HUMINTO sa harap ng isang korean restaurant ang kotseng minamaneho ni Russel. Sumilip muna siya sa labas bago tuluyang umibis ng sasakyan at saka luminga sa paligid.
Sinisigurado niya na walang nakasunod sa kanila. Simula nang pumasok sa buhay nila si Rinhu Tianok, naging paranoid na siya. Pakiramdam niya, kahit saan siya magpunta, may nakasunod sa kaniya.
Naramdaman niya ang pagpulupot ng kamay ni Russel sa baywang niya. Nilingon niya ito at bahagyang nginitian.
"Bakit hindi mo ako hinintay?" tanong nito habang naglalakad sila papasok sa loob.
Hindi na siya sumagot pa nang makapasok sila at makitang kaunti lang ang tao sa loob. Katamtaman lang ang laki ng Unni restaurant na iyon, subalit may malaking distansiya ang mga mesa sa loob.
Ganoong klaseng kainan ang gusto niya. Para kahit maraming tao, hindi crowded ang paligid at hindi rin mainit.
Tumungo sila sa dulong kaliwa at naupo sa mesang malapit sa countertop.
"Gusto mo bang mag-be
MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin
NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy
MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa
MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P
MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal
HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis