Home / Romance / The Billionaire's Surrogate Bride / CHAPTER 23 — The Library of Shadows

Share

CHAPTER 23 — The Library of Shadows

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-10-01 12:27:12

PAYAPA ang buong mansion nang gabing iyon. Ang mga ilaw sa hallway ay naka-dim, tanging mahahabang anino ng chandelier ang kumakalat sa marmol na sahig. Para kay Solenne, bawat hakbang niya pababa ng hagdan ay parang hampas sa dibdib, mabigat, mahigpit, at puno ng kaba.

Hindi niya alam kung bakit siya naroroon. Siguro’y para makatakas lang sa presensya ni Caelum sa kwarto. Siguro’y para makahanap ng kahit maliit na sulok kung saan siya makakahinga nang malaya. Kaya nauwi siya sa library, isang silid na hindi pa niya napapasok.

Pagbukas niya ng pinto, bumungad ang amoy ng lumang kahoy at leather-bound books. Malawak ang silid, dalawang palapag, may hagdang bakal na paikot, may mahahabang shelf na abot hanggang kisame. Sa gitna, may malaking lamesa at dalawang Chesterfield armchairs sa tabi ng fireplace. May apoy na mabagal na nag-aalab, nagbibigay ng init at liwanag na sapat lang para makabuo ng intimate na anino.

Lumapit siya sa shelf at marahang hinaplos ang spine ng isang makapal na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 23 — The Library of Shadows

    PAYAPA ang buong mansion nang gabing iyon. Ang mga ilaw sa hallway ay naka-dim, tanging mahahabang anino ng chandelier ang kumakalat sa marmol na sahig. Para kay Solenne, bawat hakbang niya pababa ng hagdan ay parang hampas sa dibdib, mabigat, mahigpit, at puno ng kaba.Hindi niya alam kung bakit siya naroroon. Siguro’y para makatakas lang sa presensya ni Caelum sa kwarto. Siguro’y para makahanap ng kahit maliit na sulok kung saan siya makakahinga nang malaya. Kaya nauwi siya sa library, isang silid na hindi pa niya napapasok.Pagbukas niya ng pinto, bumungad ang amoy ng lumang kahoy at leather-bound books. Malawak ang silid, dalawang palapag, may hagdang bakal na paikot, may mahahabang shelf na abot hanggang kisame. Sa gitna, may malaking lamesa at dalawang Chesterfield armchairs sa tabi ng fireplace. May apoy na mabagal na nag-aalab, nagbibigay ng init at liwanag na sapat lang para makabuo ng intimate na anino.Lumapit siya sa shelf at marahang hinaplos ang spine ng isang makapal na

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 22 — I don't stop until I win

    TAHIMIK pa rin na nakatayo si Caelum sa harap ng bintana, hawak ang baso ng whiskey. Ang madilim na kapaligiran sa labas ay parang sariling repleksyon ng damdamin niya, mapanganib, malawak, at walang kasiguraduhan.Samantala, nakaupo si Solenne sa kama, mahigpit na nakapulupot sa kumot na para bang iyon na lamang ang natitirang proteksiyon niya laban sa lalaking nasa iisang silid. Ang dibdib niya ay mabilis pa rin ang pag-angat-baba, at ang luhang pinipigil ay patuloy na nagbabantang pumatak.Ilang sandali na walang nagsalita ang namagitan sa kanila. Hanggang sa muling magsalita si Caelum, malamig ngunit may lalim na parang nagmumula sa pinakailalim ng kanyang dibdib.“You can hate me all you want,” ani nito, hindi tumitingin sa kanya. “But you’ll still carry my heir. And when that time comes, you’ll realize… no one else will own you but me.”Napakagat-labi si Solenne, pinipigilan na muling umiyak. Gusto niyang sumagot, gusto niyang ipagsigawan na hindi siya kailanman magiging pagmama

