LOGINELOWEN
Tahimik ang buong training room. Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko habang nakatayo kami ni Nadine sa gitna ng line-up, suot ang silk crop top at shorts na kaparehong ipinasuot sa lahat. Nakatitig lang si Madame Glory sa amin. Hindi siya nagmamadali magsalita, parang sinasadya niyang pahabain ang kaba sa loob ng silid. Pagkatapos ng ilang segundo, bahagya siyang ngumiti.
"Before we start training..." malamig niyang sabi, "you should understand what this job really is." Sandaling katahimikan. Mas lalong humigpit ang dibdib ko.
"Entertainer here is not what you think it is." Nagtinginan ang ilang babae sa paligid. May iba na biglang nawala ang kumpiyansa sa mukha. Humakbang si Madame Glory palapit sa gitna.
"Your job is not just to talk, not just to smile, and not just to accompany clients." Mas humigpit ang hawak ko sa kamay ni Nadine.
"And no... it is not only dancing either." Huminto siya. Tumingin siya isa-isa sa amin.
Then she said it.
"Some clients don't come here for company." Parang biglang nanlamig ang buong kwarto.
"Some clients come here to choose."
Napakunot ang noo ko.
"Choose... po?" mahina kong tanong, kahit alam kong mali ang pakiramdam ko sa sagot na iyon.
Ngumiti si Madame Glory-pero walang init.
"Yes," sagot niya. "Choose who stays with them for contracts."
May nagbulungan sa likod.
"Contracts?" ulit ng isang babae, nanginginig ang boses.
Tumango si Madame Glory.
"Extended arrangements. Private bookings. Exclusive companionship agreements."
Mas lalong sumikip ang dibdib ko.
Pero hindi pa doon natapos.
Naglakad siya pabalik, saka humarap muli sa amin na parang binibitawan ang huling piraso ng bala.
"And the truth you need to accept..."
Huminto siya.
"...is that some of you will not just be entertainers."
Tahimik.
Nakakabingi ang katahimikan.
"Some of you will become personal selections."
Napahigpit ang hawak ko sa damit ko.
"Meaning?" halos pabulong na tanong ng isa.
Dahan-dahang ibinaba ni Madame Glory ang tingin niya, saka binitawan ang pinaka nakakapangilabot na linya.
"Meaning... once a client selects you, you don't choose anymore." Parang nawala ang hangin sa buong silid. Hindi ako makagalaw. Hindi rin si Nadine. At sa unang pagkakataon mula nang pumasok kami sa lugar na ito... naiintindihan ko na ang tunay na ibig sabihin ng "entertainer." Hindi pala ito trabaho na pinipili mo. Trabaho pala ito na kapag pumasok ka... may bahagi ng buhay mo na hindi mo na muling maibabalik.
Hindi pa rin kumikilos ang buong training room matapos ang sinabi ni Madame Glory.
Parang lahat kami ay sabay-sabay na natanggalan ng hangin sa dibdib.
Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa harap, tila sanay na sanay sa ganitong reaksyon-yung tahimik na takot na unti-unting bumabalot sa mga bagong pasok.
"Now that I have your attention," malamig niyang sabi, "let me explain further so there are no misunderstandings."
Huminto siya at tinitigan kami isa-isa.
"Your clients are not ordinary men."
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"They are businessmen, investors, politicians..." sandaling huminto siya, "foreign delegates, VIP guests, and individuals with... influence."
Nagbulungan ang mga babae sa paligid.
Hindi ako nakagalaw.
Politicians.
Foreigners.
VIPs.
Parang mas lalo lang lumaki ang bigat ng lugar na ito.
"Everything you will experience here is structured," pagpapatuloy niya. "Velvet Noir is a private, high-end entertainment establishment. We are discreet. We are professional. And most importantly..."
Huminto siya sandali, saka binigyang diin ang huling salita.
"...we are safe."
Napatingin ako kay Nadine.
Safe?
"Sa loob ng Velvet Noir," sabi niya, "you are protected. Clients do not have free access. Everything is scheduled, monitored, and supervised."
Parang gusto kong huminga nang malalim pero hindi ko magawa.
"Every interaction is guided," dagdag niya. "No one is left alone without clearance. There are rules. Boundaries. And staff supervision at all times."
