MasukI didn't react right away.
I tried to stay calm because of the many problems the company had, maybe I've been through them all before, but why does this seem different? I walked straight to the main terminal and sat down, ignoring the stares of my employees, their panic, and the unspoken question kung galit ba ako dahil bakit hinayaan ng IT team na mangyari ito.
My fingers moved on instinct.
“Override. Isolate. Restore.” tatlong salita ang paulit-ulit sa isip ko, kaya ginawa ko agad ang lahat ng makakaya ko.
Inagaw ko pabalik ang sistema mula sa kung sinumang pumasok dito na parang sariling bahay. Binypass ko ang mga access layer, tinanggal ang lahat ng backdoor na hindi akin. As I did so, I could feel the tension around me, my employees unable to move, my managers unable to speak, the entire floor waiting to see if the company would collapse… or me.
Whoever this hacker is, he knows my system. He knows where to hit. It's not random. It's not an accident.
Mayamaya lang, isa-isang bumalik ang mga system. Parang wala lang, parang hindi ginulo ang buong kumpanya ilang minuto lang ang nakalipas.
Pero may mali, ramdam ko bago ko pa nakita.
Napansin ko ang pagliit ng sales namin.
Fifty million pesos ang nawala!
Hindi sa offshore, hindi sa shell account, hindi sa black hole na karaniwang pinapasukan ng mga hacker, kundi diretso ito sa donation! To be specific, napunta ito sa public schools, at sa probinsya!
Nanlamig ang batok ko. Hindi dahil sa nawalang pera, damn money and sales! I don’t care about them. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa mensaheng iniwan ng hacker.
Bago tuluyang mag-normal ang lahat, nag-freeze ulit ang screen. Isang huling window ang lumitaw.
Isang animated na bata, kunot-noo kong pinakatitigan ang bata, ang bakit hawig niya ang batang nakita ko sa picture?
Mayamaya lang ay nagsalita ito.
“Lesson lang po ‘to.” sambit nito, he’s confident! Walang bahid ng kaba o takot sa boses niya na parang hindi kasalanan ang ginagawa niya.
“Para sa mga nananakit sa Mommy ko.”
Huminto ang paligid ko, kahit alam kong nagsisimula ng magbulungan ang mga empleyado ko, para akong nabingi. Parang wala akong naririnig na salita o nakikita manlang sa paligid ko.
At sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, hindi ako agad nakapag-isip ng sagot.
I didn't speak, but something inside me cracked, a control I had held onto for so long.
Because that wasn’t just an attack.
That was personal.
At kung sino man ang batang ‘yon, hindi lang siya matalino. Alam niya kung saan sasaktan ang isang lalaking akala niya ay walang pakialam sa paligid. Alam niya kung paano ako saktan. And I fucking hate it!
~
Samantha’s POV
Kinabukasan…
Maaga akong bumiyahe papunta sa mansion ng mga Reyes.
Kasama ko si Kuya Bert. Tahimik ang sasakyan, may mahinang tugtog ng AM radio, balita tungkol sa traffic sa EDSA, at kanina lang ay tungkol sa ulan sa south.
“Ma’am,” sabi niya habang humihinto sa gate, “kahapon po, may itim na sedan na sumusunod.”
Kumunot ang noo ko. “Sigurado ka?”
“Opo. Hindi ko po sinasabi para hindi kayo kabahan.” Tumango ako, napapadalas na talaga ang pagsunod-sunod sa’kin. Dapat na ba akong kabahan?
Pagpasok ko sa mansion, sinalubong ako ng katahimikan. Sana naman hindi ko muna makita ang byenan ko at baka hindi na ako makapagtimpi ngayon.
“Doktora,” bati ng kasambahay. “Nasa hardin po si Madam Sylvia.”
Nandoon ulit siya, nakaupo sa rattan chair, may rosaryo ulit sa kamay, nakatanaw sa mga santan at gumamela na malagong malago na.
