Home / Romance / The Billionare Behind Her Forgotten Life / Chapter 2: Forgotten ,But not Done

Share

Chapter 2: Forgotten ,But not Done

Author: Vexa
last update publish date: 2025-11-24 20:49:37

Bigla na lamang napatitig si Maxine sa mga numerong nakalagay sa telepono niya, para bang iyon na lang ang natitirang koneksiyon niya sa mundong hindi na niya maalala. Ilang minuto pa lang ang nakalipas mula nang magpakilalang fiancé niya ang lalaki pero kung pagmamasdan ang bawat salita, bawat tingin, at bawat paghinga nito, halatang-halata..

Wala siyang kahit konting pag-aalala para sa kanya.

Wala.

Hindi man lang siya tinanong kung masakit pa ba ang ulo niya. Kung kaya ba niyang tumayo. Kung natatakot ba siya.

Samantalang si Amanda, kung titingnan, tila matagal nang nasa maayos na kalagayan. Pero siya, na biktima sa lahat ng nangyari, ay halos mawalan na ng kalahati ng buhay dahil sa pagdurusa.

“Ganitong klaseng lalaki… paano ko maiisip na siya ang fiancé ko?” bulong ni Maxine. Ramdam sa bawat salita ang pagkalito, ang takot, at ang panginginig ng loob na unti-unting lumalamon sa kanya.

Maya maya pa lamang biglang may narinig syang boses na tila di niya alam kung saan nanggagaling.

“Hindi mo fiancé ang lalaking ’yon.”

“At kahit pa totoo… kailan ka ba niya minahal?”

At sa mismong sandaling iyon, isang alaala ang sumagi sa kanyang isip. Mabilis, malabo, pero malinaw ang pakiramdam. Parang may isang tao, sa nakaraan na hindi niya matandaan, ang nagsabi sa kanya ng eksaktong linyang iyon.

Dalawang linggo siyang nawala, ngunit ni isa sa pamilya niya ay hindi siya kinontak. Sa utak niya, may malabong alaala lang tungkol sa isang karelasyunan nya ngunit hindi malinaw.

Hindi na nagdalawang-isip si Maxine. Agad niyang pinindot ang call button at itinapat sa tainga ang telepono.Pag-ring pa lang, sumagot na ang kabilang linya,isang boses na pormal, kalmado, at parang sanay sa opisina.

“Good morning, sino po ang kailangan nila?” tanong ng boses, magalang pero halatang assistant ang tono.

“Hello…” mahinang boses ni Maxine. Nag-aalinlangan kung dapat ba niyang ituloy ang tawag. Nanginginig ang hininga niya bago siya muling magsalita. “Pwede… pwede ko po bang makausap si Mikael?”

“Sino po sila?”wika ng assistant

“Ahh… ako si…” ngunit parang may pumigil sa kanyang sabihin ang kanyang pangalan “kilala ko si Mikael ,pwede bang makausap ang boss mo?”

“Hello po mam, I’m sorry po pero hindi po muna sya tumatanggap ng tawag ng iba ito po kasi ang bilin nya sakin” saad ng assistant

Bigla na lamang naisip ni Maxine na sabihin sa assistant ang kailangan niya. Nanginginig ang mga kamay habang hawak ang telepono, at nagdadalawang-isip bago siya magsalita.

“Hello… uh… pasensya na po,” mahina niyang bungad, parang natatakot sa magiging reaksyon. “Kailangan ko po ng tulong… naaksidente ako, at… hindi ko po maalala kung sino ang pwede kong lapitan.”

Sandaling tumigil siya, huminga ng malalim, at dahan-dahang ipinaliwanag ang dahilan ng tawag.

“Si… si Mikael lang ang alam kong makakatulong sa akin. Puwede… puwede ko po ba siyang makausap?” Halata sa kanyang boses ang kaba at pag-aalinlangan, iniisip niya kung tama ba ang ginagawa niya.

