FAZER LOGINELOWEN
Halos alas-diyes na ng gabi nang matapos ang proseso ng applications. Pagod na pagod na ako sa kakahintay at kakaisip kung tama pa bang manatili kami roon ni Nadine. Ilang beses ko nang gustong umatras ngunit sa tuwing maaalala ko ang malamig na bench na tinulugan namin kagabi, napipilitan akong manatili.
Tahimik kaming nakaupo sa waiting area nang muling lumabas ang babaeng may hawak ng clipboard.
Isa-isa niyang tinawag ang mga pangalan ng mga natanggap.
Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan.
Paano kung hindi kami matanggap?
Saan kami pupunta?
Paano kami bukas?
"Elena Cruz."
"Jasmine Velasco."
"Rina Torres."
Sunod-sunod ang pagtawag niya ng pangalan habang isa-isang tumatayo ang mga babae.
Mariin kong pinisil ang sarili kong mga daliri.
Hanggang sa-
"Elowen Sullivan"
Nanlaki agad ang mga mata ko.
Halos sabay kaming napatingin ni Nadine sa isa't isa.
"Nadine Flores."
Mabilis na tumayo si Nadine habang hindi makapaniwala.
"Natanggap tayo..." bulong niya.
Hindi ko alam kung bakit pero imbis na saya ay kaba agad ang naramdaman ko.
Parang may bumigat sa dibdib ko habang papalapit kami sa babae.
"Congratulations," malamig nitong sabi. "Starting tonight, dito na muna kayo titira."
"Tonight po agad?" gulat kong tanong.
Tumango siya.
"Policy iyon para sa mga bagong hires."
Muli na namang sumikip ang dibdib ko ngunit bago pa ako makapagtanong ay tumalikod na siya.
"Follow me."
Tahimik kaming sumunod ni Nadine habang hawak ang maliit naming bag. Dumaan kami sa mahahabang hallway ng building na mas tahimik kumpara sa lobby.
Habang naglalakad ay mas lalo kong napapansin ang kakaibang atmosphere ng lugar.
May ilang babaeng naka-sexy dress na nakasandal sa dingding habang may kausap sa cellphone. Ang iba naman ay pagod na pagod ang mukha habang naglalakad pabalik sa elevator.
May isang babaeng halos mabura na ang makeup habang tahimik na umiiyak sa gilid.
Napahigpit agad ang hawak ko sa bag ko.
Hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon.
Parang may gustong sabihin sa amin ang lugar pero hindi lang namin pinapansin.
"Dito ang staff accommodation," sabi ng babae nang huminto kami sa harap ng isang bakal na pinto sa pinakadulong hallway.
Pagkabukas niya ng pinto ay agad bumungad ang makitid na corridor.
Hindi iyon katulad ng magarang lobby sa ibaba.
Malamlam ang ilaw at masikip ang daanan. May ilang pintuan sa magkabilang gilid habang maririnig ang mahihinang boses at halakhakan mula sa loob ng ibang kwarto.
"Room 12 kayo," sabi niya saka inabot ang susi kay Nadine.
"Thank you po," mahina kong sabi.
Hindi na siya sumagot at basta na lang umalis.
Pagkapasok namin sa kwarto ay pareho kaming natigilan.
Maliit lang iyon.
Halos sakto lang para sa dalawang tao.
May electric fan sa isang sulok, maliit na cabinet, at isang lumang double deck bed na halatang ilang taon nang ginagamit.
Manipis pa ang foam.
Napabuntong-hininga si Nadine.
"Akala ko... mas maayos."
Napangiti ako nang pilit.
"At least may matutulugan tayo."
Kahit paano ay mas maayos pa rin iyon kaysa sa bench sa labas.
Ibinaba ko ang bag ko saka umupo sa ibabang higaan. Agad kumalabog ang bakal nito dahilan para mapangiwi ako.
"Ang tigas," reklamo ko.
Natawa nang mahina si Nadine bago humiga sa taas na bunk bed.
"Mas okay na 'to kaysa kalsada."
Tahimik akong tumango.
Maya-maya ay may narinig kaming pagbukas ng pinto sa kabilang kwarto kasunod ang tunog ng tsinelas at tawanan ng ilang babae.
"Shared bathroom pala," sabi ni Nadine matapos mapansin ang maliit na papel na nakadikit sa dingding.
Tatlong cubicle lang daw ang ginagamit ng lahat ng babae sa floor na iyon.
