로그인"Sometimes, the past doesn't come back to haunt you... it waits for the perfect moment to destroy everything you've rebuilt."
****** Tahimik na nakatingin si Ellaine sa direksyong nilakaran ni Westley kasama ang executive team. Mabilis. Diretso. Walang pag-aalinlangan.Sa loob lamang ng ilang segundo ay tila naging isang battlefield ang buong executive floor. May mga empleyadong nagmamadaling magdala ng mga dokumento, may tumatawag sa iba't ibang departamento, habang ang iba nama'y halos tumatakbo papunta sa conference room. Napangiti siya nang bahagya. Ngayon niya lamang nakita ang tunay na mundo ng malalaking negosyo. Walang sigawan. Walang panic. Lahat ay organisado. At ang sentro ng lahat ng iyon..ay ang lalaking ilang oras pa lamang ang nakakalipas ay nasampal niya. "Miss Cruz." Napalingon siya nang tawagin ng receptionist. "Yes?" "Pwede bang makahingi ng tulong?" "Of course." mabilis niyang sagot. Iniabot nito ang isang tablet. "Naka-sync dito lahat ng schedule ni Sir Westley. Since ikaw na ang official secretary niya, ikaw na ang magha-handle nito." Tinanggap niya iyon. Pagkabukas pa lamang ng calendar ay halos mapasinghap siya, sunod-sunod ang meetings. Business lunches. Video conferences. International calls. Charity events. Board meetings. Halos wala man lang bakanteng oras. "Paano siya nakakahanap ng oras para matulog?" bulong niya sa sarili. Narinig iyon ng receptionist at natawa. "Actually...Four hours a day lang daw ang tulog ni Sir." Napatingin siya rito. "Four hours?" Tumango ito. "Minsan nga dalawang oras lang." Napailing si Ellaine. "Hindi tao ang boss ko...Robot yata." Napangiti siya sa sariling naiisip. Maya-maya ay muling bumukas ang elevator. Lumabas ang isang matangkad na babae na may hawak na malaking garment bag. Kasunod nito ang dalawa pang lalaki na may bitbit na malalaking kahon. "Good afternoon." "We're from Maison Étoile." Napakunot-noo si Ellen. "Excuse me?" nagtatakang tanong niya. Lumapit ang HR Manager. "They're here for you." "Me?" "Yes.Sir Westley already called them." "Your gown for tomorrow night's charity gala." Nanlaki ang mga mata niya. "Wait...May gown na agad?" "Sir doesn't like last-minute preparations." Hindi pa man siya tuluyang nakaka-recover ay inilapag na sa mesa niya ang tatlong malalaking kahon. Shoes. Jewelry. Handbag. Kasunod noon ay ang garment bag. Maingat iyong binuksan ng stylist. At halos mapasinghap ang lahat ng empleyadong nakapaligid. Isang napakagandang midnight blue evening gown ang lumitaw. Simple. Elegant. Ngunit halatang napakamahal. "Wow..." Mahinang bulong ng receptionist. Napalunok si Ellen.. "Sigurado ba kayong para sa akin ito?" Ngumiti ang stylist. "Personally selected by Mr. Westley Vidal." Lalong napakunot-noo si Ellaine. "Personally?" Hindi pa man niya natatapos ang iniisip... biglang bumukas ang p***o ng conference room. Sunod-sunod na lumabas ang mga investors. Kasunod nila si Westley. Tahimik nitong inayos ang cuff ng suot na coat habang nakikipagkamay sa mga foreign investors. "Thank you for coming." "It's always a pleasure doing business with Vidal Holdings." Isa-isang nagsialisan ang mga bisita. Nang mapadaan si Westley sa mesa niya, napansin nito ang gown. "So..." Napatingin ito sa stylist. "It fits the theme." Tumango ang stylist. "It will suit Miss Cruz perfectly." Muli siyang napatingin kay Westley. "Sir...I think this is too expensive." Nagkibit-balikat lamang ang lalaki. "It's company expense.But—You'll be representing my office.I don't like people underestimating my employees." Natahimik siya, hindi niya alam kung ano ang isasagot.Hindi ito nagyayabang. Hindi rin ito nanliligaw.Natural lamang nitong sinasabi ang nasa isip. Bahagyang ngumiti si Westley. "Besides...Tomorrow night...Everyone will be looking at the CEO." Saglit itong tumigil. Pagkatapos ay ngumiti nang mapang-asar. "I don't want them asking why my secretary is dressed better than me." Napatawa si Ellaine. "I highly doubt that will happen." "Are you