin ko pero ang tindig niya at ang mukha niya na halos salubong na ang kilay, kung totoo lang ang Super Saiyan ganyan na siya ngayon. Kilalang-kilala ko siya. “Fuck! How many more guys do I have to smash in the face just to keep you from coming back here?!” galit niyang sambit sakin. Nakatayo na siya sa harap ko, naka

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 19 - Hard

    “Don't lie, Sam. Please, give me a chance.” sambit ni Terrance. Hinarap ko siya at diretsong tiningnan ko ang mga mata niyang nangungusap. “Terrance, are you okay? May pinagsisisihan ka ba sa past life mo kaya ka ganyan? I mean—pinipilit mong maging ako yung asawa mo–” pinutol na niya ako. “Alam ko na ang lahat, Sam! Please, gusto kong bumawi this time.” mahinahong sagot niya. “Hindi mo kailangan bumawi, kasi wala ka namang dapat ibawi. At saka anong chance? I’m sorry, Terrance pero naguguluhan din ako sa mga sinasabi mo.” pinapanindigan ko pa rin talaga, no? Kahit manlang sa ganito, nakabawi na ako sa pagmumukhang tanga ko noon sa kanya. “Umalis ka na, gusto kong magpahinga.” sambit ko, hahawakan pa niya sana ang kamay ko pero marahan ko itong hinawi. “Umalis kana muna.” “You can go wherever you need to, Samantha. But your heart knows where it belongs. It will always lead you back to me.” sabi pa niya bago siya tuluyang umalis. Para bang siguradong-sigurado siyang babalik ako s

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 18 - I Don't Care If You're A Doctor!

    Napatawa ako nang mahina sa sinagot niya sakin. “Are you?”“Yes, Sammy. I am—”“You!” turo ko sa kanya, hindi ko na alam kung talaga bang diretso ang hintuturo kong nakaturo sakanya or hindi basta ang alam ko sakanya ko tinapat ang daliri ko. “You destroyed everything!” Parang may bangungot na bumabalik—yung araw na nahuli ko sila sa condo unit ni Althea. Yung tingin ng kapatid ko na hindi man lang nahihiya.Bigla akong napasigaw.“Sam,” mariin ang boses ni Terrance. “Calm down.”“Where are you taking me?” tanong ko nang lutang.“Home.”“No. Ayoko sa bahay mo.”“Hindi sa condo,” sabi niya. “Sa ancestral house. Nandoon si Lola.”Madam Sylvia.Of course.Kailangan niyang umuwi para sa maintenance ng lola niya. Lagi niyang sinisigurong tama ang gamot nito.Napatawa ako nang mahina. “Responsible grandson. Pero I don’t want to go there! Take me home! Sa anak ko!”Hindi niya pinansin ang tono ko.Humangin mula sa bintana. Tinangka kong ilabas ang ulo ko.Agad niya akong hinila pabalik. “A

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 17 - The Bar

    Ang isa sa pakay ko dito ay ang archives, halos malunod ako sa dami ng records, pero kailangan ko itong tiyagain dahil nandito ang sagot sa mga katanungan ko sa isip ko. “Doc Samantha,” tawag ng department head, seryoso ang mukha. “May mga naririnig ka na sigurong usap-usapan.”“About?” tanong ko habang hindi tumitingin.“About your… private life.”Napatingin ako sa kanya, ang sinasabi niya ay ang tungkol nung nakaraang araw na pinaguusapan ako at si Terrance. Tsk!“If patients find out na may immoral issues ka, paano sila magtitiwala sa’yo?”Napangiti ako nang bahagya. “May kinalaman po ba ang scalpel ko sa marital status ko?”Natahimik siya sandali.“Flies don’t land on eggs without cracks,” dagdag niya.Tumawa ako. “Uhm, Ma’am… sorry, what’s your name again? Anyways, may bagay po ba na hindi nilalapitan ng langaw?”Tinuro ko ang balikat niya. “May langaw ka po sa balikat.”Napalingon siya agad.“Wala naman!”“Lumipad na.”Namula siya sa galit.“Within three days, you clear your na

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 16 - Don't Say My Name

    Bandang tanghali, tinawagan ako ng school ni Sevi.“Ma’am Samantha, may slight fever po si Sevi. Baka po gusto niyo siyang sunduin.”Nanlambot ang tuhod ko.“On my way.”Sa loob ng kotse, halos hindi ako mapakali.Kilala ko si Sevi kapag may sakit, hindi naman siya nagpapanic katulad ko pero gusto niya lagi ng may comfort. Pagdating ko sa preschool niya, nakita ko siyang nakaupo sa clinic, hawak ang maliit niyang stuffed dinosaur.Pagkakita niya sa’kin, kumapit agad siya sa leeg ko.“Mommy…”Niyakap ko siya nang mahigpit. “I’m here, baby. I’m here. Uuwi na tayo, okay?” Tango lang ang sinagot niya sakin. Pag-uwi namin, nadatnan ko si Manang Cecil sa kusina.“Naku, Ma’am, gumawa po ako ng lugaw para kay Sevi. Nilagyan ko po ng maraming luya.”“Salamat, Manang.”Habang pinupunasan ko ng bimpo ang noo ng anak ko, biglang bumukas ang pinto.Si Terrance.Napakakapal talaga ng mukha! Na para bang extension ng bahay niya ang bahay namin!“Wala ka bang pintuan?”“Huh?” takang tanong niya sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status