Napahiga ako nang dahan-dahan habang nakatitig sa kisame.
Pagod na pagod ang katawan ko ngunit hindi pa rin ako mapakali.
Ang daming tanong sa isip ko.
Ano ba talaga ang trabaho namin?
Bakit parang may mali sa lugar na ito?
At bakit pakiramdam ko...
simula pa lang ito ng mas malaking problema?
Mula sa taas ng double deck ay mahina kong narinig ang boses ni Nadine.
"Elowen..."
"Hm?"
"Sa tingin mo... magiging okay tayo rito?"
Tahimik akong napapikit.
Gusto kong sabihin oo.
Gusto kong kumbinsihin kahit sarili ko man lang.
Pero sa gabing iyon, habang nakahiga kami sa masikip na kwartong iyon na amoy lumang kahoy at pabango ng ibang babae... ang tanging nararamdaman ko ay kaba.
Tahimik ang buong kwarto matapos magsalita ni Nadine.
Tanging ugong lang ng lumang electric fan ang maririnig habang mabagal itong umiikot sa kisame. Paminsan-minsan ay may maririnig kaming yabag sa hallway at mahihinang tawanan mula sa ibang kwarto. May kung anong kaba sa bawat tunog na naririnig ko na para bang hindi talaga tahimik ang lugar na ito kahit dis-oras na ng gabi.
Nakatitig lang ako sa kisame habang pilit inaayos ang masakit kong likod. Manipis ang foam kaya ramdam na ramdam ko ang bakal ng higaan sa katawan ko pero mas mabigat pa roon ang gumugulo sa isip ko.
Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may mali talaga rito.
Simula pa lang nang makita namin ang flyer kanina, may kung anong hindi maipaliwanag na kaba na agad akong naramdaman pero pinili kong balewalain dahil desperado kami.
At ngayon heto kami.
Nasa isang maliit na kwarto kasama ang kung sinu-sinong babae sa building na hindi namin kilala habang wala pa rin kaming malinaw na ideya kung anong klaseng trabaho talaga ang naghihintay sa amin bukas.
"Elowen..."
Mahina ulit akong tinawag ni Nadine mula sa taas na bunk bed.
"Hm?"
"Gising ka pa?"
"Oo."
Tahimik ulit sandali bago siya nagsalita.
"Natatakot ako."
Mariin akong napapikit.
Kasi ako rin.
Sobra.
Hindi ko lang maipakita dahil alam kong kapag pareho kaming nagpanic, wala na kaming magiging lakas para harapin kung ano man ang naghihintay sa amin dito.
Humugot ako ng mabigat na buntong-hininga bago marahang nagsalita.
"Kailangan lang natin magtiis muna."
Kahit ako mismo hindi kumbinsido sa sinasabi ko.
Tahimik lang si Nadine ngunit ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya.
At naiintindihan ko iyon.
Hindi biro ang pinasok namin.
Kanina lang nasa bench kami natutulog dahil wala kaming mapuntahan, tapos ngayon nasa mamahaling building kami kasama ang mga babaeng mukhang sanay na sanay sa ganitong trabaho.
Pakiramdam ko tuloy sobrang liit namin.
Parang hindi kami nababagay rito.
Naalala ko bigla ang mga babaeng nakita namin kanina sa lobby.
Mababango.
Magaganda.
Perpekto ang makeup.
Habang kami ni Nadine mukhang mga pagod na ligaw na tao lang na napadpad doon dahil sa flyer.
Ni wala nga kaming maayos na damit.
Wala ring makeup.
At siguradong amoy init, usok, at pagod kami buong araw.
Napapikit ako habang pilit pinapakalma ang sarili ko.
Siguro naman hindi kami sasaktan dito.
Siguro entertainer lang talaga.
Siguro sumasayaw o nakikipag-usap lang sa clients.
Pero bakit parang walang gustong magsabi nang diretso?
Bakit parang lahat sila may tinatagong bagay?
Mas lalo kong naalala ang babaeng nakausap namin kanina.
Kapag nagustuhan ka ng client pwede kang i-request buong gabi.
Paulit-ulit iyong tumatakbo sa isip ko. Anong ibig sabihin no'n? At bakit parang alam ko na ang sagot pero ayokong tanggapin? Napabuntong-hininga ako saka tumagilid sa higaan. Pagod na pagod na ako. Pagod na katawan. Pagod na isip.
