LOGINSAMANTHA POV
Napatitig ako sa puting papel na itinulak ni Zach sa tapat ko. Maayos ang pagkaka-print nito, may bullet points, at mukhang ginawa talaga niya bago siya natulog kagabi o baka madaling-araw na. Masyadong mabilis at plantsado ang mga galaw ng bilyonaryong 'to.
Dahan-dahan kong kinuha ang papel. Binasa ko ang mga nakasulat habang pinapakiramdaman ko ang bawat hininga niya mula sa kabilang panig ng lamesa.
HOUSE RULES & NON-DISCLOSURE AGREEMENT (ADDENDUM)
1. Strict confidentiality. Walang ibang tao sa mansyon ang pwedeng makaalam ng totoong pagkatao mo, kabilang si Manang Elena at ang mga bodyguard.
2. No special treatment. Mananatili ang sahod at schedule mo bilang stay-in maid.
3. Zero contact sa labas. Bawal gumamit ng lumang cellphone o mag-log in sa mga personal na social media accounts. All internet usage under this roof is monitored.
4. Performance standards. Ang anumang palpak na trabaho o hindi pagsunod sa utos ay may kaukulang bawas sa proteksyong ibinibigay ng pamamahay na 'to.
Napakagat-labi ako sa pang-apat na rule. Talagang ginamit niya pa ang posisyon ko para siguraduhing magiging perpekto akong katulong. Akala mo naman kung sinong santo, protector pala ang peg pero business deal pa rin ang tingin sa akin. Pero sige, kailangan kong lumunok ng pako para sa kaligtasan ko.
"May reklamo ka?" tanong ni Zach habang nagbabasa ng email sa laptop niya, hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
"Wala po, Sir," sagot ko, mariin ang bawat salita para iparamdam sa kanya na hindi ako natutuwa pero wala akong magagawa. "Ano yung sinasabi mong unang trabaho ko para mamayang gabi?"
Inilapag niya ang hawak niyang ballpen at sumandal sa kanyang upuan. Sa pagkakataong ito, tumingin siya sa akin. "May gaganaping private dinner dito sa mansyon mamayang alas-siyete ng gabi. Isang mahalagang investor mula sa Singapore ang darating kasama ang pamilya niya. Ayaw ko ng catering dahil masyadong impersonal. Gusto kong ikaw ang magluto ng tatlong kurso para sa kanila."
Napakurap-kurap ako. "Ako? Pero baka magkamali ako tulad noong una—"
"Gaya ng sabi ko, ang bawat pagkakamali ay may bawas sa proteksyon mo," pagbanta niya nang walang kaano-anong emosyon sa mukha. "Alam kong sanay ka sa mga ganyang high-end na hapunan dahil lumaki ka sa karangyaan. Huwag mong sabihing hindi mo kayang gayahin ang mga pagkaing madalas mong orderin sa mga mamahaling restaurant?"
Nainsulto ako sa tono niya, pero doon din nagising ang pride ko bilang isang Villamonte. Akala ba niya ay porket lumaki akong mayaman ay wala na akong silbi? Mapapatunayan ko sa kanya na nagkakamali siya.
"Kakayanin ko, Sir. Anong klaseng putahe ba ang gusto ng investor mo?" tanong ko, matigas ang boses at diretsong nakatitig sa kanya.
Isang tipid na ngiti ang sumilay sa sulok ng labi ni Zach, tila nagustuhan ang biglang paglabas ng palaban kong aura. "Gusto niya ng Western-Asian fusion. Isulat mo ang mga kailangan mong sangkap at ibigay mo kay Manang Elena bago mag-tanghali para maipabili niya sa driver. Pwede ka nang umalis."
Tumalikod ako nang padabog at lumabas ng study room. Pagkasara ko ng pinto, napasabunot na lang ako sa sarili ko sa inis. Western-Asian fusion? Sobrang arte naman ng investor na 'to, pareho sila ng bilyonaryong amo ko. Pero kailangan kong mag-focus. Kung palpak ang hapunan mamaya, may dahilan na naman si Zach para ipitin ako sa kontrata namin.
Buong maghapon akong walang tigil sa kusina. Pagkatapos kong ibigay ang listahan ng mga mamahaling ingredients kay Manang Elena—mga truffle oil, sea bass, at ribeye steak—ay nagsimula na akong mag-prep. Nilinis ko ang bawat sulok ng kusina, hinasa ang mga kutsilyo, at siniguradong walang kahit isang dumi ang makikita sa paligid.