Dahan-dahan akong napalunok.
Pero kahit sinasabi niya iyon, hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko.
"Meaning," sabi ng isang babae sa gilid, "hindi kami basta-basta pwede lang kunin ng client?"
"Correct," sagot agad ni Madame Glory.
Humina ang bulungan.
"Every booking is arranged. Every meeting has approval. You will always be accompanied when required."
Sandaling tumigil siya.
"And most importantly, you are not allowed to engage outside the system."
Napakunot ang noo ko.
"Outside the system?" mahina kong tanong, kahit hindi ko alam kung naririnig niya ako.
Tumingin siya sa direksyon ko.
"Yes," sagot niya. "No private meetings. No unauthorized contact. No secret arrangements."
Mas lalo akong kinabahan.
"Because once you are inside Velvet Noir," pagpapatuloy niya, "your safety depends on following protocol."
Tahimik ang lahat.
"At yes," dagdag niya, "you will be compensated well. Very well. That is why people come here."
Sandaling katahimikan ulit.
"Most of our clients prefer privacy, luxury, and companionship. Some are lonely. Some are powerful. Some are... demanding."
Hindi niya sinabi kung ano ang ibig sabihin ng "demanding," pero ramdam naming lahat ang hindi niya sinasabi.
"Your job," sabi niya, "is to entertain within your assigned role. That includes conversation, presence, hosting, and for some levels..."
Huminto siya ulit.
"...emotional and social companionship."
Nagkatinginan ang mga babae.
Ako rin.
Hindi ko alam kung bakit pero parang mas lalo akong nalito imbes na luminaw.
"May levels po ba?" tanong ng isang babae.
Tumango si Madame Glory.
"Yes. Not all of you will be assigned to the same category."
Naglakad siya muli sa gitna.
"There are entry-level entertainers. Lounge hosts. Private companions. And elite selections."
Mas lalo akong kinabahan sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
"Your performance, adaptability, and client feedback will determine your progression."
Napahigpit ang hawak ko sa kamay ko.
Hindi pala ito simpleng trabaho.
Parang sistema.
Parang... pinipili ka habang nasa loob ka na.
"And one more thing," biglang sabi ni Madame Glory.
Sabay kaming natahimik.
"Foreign clients," dagdag niya, "are strictly monitored. VIP guests undergo background clearance before access is granted. No walk-ins. No random selection."
Tumingin siya sa amin nang mas matalim.
"Which is why I am telling you this now."
Huminto siya.
"You are safe inside Velvet Noir because Velvet Noir controls everything."
Sandaling katahimikan.
"Outside these walls..." dagdag niya, "is far more dangerous."
Napatingin ako kay Nadine.
Pareho kaming tahimik.
Hindi ko alam kung dapat ba akong kumalma o mas lalo akong matakot.
Kasi sa isang banda, sinasabi niyang ligtas kami.
Pero sa kabilang banda...
parang lalo lang lumilinaw na wala kaming ganap na kontrol.
At habang nakatayo kami roon, suot ang silk uniform, sa gitna ng mga taong kasing desperado namin...
isa lang ang malinaw sa isip ko.
Hindi na kami basta aplikante.
Nasa loob na kami ng isang mundo na hindi madaling takasan.
Tahimik pa rin ang buong training room nang matapos magsalita si Madame Glory.
Parang may bigat na dumagan sa bawat isa sa amin-hindi dahil sa ingay, kundi dahil sa mga salitang unti-unting lumilinaw na mas malalim pala ang mundong pinasok namin.
"Good," malamig niyang sabi habang isinara ang clipboard. "Now you understand the structure."
Humakbang siya sa gilid ng pader kung saan may malaking floor map na nakapaskil.
"Velvet Noir is not just a building," pagpapatuloy niya. "It is a system."
Napatingin kaming lahat doon.
Isang napakalaking layout ng gusali ang nakadikit sa dingding-parang hotel pero mas komplikado, mas layered, mas organized.
"Ground floor is reception and lounge. Second floor is standard entertainment rooms. Third floor is premium clients."
Isa-isa niyang tinuturo habang nagsasalita.
"Fourth floor is Elite Section."
Mas lalong bumigat ang katahimikan.
