Share

Chapter 3

“SINABI MO KAY ANNA ANG TUNGKOL SA ANAK NATIN? ALAM MONG MATAGAL NA 'YON 'DI BA? MGA BATA PA TAYO NO'NG NAGDESISYON TAYO NG GANUN!” salubong ko kay Nero pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa bahay. Buti naman at naisipan na niyang umuwi.

“AND YOU PROPOSED TO HER? KASAL TAYO, NERO! KASAL TAYO!”

Tamad siyang tumingala at ibinagsak sa sahig, sa harapan ko ang isang brown envelope.

Ilang sandaling nanatili ang mga titig ko doon bago ko iyon nagawang pulutin at buksan. Agad na bumungad sa akin ang salitang annulment. Bumuhos agad ang mga luha ko.

“Pirma mo na lang ang kulang.”

Agad ko siyang sinampal. “Napakagago mo.”

“Tanggapin mo na lang, Mitsy. Hindi na kita mahal.”

Nilagpasan niya ako upang sana ay magtungo sa kwarto namin pero agad ko siyang hinawakan sa braso dahilan upang pikon siyang natigil sa paglalakad. Nagtungo ako sa harapan niya at doon pinunit ang annulment papers na nais niyang pirmahan ko.

“Walang annulment na mangyayari. Kasal ka sa akin hanggang sa kamatayan mo. Hinding hindi kita bibigyan ng pagkakataong maikasal sa Anna na 'yon. Your unborn child . . . Will never going to have a perfect happy family. Didikit ako sa 'yo na parang glue at sisirain lagi ang araw mo.”

Sarkastiko niya akong pinagtawanan. “It's okay for me to have two wives, Mitsy.”

Nagtuloy siya sa paglalakad at umakyat sa kwarto namin. Nanghina ako at napaluhod sa sahig. Hindi na siya 'yong mahal ko. Bakit biglang nagbago lahat sa isang iglap? Paano niya ako nagagawang saktan ngayon gayung kung makaprotekta siya sa akin noon ay kahit lamok, hindi niya pinapatawad.

“Anong nangyari, Nero?”

Kung totoo man ang mga sinabi ni Anna. Kung may galit man si Nero sa akin dahil sa pagkawala ng anak namin noon. Edi sana ay hindi niya ako inalok ng kasal. Hindi sana kami nagpakasal sa simula pa lang! Kasi kung mas maaga niyang sinabi, siguro ay tanggap ko pa. Siguro ay mas madali para sa akin ang palayain siya.

Naghahanda ako ng hapunan namin nang lumabas si Nero mula sa kwarto. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at balak pa yatang magdire-diretso palabas ng bahay.

“Saan ka pupunta?”

“Hindi pa ba obvious? Aalis.”

“Saan nga?”

“Movie date? With Anna.”

Natigilan ako. Ilang sandali bago ko nagawang itapon ng malakas ang hawak kong plato. Dumiretso iyon papunta sa bintanang malapit sa kanya. Nabasag ang plato pati bintana.

“Ginagago mo talaga ako no? Anong karapatan mong mag movie date kasama siya?”

Sumeryoso siya. Umigting ang kanyang panga. Halata ang galit sa kanyang mga mata.

“Baka nakakalimutan mong asawa mo ako!”

“Am I not allowed to date her outside, Mitsy?”

Agad kong pinalis ang mga luha sa aking mga mata. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong sitwasyon. Kahit sa mga teleserye na napanood ko ay walang ganito. Siya lang 'yong nagloko na hindi takot na mahuli. Siya lang 'yong nagloko na hindi nag so-sorry.

“Hindi mo na ako mahal?”

Natigilan siya. Pagkaraan ng ilang sandali ay bigla siyang ngumisi.

“Sinabi ko na sa 'yo ang sagot sa tanong mo na 'yan. Gusto mo talagang marinig ulit? Gusto mo ba talagang masaktan?”

“Paano? Paanong nawala? Kakakasal lang natin!”

Hindi niya ako sinagot. Nanatili ang mga titig niya sa akin.

