LOGIN"The moment you stand beside a powerful man, people stop asking who you are... and start deciding who you must be."
******** Hindi pa rin maalis ang pamumula sa pisngi ni Ellaine habang tahimik niyang inaayos ang mga gamit sa maliit ngunit elegante niyang workstation na nasa labas lamang ng opisina ni Westley Madrid Vidal. Hindi pa rin siya makapaniwala. Ilang oras pa lamang siyang empleyado ng Vidal Holdings..pero nagawa na niyang sampalin ang CEO. Kung nalaman lamang iyon ng kaibigan niyang si Martha, siguradong tatawa iyon nang isang linggo. Napailing siya habang inilalabas ang maliit niyang notebook, ballpen, at planner mula sa lumang tote bag. "Focus, Ellaine. Nandito ka para magsimula ulit. Hindi para gumawa ng panibagong gulo." Huminga siya nang malalim. Unti-unti nang bumabalik ang tibok ng puso niya. Tahimik ang executive floor. Maririnig lamang ang mahinang tunog ng mga keyboard at teleponong paminsan-minsang tumutunog. Maya-maya pa'y umilaw ang intercom sa mesa niya. Napaupo siya nang tuwid. "Miss Cruz." Mahina ngunit seryosong boses ni Westley ang narinig niya. "Yes, Sir?" "My coffee." Hindi na siya nagtanong pa. Tumayo siya at nagtungo sa maliit na coffee station na ilang hakbang lamang ang layo mula sa executive offices. Habang maingat niyang tinitimpla ang black coffee ng CEO, napansin niyang may ilang empleyadong palihim na sumusulyap sa kanya. May mga nagbubulungan. "Siya ba 'yung nanampal kay Sir?" "Oo yata." "Akala ko matatanggal agad." "Hindi pa rin?"Mahina siyang napabuntong-hininga. "Mukhang sikat na talaga ako." Hindi niya iyon pinansin. Mas mahalagang hindi siya magkamali ulit. Eksaktong ilalagay na niya ang tasa sa tray nang biglang bumukas ang elevator. TING! Parang awtomatikong napalingon ang buong executive floor. Lumabas ang isang napakagandang babae. Matangkad. Mahabang alon-alon ang buhok. Nakasuot ng puting fitted dress na halatang gawa ng isang kilalang designer. Sa bawat hakbang nito ay tila sanay itong lahat ng tao ang nagbibigay-daan. "Good morning, Miss Tiffany." Magalang na bati ng receptionist. Hindi ito sumagot. Derecho lamang itong naglakad na tila pag-aari ang buong gusali. Napahinto si Ellen. Bago pa man ito makarating sa opisina ng CEO, magalang siyang lumapit. "Good morning."Ngumiti siya. "May appointment ba kayo kay Mr. Vidal?" Huminto ang babae, dahan-dahan nitong ibinaba ang suot na sunglasses. Mula ulo hanggang paa ay pinagmasdan siya nito. Huminto ang tingin sa makapal niyang salamin. Sa braces. Sa oversized cardigan. At sa simpleng palda. Isang mapanuyang ngiti ang sumilay sa labi nito. "So..."Ikiling nito ang ulo." Ikaw ang bagong secretary?" Tumango lamang si Ellaine. "I am.May maitutulong ba ako?" Mahinang natawa ang babae. Hindi iyon tawang masaya. Kundi iyong klaseng pagtawang may halong pangmamaliit. "Interesting.I never thought Westley would hire someone... " Muli siyang tiningnan nito. "...who dresses like a high school librarian." May ilang empleyadong napayuko. Alam nilang insulto iyon. Ngunit hindi nagbago ang ekspresyon ni Ellen. Nanatili siyang kalmado. Professional. "Everyone has their own style, Ma'am." Magaan niyang sagot."And fortunately....our dress code is based on professionalism, not personal preference." Napakurap ang babae. Marahil ay hindi nito inaasahang sasagot ang isang secretary. "You're quite brave." "Not brave." Bahagyang ngumiti si Ellaine. "I simply answer when I'm spoken to." Lalong naningkit ang mga mata ng babae. "I like you less already." Napangiti lamang si Ellaine. "I'm sorry you feel that way." Bago pa makapagsalita ang babae, bumukas ang p***o ng opisina. Lumabas si Westley habang inaayos ang cuff ng kaniyang itim na coat. Hindi niya agad napansin ang dalawa. Abala pa rin siya sa pagbabasa ng ilang dokumentong hawak. Hanggang sa marinig niya ang pamilyar na boses. "Westley." Huminto siya, dahan-dahang nag-angat ng tingin. "Tiffany." Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng lalaki. Samantalang ang babae naman ay biglang lumambing ang mukha. "You're impossible to reach. I've been calling you since last night." "I was busy." He said boredly. "Busy..." Napatingin ito kay Ellaine. "...or busy with your new secretary?" Tahimik ang buong executive floor. Lahat ay nakikiramdam. Hindi alam ni Ellaine kung aalis ba siya o mananatili. Ngunit bago pa siya makagawa ng anumang hakbang...biglang iniabot ni Westley ang hawak nitong folder sa kanya. "Miss Cruz, please organize these contracts and wait for me inside." Nagulat siya. Hindi dahil sa utos. Kundi dahil natural na natural iyong sinabi ni Westley, na para bang matagal na silang magkasama sa trabaho. Tinanggap niya ang folder. "All right." Tatalikod na sana siya nang marinig niya ang malamig na boses ni Tiffany. "So this is your type now?" Isang maikling katahimikan ang namagitan. Pagkatapos ay bahagyang ngumiti si Westley. "My secretary is none of your concern." Parang may sumabog sa mukha ni Tiffany. At si Ellaine...unti-unti niyang naramdaman ang mga matang nakatutok sa likod niya. Mga matang puno ng inggit. Galit. At maling akala. Hindi pa man siya nakakatuntong nang maayos sa bago niyang trabaho...pakiramdam niya'y mayroon na siyang unang kaaway. Tahimik na tinanggap ni Ellaine ang makapal na folder na iniabot ni Westley. Hindi na siya nagsalita. Hindi rin niya nilingon si Tiffany. Bilang secretary, alam niyang wala siyang karapatang makialam sa personal na usapan ng boss niya. Ngunit bago pa man siya tuluyang makapasok sa opisina, muling nagsalita ang modelo. "Westley." May halong tampo at inis ang tinig nito. "You're really choosing to ignore me because of... her?" Huminto sa paghakbang si Ellaine. Hindi siya lumingon. Pero malinaw niyang naririnig ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng babae. Napabuntong-hininga si Westley. "Tiffany.Don't make a scene." "A scene?" Bahagyang natawa ang babae, ngunit halatang pilit iyon. "Ako pa ang gumagawa ng eksena?" "You're the one who suddenly hired another secretary after rejecting all the others." Tahimik si Westley. "At ngayon..." Tumawa itong muli. "You're protecting her?" Hindi agad sumagot ang lalaki. Sa halip ay isinilid muna nito ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon bago seryosong tumingin kay Tiffany. "I'm protecting my employee." Mahinahon ang boses nito. "Walang sinuman sa kumpanyang ito ang may karapatang bastusin ang mga tao ko." Parang may kung anong kumirot sa dibdib ni Ellen. Hindi niya inaasahan ang sinabi ng CEO. Hindi dahil espesyal siya. Kundi dahil, ipinagtanggol siya nito bilang empleyado. Muli siyang naglakad papasok sa opisina upang bigyan sila ng pribadong sandali. Subalit sa labas... lalo pang umiinit ang usapan. "So that's it?" malamig na tanong ni Tiffany. "She's just an employee?" "Yes.Nothing more.Nothing less." Napatawa ang babae. "You've changed." Westley smiled faintly. "No.I simply grew up." Tahimik. Maya-maya'y narinig ni Ellen ang tunog ng matataas na takong na papalayo. Akala niya'y tapos na ang lahat. Ngunit ilang segundo pa lamang ang lumilipas... malakas na bumukas ang p***o ng opisina. Napalingon siya. Si Tiffany. Diretso itong lumapit sa mesa niya. Magaan ang ngiti nito. Ngunit malamig ang mga mata. "What's your name again?" "Ellen Cruz." "How old are you?" "Twenty-three." Tumango ang babae. "Pretty." Bahagyang ngumiti si Ellen "Thank you." "Don't." Nawala ang ngiti ni Tiffany. "I wasn't complimenting you." Tahimik lamang siyang nakatingin dito. Sanay siyang mayayabang ang mga mayayaman. Lumaki siyang kabilang sa ganoong mundo. Kaya hindi siya basta-basta natitinag. "Listen carefully, Miss Cruz." Mahina ang boses ni Tiffany. Ngunit sapat upang marinig lamang nilang dalawa. "I've known Westley for years.I know every woman who tried to get close to him.And I always make sure they disappear." Hindi nagbago ang ekspresyon ni Ellaine. "Then it's a good thing I'm here to work. Not to date my boss." Bahagyang natawa si Tiffany. "Oh...They all said the same thing." Unti-unti itong yumuko upang magpantay ang kanilang mga mata. "But sooner or later....they fall in love." Nanatiling kalmado si Ellaine. "If that happened...I'd resign." Napakurap si Tiffany. "Excuse me?" "I don't mix work with