"And the top floor..." huminto siya sandali, "is VIP Level."
Nagtinginan ang mga babae sa paligid.
Napakaliwanag ng pagkakaiba ng bawat level sa chart. Habang pataas nang pataas, mas kumikintab ang kulay, mas nagiging restricted ang access.
"Your assignments will depend on your evaluation today," sabi niya.
Napahigpit ang hawak ko sa damit ko.
"Meaning..." mahinang tanong ng isang babae, "hindi kami magkakasama?"
"Correct," sagot agad ni Madame Glory.
Parang may kumalabog sa dibdib ko.
Sandaling katahimikan.
"Groups will be separated based on category needs. Some of you will be assigned to different floors."
Napatingin ako kay Nadine.
"Hindi pwedeng magkasama?" tanong ko nang hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Tumingin si Madame Glory sa amin.
"No emotional attachments in assignment structure," malamig niyang sagot.
Parang nanlamig ang buong katawan ko.
Hindi ko agad maintindihan pero unti-unting bumigat ang pakiramdam ko.
"Follow your designation. Not your comfort."
Napatingin ako kay Nadine.
At doon ko lang napansin na kanina pa pala siya nakayuko, mahigpit ang hawak sa laylayan ng damit niya.
"Elowen..." mahina niyang tawag.
"Here are your IDs," sabi ng staff habang isa-isa kaming binibigyan ng laminated cards.
Nang makita ko ang akin, natigilan ako.
Elowen Reyes
Hindi Sullivan.
Napatingin ako sa card.
"Bakit... Reyes?" tanong ko, bahagyang naguguluhan.
Isang staff lang ang sumagot, casual na parang wala lang.
"New identity protocol. You use assigned name here."
Parang biglang lumiit ang mundo ko.
Hindi lang pala trabaho ang binago sa amin.
Pati pangalan.
Pati kung sino kami sa loob ng lugar na ito.
"From now on," sabi ni Madame Glory, "you will be referred to only by your assigned identities while inside Velvet Noir."
Huminto siya.
"Because outside this building, you cease to exist as your old self."
Sandaling katahimikan.
Parang walang gustong huminga.
"Now," dagdag niya, "we proceed to floor assignments."
Isa-isa kaming tinawag ng staff.
Habang lumalapit sila, pinapila kami sa dalawang linya.
Naramdaman ko agad ang bigat sa dibdib ko habang hinahanap ng mata ko si Nadine.
Pero bago pa kami makalapit sa isa't isa, lumapit ang isang staff sa amin.
"Name?" tanong niya.
"Elowen Sullivan," sagot ko.
Tumingin siya sa clipboard.
"Assigned to Fourth Floor - VIP section"
Napahigpit ang hininga ko.
Maya-maya ay lumapit si Nadine.
"Nadine Flores," basa niya.
Sandaling tumingin ang staff.
"Second Floor - Standard Entertainment."
Napatingin ako agad sa kanya.
"Hindi tayo magkasama," mahina niyang bulong.
Parang may humigpit sa dibdib ko.
Gusto kong magsalita, gusto kong tumanggi, pero wala akong magawa.
"Move," utos ng staff.
Unti-unti kaming pinaghihiwalay sa pila.
Habang lumalayo si Nadine, napatingin siya sa akin.
Takot.
Kaba.
At hindi niya maitatago.
"Elowen..." tawag niya.
Pero hindi na kami pinayagan lumapit sa isa't isa.
Hanggang sa tuluyan kaming magkalayo ng direksyon-magkaibang hallway, magkaibang elevator, magkaibang palapag.
Habang pataas ako papuntang Third Floor, hindi ko maiwasang mapaisip.
Kung ganito pa lang ang simula... ano pa kaya ang naghihintay sa amin sa loob ng magkaibang mundo ng iisang gusali?
