Share

kabanata 2

Auteur: Bluemoon22
last update Dernière mise à jour: 2025-10-28 14:17:31

KABANATA 2 — Ang Tunog ng Pagguho

POV – Arielle

Kinabukasan, maaga akong nagising kahit halos walang tulog. Paulit-ulit pa ring pumapasok sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Lucian kagabi—ang paghingi ko sa kanya ng divorce.

Habang inaayos ko ang sarili sa harap ng salamin, hindi ko maiwasang maawa sa repleksyong nakikita ko roon. Namumugto ang mga mata, nanlalalim na mga pisngi na tila ba unti-unti akong kinakain ng sakit na pilit kong itinatago. Ilang araw na rin akong walang maayos na kain at tulog. Minsan, bigla na lang akong nahihilo at nanghihina. Sa bawat tingin ko sa sarili ko, parang mas lalo kong nakikita kung gaano ako nangayayat, parang may unti-unting kumikitil sa buhay ko na ayaw kong tanggapin. Napahilamos na lang ako sa mukha at marahang napabuntong-hininga.

“Kailangan kong bumangon... kailangan kong magpanggap na ayos lang ako,” mahina kong bulong sa sarili.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan, pinapasan ang bigat ng sariling katawan at emosyon. Bawat hakbang ay parang pinupunit ang natitira kong lakas. Plano kong magluto ng agahan, isang bagay na ilang buwan ko nang hindi ginagawa. Madalas kasi, umiiwas sa akin si Lucian, at ako na rin ang nasanay sa katahimikan ng bahay na minsan naming pinangarap. Pero ngayong umaga, gusto kong maramdaman kahit sandali na asawa pa rin ako, na may saysay pa rin ang presensiya ko rito at kahit sandali, magmukhang normal ulit ang lahat.

Habang naglalakad ako pababa ng hagdan, napansin kong bahagyang bukas ang pinto ng silid sa dulo ng pasilyo—ang silid ng aking asawa.

Hindi ko alam kung bakit ako napahinto. May kung anong puwersang nagtulak sa akin para lumapit. Tahimik akong naglakad papunta roon, bawat hakbang ay tila kasabay sa pagkabog ng dibdib ko. At sa pagdungaw ko sa siwang ng pinto, halos mapaatras ako.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Oo, hindi na bago sa akin ang balitang nagdadala siya ng babae rito sa bahay. Pero iba pala kapag mismong mga mata mo na ang saksi. Nasa ibabaw ng babaeng madalas niyang kasama sa mga event ng kompanya at sa bawat ungol nito, ramdam kong may bahagi ng pagkatao kong unti-unting nagigiba.

“Hmn... shit, sige pa, Lucian...” mariing ungol ng babae habang kumikilos sa ilalim nito.

Nanginig ang mga kamay ko. Ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng babae ay tila naging mga kutsilyong paulit-ulit na tumatarak sa dibdib ko. Si Lucian, ang lalaking pinakasalan ko, na hindi man lang ako magawang yakapin nang buong puso—ay abala sa pagpapaligaya ng iba.

Parang huminto ang mundo ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumigaw, magwala, o tumakbo. Parang awtomatikong kumilos ang katawan ko at lumakad palayo sa silid, bitbit ang bigat ng pagkawasak ng puso ko. Hindi ko na namalayan na nasa hardin na pala ako. Ang tanging lugar sa bahay na ito kung saan kaya ko pang huminga nang maluwag.

Binalot ng malamig na hangin ang mukha ko, kasabay ng amoy ng mga bulaklak na siya ko sanang kinagigiliwan noon. Ang harding ito ang naging saksi sa mga panahong malungkot ako, naging sandigan ko ito. Ngayon, kahit gaano kaganda ang mga bulaklak, parang wala na silang kulay. Wala na silang amoy. Kahit gaano ko pilitin, hindi na kayang ibsan ng simoy ng hangin ang sakit na nararamdaman ko.

Dito ko lang naririnig ang tunay na tunog ng pagguho—hindi lang ng pagmamahal, kundi ng buong pagkatao ko.

Habang naghahanda ako ng pagkain sa kusina ay narinig ko ang mga yabag, kahit hindi ako tumingin alam kong si Lucian ito. Pagharap ko sa kanya, wala man lang emosyon o nagpapakita ng interes. Isang malamig na tingin lang ang ibinigay sa akin. Walang salita siyang umupo sa harap ng lamesa. Tahimik din akong umupo, alam kong wala na ang babae na kaulayaw nito.