“Sammy,” bulong niya nang makita ako.
Lumapit ako. “Lola.”
Ngumiti siya. “Masaya ako’t nandito ka ulit, alam kong hindi mo ako matitiis.”
Hindi ako sumagot.
“Kamusta po ang pakiramdam mo?” pag-iiba ko ng topic.
“Galit ka ba sa’kin kaya ka umalis?” pilit niya talagang binabalik ang topic.
Napangiti ako ng pilit. “Lola, doktor lang po ako ngayon, umaalis po ako dahil may mga pasyente pa po ako.”
Hinawakan niya ang kamay ko. “Hindi ka talaga makakapagtago sa’kin.”
Hindi ko na itinuloy ang usapan.
Nang magsimula ako sa acupuncture, naramdaman ko ang presensya sa likod ko.
Si Terrance.
“Pwede po bang maghintay kayo sa loob muna?” diretsong sambit ko. Hindi ko gustong malapit siya sa’kin. Dahil alam kong siya ang naguutos para sundan ako.
May sandaling katahimikan bago siya tumango.
Nang mawala na siya sa paligid ko, saka ko itinuloy ang ginagawa ko kay Lola, ngunit nahinto na naman ako dahil sa biglang pagtunog ng phone ko.
School number ang tumatawag sa’kin.
“Ms. Reyes,” nanginginig ang boses ng guro. “Hindi po namin makita si Sevi.”
Parang may huminto paligid ko, pati na rin ang paghinga ko. Sumikip bigla ang dibdib ko. Halos mapahawak ako sa bandang dibdib ko.
Agad kong binuksan ang tracker ng relo niya.
At doon ko nakita, na nasa loob siya ng Reyes estate! Nandito lang siya sa paligid ko!
Napapikit ako.
May mga sinasabi sa’kin si Madam Sylvia, ngunit tila wala akong marinig pumasok ako sa loob ng bahay, nasalubong ko si Terrance.
“May problema ba?” tanong niya, sa boses niya tila nagaalala pa siya.
“Wala,” mabilis kong sagot. “Uuwi na ako.”
Lumapit siya sa’kin, malapit masyado na para bang close kami!
Inangat niya ang kamay ko, parang may tatanggalin sa noo ko.
Napaatras ako agad.
“Huwag,” mariin kong sabi. “Ayokong hinahawakan ng taong kung sino lang.”
Nagulat siya sa inasta ko, at dahan-dahang umatras. “Sorry.”
Tinalikuran ko siya, mas may importante pa akong dapat gawin at asikasuhin. Palabas na sana ako ng bigla siyang magsalita muli, dahilan ng pagtigil ko sa paglalakad.
“May anak ka na pala,” sabi niya, ang tono ng boses niya ay parang alam na alam niya talaga ang sinasabi niya.
“Oo.”
“Almost 5 years old, two months from now?”
Tumango ako.
Hindi na ako nagsinungaling.
At sa mata niya, nakita ko ang kumpirmasyon na kinatatakutan ko. Ang tanong na matagal kong tinatakasan, malapit nang sumagot sa sarili nito.