ELOWENNakaupo ako sa kama, nakasandal sa headboard, habang pilit kinakalma ang sarili ko. Ramdam ko pa rin ang bigat sa tiyan ko at ang bahagyang panginginig ng mga kamay ko, pero kahit papaano, hindi na ganoon ka-umiikot ang paningin ko.Pinilit kong huminga nang maayos.Inhale. Exhale.Sa kabilang banda ng unit, naririnig ko ang kaluskos ng mga gamit sa kusina.Si Nadine."Hindi ka pwedeng nakahiga lang dyan buong gabi," sabi niya mula sa kusina, may halong pag-aalala at reklamo. "Magluluto ako kahit simpleng noodles lang. Kailangan mong kumain.""Hindi ako gutom..." mahina kong sagot."Wala akong pakialam," balik niya agad. "Kakain ka."Napangiti ako kahit papaano. Kahit pagod ako, si Nadine talaga, hindi marunong tumanggap ng "hindi" kapag concerned siya.Tahimik na ulit.Pinakinggan ko ang tunog ng tubig sa kettle, ang pagbukas ng cabinet, at ang pagkalansing ng mga utensils. Nakaka-relax kahit papaano. Parang kahit magulo ang gabi namin, may normal pa ring parte sa loob ng mali
ELOWENHindi na nakapagpigil si Nadine.Isang hakbang lang ang lumapit si Martha, pero sapat na iyon para tuluyang maputol ang huling hibla ng pasensya niya."Ulol ka pala," ulit ni Nadine, mas malinaw at mas matalim ngayon.Napatingin ako sa kanya, agad na humawak sa braso niya."Nadine, tama na—" bulong ko, nanginginig pa rin ang boses ko.Pero hindi na siya nakinig.Tumaas ang dibdib niya sa galit habang nakatitig kay Martha. "Ano bang problema mo? Wala kang ibang alam gawin kundi mang-insulto ng tao?"Napangiti si Martha, parang naaliw pa siya."Ako pa ngayon ang may problema?" malamig niyang sagot. "Look at you. Mga taga-backroom lang naman kayo, akala niyo kung sino kayo."Parang may sumabog sa paligid.Humakbang si Nadine pasulong."Ulol ka talaga," mariing sabi niya. "Wala kang karapatang magsalita ng ganyan sa amin."Doon, biglang nagbago ang aura ni Martha.Yung ngiti niya, nawala.Napalitan ng malamig na tingin."Say that again," sabi niya, mabagal.Napasinghap ako."Hindi
ELOWENHindi pa rin humuhupa ang bigat sa dibdib ko habang nakatayo ako sa gitna ng storage room, nakayuko, at pinipilit ayusin ang paghinga ko. Ramdam ko pa rin ang malamig na tingin ni Madame Glory kahit nakatalikod na siya, at ang presensya ni Martha na parang nakaukit sa likod ng ulo ko.Parang bawat salita nila kanina ay nakadikit pa rin sa balat ko."Final warning.""Red Room.""At yung bumulong na hindi na raw ako kailangan dito."Napapikit ako nang mariin.Parang ang dami kong iniindang hindi ko na alam kung alin ang mas masakit—ang katawan ko o ang isip ko."Hey..."Mahinang boses ni Nadine ang pumutol sa lahat ng ingay sa ulo ko.Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko.Nandun siya, nakaluhod pa rin sa tabi ng mga basag na salamin, pero ngayon ay hindi na siya mukhang natatakot. Mas mukhang galit. At mas mukhang... determined."Lumapit ka nga dito," mahinang sabi niya habang inaabot ang kamay niya sa akin.Nag-alinlangan ako.Pero inabot ko rin.Hinila niya ako palapit sa isan
ELOWENBigla na lang bumukas ang pinto ng storage room."Anong ginagawa n'yo pa rin dito?"Parang tumigil ang hangin sa loob ng kwarto nang marinig namin ang boses ni Madame Glory.Mabilis akong napalingon, pati si Nadine agad na tumayo mula sa pagkakaupo. Pero bago pa kami makapagsalita, pumasok na si Madame Glory—kasunod si Martha.Nanigas ako.Si Martha.Nakatayo siya sa likod ni Madame Glory, nakataas ang kilay, may malamig na tingin na parang matagal nang may hindi gusto sa akin. Hindi siya nagsalita agad, pero ramdam ko na ang bigat ng presensya niya."Madame—" simula ni Nadine."Hindi ko kayo tinatanong," putol ni Madame Glory, malamig at matalim.Lumapit siya sa amin, tiningnan ang kalat, ang basag na baso kanina, at ang mga kamay ko na nanginginig pa rin."Akala ko ba sinabi ko nang bumalik ka sa floor?" sabay tingin niya sa akin."Pasensya na po... nahilo po ulit siya," mahinang paliwanag ni Nadine.Napabuntong-hininga si Madame Glory na parang naiinis na."Lahat ng empleyad