Pagod na rin akong mabuhay nang walang kasiguraduhan.Minsan naiisip ko kailan ba nagsimulang maging ganito kahirap ang lahat? Dati nangangarap lang naman ako ng simpleng buhay. Trabaho. Maayos na sweldo. Maliit na apartment. Tahimik na araw-araw. Pero ngayon pakiramdam ko inaanod na lang ako ng buhay kung saan nito gustong dalhin.
At ang pinakamasakit?
Wala akong magawa kundi sumabay.
Tahimik akong napatawa ngunit walang saya roon.
Ang ironic lang.
Noong bata ako akala ko kapag nasa siyudad ka maraming oportunidad. Maraming chance para umasenso. Hindi ko alam na mas madali ka rin palang lamunin nito kapag wala kang pera at walang kakapitan.
"Elowen..."
Mahina na naman akong tinawag ni Nadine.
"Hm?"
"Hindi mo ako iiwan dito 'di ba?" Parang may kumurot agad sa dibdib ko. Mabilis akong napatingin sa taas kahit hindi ko siya kita mula sa puwesto ko.
"Siyempre hindi," agad kong sagot. At iyon lang ang bagay na sigurado ako. Anuman ang mangyari rito, hindi ko hahayaang mapabayaan si Nadine. Kahit gaano pa kahirap. Kahit gaano pa kagulo. Kahit pakiramdam ko unti-unti na kaming nilalamon ng lugar na ito. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko habang pilit hinihintay dalawin ng antok. Bukas magsisimula ang trabaho namin. At habang unti-unti akong hinihila ng pagod papunta sa tulog, isang bagay lang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko.
Sana tama ang desisyong ginawa namin.
Dahil pakiramdam ko kapag nagkamali kami rito... maaaring hindi na kami makabalik sa dating buhay namin. Kinabukasan, maaga pa lang ay may kumatok na sa pinto namin.
Tatlong beses-sunod-sunod at diretso, parang hindi tumatanggap ng delay.
Nagkatinginan kami ni Nadine mula sa magkaibang bunk bed.
"Gising na kayo," malamig na boses mula sa labas. "Orientation starts in ten minutes."
Hindi na kami nakapagsalita pa.
Agad kaming bumangon.
Mabigat pa rin ang katawan namin dahil sa kulang na tulog at hindi komportableng higaan, pero wala kaming choice. Paglabas namin ng kwarto ay sabay-sabay na kaming dinala sa isang malawak na training room sa dulo ng hallway.
Mas maliwanag doon.
May malalaking salamin sa isang side, at rows ng upuan na nakaayos nang maayos. Isa-isa kaming pinaupo kasama ang iba pang bagong hires.
Habang tinitingnan ko sila, napansin ko agad na karamihan sa kanila ay mas composed. Mukhang sanay na sa ganitong klaseng lugar. May ilan pang tahimik lang na nakatingin sa harap na parang alam na nila ang dapat gawin.
Kami ni Nadine... mukhang bagong salta.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumukas ang pinto sa harap.
Pumasok ang isang babae.
Tahimik ang buong silid.
Matangkad siya, may maayos na postura, at ramdam mo agad na siya ang tipo ng taong sinusunod kahit hindi pa nagsasalita. Naka-all black outfit siya, simple pero halatang mamahalin. Mahigpit ang hawak niya sa clipboard habang dahan-dahang nililibot ang tingin sa amin.
"Good morning," malamig niyang bati.
Walang sumagot.
"Welcome to Velvet Noir."
Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko ulit ang pangalan ng lugar na iyon mula nang pumasok kami.
"From today on," pagpapatuloy niya, "you are under training. Call me Madame Glory."
Napalunok ako.
Madame Glory.
Hindi ko alam kung bakit pero parang lalo akong kinabahan sa pangalan pa lang niya.
"First rule," diretsong sabi niya, "you listen. You don't ask unnecessary questions. You don't argue."
Sandaling katahimikan.
"Second rule. You represent the company at all times. Meaning, your appearance matters."
May naglabasang staff sa gilid ng room na may dalang trays ng damit.
Isa-isa kaming tinawag.
Nang dumating sa amin ni Nadine ang mga damit, sandali akong natigilan.
Silk crop top at shorts.
Simple lang ang design pero halatang para ito sa trabaho-hapit sa katawan, maayos ang tahi, at mukhang bahagi ng uniform.
Hindi ito mukhang malaswa, pero hindi rin ito ordinaryong damit na isusuot mo lang sa labas.