Lumipas ang ilang sandali, nagsalita ako.

“Lucian,” mahinahon kong panimula.

Bahagya siyang napatingin sa akin. “What?” malamig na tugon niya, habang patuloy sa pagkain na parang wala lang.

“Kung tungkol pa rin ito sa sinabi mo kagabi…” huminga ako nang malalim, “…‘wag muna nating umpisahan.”

Natigilan siya sa pagkain. Dahan-dahan niyang ibinaba ang mga kubyertos at tinitigan ako ng matagal, diretso at matalim.

“Bakit ba gustong-gusto mong makipaghiwalay?” malamig pero puno ng pagpipigil na boses niya. “Bakit, may lalaki ka ba?” dugtong pa niya.

Parang biglang bumagsak ang lahat sa narinig ko. Bigla na lamang sumikip ang dibdib ko.

“Ano?” halos pabulong kong tanong, hindi makapaniwala sa sinabi niya.

“Kaya mo ba ako gustong hiwalayan?” aniya, mariing pinagmamasdan ang mukha ko. “May ibang lalaki na ba, Arielle?”

Napasinghap ako sa gulat. Parang biglang nagdilim ang paligid. Nilabanan ko ang panginginig ng katawan, pilit kong itinaas ang tingin at sinalubong ang nanlilisik niyang mga mata.

“Wala akong lalaki!” mariin kong sagot, halos pasigaw. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. “Huwag mo akong pagbintangan ng kasinungalingan! Wala akong ginagawang masama sa ating dalawa, Lucian!”

Tumayo siya bigla, mariing itinulak ang upuan kaya umalingawngaw ang tunog nito sa buong kusina.

“Talaga?” mariin niyang sabi, “Eh bakit parang mas gusto mo na akong mawala? Bakit parang hinahanap mo na ang dahilan para makalaya?”

Tumindig din ako, bagaman nanginginig ang tuhod ko. “Sino ba talaga ang gustong makalaya sa atin, Lucian?” mahina pero buo kong tanong. “Sino ba ang madalas na magdala ng babae rito, sa mismong bahay natin? Sino ba ang walang pakialam kung nasasaktan ako? Sino ba ang nakikipaglaro sa apoy habang ako, pinipilit kong manahimik?”

Halos mapahigpit ang kamao niya. “Tigilan mo ‘yan, Arielle.”

“Bakit? Ayaw mong marinig ang totoo?” balik ko, tumataas na rin ang boses ko.

“Kung gusto mong maglaro, sige! Pero huwag mo akong isama sa kasinungalingan mo. Hindi ako tanga!”

Lumapit siya sa akin. Malapit. Napaatras ako pero sinundan pa rin niya. Ang bawat hakbang niya, parang dagundong ng kulog sa dibdib ko. Hanggang sa halos magtama na ang mga mukha namin.

“Hindi mo ako iiwan,” malamig niyang sabi, mababa, halos bulong pero punô ng banta. “Hindi mo ako kayang hiwalayan, Arielle.”

Napakurap ako, tila natigilan. “Bakit hindi?”

“Dahil asawa kita!” sigaw niya, sabay hampas ng palad sa ibabaw ng mesa.

“Habang buhay kitang asawa, at walang karapatan kahit sino na agawin ka sa akin—kahit ikaw pa mismo!”

Napalunok ako. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko, pero pinigilan kong tumulo. Hindi ko siya bibigyan ng kasiyahang makita akong durog.

“Hindi mo ako pag-aari, Lucian,” mahinahon kong sabi. “Hindi mo ako alipin. Hindi mo kailangang itali ako sa kasal na matagal mo nang winasak.”

“Winasak?” mapait siyang tumawa, isang halakhak na puno ng panlalait.

“Ikaw ba ang magdidikta kung ano ang sira? Arielle, lahat ng babae gusto lang ng atensyon, at kapag hindi mo ibinigay, maghahanap ng iba!”

Pumutok ang dibdib ko sa galit. “Huwag mo akong isama sa mga babaeng ‘yan! Hindi ako gaya nila! Alam mo kung bakit ako lumalayo? Dahil wala nang natira sa pagitan natin, Lucian! Ni respeto, ni pagmamahal—lahat kinuha mo!”

Sandaling katahimikan. Tinitigan niya ako, malalim, parang sinusukat kung hanggang saan ang tapang ko.

“Kung talagang wala nang natira,” marahan niyang sabi, “bakit hanggang ngayon, nandito ka pa rin?”