Pinisil niya ang kanyang labi,at hindi makatiis sa panginginig ang mga kamay.

Bigla na lamang sumagot ang assistant sa kabilang linya, malinaw na kinikilala ang pangalan niya “Ms. Maxine?”

“Bilin po sa amin… huwag pong tatanggap ng tawag mula sa inyo. Pasensya na po.” Halata sa tono niya ang pagka-prangka at pagiging pormal, pero may bahid ng pagtanggi

“Pero ako po…”

At pagkatapos noon…

Tu-tu-tu…

Diretsong ibinaba ang tawag.

Napabuntong-hininga si Maxine. Yumuko siya at isinandal ang likod sa headboard.

Habang nakatitig siya sa telepono, napansin ni Maxine ang isang bank app. Pinindot niya ito, umaasang puwede na niyang gamitin, pero agad siyang napahinto. Hindi niya maalala ang password ng bank account. Huminto siya sandali, pilit inaalala, pero wala syang matandaan.

Nagbaka-sakali siyang buksan ang notes app, at sa kanyang sorpresa, nandun pala lahat ng password na kailangan niya. Halos bumilis ang tibok ng kanyang puso sa pag-asa.

Pagpasok ng nurse, iniabot niya rito ang telepono. “Pakitingnan naman po kung puwede pang magamit ‘tong account ko”

Napansin ng nurse ang nakaraang transaction at dalawang linggo na ang nakalipas, may nabayaran na syang twenty thousand pesos Para saan kaya?

Ito ay para sa isang pares ng mamahaling men’s cufflink, isang maliit na accessories na kadalasang gawa sa ginto o silver na isinusuot sa mga formal na kasuotan

“Ibig bang sabihin… hindi siya mukhang walang pera” pabulong na sinabi ng nurse

“Ma’am, kulang po ang laman ng inyong bank account. Ang kabuuang bayarin para sa emergency treatment at dalawang linggo ng pagkaka-ospital ay umabot na po ng kalahating milyon”

Napakunot ang noo ni Maxine, puno ng pagkalito at pagkabigla. “Paano nangyari ‘yan?” bulong niya sa sarili, ramdam ang bigat ng responsibilidad na biglang bumuhos sa kanya. Halos hindi niya alam kung saan magsisimula kung paano niya mababayaran ang napakalaking halaga, at paano niya haharapin ang mundo na tila nagbago sa isang iglap, iniwan siyang walang gabay at nag-iisa

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionare Behind Her Forgotten Life   CHAPTER 16 : First Day

    Nang mapansin niyang walang kasama si Mikael, agad siyang lumapit."Mr. Villamin" aniya"Pupunta po ba kayo sa executive floor? I'll take you na po”Pumunta si Maxine sa likuran ni Mikael at hinawakan ang wheelchair."Go away" sagot ni MikaelNanatiling nakahawak si Maxine sa wheelchair at tila hindi narinig ang sinabi ni Mikael.“I told you… leave!” bigla-bigla na lamang iniliko ni Mikael ang wheelchair papalayo kay Amanda at hindi na muling nilingunan si Maxine.Pinagmasdan niya ang papalayong likod ni Mikael ,bago marahang napabuntong-hininga."He really can't stand me, huh?" bulong niya sa sarili.Maya-maya ay napailing siya at bahagyang natawa."Well... first day pa lang naman, Maxine"Matapos iyon, hinanap ni Maxine ang workstation na naka-assign sa kanya. Nagkataon namang hindi iyon kalayuan sa opisina ni Anthony.….Sa kasalukuyang henerasyon ng pamilya Villamin, maraming miyembro ng pamilya ang nagtatrabaho sa iba't ibang department ng kumpanya. Although Mikael belonged to th

  • The Billionare Behind Her Forgotten Life   CHAPTER 15: Employee Handbook, Article 98

