Compartir

Selfless

Autor: Ely
last update Fecha de publicación: 2026-07-03 06:21:31

Selfless

Chapter 77

Celine's POV

“Mom… Mom… wake up.”

Marahan kong naramdaman ang maliliit na kamay na marahang yumuyugyog sa balikat ko.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

Nanlalabo pa ang paningin ko at mabigat pa rin ang talukap ng mga mata ko dahil halos madaling-araw na ako nakauwi mula sa Carusso Grand Hotel.

Doon ako nagpalipas ng ilang oras kasama si Alaric.

Matagal-tagal din kaming hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap nang payapa, kaya hindi ko namalayang lumipas ang oras
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado
Comentarios (1)
goodnovel comment avatar
Dhenz
nakaaktuwa naman buyi dumating ka alaric gang langit ang saya ni brent
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • The Billionaires Surrogate Wife   Remedy

    Chapter 79Celine’s POVNagpaalam ako kay Alaric na hindi muna ako makakapunta sa Thorne Global. Mas kailangan ako ni Brent ngayon kaysa saanman. Ayaw kong maramdaman niyang may mali sa kanya dahil lamang hindi siya makapasok sa eskuwelahan.Nakaharap si Alaric sa akin, ngunit halata sa kanyang mukha ang matinding pagsisisi. Mula pa noong nangyari ang insidente sa paaralan, halos hindi ko na siya nakitang ngumiti nang totoo.“I’m very sorry, honey.”Marahan akong napabuntong-hininga.“Gusto ko sanang maayos na ito,” mahina kong sabi. “Ayaw kong habang buhay na parang nagtatago ang anak natin, Alaric.”Napayuko siya.Alam kong masakit sa kanya ang mga salitang iyon dahil iyon din ang pinakakinatatakutan niya.“Kung ako lang ang maaapektuhan, kaya kong tiisin,” pagpapatuloy ko. “Pero kapag tungkol na sa anak natin... ibang usapan na iyon.”Lumapit siya at marahang hinawakan ang aking mga kamay.“I know.”Wala siyang maipangakong agarang solusyon.Pero kilala ko si Alaric.Hindi siya sum

  • The Billionaires Surrogate Wife   Gossip

    Chapter 78Celine's POVHabang masaya kaming nagkukuwentuhan nila Carol sa dining area, pansamantala kong nakalimutan ang lahat ng problemang kinakaharap namin. Nagkukulitan pa kami habang pinapanood sina Brent at Mindy na naghahabulan sa hardin sa labas ng salaming bintana.Napangiti ako.Ganito sana ang gusto kong buhay—payapa, simple, at malayo sa intriga.Pero ilang segundo lang ang lumipas ay naputol ang katahimikan.Napabuntong-hininga si Carol habang nakatitig sa cellphone niya. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha."Oh my... this is bad."Nagtaka ako."Ano ba iyan, Carol?"Hindi siya agad nakapagsalita. Halatang nag-aalinlangan siyang ipakita sa akin ang nasa screen."Girl... you have to see this."Iniabot niya ang cellphone.Pagtingin ko sa video, para akong binuhusan ng malamig na tubig.Nandoon si Alaric.Mahigpit nitong yakap si Brent habang kinakarga ang anak namin. Kitang-kita ang pagmamahal sa mga mata niya habang hinahalikan ang noo ng bata.Pero hindi iyon an

  • The Billionaires Surrogate Wife   Selfless

    SelflessChapter 77Celine's POV“Mom… Mom… wake up.”Marahan kong naramdaman ang maliliit na kamay na marahang yumuyugyog sa balikat ko.Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.Nanlalabo pa ang paningin ko at mabigat pa rin ang talukap ng mga mata ko dahil halos madaling-araw na ako nakauwi mula sa Carusso Grand Hotel.Doon ako nagpalipas ng ilang oras kasama si Alaric.Matagal-tagal din kaming hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap nang payapa, kaya hindi ko namalayang lumipas ang oras.Pagtingin ko sa tabi ng kama, nakita ko ang pamilyar na ngiti ng anak ko.Si Brent.Nakasuot na siya ng malinis niyang school uniform, maayos ang pagkakasuklay ng buhok, at bitbit ang maliit niyang backpack.“Good morning, Mom,” masigla niyang bati.Napangiti ako kahit inaantok pa.“Good morning, baby.”Napasilip ako sa orasan.Alas siyete na pala.“Ay naku!”Mabilis akong napabangon.Iniabot niya sa akin ang isang sobre.“Mom, may invitation.”Kinuha ko iyon at agad binuksan.Habang binabasa