Hindi ko na nasagot iyon. Marahil dahil totoo—hindi pa rin ako makaalis. Marahil dahil kahit sinaktan niya ako nang paulit-ulit, may bahagi pa rin ng puso ko na hindi kayang bumitaw. Pero hindi ko siya pinakita iyon. Huminga ako nang malalim, saka marahang ngumiti, ngiting pilit pero puno ng determinasyon.

“Siguro dahil gusto kong umalis nang hindi basag. Gusto kong matapos ito ng maayos. Pero ngayon, Lucian…” Huminto ako, pinunasan ang luha sa pisngi ko. “…mas gusto ko nang masaktan kaysa manatiling patay sa pilin mo.”

Bigla siyang natahimik. Napahigpit ang panga niya. Lumapit siya nang bahagya, halos maramdaman ko na ang init ng hininga niya sa balat ko.

“Hindi mo alam ang sinasabi mo,” bulong niya, mababa, mapanganib. “At kahit ano pa ang sabihin mo, Arielle, kahit anong gawin mo, hindi ako makikipaghiwalay sa’yo. Tandaan mo ‘yan.”

Umiling ako. “Hindi mo ako kayang hawakan sa takot, Lucian. Hindi mo ako kayang itali sa sakit.”

“Subukan mo,” malamig niyang sabi, “At makikita mong ako ang huling lalaking kakaharapin mo sa buhay mo.”

Parang naubos ang hangin sa paligid. Ang mga mata niyang noon ay mapanlinlang na malamig—ngayon ay tila apoy na handang lamunin ang kahit sinong sumuway.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 6

    KABANATA 6 — A R I E L L E (POV)“Ahh…” mahina kong buntong-hininga kasabay ng pagbangon ko mula sa kama.Panibagong araw na naman—panibagong sapalaran.Ngunit sa totoo lang, wala namang bago. Tulad pa rin ng dati, tila isang malamig na yelo si Lucian—walang pakiramdam, walang init, at para bang ang tanging layunin ay masaktan ako sa tuwing nagtatama ang aming mga mata.Ramdam ko pa rin sa katawan ko ang bigat ng gabi. Parang may nakaipit sa dibdib ko na hindi ko maalis kahit ilang ulit akong huminga ng malalim. Buong magdamag akong umiiyak, at hindi ko na namalayan kung kailan ako nakatulog. Ang huli kong alaala ay ang pagpatak ng mga luha ko sa unan, kasabay ng mga salitang paulit-ulit kong binubulong: Tama na, Arielle. Tama na.Tahimik ang buong silid. Ang mga kurtinang puti ay bahagyang kumikilos sa simoy ng hangin. Ang liwanag ng umaga ay pumapasok sa bintana, pero kahit gaano ito kaliwanag, nananatili pa rin akong nakakulong sa dilim ng sakit.Dahan-dahan kong inalis ang kumot n

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 5

    KABANATA 5 – L U C I A N (POV)Halos isang lagok lang ang ginawa kong pag-inom sa alak, na para bang tubig; wala akong pakialam sa pait o init na dumadaloy sa aking lalamunan.“Ahh!” Sigaw ko kasabay ng pagbato ng basong hawak ko. Tumama ito sa sahig at nagkalat ang bubog kasabay ng tunog na parang sumasabay sa gulo sa loob ng utak ko.Galit na galit ako. “Hindi pa rin mawala ang imahe ni Arielle…” ang nagmamakaawang mga mata nito na puno ng luha.Nararamdaman ko pa rin ang bigat sa dibdib ko habang bumabalik-balik sa isip ko ang eksenang ‘yon—ang mga luhang pumapatak sa mukha niya, ang tinig niyang nanginginig sa takot at sakit.Muling napahawak ako sa ulo ko. “Tangina naman,” bulong ko, pilit pinapakalma ang sarili, pero lalo lang akong nadudurog sa tuwing binabanggit ko ang pangalan niya sa isipan ko.“Hindi ako papayag na makalaya ka sa akin,” mariing sambit ko habang tinititigan ang bakas ng alak sa mesa. “Pareho tayong magdurusa habang buhay… hangga’t sa kabilang buhay.”At sa m

