“Andyan na sila! Andyan na sila!”Agad akong napalingon sa labas nang marinig ang boses ng mga taong kanina pa nag aabang sa pagdating ng mga mangingisda.“Woah! Ang lalaki naman ng mga huli ninyo ngayon!”“Ang saya! Tiba-tiba na naman tayo nito sa palengke!”Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan. Sumandal ako roon upang tahimik silang pagmasdan.Si Alonzo ay abala sa pakikipagtawanan sa mga kasamahan niya habang naglilipat ng mga isda sa lagayan ng babaeng bumibili.Bakas sa mukha niya ang tuwa dahil sa mga nahuli.“Asuuus! May nakangiti habang pinagmamasdan si Alonzo. Inlab ka na sa kanya, Mits?”Agad akong umayos ng tayo at nilingon si Rosalyn. Hindi na ako masyadong nagsusuka at medyo unti-unti nang nakakabawi ng lakas ang katawan ko kaya nakakapaglakad-lakad na ako.Bumaba ako ng hagdan at lumapit sa kanya. “Hindi no! Natutuwa lang ako kasi ang dami nilang huli ngayon.”“Iyon lang ba talaga o natutuwa ka kasi nakangiti si Alonzo? Yieeee! Umamin ka na kasi! Nafa-fall ka na
“Kumusta ang trabaho?”Aligaga agad ako at nagmadali sa pagpapainit ng mga pagkaing hinanda ko kanina pa. Alas sais pa lang ay nakapaghanda na ako ng hapunan namin pero nanlamig na lang lahat dahil ang tagal umuwi ni Nero.Mag a-ala una na ng madaling araw at ngayon pa siya umuwi. Hindi ko maintindihan. Hindi naman siya ganito nung hindi pa kami ikinakasal. Hindi naman siya late kung umuwi.“Huwag mo nang painitin 'yan. Hindi naman ako kakain,” malamig niyang sabi.Agad akong nahinto sa ginagawang paglalapag ng plato sa lamesa. Tuluyan ko 'yong inilapag bago sinundan si Nero paakyat sa kwarto.“Kumain ka na? Saan ka kumain?”As far as I can ay sinusubukan kong huwag itanong sa kanya kung bakit sunod sunod na ang mga gabi na late siyang umuuwi. Ayaw kong mairita siya sa akin kahit na alam kong karapatan ko naman 'yon. Sinusubukan ko siyang intindihin. Maybe because nag a-adjust pa lamang siya sa buhay na may inuuwiang asawa gabi-gabi.Dalawang buwan pa lang kaming kasal ni Nero. Pagkat
“Hindi ko maintindihan! Paano niya nagawa 'yon? E, hindi ba ay mahal na mahal ka ng asawa mo?”“Iyon nga rin ang akala ko, Ros.”Umiiyak ako habang kausap ang kaibigan kong si Rosalyn sa kabilang linya. Siya lang ang mapagsasabihan ko nitong sakit na nararamdaman ko. Gustuhin ko mang sabihin ito sa mga magulang ko ay hindi ko magawa. Ayaw kong pati sila ay masaktan kapag nalaman nilang ang niloko ako ng asawa ko. Mahal na mahal at botong boto sila kay Nero bilang asawa ko. Ayaw kong kamuhian nila ito. Siguradong masasaktan lang sila. Ayaw kong mangyari 'yon.“Hindi pa rin ako makapaniwala, Mits!”“Kahit naman ako. Ang hirap hirap tanggapin. Kung hindi na pala niya ako mahal, bakit pa kami nagpakasal? Bakit pa siya nag aya ng kasal?”“Kahit isang beses ay hindi ko pa nakikita ang asawa mo. Pero base sa mga kwento mo noon ay mabuting boyfriend naman siya. Bakit kung kailang nagpakasal na kayo, doon pa siya nagloko?”Sa Tagbilaran City nakatira si Rosalyn. 16 years old pa lang kami nang
“SINABI MO KAY ANNA ANG TUNGKOL SA ANAK NATIN? ALAM MONG MATAGAL NA 'YON 'DI BA? MGA BATA PA TAYO NO'NG NAGDESISYON TAYO NG GANUN!” salubong ko kay Nero pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa bahay. Buti naman at naisipan na niyang umuwi.“AND YOU PROPOSED TO HER? KASAL TAYO, NERO! KASAL TAYO!”Tamad siyang tumingala at ibinagsak sa sahig, sa harapan ko ang isang brown envelope.Ilang sandaling nanatili ang mga titig ko doon bago ko iyon nagawang pulutin at buksan. Agad na bumungad sa akin ang salitang annulment. Bumuhos agad ang mga luha ko.“Pirma mo na lang ang kulang.”Agad ko siyang sinampal. “Napakagago mo.”“Tanggapin mo na lang, Mitsy. Hindi na kita mahal.”Nilagpasan niya ako upang sana ay magtungo sa kwarto namin pero agad ko siyang hinawakan sa braso dahilan upang pikon siyang natigil sa paglalakad. Nagtungo ako sa harapan niya at doon pinunit ang annulment papers na nais niyang pirmahan ko.“Walang annulment na mangyayari. Kasal ka sa akin hanggang sa kamatayan mo. Hindin