Plano ko lang talaga sana that afternoon na mag-drive along the seaside, magpahangin, tapos uuwi na. Simple lang. Kailangan ko ng konting pahinga sa dami ng iniisip ko hospital, Ji family, at kung anu-ano pa.Pero syempre, parang ayaw akong tantanan ng malas.Bigla na lang namatay yung bagong bili kong kotse.“You’ve got to be kidding me,” bulong ko habang paulit-ulit kong tina-try i-start.Parang ako yung ginagago. Napahawak ako sa manibela, napapikit. “Bagong kotse ba talaga ‘to? O prank lang ‘to sa’kin ng universe?”Sa tabi ko, si Terrance, kalmado lang. As usual.“Baba ka muna,” sabi niya, parang walang problema. “Doon ka muna umupo. I’ll call someone.”Sinundan ko yung tingin niya. May maliit na pavilion sa may gilid ng dagat.“Fine,” sabi ko, sabay bukas ng pinto.Bahala siya diyan.Umupo ako sa pavilion, nakasandal ang siko ko sa railing habang nakatingin sa dagat.Parang wala itong pakialam sa gulo ng mundo, huminga ako nang malalim. Minsan, ganito lang kailangan mo, katahimik
Hindi agad nawala sa isip ko yung nangyari sa bahay ng secretary. Kahit nakaupo na ako sa kotse habang pauwi, ramdam ko pa rin yung init ng mga tingin nila lalo na ni Madam Zani. Para bang kasalanan ko pang gumaling yung anak niya.Tahimik lang ako habang nakasandal sa upuan. Si Terrance, katabi ko, parang wala lang. Calm. Composed. Parang hindi kami galing sa isang eksenang pwedeng sumabog anumang oras.“Hindi ka ba naiinis?” tanong ko, nakatingin sa labas ng bintana.“Sa alin?” sagot niya, parang walang pakialam.“Sa ginawa nila. They disrespected you too.”Napangiti lang siya ng konti. “Sanay na ako.”Napairap ako. “Good for you. Ako hindi.”Hindi na siya sumagot. Pero ramdam ko nakatingin siya sa akin. Parang sinusukat ako.Pagdating namin sa kotse ko, doon na nagsimula ang panibagong problema.Ayaw na namang mag-start.“Seriously?” napabuntong-hininga ako. “Bakit ba kasi ako bumili ng second-hand.”Sumandal ako sa manibela, frustrated. Gusto ko lang naman ng simple. Hindi yung la
Napansin ko kung paano bahagyang kumurap ang mata ni Terrance, pero wala siyang sinabi. Tahimik lang siya, gaya ng madalas niyang gawin kapag may iniisip, ako naman, hindi ko siya pinansin.Diretso akong tumingin kay Madam Zani.Simula pa lang, ramdam ko na may kakaiba sa kanya, hindi lang simpleng pagiging mataray o mapuna. May halong hostility. Parang may personal siyang galit sa akin kahit wala naman kaming history at ang mas nakakainis?Hindi ko maipaliwanag kung bakit.Kaya imbes na umatras, lalo akong naging interesado.“Okay,” sabi ko, diretso ang tingin sa kanya. “No problem.”Bahagyang nagulat si Madam Zani. Halatang hindi niya inaasahan na papayag ako agad.Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, parang sinusukat kung kaya ko ba talaga.“Kung ganun,” sabi niya, “huwag na nating patagalin. Puntahan na natin ang secretary ngayon.”Biglang nagsalita si Madam Sylvia mula sa likod ko.“Terrance, samahan mo si Sam.”Napalingon ako sa kanya.Hindi ko inaasahan ‘yun.Pero sa tono
Nagtagal muna ako sa labas bago ako dahan-dahang pumasok ulit sa loob ng bahay. Huminga ako nang malalim, pinakalma ang sarili ko. Alam kong pagpasok ko, hindi na simpleng usapan lang ang mangyayari lalo na’t nandoon si Althea at ang nanay niya.Pagpasok ko sa sala, diretso akong naglakad papunta sa grupo ng mga babae. Nakita ko agad si Madam Sylvia na may bakanteng upuan sa tabi niya para bang hinihintay niya talaga ako.“Sam, dito ka,” malambing niyang sabi.Ngumiti ako ng bahagya at umupo sa tabi niya. Halos sabay-sabay nagbago ang aura ng paligid. Kanina, halatang may tensyon—pero pag-upo ko, parang biglang naging maayos ang lahat… at least sa panlabas.Pero hindi sa lahat.Sa gilid ng mata ko, nakita ko agad ang nanay ko at si Althea. Parehong matigas ang mukha. Hindi mapakali. Para bang gusto na nilang umalis pero hindi nila magawa.Good.Mas gusto ko ‘yan. Mas nahihirapan sila.“I recently heard something…” biglang sabi ni Madam Sylvia, nakatingin sa akin. “Pero hindi ko sure k