“Mahal ko si Anna.”

Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. Dire-diretso 'yon at sinabi niya habang nakatitig sa aking mga mata. Hindi takot na baka makita kong nagsisinungaling lang siya.

“Kaya kung ayaw mong mas masaktan pa, pumirma ka sa annulment papers. Dahil kung hindi, mas madudurog ka sa mga susunod na mangyayari.”

Kahit kailan ay hindi ako nagmakaawa. Kahit noon, laging siya itong sumusuyo sa akin. Siya itong hindi napapagod kakahabol sa akin. Siya itong nagmamakaawang patawarin ko sa maliliit niyang kasalanan. Ngayon, ginawa niya ang isa sa pinakamalaking mali na kayang gawin ng tao at hindi man lang siya kakikitaan ng konsensya. Kita sa kanyang mga mata na wala siyang balak humingi ng tawad.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang matulog pagkatapos ng pagtatalong 'yon. Pero nagising ako ng madali araw na may mga maleta na sa kwarto namin.

Kunot noo akong napatingin doon at bumangon. Hindi kasi 'yon akin. At imposible din namang kay Nero dahil pink ang kulay niyon.

Mas lalong kumunot ang noo ko nang marinig ang mahihinang tawa na nagmumula sa labas. Kaya lumabas ako upang alamin kung anong mga nangyayari.

“A-anong ginagawa mo dito?” agad na tanong ko pagkakitang nakayakap si Anna mula sa likuran ni Nero habang nagluluto ito.

“Oh! Hi, Mitsy! Mabuti naman at gising ka na. Abala pa kasi kung gigisingin ka pa namin para mailipat mo 'yong mga gamit mo sa kabilang kwarto.”

“Anong ililipat? At bakit ka nandito? Nero, ano ito? Anong kalokohan ito?”

“I already told you, I'm fine with two wives.”

“Hindi ako nakikipaglaro sa inyo!”

“Kami din naman ah! Kaya nga ginawan ka ng bagong annulment papers para may mapirmahan ka. Do not prolong your agony, Mitsy. Mas lalo ka lang malulugmok niyan.”

“NAPAKAHAYOP NIYO TALAGA!”

Sinugod ko si Anna at agad na hinila ang buhok niya. Hindi niya napaghandaan ang pagsugod ko kaya humandusay siya sa sahig. Nagawa ko siyang kaladkarin papuntang sala.

“OUCH! ANO BA! BITAWAN MO AKO!”

“PAPATAYIN KITANG MALANDI KA!”

“MITSY, BITAWAN MO SIYA!”

Itinumba ko ang malaking vase na malapit kay Anna at kamuntikan na siyang bagsakan nito kung hindi lang siya agad na nakaiwas.

“FUCK! BUNTIS SIYA, MITSY!” Agad na itinago ni Nero si Anna sa kanyang likuran.

“WALA AKONG PAKIALAM! PAPATAYIN KO SIYA! PATI ANG BUNGA NG PANLOLOKO NIYO SA AKIN!”

Akma ko pa sanang susugurin si Anna pero hinawakan ako ni Nero ng mahigpit sa mga braso pagkatapos ay sinampal ng pagkalakas-lakas. Agad na namanhid ang pisngi ko at tila nabingi ako sa biglaang matinis na tunog na narinig ko.

“HUWAG NA HUWAG MONG PAGBABANTAAN ANG ANAK KO AT ANG BABAENG MAHAL KO!”

Natuod ako sa kinatatayuan. Ganito talaga si Nero kapag nagmamahal. Walang pakialam kahit na makasakit ng iba maprotektahan lang ang mga mahal niya. Pero mali, e. Ako dapat ang pinoprotektahan niya at hindi ang sinasaktan niya.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.

“Dito titira si Anna whether you like it or not. We can occupy the other room. Sa iyo na 'yong kwarto nating dalawa. At gusto kong wala kang gagawin sa kanya. Kahit hibla ng buhok niya, Mitsy. Tandaan mo, siya ang babaeng mahal ko.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gessa Mae Balaso Mercado
mapanakit naman nito
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status