    Napangiti si Maxine kay AnthonyHindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa sobrang taas ng tingin nito sa sarili.Wala nang balak si Maxine na patagalin pa ang usapan. Diretso niya itong nilampasan at halata sa kanyang mga mata ang pagkainis rito.Ngunit bago pa siya tuluyang makaalis, bigla siyang hinablot ni Anthony sa kamay at marahas siyang isinandal sa pader."Or..." malamig nitong sabi habang diretso ang tingin sa kanya, "are you trying to drive a wedge between Amanda and me?"biglang napakuyom ang kamao ni Maxine."So... he still thinks I'm the same woman as before, huh?"Gustong-gusto niyang bigyan ng isang malakas na sampal ang lalaking nasa harapan niya.Ngunit bago pa siya makakilos-Ding!Bumukas ang presidential elevator.Napalingon si Maxine.Sa unang pagkakataon, nakita niya si Mikael na nakaupo sa wheelchair.Naka-dark suit ito, impeccably dressed from head to toe. Even in a wheelchair, he carried himself with effortless authority. One look was enough to tell t

  • The Billionare Behind Her Forgotten Life   CHAPTER 14 : Not That Important

    Alam ni Maxine kung sino ang tinutukoy ni Mikael.Sa buong Metro Manila, halos lahat ay naniniwalang lahat ng ginagawa niya ay para lang kay Anthony.Bahagya siyang natahimik.Pagkaraan ng ilang segundo, marahan siyang napabuntong-hininga."Mr. Villamin," mahinahon niyang sabi, "I really need a job right now"Mahigpit niyang niyakap ang folder na hawak.“Kailangan na kailangan ko po talaga ng pera ngayon sir. I believe I'm qualified for the position, and I'm more than willing to prove myself” diretso ang tingin sa mga mata ni MikaelAlam ni Maxine na hindi magiging madali ang landas na pinili niya.Pero kahit ganoon...Desidido pa rin siyang makapasok sa Villamin Corporation.Hindi lang dahil kailangan niya ng trabaho.Kailangan niyang malaman kung ano talaga ang nangyari sa binti ni Mikael.At higit sa lahat…Gusto niyang malaman kung ano ang naging relasyon nila noon, bago pa siya mawalan ng alaala.A cold scoff escaped Mikael's lips.Hindi naiwasang mapakunot ang noo ni Maxine. Pak

  • The Billionare Behind Her Forgotten Life   CHAPTER 13 : Resume

    “Amanda….” wika ni Maxine habang nakatingin kay Amanda.“Si Anthony… matagal ko na siyang tinalikuran. Wala na akong dahilan para balikan pa siya. If you like him, keep him”Pagkasabi niyon, bahagya siyang kumaway. Sakto namang huminto sa harapan niya ang isang taxi.Hindi inaasahan ni Amanda ang sagot na iyon mula kay Maxine.Saglit siyang natigilan, at bahagyang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha."Ate... ano ba'ng pinagsasasabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Sa dami ng ginawa mo para kay Kuya Anthony, ngayon sasabihin mong wala ka nang pakialam sa kanya? Impossible"Bahagya siyang natawa, ngunit halatang puno iyon ng pangungutya."Stop pretending, Ate. Hindi ikaw ang may ayaw kay Kuya Anthony. Siya ang hindi kailanman pumili sa'yo"Humakbang siya palapit kay Maxine bago sinadyang ibaba ang boses."You know what? Anthony told me while we were in bed... that he never even kissed you. Not even once"Nananatiling nakahawak si Maxine sa pinto ng taxi. Bahagya siyang napan

  • The Billionare Behind Her Forgotten Life   CHAPTER 12 : "Bagay sayo"