"Aba, Sam, mukhang seryosong-seryoso ka riyan, ah?" puna ni Manang Elena habang pinapanood akong maingat na nagtatadtad ng mga halamang-gamot. "Mabuti naman at nagustuhan ni Sir Zach ang luto mo kagabi kaya ikaw ang pinagkatiwalaan niya ngayon."
Ngumiti lang ako sa likod ng face mask ko. Kung alam mo lang, Manang, blackmailed ang drama ko rito. "Kailangan po, Manang. Gusto ko lang po talagang magtagal sa trabahong 'to."
Nang sumapit ang alas-sais ng gabi, tapos ko na ang mga advanced preparation. Para sa appetizer, gagawa ako ng Lemongrass Shrimp Skewers na may Mango-Cilantro Salsa. Para sa main course, Miso-Glazed Sea Bass na may kasamang Asparagus. At para sa dessert, isang simpleng Matcha Crème Brûlée. Simple pero eleganteng tingnan at lasain.
Narinig ko ang busina ng mga sasakyan sa labas ng mansyon, hudyat na dumating na ang mga bisita. Sumilip ako nang kaunti mula sa pinto ng kusina at nakita ko si Zach na pormal na pormal sa kanyang grey tattersall suit habang may kausap na isang may-edad nang banyaga at ang asawa nito.
Pero laking gulat ko nang may sumunod na pumasok sa likod nila.
Muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong sandok. Si Cheska.
Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito? Akala ko ba pinalayas siya ni Zach kahapon? Bigla kong naalala na ang pamilya Aragon—ang pamilya ni Cheska—ay isa rin sa mga malalaking business partner ng mga Montemayor. Malamang ay isinama siya ng tatay niya para makipag-socialize sa investor.
Umakyat na naman ang matinding kaba sa dibdib ko. Doble ang ingat na kailangan kong gawin ngayon. Hindi lang ang panlasa ni Zach ang kalaban ko, kundi pati ang matatalas na mata ni Cheska na siguradong naghahanap ng pagkakataon para gantihan ako sa nangyari kahapon.
Nagsimula na ang hapunan. Maingat kong inayos ang mga appetizer sa malalaking puting plato. Si Manang Elena ang nag-serve sa dining room habang ako naman ay naiwan sa kusina para tutukan ang pagluluto ng sea bass para sa main course. Naging maayos ang unang parte ng gabi, dahil narinig ko ang papuri ng investor mula sa dining room na umabot hanggang sa kusina. Napangiti ako nang lihim—at least, ligtas ang appetizer ko.
Pero hindi pa natatapos ang gabi nang walang sumisira.
Habang inaayos ko ang sarsa para sa main course, biglang bumukas ang pinto ng kusina. Pumasok si Cheska na may bitbit na baso ng wine. Mukhang uminom na siya nang kaunti dahil medyo mapula ang mga pisngi niya, pero ang mataray na ngiti sa labi niya ay hindi nawala.
"Well, well. Sabi ko na nga ba, ikaw pa rin ang nasa kusina," maarteng pambungad niya habang dahan-dahang lumalapit sa pwesto ko. "Nakahatsamba ka lang kahapon, Sam. Huwag mong isipin na porket ipinagtanggol ka ni Jace ay espesyal ka na. Utusan ka lang dito."
Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng pagkain, hindi siya pinapansin. Inayos ko ang salamin ko at hinila paitaas ang aking face mask. "May kailangan po ba kayo, Ma'am Cheska? Nagmamadali po ako para sa main course."
"Huwag mo akong masagot-sagot nang ganyan!" Inis niyang ibinaba ang baso ng wine sa counter, dahilan para tumalsik ang kaunting pulang likido malapit sa mga plato ng sea bass. Tinitigan niya ako nang mariin, bago biglang ngumiti nang nakakaloko. "Gusto ko lang siguraduhin na hindi mo gagamitin ang marumi mong kamay para akitin si Jace. Masyadong mabait si Jace para sa mga katulad mo."
Bago pa ako makasagot, mabilis na iniangat ni Cheska ang kamay niya at marahas na hinila ang suot kong face mask pababa sa leeg ko.
Sa lakas ng hatak niya, natanggal din ang suot kong salamin at bumagsak ito sa sahig, lumikha ng malakas na tunog ng nabasag na salamin.
