FAZER LOGINChapter 29Alaric’s POV“What? You are all fired!Galit na galit ako nang sinabi ng security na umalis si Celine na sakay ng isang kotse. Binalikan namin ang mga CCTV footage. Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot, hanggang sa hindi na nagri-ring ang cellphone niya. “Saan ka pupunta, Celine?” halos miserable kong tinatanong ang sarili ko.“Bakit siya umalis? Kailangan naming magusap.”“Mali siya ng nakita”Pinatrace ko sa security kung saan patungo si Celine. Pero nawala na lang ito na parang bula.Alam kong wala na siyang pamilyang babalikan. Kaya saan siya pupunta? Nagalala ako dahil baka hindi pa siya kumakain. Nakatulog ba siya nang mahimbing? Baka nahihirapan na siya. Sinisisi ko ang sarili ko, at hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa kanya nang masama.“Nasaan ka, Celine? Bumalik ka na Please!” pakiusap koPumasok ako sa kuwarto niya para makahanap ng clue. Halos lahat ng gamit niya ay naririto pa.Nang tiningnan ko ang drawer niya, nakita ko ang brac
Chapter 28Celine’s POVPumasok ako sa bahay na napakabigat ng nararamdaman. Hindi ko alam kung paano pa ako makakahinga, para kasing nauubusan na ako ng oksiyena sa katawan. Pumasok na ako sa kuwarto. Pagkatapos ay hindi ko napigilang magpalahaw sa pagiyak. Ang sakit-sakit na hindi ko mapigilan ang damdamin ko. Para akong pinagtaksilan, na wala naman akong karapatan. Gusto ko na lamang basta maglaho. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Alaric. Malinaw na malinaw ang eksena sa parking. Nakikipaghalikan siya kay Diana. Nahiya ako sa sarili ko dahil muntik na akong madala ng mga ipinapakita niya. Wala palang kahulugan iyon sa kanya at lahat pala iyon ay walang halaga. Narinig kong may kumakatok sa pintuan ko. Nagmadali ako para maisara iyon. Baka kasi biglang pumasok na naman si Alaric at makita niya akong umiiyak. Ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan. Nakakaawa at umaasa. Tiningnan ko ang cellphone ko. Sa GC ay nag-uusap sila tungkol sa gagawin nilang ou
Chapter 27Celine’s POVNapakasaya ng araw na ito sa akin habang nakikita kong nagkakatuwaan ang aking mga kaibigan. Parang kailan lang, nangangarap lang kaming magkaroon ng mga trabaho. Pero ngayon ay lahat ay nagkatotoo.Nakahanap kami ng magagandang oportunidad para maibahagi namin ang aming mga talento. Ang aming mga munting pangarap ay isa-isa na naming naabot. Kaya wala nang sasaya pa sa araw na ito.Pagkatapos naming magkainan ay nagsipagpaalam na kami. Kaya ang naiwan na lamang ay ako at si Ethan.“Do you have a ride, Celine?’ tanong niya sa akin.“Yes” sabi ko.“You know, I’m curious. I haven't met your husband. Sana makilala ko na siya,” sabi ni Ethan.Halos masamid ako sa sinabi niya.I notice you still use your maiden name.” sabi niya.“Ah oo kasi, alam mo. I want to have a character on my own.” palusot kong sinabi“I totally agree with you, pero siyempre your husband would love to have his name on you,” sabi pa niya.“Ah, eh, ok na yun Ethan. Hindi naman siya mas
Chapter 26Celine’s POVNag-request ng meeting si Ethan at kailangan kong pumunta sa opisina. Kaya naghanda na ako pumunta roon. Nagpaalam ako kay Alaric na maagang umalis ng bahay. Nag-message na lamang ako sa kanya para ipaalam na pupunta ako sa Samuel’s. “I have a meeting at Samuel’s, see you at dinner?” tanong ko.Matagal siyang mag-reply; siguro ay dahil nasa gitna siya ng trabaho. Kaya nagayos na ako para makaalis na. Inabisuhan ko na lang ang driver.Pagpasok ko sa Samuel’s, nakaabang na sina Carol at Rhen sa akin.“Hi Celine!” bati nila sa akin.Nagbeso-beso kami. Pagkatapos ay sinamahan na nila ako sa conference room. May i-quarterly meeting kasi ang kumpanya at si Ethan ang facilitator nito.Namili na kami nina Carol at Rhen ng upuan. Gusto sana nilang umupo sa bandang harapan. Pero sinabi kong mas komportable ako sa likuran. “Hindi ka pa rin nagbabago Celine, just like the old days.” sabi nila“Alam ninyo naman ang reason kung bakit di ba. I prefer seats at the b
Chapter 25Celine’s POV“You know what, Ethan, I went to a local garden house near the Quezon City Area. I think magandang kunin silang supplier for our landscapes.” Kwento ko kay Ethan“Well, that was a nice idea, sige, let's do that.” sabi niya“Celine, don't forget to submit the design, Deadline na yun tomorrow.”dagdag pa niya.“Yeah, isend ko na right now, for a while.” sabi koMedyo tumahimik sandali si Ethan. Pagkatapos ng ilang minuto.“Wow, ang ganda ng design mo, It's really perfect, the mood, the vibe, and colors. I like it.” Sabi niya,“Tatlo na iyan ha, wala na akong atraso sa iyo.”sabi ko“Sige balikan after I present this to our client, thank you, Celline.”“Okay, thank you din,” sabi ko.Medyo nakahinga na ako dahil natapos ko na ang mga design. Nasa client na lang kung papasa iyon.Tumungo ako sa kama ko. Dahil parang napagod ako. Ibinagsak ko ang buo kong katawan sa kama.“Haaay, buhay!” nasabi ko.Ilang minuto ako nakapikit. Para lang mag-relax. Pagdilat ng
Chapter 24Celines’s POVHindi ako makapaniwala sa nangyari sa mall. Nanindigan si Alaric para sa akin. Na-appreciate ko talaga ang ginawa niya. Bakit kaya ganoon ang buhay? Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman, samantalang ang mga mahihirap, kahit anong gawing pagsisikap ay nakasadlak pa rin sa kahirapan.Sukatan na ba ngayon ang yaman para respetuhin ko ang mga tao? Mababa ang tingin nila kapag wala kang sinabi sa buhay. Kapag wala kang pera, ganoon na lang kaliit ang tingin sa iyo. Ayaw kong lumaki ang anak ko na hinahamak ng mga tao. Aaminin ko na mataas ang pangarap ko para sa kaniya. Pero mas gusto kong lumaki siya na hindi tumitingin sa estado ng buhay. “Celine, naririnig mo ba ako?” tanong ni Alaric nang nakauwi na kami.Pumasok siya muli sa kuwarto ko.“May sinasabi ka ba? Tanong ko.“Ang sabi ko, bakit wala kang pinamili? May pera ka naman na,” sabi nito.“Iyon ba? Wala naman na akong kailangang bilhin. Kung tutuusin, nasa akin naman na ang lahat. May kinakai







