Share

Chapter 6

“Siya po si Alonzo, Ma'am. Siya po ang maghahatid sa inyo sa bahay nina Ma'am Ros.”

Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanatili ang mga mata ko sa lalaking kamukhang-kamukha ni Nero. At hindi lang sila magkamukha, pati built ng katawan ay parehong-pareho. Kung may pinagkaiba man ay ang magulong buhok lang nitong lalaking kaharap ko at ang malinis na buhok ng ex-husband ko.

“Ma'am, ayos lang po ba kayo?”

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa lalaki. Iniangat ko ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya. Agad siyang napaatras at lumayo sa akin. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.

“N-Nero . . .”

Alam kong wala akong tulog. Pero sigurado akong hindi ako namamalikmata. Sigurado akong totoo itong nakikita ko.

“Ma'am?” rinig kong tawag sa akin ng babae pero hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy ako sa ginagawang paghaplos sa pisngi ng lalaking kamukha ng asawa ko.

“Alonzo po ang pangalan ko,” matikas at buo ang boses ng lalaki. Pati boses ay parehong-pareho.

“Kamukha mo ang asawa ko.” I gritted my teeth. Bumitaw ako sa kanya at dahan-dahang umatras habang ang mga titig ko'y nananatili sa kanyang mukha.

“Hatid ko na po kayo,” sabi niya at kinuha ang maleta ko. Nauna rin siyang lumabas habang ako'y nanatili sa kinatatayuan.

Lumayo ako upang panandaliang makalayo sa asawa ko. Lumayo ako upang makalimot sa sakit at maipon ang galit ko. Lumayo ako upang makapag-isip ng matino. Pero paano ako makakapag-isip kung ganitong kadarating ko pa nga lang ay mukha na agad ni Nero ang tumambad sa akin.

At nakapaimposible no'n! Bakit may kamukha siya dito? May kakambal ba siya? Pero sa halos sampung taong magkasama kami ay ni isang beses ay wala siyang binanggit sa akin na may kambal siya. He's an only child. Iyon ang alam ko.

Posible bang hindi ito alam ni Nero? Na may kakambal siya?

Tahimik at nauunang maglakad sa akin ang lalaki. Habang ako'y nasa kanyang likuran at tahimik ring nakasunod sa kanya. Hindi ko makuha-kuhang sumabay sa kanyang paglalakad.

Buwan ang nagsisilbi naming ilaw. Sa kalagitnaan ng paglalakay nilingon niya ako.

“Pagod na po kayo? Pasensya na po pero kailangan po nating bilisan ang lakad. Baka po hindi na natin sila maabutang gising.”

He doesn't seem to mind my actions earlier. Sinabi kong kamukha niya ang asawa ko pero tila wala siyang pakialam kasi hindi siya naging kuryuso doon.

“Ah! O-oo,” sabi ko at sumabay sa kanya sa paglalakad.

Tahimik kaming nakarating sa bahay nina Rosalyn. Nakapatay na ang mga ilaw at siguradong tulog na sila.

Napabuntonghininga ako habang nakatingin sa bahay ng kaibigan ko. Ramdam ko ang paglingon at pagbaba niya ng tingin sa akin.

Ilang saglit lang ay binuksan niya ang mababang gate na gawa sa kawayan. Dire-diretso siyang pumasok hanggang sa makarating sa pintuan. Sumunod ako sa kanya at nanatili sa kanyang likuran nang kumatok siya.

Umilaw ang buong bahay. Pati ang ilaw sa labas. Hindi rin naman nagtagal at bumukas din ang pintuan. Bumungad sa amin ang asawa ni Rosalyn na sa litrato ko lang nakita noon.

“Akala namin night shift ka, Alonzo—” Natigilan siya nang nakita ako sa likod ng lalaki. “G-girlfriend mo?”

Rinig ko ang tunog ng pagngiti ni Alonzo. Kahit pa nasa likuran niya ako at hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti siya. “Bisita siya ng asawa mo, Euge.”