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 21 — Shackled Desires

    MAINIT ang katahimikan ng mansyon nang sumapit ang gabi. Sa labas, maririnig ang mahinang ugong ng mga sasakyan na nagdaraan sa exclusive subdivision, pero sa loob ng mga pader ng Valtieri estate ay tila walang ibang tunog maliban sa mahinang tik-tak ng antique clock sa hallway.Nasa silid si Solenne, nakaupo sa gilid ng kama, nakasuot ng simpleng silk robe na iniabot sa kanya ng maid kanina. Nakapulupot ito sa katawan niya, mahigpit ang kapit ng mga daliri sa tela, para bang iyon na lang ang natitirang pananggalang niya laban sa malamig na presensya ng lalaking nagmamay-ari ng lahat ng nakikita niya.Ang ilaw ng lampshade ay banayad, nagbigay ng warm light nanlalo pang nagpalutang sa kanyang maputlang balat. Pinilit niyang kalmahin ang sarili, pero ang dibdib niya’y mabilis ang pag-angat-baba, tanda ng kaba at pangamba.Ilang sandali pa'y narinig niya ang mahinang pagbukas ng pinto. At doon, dahan-dahang pumasok si Caelum, nakasuot pa ng dark navy shirt na nakabukas ang tatlong buto

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 20 — The Cage of Morning

    MABIGAT ang pakiramdam ni Solenne nang magising siya. Ang unang bagay na naramdaman niya ay ang bigat ng isang braso na nakapulupot sa kanyang baywang, mainit at mabigat, para bang isang tanikala na pumipigil sa kanya para makagalaw. Nanigas ang kanyang katawan at dahan-dahang iminulat ang mga mata.Halos atakihin siya ng kaba nang makita niya kung sino ang nakahiga sa tabi niya. Si Caelum.Nakaharap ito sa kanya, nakapikit pa, mahaba ang pilik na tila perpektong iginuhit, matangos ang ilong, matalim kahit hindi nakadilat ang mga mata. Ang labi nitong pula at mamasa-masa ay bahagyang nakabuka, halos inosente ang ekspresyon habang natutulog. Para itong anghel kung tititigan lang. Pero alam ni Solenne at ramdam ng bawat himaymay ng katawan niya, na sa likod ng mukhang iyon ay isang halimaw na paulit-ulit na kumikitil sa kanyang kalayaan.Gusto niyang kumawala. Gusto niyang igalaw ang katawan, bumangon at tumakbo palayo. Pero natatakot siyang magising ito. Naramdaman niya ang tibok ng pu

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 19 — The Weight of Power

    MAAGANG dumating si Caelum sa Valtieri Global Tower, isang makabagong gusali na halos salamin ang kabuuan, nakatayo sa gitna ng Makati Central Business District. Ang kanyang itim na Rolls Royce ay huminto sa harap ng private entrance, at agad na lumapit ang mga security personnel para salubungin siya. Tahimik lang siyang bumaba, suot ang dark tailored Armani suit, white dress shirt, at simpleng black tie. Ang bawat hakbang niya sa lobby ay nagdadala ng bigat na parang lahat ng mata ay napipilitang sumunod sa kanyang presensya.“Good morning, Mr. Valtieri,” sabay-sabay na bati ng mga empleyado na nasa lobby. Tumango lang siya ng bahagya, hindi man lang lumingon nang diretso.Sa loob ng elevator, naroon ang secretary niya—si Alec Cruz, mid-thirties, sharp dresser, laging may dala-dalang tablet at planner. Loyal kay Caelum, mabilis kumilos, at alam kung paano mag-adjust sa mood ng kanyang boss.“Sir, here’s your schedule today,” panimula ni Alaric habang nakatayo nang tuwid. “Nine AM boa

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 18 — The Silent Morning

    NAGISING si Solenne nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw na tumatawa sa kanyang mukha mula sa bintana na bahagyang nakaluhod ang makapal na kurtina. Namumugto ang kanyang mga mata, mamula-mula ang gilid ng labi na kagabi lamang ay marahas na kinagat. Maputla ang balat, nanginginig ang mga daliri, at mabigat ang dibdib. Parang bawat paghinga niya ay may kasamang pira-pirasong sakit na hindi niya mailarawan.Kagabi, muling binura ni Caelum ang lahat ng natitira niyang lakas. Hindi lang katawan ang pagod kay Solenne ng mga sandaling iyon kundi pati maging kaluluwa.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, at sa unang iglap ay napatingin siya sa kabilang bahagi ng kama. Wala na roon si Caelum. Ang tanging naiwan lang ay ang amoy ng mamahaling cologne nito at ang marka ng presensya sa bawat sulok ng kwarto.Napakagat-labi si Solenne, agad na napayakap sa sarili. Kahit wala na ito, ramdam niya pa rin niya sa sarili ang haplos nito, ang mainit na halik, at marahas na pag-angkin“Diyo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status