sure?" Napailing siya. "Very sure." Ngunit hindi niya napansing... mula sa kabilang dulo ng executive floor... may isang pares ng matang tahimik na nakatingin sa kanilang dalawa. Mahigpit ang pagkakahawak ng babae sa mamahaling handbag. Naniningkit ang mga mata. Tiffany Guanzon. "So... " Mahina nitong bulong."You're already smiling because of him." Unti-unti itong napangisi. "Let's see if you can still smile tomorrow night." ________ Hindi napansin ni Ellaine ang matang nakamasid sa kanya mula sa kabilang dulo ng executive floor. Abala siya sa pagtitig sa gown na nakasabit sa garment rack. Kailanman ay hindi niya pinangarap na magsuot muli ng mamahaling evening gown. Sa katunayan, iyon mismo ang sinusubukan niyang takasan. Ang marangyang buhay. Ang mga charity gala. Ang mga business partners. Ang mga taong kilala ang apelyidong Valderama. Mabigat siyang napabuntong-hininga. "Miss Cruz?" Napalingon siya sa stylist. "Would you like to try it on?" Agad siyang umiling. "Not now. Maybe tomorrow na lang po." Tumango ang babae. "All right. We'll return tomorrow afternoon for your hair and make-up." Pagkaalis ng stylist ay muli niyang isinara ang garment bag. Hindi niya namalayang nakatayo na pala si Westley sa kabilang gilid ng mesa. Tahimik lamang itong nakatingin sa kanya. "Problem?" Napapitlag siya. "Wala Sir." "Sure?" Tumango siya. "I'm just... not used to all of this." Bahagyang napangiti ang CEO. "You'll get used to it." I don't think I want to." mahinahong sabi niya. Napataas ang kilay ni Westley. "Really?" "I prefer a quiet life. I like small coffee shops." "Bookstores, Public parks.Simple restaurants." Hindi agad nagsalita ang lalaki. Pinagmasdan lamang siya nang ilang segundo. Pagkatapos ay bahagyang ngumiti. "That's... surprisingly refreshing." manghang sbai nito. "Bakit sir?" "Karamihan sa mga babaeng nakilala ko..." "...mas excited sa designer bags kaysa sa business meetings." Napangiti si Ellen. "Maybe you're meeting the wrong women." Natawa si Westley. "Maybe." Hindi niya napansing ilang empleyado na ang palihim na sumusulyap sa kanilang dalawa. Maging ang receptionist ay napailing. "Hala..." Mahina nitong bulong sa katabing empleyado. "Ngumingiti si Sir." "Again." "Hindi normal 'yan." "Huwag kang maingay." "Baka marinig." Ngunit huli na.Narinig na iyon ni Westley. Napalingon siya sa dalawang empleyado. Agad namang nagtungo ang mga ito sa kani-kanilang mesa na parang walang nangyari. Napailing ang CEO. "They're unbelievable." Napatawa si Ellaine. "I think they're just... curious." "They're gossiping." "That's different." Hindi niya napigilang matawa nang mas malakas. Napailing si Westley. "There. You laughed. It's getting easier." Bahagya siyang natahimik. Hindi niya alam kung bakit... pero sa unang pagkakataon matapos ang nangyari kay Leo...pakiramdam niya'y nakatawa siyang hindi pilit. Hindi dahil masaya ang buhay. Kundi dahil...may taong kusang nagpapagaan ng mabigat niyang isip. Biglang tumunog ang cellphone ni Westley. Tinignan nito ang screen. Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha niya. "Excuse me." Lumayo ito ng ilang hakbang bago sinagot ang tawag. Tahimik lamang si Ellaine habang inaayos ang mga dokumentong nasa mesa. Hindi niya sinasadyang marinig ang usapan. "Mom.....I'm working." Saglit siyang napangiti. "Mama's boy?" "Tomorrow?" Westley's voice became softer. "Yes.I'll bring my secretary." Napahinto ang kamay ni Ellen. "Secretary?" Hindi niya alam kung ano ang sinabi sa kabilang linya.Ngunit ilang segundo lang... biglang napatawa ang CEO. "No, Mom.I'm not dating her." Tahimik na yumuko si Ellaine. Bigla siyang nahiya kahit wala naman siyang ginagawa. Pagkababa ni Westley ng telepono ay napansin nitong bahagyang namumula ang pisngi niya. "Everything okay?" Tumikhim siya. "I... accidentally overheard your conversation." "That's unfortunate." Napakamot sa batok ang lalaki. "My mother likes assuming things." Napangiti si Ellaine. "I noticed." "Hmm.She's probably planning our wedding