Napatigil si Cheska. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa buong mukha ko na ngayon ay malinaw na malinaw niyang nakikita sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng kusina. Tumingin siya sa mga mata ko, sa hubog ng mukha ko, at unt-unting nawala ang kulay sa kanyang mga pisngi.
"S-Samantha... Villamonte?" nauutal niyang bulong, habang dahan-dahang umaatras mula sa akin.
Sa sandaling iyon, bumukas muli ang pinto ng kusina at pumasok si Zach, mukhang susuriin sana kung bakit natatagalan ang main course. Huminto siya nang makita ang basag na salamin sa sahig, si Cheska na nakaturo sa akin habang nanginginig, at ako na nakatayo nang tuwid habang nakalantad ang totoong mukha.
Tumingin si Zach sa akin, pagkatapos ay kay Cheska, at tuluyang sumeryoso ang kanyang anyo habang isinasara ang pinto sa likod niya.
SAMANTHA POVNapatitig ako sa hawak kong mamahaling smartphone. Ramdam ko ang lamig ng titanium body nito sa palad ko. Grabe, si Zach talaga... kapag nagbigay ng gamit, walang tipid-tipid. Pero alam kong hindi ito regalo. Isa itong tool para sa transaksyon namin."Salamat," mahina kong sabi habang dahan-dahang hinahaplos ang box. "Sino naman ang una kong tatawagan sa kumpanya? Halos lahat ng board members doon, sunud-sunuran na kay Tiyo Alfonso simula nang mawala sina Papa."Humarap sa akin si Zach, sumandal nang bahagya sa hamba ng pinto ng maliit kong kwarto. Kahit medyo madilim ang corridor, kitang-kita ko pa rin ang talas ng mga mata niya. "May isa kang mapagkakatiwalaang tao na hindi pa nabibili ng tiyuhin mo. Si Atty. Serrano. Siya ang may-hawak ng huling habilin at mga personal na dokumento ng mga magulang mo bago sila namatay."Napatigil ako. Si Atty. Serrano. Tama siya. Paano ko ba naman nalimutan ang matandang abogado na pinalaki na rin ako? Noong nagmamadali akong tumakas m
SAMANTHA POVPara akong nabuhusan ng malamig na tubig habang nakatitig sa akin si Cheska. Ang kaninang maarte at mapagmataas niyang mukha ay napalitan ng purong gulat at takot. Ang mga daliri niya na humila sa mask ko ay dahan-dahang bumaba, nanginginig habang nakaturo sa akin.Hindi ko alam kung ano ang unang pupulutin ko—ang basag kong salamin sa sahig o ang natitira kong pride."S-Samantha Villamonte..." nauutal na ulit ni Cheska, halos pabulong na lang ang boses pero sapat na para dyanig sa buong kusina. "Ikaw... Ikaw ang missing heiress? Pero bakit... bakit ka nagpapakasasa sa dumi dito?"Napakagat-labi ako. Humarap ako sa kanya nang tuwid, hindi na nag-abalang pulutin ang mask ko. Kung alam na rin lang niya, wala nang point na magtago pa ako o magpanggap na takot. Pero bago pa ako makapagsalita, naramdaman ko ang mabibigat na hakbang ni Zach papalapit sa amin. Isinara niya ang pinto ng kusina, tuluyang kinandado ang ingay sa labas kung saan nandoon ang mga importanteng bisita mu
SAMANTHA POVNapatitig ako sa puting papel na itinulak ni Zach sa tapat ko. Maayos ang pagkaka-print nito, may bullet points, at mukhang ginawa talaga niya bago siya natulog kagabi o baka madaling-araw na. Masyadong mabilis at plantsado ang mga galaw ng bilyonaryong 'to.Dahan-dahan kong kinuha ang papel. Binasa ko ang mga nakasulat habang pinapakiramdaman ko ang bawat hininga niya mula sa kabilang panig ng lamesa. HOUSE RULES & NON-DISCLOSURE AGREEMENT (ADDENDUM) 1. Strict confidentiality. Walang ibang tao sa mansyon ang pwedeng makaalam ng totoong pagkatao mo, kabilang si Manang Elena at ang mga bodyguard. 2. No special treatment. Mananatili ang sahod at schedule mo bilang stay-in maid. 3. Zero contact sa labas. Bawal gumamit ng lumang cellphone o mag-log in sa mga personal na social media accounts. All internet usage under this roof is monitored. 4. Performance standards. Ang anumang palpak na trabaho o hindi pagsunod sa utos ay may kaukulang bawas sa proteksyong ibinib