personal relationships." Diretso ang tingin niya rito. "I value my career more than office gossip." Sa unang pagkakataon...tila naubusan ng isasagot ang modelo. Hindi ito nakakita ng takot, hindi rin pagyayabang. Kundi isang babaeng tahimik...ngunit matatag. Bago pa muling makapagsalita si Tiffany...bumukas ang p***o ng opisina. Lumabas si Westley. "Aren't you leaving yet?" Hindi na ngumiti ang babae. Kinuha lamang nito ang handbag. Ngunit bago tuluyang umalis, dumaan muna ito sa tabi ni Ellaine. Mahina itong bumulong. "This isn't over." Tuluyan itong naglakad palayo. Tahimik na napabuntong-hininga ang buong executive floor. Parang sabay-sabay silang nakahinga. Napailing si Westley. "Drama queen." Hindi napigilan ni Ellaine ang mapangiti. "You smiled." Napatingin siya rito. "Hm?" "You've been trying so hard not to smile since this morning." Ani Westley habang nakasandal sa p***o ng opisina. "But you finally did." Bahagyang napahiya si Ellaine. "I just found the situation amusing." "I did too." Sandaling natahimik ang dalawa. Hanggang sa muli itong nagsalita. "By the way..." "Bukas ng gabi." Napakunot-noo siya. "Sir?" "I have a charity gala.I need my secretary with me." Nanlaki ang mga mata niya. "A gala?" "Yes. Formal attire." Bahagyang ngumiti si Westley. "And don't worry...I'll have someone prepare everything." Hindi pa man siya nakakasagot, lumapit ang HR Manager na halos hinihingal. "Sir! May emergency." Napatingin ang dalawa rito. "May investors from Singapore.They arrived a day early." Westley's expression instantly changed. The playful man disappeared. The ruthless CEO returned. "Prepare the conference room." "Call Legal." "And move tomorrow's schedule." "Yes, Sir!" Tahimik na pinanood iyon ni Ellaine. Ngayon niya lang nakita, kung bakit isa ito sa pinakabatang billionaire CEO sa bansa. Isang utos lang...gumagalaw ang buong kumpanya. At hindi niya namalayang habang abala si Westley sa pagbibigay ng instructions... May isang lalaking kararating lamang sa lobby ang nakatingin sa malaking LED screen ng kumpanya. Napako ang tingin nito sa live company event na ipinapakita roon. At sa tabi ng CEO...nakita niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Unti-unti siyang napangiti. "Ellen..." "I finally found you.""Some kisses are not forbidden because they're wrong... they're forbidden because once they happen, there's no turning back."******ELLEN'S POV :Pakiramdam ko buong Pilipinas na yata ang nakatingin sa akin pag gising ko.Isang umaga lang, nagbago lahat ng tahimik kong buhay.Nasa social media na yung litrato namin ni Westley sa night market at yung yakap sa harap ng condo ko. Kalat na kalat na. May mga nagsasabing sweet daw kami at bagay. May mga kinikilig at nag-eedit pa ng video namin.Pero mas marami yung nanghuhusga.Gold digger. Secretary lang naman pala. Kaya pala napromote agad. CEO at empleyada? Hindi bagay, mukhang pera lang.Paulit-ulit kong binabasa yung mga komento sa Facebook at sa TikTok hanggang sa tuluyan kong ibinaba yung cellphone ko sa mesa. Masakit pala kapag hindi ka naman kilala ng tao pero parang alam na nila ang buong pagkatao mo at kung anong klaseng babae ka.Hindi ko namalayang may tumigil na itim na sasakyan sa harap ko sa may tapat ng condo. Bumukas yung
Hindi na napansin nina Westley at Ellen ang itim na SUV na ilang minutong nakasunod sa kanila pauwi galing sa food park.Abala silang nagtatawanan sa loob ng sasakyan ni Westley. Si Westley ang nagmamaneho habang si Ellen ay tahimik na nakatingin sa maliit na keychain na napanalunan niya sa shooting game kanina."Ngayon lang ako may napanalunan sa shooting game," nakangiti niyang sabi habang pinaglalaruan ang keychain na puso ang hugis.Napatingin si Westley sa kanya habang nagda-drive. "Keychain lang yan ah. Hindi man lang teddy bear.""Hindi importante kung gaano kamahal yung napanalunan," sagot ni Ellen at isinabit ang keychain sa susi niya. "Importante kung sino ang kasama mo nung nanalo ka."Napailing si Ellen sa sarili niya pagkasabi nun at natawa."Naku... CEO ka talaga kahit naka-jeans ka lang," sabi ni Ellen."Bakit mo nasabi?" tanong ni Westley at ngumiti."Ang dali mong gumawa ng cheesy lines na parang scripted," sagot ni Ellen."Practice lang yun," sagot ni Westley."Pract