Tumaas ang dalawang kilay ni Euge. “Ni Rosalyn? Wala naman siyang sinabing may bisita siya. Teka— pumasok na kayo. Pumapasok ang lamig ng hangin. Sandali at gigisingin ko si Rosalyn.”

Umakyat siya sa taas. Si Alonzo ay dinala ang maleta ko sa gilid ng mahabang upuan na gawa sa kawayan pero may mattress sa ibabaw kaya sumunod ako roon at naupo. Akala ko ay sasamahan pa ako ni Alonzo pero lumabas siya ng bahay.

Hindi masyadong malaki ang bahay nina Rosalyn. Gawa sa matibay na kahoy ang sahig, samantalang pinaghalong kahoy at kawayan ang dingding. Halatang wala ng space para sa akin pero still hoping ako na may bakante pang kwarto para sa akin. Sa totoo lang ay ayaw kong mag stay sa happy house. Sa ngayon ay iniiwasan ko ang mga hotel. Ayaw kong mag isa. Lalo pa at hindi ako sanay sa ganun. Whenever and wherever I go, lagi kong kasama si Nero. Baka ma-miss ko lang siya kung mag isa ako.

“Sabi ko na nga ba ikaw, e!”

Nag angat ako ng tingin at nakitang nagmamadali sa pagbaba si Rosalyn. Tumayo ako at sinalubong niya agad ako ng yakap. Agad na tumulo ang mga luha ko.

“Ros!”

“Anong ginawa nila sa 'yo?” tanong niya habang umiiyak na rin.

Mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakayakap kay Rosalyn. Panay na ang pag iyak ko at hindi ko man lang magawang magsalita. Sa tuwing susubukan ko ay hikbi ko lang ang tanging lumalabas.

“Tahan na, Mitsy! Makakarma rin 'yong mga 'yon, huwag kang mag alala.”

Umiling ako at humiwalay mula sa pagkakayakap sa kanya. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.

“Ipinagpalit niya ako sa babaeng dalawang buwan niya pa lang nakilala! Anong meron ang babaeng 'yon na wala ako?”

Alam kong masyadong gasgas na ang tanong na ito. Akala ko sa pelikula ko lang ito maririnig. Hindi ko akalaing sa bibig ko pa ito mismo maririnig.

“Halika nga dito ulit.” Hinila niya ako upang yakapin at sa balikat niya muling paiyakin.

Nagtagal ng ilang minuto ang pag iyak ko sa kaibigan ko bago ko nagawang kumalma.

“Ano nang plano mo ngayon?” tanong niya pagkaraan ng ilang minutong pananahimik ko habang nakaupo sa upuan.

Umiling ako. “Sa totoo lang ay wala pa akong ideya. Ang gusto ko lang sa ngayon ay ang magpahinga, pagod na pagod ako. Hinang-hina 'yong katawan ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit masakit ang balakang ko't ang puson ko.”

Nagkatinginan si Rosalyn at ang asawa niyang si Eugene na para bang may pinaguusapan silang dalawa sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

“Mabuti pa at magpahinga ka na nga. Pero, Mits . . . Dito sa bahay namin, wala ng bakanteng kwarto. Dalawa lang kasi 'yong kwarto namin at okupado iyon naming mag asawa at ng mga anak namin. Sa happy house din, hindi ko sigurado kung may bakante pa. Pero sa kabilang bahay may isa pang kwarto na bakante. Ayos lang ba sa iyong makasama si Alonzo sa iisang bahay?”

Agad na tumaas ang dalawang kilay ko't umawang ang aking labi. Si Alonzo? Ang tinutukoy niya ba ay 'yong lalaking kamukha ni Nero?

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
paano na Yan Mitsy makasama mo SI Alonzo na jamukha ng Asawa mo
goodnovel comment avatar
Gessa Mae Balaso Mercado
maganda ito miss a.. ipag patuloy mo ang pag ud dito..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status