Share

Chapter 10

Gusto kong matawa kaso ay baka biglang mawirdohan siya sa akin. Ang mukha niya ay kilala ko pero ang pagkatao niya bilang si Alonzo ay hindi.

Umiling ako. “Hindi. Ito ang unang beses na nagkakilala tayo,” sabay ngiti ko ng tipid.

Napayuko siya. Saka marahang tumango. Humugot ng malalim na hininga saka naglakad ng mabilis at nilagpasan pa ako. Malalaki ang mga naging hakbang niya na halos tumatakbo na ako makasabay lang sa kanya. Hindi na niya ako muling pinansin hanggang sa makarating kami sa bahay. Agad siyang pumasok sa kwarto niya na tahimik lang.

Kumunot ang noo ko habang nakatingala doon.

“Galit ba siya? Is he expecting me to know him?”

Matapos ang ilang sandali ay nagkibit balikat ako at nagtungo na lamang sa kusina. Oo nga pala at hindi pa ako nakakapag grocery kaya ano itong ginagawa ko sa kusina?

“Pero gusto kong kumain ng tinapay na may maraming asukal,” sabay haplos ko pa sa tiyan ko.

Naghapunan naman ako kanina pero feeling ko ay hindi iyon sapat at talagang hindi matatahi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Gessa Mae Balaso Mercado
miss a kailan ka mag update dito?
goodnovel comment avatar
Gessa Mae Balaso Mercado
miss a bat hndi ka nag uupdate dito
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
buntis SI Mitsy
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status