ELOWENHindi pa ako tuluyang nakakapagpigil ng pag-iyak nang marinig ko ang matitigas na yapak mula sa hallway.Kahit hindi ko pa siya nakikita, alam ko na agad kung sino iyon."Anong nangyayari dito?"Parang biglang tumigil ang hangin sa loob ng storage room nang pumasok si Madame Glory. Nakatayo siya sa may pintuan, naka-cross ang braso, malamig ang tingin na dumapo sa aming dalawa ni Nadine.Mabilis akong pinunasan ni Nadine ng tissue ang pisngi ko pero huli na—namamaga na ang mga mata ko at halatang galing ako sa pag-iyak."Madame—" simula ni Nadine, pero pinutol siya agad."Hindi kita kinakausap."Isang hakbang pasulong si Madame Glory. Tumingin siya sa sahig kung saan may basag na baso, pagkatapos ay sa akin."Anong klaseng eksena 'to sa gitna ng shift?" malamig niyang tanong.Nanatili akong nakaupo sa sahig, hindi makagalaw. Parang nanliliit ako sa ilalim ng tingin niya."Pasensya na po..." mahina kong sabi.Tumaas ang kilay niya. "Pasensya?"Tumawa siya ng maikli, walang saya.
ELOWENHalos isang buwan na ako sa Private Lounge at masasabi kong mas madali nga ang trabaho roon kumpara sa dati. Hindi na ako gaanong pagod at mas tahimik ang trabaho rito. Kadalasan ay pag-aayos lang ng mga mamahaling alak, pagdadala ng drinks sa VIP rooms, at pag-aasikaso sa piling customers na kayang magbayad ng napakalaking halaga para lang sa privacy.Tahimik akong nagpupunas ng wine glass nang biglang nanlabo ang paningin ko.Napakapit ako agad sa lamesa."Shit..." mahina kong bulong habang pinipilit na hindi mawalan ng balanse.Parang umiikot ang buong paligid. Nanlamig pa bigla ang kamay ko kaya napapikit ako sandali at huminga nang malalim."Hoy!"Napamulat ako nang marinig ko si Nadine.Mabilis itong lumapit sa akin at agad akong inalalayan sa braso. "Okay ka lang?""O-oo..." pilit kong sagot kahit halatang hindi.Hindi na ito ang unang beses.Halos isang linggo na akong nakakaramdam ng kakaiba. Madalas akong hilo. Mabilis akong mapagod kahit hindi naman mabigat ang traba
ELOWENPagkapasok ko sa VIP briefing room, agad bumungad sa akin si Madame Glory.Mas malamig pa rin ang presensya niya kaysa sa buong hallway."Sit," maikli niyang utos.Umupo ako sa harap ng isang glass table habang ang ID ko-EL REYES-ay tila mas mabigat tingnan sa ilalim ng ilaw.Sandaling katah
ELOWENNapahigpit ang hawak ko sa sarili kong kamay habang nakatayo sa harap ng VIP escort.Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit ganito kabilis ang lahat. Kanina lang, nasa training room kami ni Nadine na pareho lang namang nangangapa kung anong klaseng lugar ang Velvet Noir. Ngayon, hi
ELOWENHalos alas-diyes na ng gabi nang matapos ang proseso ng applications. Pagod na pagod na ako sa kakahintay at kakaisip kung tama pa bang manatili kami roon ni Nadine. Ilang beses ko nang gustong umatras ngunit sa tuwing maaalala ko ang malamig na bench na tinulugan namin kagabi, napipilitan a
ELOWENMas lalong lumamig ang hangin nang tuluyan nang dumilim ang paligid. Tahimik kaming nakaupo ni Nadine sa isang lumang bench malapit sa waiting shed habang pinagmamasdan ang siyudad na unti-unting nabubuhay pagsapit ng gabi.Nakakatawa lang isipin.Habang ang ibang tao ay pauwi na sa kani-kan