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 4

    KABANATA 4 — Ang Alon ng GalitPOV – AriellePagkapasok ko pa lang sa loob ng bahay, sinalubong agad ako ng isang malakas, malutong na sampal.Pak!Halos mapatumba ako sa sahig. Umalingawngaw ang tunog sa buong sala, kasabay ng panlalamig ng buo kong katawan. Napahawak ako sa pisngi kong namanhid, saka ko lang naramdaman ang hapdi—parang may nagliliyab sa balat ko.Pag-angat ng mukha ko, bumungad sa akin si Lucian. Nanlilisik ang mga mata niya, malamig pero puno ng apoy. Ang panga niya’y nakadiin, ang kamao’y bahagyang nakasara, tila pinipigil ang sarili na huwag akong muling saktan. “Saan ka galing, Arielle?!” singhal niya, halos pasigaw.Napaawang ang bibig ko, walang tunog ang lumabas. Hindi ko alam kung uunahin ko bang huminga o magpaliwanag. Halos ilang segundo lang ang lumipas, pero pakiramdam ko, ilang taon akong nakatayo ro’n sa harap niya.“Ilang araw kang nawala!” patuloy niya, ang bawat salita ay parang latigo sa pandinig ko. “Ano, ha? Nasa lalaki mo ba?”Napasinghap ako,

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 3

    Kabanata 3 Sa Gitna ng Puti at Katahimikan(POV – Arielle)Ang amoy ng alkohol at gamot ang unang bumungad sa akin nang dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. May kung anong bigat sa dibdib ko, parang may nakadagan, at sa bawat paghinga ko ay tila ramdam ko ang lagkit ng hangin sa ospital—malamig, mapait, at puno ng alaala ng sakit.Mabilis kong napagtanto kung nasaan ako. Hindi na ito bago sa akin. Ilang ulit ko na ring nasilayan ang puting kisame at ang malamlam na ilaw na palaging nakasindi, parang hindi rin marunong mapagod kagaya ng mga taong pilit lumalaban sa pagitan ng buhay at kamatayan sa mga silid na tulad nito.Mapait akong napangiti.“May bago pa ba?” mahina kong wika, halos hindi ko marinig ang sarili kong boses.Marahan kong itinukod ang aking mga siko sa kama, pilit na bumabangon kahit humihigop ng lakas ang bawat paggalaw ko. Ang mga ugat sa braso ko ay tila mga bakas ng labang matagal nang ginagampanan ng katawan ko—laban na ayaw ko mang simulan, pero kailang

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 2

    KABANATA 2 — Ang Tunog ng Pagguho POV – ArielleKinabukasan, maaga akong nagising kahit halos walang tulog. Paulit-ulit pa ring pumapasok sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Lucian kagabi—ang paghingi ko sa kanya ng divorce.Habang inaayos ko ang sarili sa harap ng salamin, hindi ko maiwasang maawa sa repleksyong nakikita ko roon. Namumugto ang mga mata, nanlalalim na mga pisngi na tila ba unti-unti akong kinakain ng sakit na pilit kong itinatago. Ilang araw na rin akong walang maayos na kain at tulog. Minsan, bigla na lang akong nahihilo at nanghihina. Sa bawat tingin ko sa sarili ko, parang mas lalo kong nakikita kung gaano ako nangayayat, parang may unti-unting kumikitil sa buhay ko na ayaw kong tanggapin. Napahilamos na lang ako sa mukha at marahang napabuntong-hininga. “Kailangan kong bumangon... kailangan kong magpanggap na ayos lang ako,” mahina kong bulong sa sarili.Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan, pinapasan ang bigat ng sariling katawan at emosyon. Bawat hakbang ay par

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 1

    KABANATA 1 — Ang Gabi ng PagpapalayaRamdam ko ang bawat patak ng orasan. Mabagal. Mabigat. Para bang binibilang nito ang bawat segundo ng isang buhay na unti-unting nauupos.Tahimik ang buong suite. Malamig, maluwang, at tila walang bakas ng kaluluwa. Ang mga ilaw ng siyudad sa labas ng salaming pader ay kumikislap na parang mga bituing matagal nang napagod sa langit. Ang mga alon ng ilaw ay bumabalot sa akin, ngunit ni isa roon ay hindi kayang pawiin ang lamig sa dibdib ko.Tatlong taon na akong nakakulong dito — sa ginto, sa karangyaan, sa apelyidong minsan kong pinangarap ngunit ngayon ay tila isang sumpa.Wala pa rin siya. Sanay na akong maghintay, sa wala.Isang mahinang click ng pinto ang sumira sa katahimikan, ayun siya.Si Lucian Davenhart — ang lalaking minahal ko nang buong buo, ngunit unti-unting pumapatay sa akin. Matangkad, maayos, makapangyarihan. Suot ang mamahaling suit na amoy tagumpay, amoy kayamanan, amoy ng isang lalaking tila walang kailangang ipaliwanag dahil al

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status