SAMANTHA POVParang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ang lamig ng mga daliri ni Zach sa baba ko ay sapat na para magtaasan ang balahibo ko sa braso. Nakatitig lang ako sa kanya, hindi makahuma, habang ang anunsyo sa TV sa likod niya ay patuloy na nagpa-flash ng litrato ko.Huli na. Wala nang kawala. Kitang-kita sa mga mata niya ang kasiguraduhan. Alam kong matalino si Zach, pero hindi ko akalaing sa loob lang ng isang araw ay guguho ang buong pagpapanggap ko. Anong gagawin ko? Kung isusumbong niya ako kay Tiyo Alfonso, ibabalik ako sa mansyon at mapipilitang magpakasal sa matandang investor na 'yon. Pwede ring gamitin niya ako bilang alas laban sa kumpanya namin. Karibal ng mga Montemayor ang mga Villamonte sa halos lahat ng malalaking bidding sa bansa.Dahan-dahan kong itinabig ang kamay niya at umatras ng isang hakbang, pilit na pinapanatili ang natitirang pride sa katawan ko. Inayos ko ang tayo ko at diretsong tumitig sa kanya, kahit na nanginginig ang mga tuhod ko."Ano'ng plano
SAMANTHA POV"Diyos ko, salamat naman at umalis na si Ma’am Cheska," bulong ni Manang Elena habang pinupunasan ang noo niya. "Hija, bilisan mo na riyan at iakyat mo na ang pagkain ni Sir Zach sa study room niya. Doon daw siya maghahapunan dahil may tinatapos na namang report.""Sige po, Manang," sagot ko habang maingat na inilalagay ang seared salmon at salad sa isang malaking tray.Habang paakyat ako sa grand staircase bitbit ang tray, hindi ko mapigilang mapaisip. Bakit ako ipinagtanggol ni Zach kay Cheska kanina? Sa hitsura at reputasyon niya, akala ko hahayaan niya lang akong tapakan ng kung sino. Siguro sadyang ayaw niya lang talaga ng may nangingialam sa pamamalakad niya sa bahay.Hinalikan ko ang pride ko nang makarating ako sa tapat ng dambuhalang pintuan ng study room niya. Kumatok ako ng tatlong beses gamit ang dulo ng siko ko dahil puno ang mga kamay ko."Come in," narinig kong sabi ng malalim niyang boses mula sa loob.Gamit ang balikat ko, dahan-dahan kong itinulak ang pi
SAMANTHA POVNakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay tumalikod na si Zach at lumabas ng dining room. Parang biglang bumalik ang hangin sa baga ko. Grabe, ganoon pala ang pakiramdam kapag bilyonaryo ang nagagalit—para kang unti-unting pinapatay sa titig.Sino ba ang lalaking 'yon para tratuhin ako nang ganyan? Kung nasa normal na sitwasyon lang ako, malamang ay na-firing squad na siya ng mga abogado ng pamilya ko. Pero wala ako sa posisyon para mag-inarte. Katulong ako rito. Si Samantha Villamonte na dating nagmamay-ari ng walk-in closet na kasinglaki ng isang condo unit ay kailangan nang mag-adjust sa reyalidad.Mabilis kong nilinis ang lamesa. Dinala ko ang mga plato sa kusina at doon ko ibinuhos ang lahat ng inis ko sa paghuhugas. Kinuskos ko ang kawali nang napakadiin, na para bang ang mukha ni Zach ang nililinis ko. Napatingin ako sa mga kamay ko—namumula na ang mga palad ko at medyo humahapdi na ang mga gasgas na nakuha ko kagabi habang tumatakas kay Tiyo Alfonso."Hija, pase
SAMANTHA POV"Siguraduhin mong walang makakalabas ng mansyon na 'to nang hindi ko alam! Hanapin niyo ang babaeng 'yun!"Boses 'yon ni Tiyo Alfonso. Rumaragasa ang galit sa boses niya, umaalingawngaw sa malaking hallway ng mansyon ng mga Villamonte.Nakatago ako sa likod ng makakapal na kurtina sa i