  • The Billionaires Surrogate Wife   Confrontation

    Chapter 76Alaric’s POVPagkabukas ko ng pinto ng bahay ay agad kong nakita si Diana na nakaupo sa sala. Nakapulupot ang isang paa sa isa pa habang tahimik na umiinom ng red wine. Halatang kanina pa niya ako hinihintay.Hindi ko siya pinansin.Hindi na ako nag-abalang makipagbatian o magpaliwanag.Diretso akong umakyat sa silid at binuksan ang aparador. Inilabas ko ang maliit kong maleta at isa-isang inilagay ang ilang polo, pantalon, mahahalagang dokumento, at laptop na ilang araw ko nang hindi nagagamit.Habang nag-iimpake ako, narinig ko ang mabibigat niyang yabag sa kahoy na sahig.Huminto siya sa may pintuan ng kuwarto."Oh, what a miracle. You're here."Punong-puno ng panunuya ang boses niya.Hindi ako lumingon.May mas mahalaga akong iniisip kaysa patulan ang isa na namang drama niya.Malapit nang matapos ang lahat.Halos kumpleto na ang mga ebidensiyang kailangan namin. Ang mga taong matagal naming pinaghihinalaan ay unti-unti nang nahuhulog sa sarili nilang patibong.Kaunting

  • The Billionaires Surrogate Wife   Ownership

    Chapter 75Celine's POV“I’m sorry, Celine. You went through all that because I left you,” malungkot na sabi ni Romi habang magkatabi kaming nakaupo sa lounge ng opisina. Halatang may bigat pa rin ang konsensya niya dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan.Ngumiti ako at marahang hinawakan ang kamay niya.“Naku, girl. Wala 'yon. Wala namang nangyaring masama sa akin,” sagot ko. “Oo, maraming pagsubok ang dumating, pero nalampasan din naman natin.”Umiling siya.“Kung hindi sana ako nag-resign, hindi ka mapapasok ng mga taong masama,” dagdag pa niya. “Pakiramdam ko, pinabayaan kita.”Napabuntong-hininga ako bago nagsalita.“Romi, wala kang kasalanan. Huwag mong akuin ang responsibilidad sa mga desisyong ginawa ng ibang tao. Ang mga masasamang tao, hahanap talaga ng paraan para manggulo kahit nandiyan ka pa.”Napatingin siya sa akin.“Ang mahalaga ngayon, isipin mo na lang ang sarili mo at ang baby ninyo ni Ethan. Huwag mong hayaang ma-stress ka. Kaya naming harapin ang mga pro

  • The Billionaires Surrogate Wife   Defense

    Chapter 74Celine’s POV“Ma'am Celine… patawarin nyo po ako. Hindi ko po talaga gustong gawin iyon sa inyo,” umiiyak na pakiusap ni Sunshine habang nakayuko. Halos hindi na niya maitaas ang tingin sa akin dahil sa sobrang hiya at pagsisisi.“But you still did,” malamig kong sagot.Parang tinamaan siya ng sampal sa sinabi ko. Lalong bumagsak ang kanyang balikat at tuluyan na siyang natahimik. Wala na siyang naisagot dahil alam niyang totoo ang sinabi ko.Tahimik kong pinagmasdan ang mukha niya. Kita ko ang pagsisisi, ngunit hindi na nito mababago ang nangyari.Totoo, nagkaroon siya ng limang milyong piso. Isang halagang sapat para baguhin ang buhay ng isang taong lubog sa utang at desperado.Pero ano ang naging kapalit?Ang sarili niyang dangal.Ang tiwalang ibinigay ko sa kanya.At ang reputasyon niyang matagal niyang binuo.Sa isang iglap, nawala ang lahat.Kung iisipin, hindi ko rin naman siya lubusang masisisi. Napakalaking tukso ng perang inialok sa kanya, lalo na sa isang taong d

  • The Billionaires Surrogate Wife   Survival

    KABANATA 4Celine Herrera POV Puting kisame ang unang bumungad sa akin pagdilat ko ng mga mata, at puti rin ang kumot na nakabalot sa akin. Amoy disinfectants at mamahaling pabango ang paligid. Hindi ito ang amoy ng bahay namin, at mas lalong hindi ito ang amoy ng kalsada kung saan ako huling bum

  • The Billionaires Surrogate Wife   Refuge

    KABANATA 3Celine Herrera POV Tatlong buwan na ang lumipas mula nang gabing iyon sa penthouse, pero pakiramdam ko ay habambuhay na ang dumaan. Akala ko, ang pagpirma sa kontrata ang pinakamahirap na bahagi. Akala ko, kapag nakuha na ang pera at nailipat si Lola sa maayos na ospital, magiging mada

  • The Billionaires Surrogate Wife   Life Changing Commitment

    KABANATA 2Celine Herrera POV Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang mataas na building. Pagkabukas ng pinto ng driver, sinalubong ako ng malamig na hangin ng gabi. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito, pero alam kong nasa bahagi kami ng lungsod kung saan nakatira ang mga taong hindi na kailangang

  • The Billionaires Surrogate Wife   An Agreement

    KABANATA 1Celine Herrera POV Mahigpit ang hawak ko sa asul na folder na naglalaman ng diploma ko. Sa wakas, Architect Celine Herrera na ako. Habang naglalakad ako palabas ng unibersidad, suot pa rin ang graduation toga, parang gusto kong sumigaw sa tuwa. Limang taon akong nagtiis sa kakarampot n

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status