Napatingin ako kay Nadine.
"Suotin n'yo na," utos ng staff.
Tahimik kaming tumango.
Sa dressing area, mabilis kaming nagbihis.
Habang isinusuot ko ang silk crop top, ramdam ko ang lamig ng tela sa balat ko. Ang shorts ay sakto lang ang fit-hindi sobra, hindi rin kulang. Maayos tingnan, pero hindi pa rin ako sanay.
Paglabas namin, isa-isa kaming pinatingin sa salamin.
Hindi ko kilala ang nakikita ko.
Parang mas maayos tingnan kaysa sa dati naming suot, pero parang mas exposed din ako sa atensyon ng iba.
"Straight posture," malamig na sabi ni Madame Glory habang naglalakad sa harap namin.
Pinagmamasdan niya kami isa-isa.
"Eyes forward. Confidence."
Huminto siya sa tapat namin ni Nadine.
Sandali kaming tinitigan.
Ramdam ko agad ang bigat ng tingin niya.
"You two," sabi niya. "You look... inexperienced."
Napayuko si Nadine, pero agad ko siyang hinawakan nang mahina sa braso para pakalmahin.
"Good," dagdag niya.
Napakunot ako.
"Good po?" hindi ko napigilang tanong.
Tumaas ang isang kilay niya.
"Because we can shape you."
Parang biglang lumamig ang buong silid.
Hindi ako makasagot.
"Starting today," sabi niya habang naglakad pabalik sa gitna, "you will learn how to speak, how to move, and how to handle clients."
Sandaling huminto siya.
"Because here, being an entertainer is not just about appearance."
Tiningnan niya kaming lahat isa-isa.
"It's about control."
Napahigpit ang hawak ko sa damit ko. Hindi ko alam kung bakit pero habang nakikinig ako, lalo akong kinakabahan. At sa unang pagkakataon mula nang pumasok kami sa building na iyon... naiintindihan ko na may mas malalim pa pala ito kaysa sa inaakala namin.
ELOWENIsang buwan na ang lumipas mula noong unang beses kong pumasok sa Velvet Noir.Hindi ko alam kung paano eksaktong dumaan ang mga araw, basta ang alam ko lang ay naging routine na ang lahat-pila, briefing, clients, report, at tahimik na pagbabalik sa accommodation tuwing gabi.Mas sanay na ako ngayon.Konti lang.Hindi pa rin nawawala ang kaba, pero hindi na siya kasing tindi noong una.Mas naiintindihan ko na rin ang English. Hindi pa perfect, pero hindi na ako parang nalulunod sa bawat salita. Si Nadine ganun din, pareho kaming may improvement.At higit sa lahat, may bago na kaming mundo sa loob ng maliit naming kwarto.Cellphone.Nakabili kami pagkatapos ng ilang sessions.Simple lang, hindi mamahalin, pero para sa amin parang malaking bagay na iyon. May Facebook na kami, may access sa labas, at sa unang pagkakataon mula nang pumasok kami rito, nakakapag-message kami sa pamilya."Okay ka lang?" message ng nanay ko."Opo," sagot ko kahit hindi ko masabi lahat.May mga gabi na
ELOWENTahimik muna kami pagkatapos ng tanong niya."Do you actually want to be there... at Velvet Noir?"Hindi ako agad nakasagot.Hindi dahil hindi ko alam ang English niya, kundi dahil kahit sa isip ko, magulo pa rin ang sagot.Kaya imbes na magsalita, umiwas ako ng tingin.Sandaling katahimikan.Si Dominique naman ay hindi nagpumilit. Umupo lang siya ulit sa couch, bahagyang sumandal, parang tinatantya kung hanggang saan lang ako komportable."Forget it," sabi niya kalaunan, mas mabagal na ang English niya ngayon. "You don't have to answer."Tumango lang ako, mahina.At para ma-divert ang kaba ko, napatingin ako sa paligid.Mas malinaw ko nang nakikita ngayon ang gulo sa condo.May mga basag na bote sa sahig, may mga damit na nakasampay lang kung saan, may mga lata at papel sa mesa. Parang hindi naman ito normal na tirahan ng isang taong tulad niya.Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napatayo.Napatingin siya sa akin."Where are you going?" tanong niya."Linisin ko lang po,