Nakatulugan ko ang pag iyak kagabi. Kinabukasan ay nabungaran ko ang paghalik ni Nero sa noo ni Anna bilang pamamaalam dito. Papasok na yata siya sa trabaho.“Ingat ka sa trabaho,” malambing na sabi ni Anna.Nalingunan niya ako at nakita niyang nanonood ako sa ginagawa nila. Nginisihan niya pa muna ako bago siya tuluyang umalis.“Mitsy, ipagluto mo nga ako ng umagahan. Huwag lang 'yong ma-sibuyas at bawang ah? Nasusuka ako sa amoy ng mga 'yon,” sabi ni Anna pagkalabas na pagkalabas ni Nero.Sarkastiko akong natawa. “Seryoso? Inuutusan mo ako? Sa sarili kong pamamahay?”Nagtaas siya ng isang kilay. “Sarili mong pamamahay? Can't you see that I'm here? Hindi na ikaw ang reyna sa bahay na ito, Mitsy. Dahil ngayong nandito na ako, ay isa ka na lamang hamak na utusan.”“Sa tingin mo talaga susunod ako sa 'yo?”“Well, ayos lang din naman kung hindi. Iyon nga lang kapagka nagutom ako, siguradong magagalit na naman si Nero. Gusto mo ba 'yon? Nakita mo kung paano siya nagalit kagabi 'di ba? Gu
Hindi ako umalis. Hindi ako gumalaw at nanatili doon kahit na pinagtitinginan ako ng mga tao. Bahay ko ito kaya bakit ako aalis? Dito ako nakatira kaya bakit ko ito iiwan?Sumapit na lamang ang gabi at naroroon pa rin ako at yakap yakap ang sarili. Napatalon lang ako sa gulat nang biglang may malakas na bumusina mula sa aking likuran. Nilingon ko iyon at panandalian pang nasilaw sa ilaw ng sasakyan bago ko napagtantong sasakyan iyon ni Nero. Pinatay niya ang makina at bumaba siya. Tumayo ako upang sana ay lumapit sa kanya pero nilagpasan niya ako at umikot siya papuntang passenger seat. Pinagbuksan niya ng pinto si Anna.“Mauna ka na sa loob,” sabi niya rito.Nginisihan pa ako ni Anna bago siya tuluyang pumasok sa loob ng bahay.“Nero, pwede ba tayong mag usap?” puno ng pagmamakaawa ang boses ko.Marahas siyang bumuntonghininga at nagbaba ng tingin sa akin. Kahit kaunting awa ay wala akong nakikita sa kanyang mga mata, ang natitirang pag asa kong maawa siya sa akin ay unti-unting nagl
“Siya po si Alonzo, Ma'am. Siya po ang maghahatid sa inyo sa bahay nina Ma'am Ros.”Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanatili ang mga mata ko sa lalaking kamukhang-kamukha ni Nero. At hindi lang sila magkamukha, pati built ng katawan ay parehong-pareho. Kung may pinagkaiba man ay ang magulong buhok lang nitong lalaking kaharap ko at ang malinis na buhok ng ex-husband ko.“Ma'am, ayos lang po ba kayo?”Dahan-dahan akong naglakad palapit sa lalaki. Iniangat ko ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya. Agad siyang napaatras at lumayo sa akin. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.“N-Nero . . .”Alam kong wala akong tulog. Pero sigurado akong hindi ako namamalikmata. Sigurado akong totoo itong nakikita ko.“Ma'am?” rinig kong tawag sa akin ng babae pero hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy ako sa ginagawang paghaplos sa pisngi ng lalaking kamukha ng asawa ko.“Alonzo po ang pangalan ko,” matikas at buo ang boses ng lalaki. Pati boses ay parehong-pareho.“Kamukha mo ang a
“Ha?”Agad akong umiling. “S-sa Happy House na lang. I think may bakante pa, inaya ako ng receptionist kanina doon. Mag c-check in na lang ako.”Ang problema ko ay kung anong gagamitin kong pera pang check in? E, ang mayroon ako dito ay 'yong perang ibinigay ni Nero kagabi. Sinumpa ko pa naman sa sarili kong hindi ko 'yon gagamitin at isasampal ko 'yon sa mukha niya pagkabalik ko.“Euge, balik na ako sa Happy House.”Hindi ako agad na nasagot ni Rosalyn dahil biglang pumasok si Alonzo at nagsalita. Napunta sa kanya ang lahat ng atensyon namin.“Ah! Alonzo, ayos lang sa 'yong may makasama sa iisang bahay 'di ba? Itong si Mitsy kasi ay dito sa lugar muna natin pansamantalang titira—”“Naku, Ros!” pigil ko pa sana kay Rosalyn pero nilingon niya ako't agad na inilingan.“Hindi ako papayag na maiwan kang mag isa, Mitsy. Baka kung ano pang gawin mo. Mas mabuti na rin 'yong kasama mo si Alonzo. Huwag kang mag alala, mabait naman 'yan. Ayos lang sa iyo 'di ba, Alonzo?”Nilingon ko si Alonzo.