"The best dates are not the expensive ones... they're the moments you wish would never end."****Matapos ang naging pag-amin ni Westley sa harap ng buong kumpanya, mas dumami ang usapan sa Vidal Holdings.May mga natuwa at kinilig sa ginawa ni Westley. May mga hindi pa rin sang-ayon at sinasabing masyadong mabilis. Pero isang bagay ang hindi nagbago sa lahat ng tsismis.Mas naging determinado si Westley na ligawan si Ellen araw-araw.Bandang alas-singko ng hapon, katatapos lang ng meeting ng executive committee at palabas na si Ellen ng conference room dala ang laptop niya.Habang naglalakad siya sa hallway, bigla siyang inabutan ni Marco ng maliit na puting envelope na may wax seal."Para sa'yo, Miss Ellen," sabi ni Marco at ngumisi.Napkunot-noo si Ellen at kinuha ang envelope. "Kanino galing to?"Ngumisi si Marco nang mas malapad at kumindat. "Feeling ko alam mo na kung kanino galing. Amoy mayaman eh."Pagbukas ni Ellen ng envelope pagbalik niya sa mesa, isang maliit na card lang
ELLEN'S POV ;Pagkatapos ng halik namin sa parking, hindi kami umuwi agad.Nasa biyahe na kami, hawak pa rin ni Westley ang kamay ko habang nagda-drive. Mahigpit, na parang ayaw na akong pakawalan."Sa akin ka na muna matulog ngayong gabi," sabi niya, hindi na nagtanong kung okay lang ba. Diretso pero nag-aalala ang boses. "Delikado na yung litratong kumalat kanina. Ayokong mag-isa ka sa condo mo ngayon."Hindi na ako tumanggi. Pagod na talaga ako. Pagod kakaisip sa mga tsismis, sa tingin ng mga tao, sa lahat ng nangyari sa buong linggo.Pagdating namin sa penthouse niya, tahimik ang buong unit. Malamig ang aircon. Yung ilaw lang sa sala ang bukas, warm light. Amoy pabango niya sa buong paligid, yung amoy na nakasanayan ko na sa office."Gusto mo ng tubig?" tanong ni Westley pagkasara niya ng pinto.Umiling ako at nilapag ang bag ko sa sofa. "Gusto ko lang huminga saglit."Lumapit siya at walang salitang hinaplos niya ang likod ko, taas baba. Doon ko lang naramdaman na nanginginig pal
"The bravest confession is the one made in front of everyone... knowing you might lose everything."Kinabukasan, maaga pa lang ay parang may sariling buhay na ang tsismis sa Vidal Holdings.Hindi pa man nagsisimula ang office hours, may mga empleyado nang nagbubulungan sa pantry habang nagtitimpla ng kape."Narinig mo ba? Nililigawan daw ni Sir Westley si Miss Ellen na secretary," bulong ng isang babae mula sa accounting."Hindi lang daw nililigawan. Sila na raw talaga," sagot ng katabi niya."Hindi bagay sila," singit nung isa pang babae."Bakit? Cute kaya silang dalawa," sagot ng isa."Nerd kasi si Ellen dati," sabi nung una. "Hindi naman sa panglalait, pero ang daming mas magaganda at mas bagay kay Sir Westley."Hindi nila alam... nasa kabilang mesa lang si Ellen. Tahimik siyang naghahalo ng kape habang hawak ang mug, naririnig ang bawat salita nila.Hindi siya nasaktan nang sobra. Pero ramdam niyang bumigat ang dibdib niya habang nakikinig. Hindi dahil sa itsura niya. Kundi dahil
Dinner pa lang ang usapan nina Ellaine at Chairman Antonio sa mansion. Pero sa kabilang panig ng siyudad, may ibang taong abala ring maghanda. Hindi para makipagbati. Kundi para magsimula ng digmaan. Nasa rooftop bar ng isang hotel sa Makati si Tiffany Monteverde. May hawak na wine glass habang nakatanaw sa ilaw ng buong Makati. Naka-red dress siya at maayos ang buhok. Nakaupo sa tapat niya ang isang lalaking naka-itim na suit at naka-cap. Private investigator na matagal na niyang binabayaran. "Sigurado ka sa laman nito?" tanong ni Tiffany habang nakatingin sa envelope. Tumango ang lalaki at iniabot ang isang makapal na brown envelope sa mesa. "Nasa loob lahat, Ma'am Tiffany. Complete profile ni Ellen Cruz." Ngumiti si Tiffany at kinuha ang envelope. Binuksan niya ito at inilabas ang laman sa mesa. Resume ni Ellen Cruz sa Vidal Holdings. Employment records. Lumang IDs mula sa ibang kumpanya. Mga litrato mula sa CCTV ng building. Hanggang sa huminto ang kamay ni Tiffany sa isan