Pagkatapos ng dinner, ako at si Xai ang nagpatulog kay Sevi.Medyo hyper pa siya dahil sa sobrang saya niyang makita ulit ang ninang niya, kaya inabot kami ng halos kalahating oras kakakwento at kakalambing bago siya tuluyang pumikit.“Mommy… stay,” mahina niyang bulong habang hawak ang kamay ko.“Here lang si Mommy,” sagot ko, hinahaplos ang buhok niya.Unti-unti, bumagal ang paghinga niya hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.Napangiti ako.Ganito lagi kahit gaano kagulo ang mundo ko, pagdating kay Sevi, nagiging simple lahat.Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Xai na naghihintay sa hallway.“Roof?” tanong niya.Tumango ako.Pareho kaming umakyat sa rooftop ng bahay—isa sa mga paborito kong lugar.May apat na deck chair doon, bawat isa may maliit na mesa sa tabi, tapos may snack corner pa na laging naka-ready courtesy ni Manang Cecil.Tahimik.Mahangin.At malinaw ang langit.Perfect para mag-isip o para tumakas sa reality kahit saglit.Humiga ako sa isa sa mga chair at tinakpan
Maaga pa lang, ramdam ko na agad na may kakaiba sa araw na ’yon.Weekend dapat, pahinga, pero parang ang daming gumagalaw sa loob ng bahay kahit hindi ko pa nakikita. Pagbaba ko ng hagdan, naamoy ko agad yung luto ni Manang Cecil garlic butter shrimp, steak, at kung anu-ano pang mukhang pang-fiesta. Napakunot-noo ako.“Manang, may bisita ba?” tanong ko habang inaayos ko yung buhok ko.Ngumiti siya. “Oo, ma’am. May special guest daw tayo mamaya.”Hindi na niya kailangang sabihin kung sino kilala ko na kung sino ang may pakana ng ganitong engrandeng setup.Si Terrance.Napabuntong-hininga ako at naupo sa sofa. Sa kabilang side ng sala, si Sevi, yung anak ko—four years old, turning five in two months busy na busy sa pagbuo ng spaceship gamit ang blocks niya.“Mommy, look! Rocket!” sigaw niya, proud na proud.Napangiti ako. “Wow, ang galing naman ni Sevi ko.”Tumakbo siya papunta sa’kin at niyakap ako. “Mommy, darating ba si Ninang Xai today?”Napakunot ulit ang noo ko.So siya nga.Hindi
“Terrance, can you just stop?”“Why would I need to stop? Hayaan mo akong bumawi–”Napasapo na lang ako sa aking noo, “ilang beses ko rin ba sasabihin sayo na wala ka dapat gawing bawi. Para saan pa?“You keep on denying, Samantha. Alam ko naman na ang lahat—”Hindi na niya natapos pa ang sasabihin
That afternoon, akala ko magiging tahimik na ulit ang duty ko sa hospital pero dahil sa insidente na nangyari kagabi sa office ng Reyes Holdings, halos non-stop na ang ingay sa paligid ko. May chat pa sakin si Terrance na kailangan ko ang proof na hindi ako ang nasa likod ng nangyaring pag transfe
Halos tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. “What?” gulat kong sagot. “You said,” he continued casually, “he’s not dead, but practically the same.”I felt the sting of that truth, even if I didn’t remember saying it.“You also said you’d use his money to support me.”Napahawak ako sa railing ng ha
Hindi ko na mabilang kung ilang baso na ang nainom ko pero alam ko, nahihilo at hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa paligid ko. Nabibingi ako sa lakas ng sound system. Yung feeling ba na, alam ko yung tugtog pero hindi ko na masabayan. Mayamaya lang, may tumabi sakin na lalaki, ang dami niy