ELOWENPagkapasok ko sa VIP briefing room, agad bumungad sa akin si Madame Glory.Mas malamig pa rin ang presensya niya kaysa sa buong hallway."Sit," maikli niyang utos.Umupo ako sa harap ng isang glass table habang ang ID ko-EL REYES-ay tila mas mabigat tingnan sa ilalim ng ilaw.Sandaling katahimikan.Tapos binuksan niya ang folder sa harap niya."Your first assignment," sabi niya.Parang huminto ang paghinga ko.Hindi ko alam kung bakit pero kahit inaasahan ko na iyon, parang mas lalo pa rin akong kinabahan kapag narinig ko na."Client profile: Dominique Hudson."Napakurap ako."Hudson?" ulit ko, hindi ko alam kung bakit ko kinailangan ulitin.Tumango siya."Thirty-two. Business investor. Half-American. Frequent VIP guest."Ipinakita niya sa akin ang tablet.At doon ko siya nakita.Matangkad.Malawak ang balikat.Matalim ang jawline, parang modelo sa magazine pero mas "real"-yung tipo ng itsura na alam mong sanay sa mga lugar na hindi mo kayang pasukin basta-basta.6'4 ang taas,
ELOWENNapahigpit ang hawak ko sa sarili kong kamay habang nakatayo sa harap ng VIP escort.Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit ganito kabilis ang lahat. Kanina lang, nasa training room kami ni Nadine na pareho lang namang nangangapa kung anong klaseng lugar ang Velvet Noir. Ngayon, hinihila na ako palayo, papunta sa mas mataas na palapag na parang hindi na para sa mga tulad ko."Name," ulit ng staff na nag-aabot ng laminated card.Dahan-dahan ko iyong kinuha.Pagtingin ko pa lang, parang may bumigat agad sa dibdib ko.EL REYES"Stage name assigned. VIP classification," malamig niyang sabi.VIP.Iyon na naman ang salitang paulit-ulit na tumatama sa utak ko mula kanina.Mas mataas. Mas pribado. Mas restricted.Mas hindi ko naiintindihan.Isinabit ko ang ID card sa lanyard na ibinigay nila sa akin. Sa bawat galaw ko, pakiramdam ko may ibang taong unti-unting ipinipilit sa akin. Hindi Elowen ang nakasulat. Hindi na rin Sullivan na tunay kong apelyido.El Reyes.Parang bagong
ELOWENTahimik ang buong training room. Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko habang nakatayo kami ni Nadine sa gitna ng line-up, suot ang silk crop top at shorts na kaparehong ipinasuot sa lahat. Nakatitig lang si Madame Glory sa amin. Hindi siya nagmamadali magsalita, parang sinasadya niyang pahabain ang kaba sa loob ng silid. Pagkatapos ng ilang segundo, bahagya siyang ngumiti."Before we start training..." malamig niyang sabi, "you should understand what this job really is." Sandaling katahimikan. Mas lalong humigpit ang dibdib ko."Entertainer here is not what you think it is." Nagtinginan ang ilang babae sa paligid. May iba na biglang nawala ang kumpiyansa sa mukha. Humakbang si Madame Glory palapit sa gitna."Your job is not just to talk, not just to smile, and not just to accompany clients." Mas humigpit ang hawak ko sa kamay ni Nadine."And no... it is not only dancing either." Huminto siya. Tumingin siya isa-isa sa amin.Then she said it."Some clients don't come here for
ELOWENHalos alas-diyes na ng gabi nang matapos ang proseso ng applications. Pagod na pagod na ako sa kakahintay at kakaisip kung tama pa bang manatili kami roon ni Nadine. Ilang beses ko nang gustong umatras ngunit sa tuwing maaalala ko ang malamig na bench na tinulugan namin kagabi, napipilitan akong manatili.Tahimik kaming nakaupo sa waiting area nang muling lumabas ang babaeng may hawak ng clipboard.Isa-isa niyang tinawag ang mga pangalan ng mga natanggap.Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan.Paano kung hindi kami matanggap?Saan kami pupunta?Paano kami bukas?"Elena Cruz.""Jasmine Velasco.""Rina Torres."Sunod-sunod ang pagtawag niya ng pangalan habang isa-isang tumatayo ang mga babae.Mariin kong pinisil ang sarili kong mga daliri.Hanggang sa-"Elowen Sullivan"Nanlaki agad ang mga mata ko.Halos sabay kaming napatingin ni Nadine sa isa't isa."Nadine Flores."Mabilis na tumayo si Nadine habang hindi makapaniwala."Natanggap tayo..." bulong niya.Hindi ko alam k