    Ever since childhood, magkaibigan na ang mothers nina Amanda at Anthony. Dahil halos sabay silang lumaki at palaging magkasama ang dalawang pamilya, marami ang naniniwalang sila na talaga ang endgame. Tahimik na nakatayo si Maxine sa basement parking ng isang high-end condominium sa Bonifacio Global City (BGC), trying to figure out what he meant by those last words. May malakas na kutob si Maxine na bago pa siya mawalan ng alaala, malamang ay wala siyang balak makaharap si Mikael kahit kailan. Base sa mga kuwentong narinig niya tungkol sa nakaraan nito, hindi imposibleng ilang beses niya rin itong nilait at pinagtawanan dahil sa mga naging desisyon nito. She let out a soft sigh as she gently rubbed her temples, trying to ease the headache forming in her mind. Bandang hatinggabi, isang sunod-sunod na malalakas na katok ang gumising kay Maxine. May isang lasing na lalaki ang walang tigil na kumakatok sa labas, sounding almost desperate, dahilan para mapaisip siya kung sa unit niya

  • The Billionare Behind Her Forgotten Life   CHAAPTER 11 : When She Slapped Him

    PAKK… Nagulat ang lahat ng marinig nila ang sampal ni Maxine kay Mikael Mikael tilted his head, disbelief written all over his face, and his grip loosened instantly. Unti-unting lumuwag ang hawak niya kay Maxine at dahan-dahan niyang hinawakan ang pisngi niya… “Ahh” “Maxine?” Mikael said Ilang segundo siyang natahimik at napaisip na si Maxine na kilala niya ay iba na sa dating Maxine “Masakit ba?” Maxine said Napatingin si Anthony kay Maxine. In an instant, he smirked. “She’s just faking it!” Mikael said “Gusto lang niya magpapansin ulit” Huminga siya nang malalim at bahagyang tumawa. “Let’s see… kung hanggang kailan mo kaya” After an hour…. Naiwan mag isa si Maxine sa loob ng private room at nakasandal sa pader habang hawak ang kanyang tyan “Shit…” mahina niyang bulong She felt like she was going to throw up Pakiramdam nya ay nanghihina siya na halos kumapit na sa kahit anong mahawakan just to keep her balance, habang pilit niyang hinahakbang an

  • The Billionare Behind Her Forgotten Life   CHAPTER 5 : Going to Mikael

    Ramdam ni Maxine ang bigat sa kanyang dibdib habang nakatingin kay Claudine na hindi nya alam kung anong sasabihin.Binigyan ni Claudine ng bagong set ng pajama si Maxine at inilagay sa kanyang kama.“May sariling banyo ka sa room mo. Go shower ka na and take a rest. Super pagod na talaga ako ngayo

  • The Billionare Behind Her Forgotten Life   CHAPTER 4 :When Home Stops Feeling Like Home

    Tinanggap ni Maxine ang sampal na iyon. Tinanggap niya ang nangyari na parang wala na siyang choice.Mabilis na lumapit si Amanda kay Mrs. Elvira para pakalmahin ito“Mom… I’m fine. Promise. Kailangan ko lang talaga . Natatakot lang ako na baka mag-breakdown ulit si Ate, kaya hindi na ako humingi p

  • The Billionare Behind Her Forgotten Life   Chapter 3: A Call for Help

    Hindi alam ni Maxine kung kanino siya hihingi ng tulong para sa kalahating milyong piso na kailangan niya. Hanggang sa alas-nwebe ng gabi, wala na syang ibang paraan kaya tumawag muli sya kay Mikael.Sa kabilang linya, sumagot ang isang lalaki. Malalim at kalmado ang boses niya, may bad boy vibe pe

  • The Billionare Behind Her Forgotten Life   The Beginning of a Forgotten Life

    Sa mahabang hallway ng isang ospital sa Maynila, mga mahinang tunog ng makina ang maririnig at ang mga lakad ng mga tao sa labas na tila mga nagmamadali. Sa loob ng isang kwartong madilim, nakahiga si Maxine, maputla at tila walang muwang sa bigat ng mundong bumabalot sa kaniya . Ang liwanag na nag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status