already." Nanlaki ang mga mata niya. "What?" Biglang natawa si Westley. "I'm kidding." Napabuga siya ng hangin. "For a second...I almost believed you." "I have a very convincing face." "You have a very mischievous face." Tahimik na nagkatitigan ang dalawa. Pagkatapos ay sabay silang natawa. Hindi nila alam...na sa labas ng executive floor... may isang lalaking kararating lamang sa lobby. Suot ang mamahaling itim na suit. May hawak na bouquet ng puting rosas. Diretso itong lumapit sa receptionist. "Good afternoon.I'm here to see..." Saglit itong tumingin sa cellphone bago muling nagsalita "...Miss Ellaine Cruz." Ngumiti ang receptionist. "May I know your name, Sir?" Bahagyang ngumiti ang lalaki. "Tell her...Leo Garcia is here." Sa loob ng executive office, biglang tumunog ang telepono sa mesa ni Ellaine. Hindi niya alam... na sa pagsagot niya sa tawag na iyon... unti-unting babalik ang nakaraan na pilit niyang tinatakasan."Sometimes, the most unforgettable dance is the one that begins with a choice... and ends with two hearts declaring war without saying a single word."**************************************Hindi agad nagsalita si Ellaine.Pakiramdam niya ay biglang nawala ang ingay ng buong ballroom. Ang musika ng orchestra, ang mahihinang usapan ng mga bisita, maging ang sunod-sunod na camera flashes ay tila unti-unting naglaho. Ang tanging naririnig na lamang niya ay ang malakas na tibok ng sarili niyang puso habang nakatingin sa dalawang lalaking kapwa naghihintay ng kanyang magiging desisyon.Sa kanan niya ay si Leo Garcia—ang lalaking minsang pinangarap niyang makasama habambuhay, ngunit siya ring sumira sa lahat ng pangarap na iyon.Sa kaliwa naman ay si Westley Madrid Vidal—ang CEO na ilang araw pa lamang niyang nakikilala ngunit paulit-ulit na sumusulpot sa tuwing kailangan niya ng masasandalan.Hindi niya alam kung bakit.Ngunit sa sandaling iyon...isa lamang ang sigurado niya.Ayaw na niya
"The brightest stars don't beg to be noticed... they simply shine."*******************Isang sunod-sunod na camera flash ang sumalubong sa itim na Rolls-Royce Phantom nang huminto iyon sa harap ng Manila Grand Regency Hotel.Isa ito sa pinakamahal at pinakakilalang hotel sa bansa.Ngayong gabi gaganapin ang taunang charity gala na dinadaluhan lamang ng mga pinakamalalaking negosyante, politicians, celebrities, at mga kilalang pamilya.Tahimik na bumaba si Westley Madrid Vidal mula sa driver's seat.Suot nito ang isang eleganteng black tuxedo na lalong nagpatingkad sa matangkad nitong pangangatawan. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok nito at gaya ng dati ay bakas sa mukha ang natural nitong kumpiyansa.Ngunit sa pagkakataong ito, hindi siya agad umikot upang pagbuksan ng pinto ang kasama.Huminga muna siya nang malalim.Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila kinakabahan siya.Kanina pa umiikot sa isip niya ang larawan ni Ellaine nang makita niya ito sa lobby ng condominium.Hanggang n
"The greatest revenge isn't making them regret losing you... it's becoming someone they no longer deserve."*********Hindi agad naigalaw ni Ellaine ang kamay matapos ibaba ang telepono. Nanatili siyang nakatitig sa mesa habang unti-unting humihigpit ang pagkakahawak niya sa receiver. Pakiramdam niya ay may malaking batong dumagan sa dibdib niya.Leo Garcia.Narito siya.At hinahanap siya, sa loob ng apat na buwan ay ginawa niya ang lahat upang mawala sa paningin ng lalaking iyon. Pinalitan niya ang pangalan niya. Iniwan niya ang marangyang buhay. Nagsuot siya ng makapal na salamin, braces, at mga simpleng damit upang walang sinumang makakilala sa kanya.Ngunit sa huli...natagpuan pa rin siya nito."Miss Cruz?"Napapitlag siya nang marinig ang boses ng receptionist.Bahagya siyang napalingon."Nandiyan pa rin po siya sa lobby,.Ano po'ng isasagot ko?"Huminga nang malalim si Ellaine bago marahang ipinikit ang mga mata.Hindi.Hindi pa siya handa.Hindi niya kayang harapin ang lalaking
"Sometimes, the past doesn't come back to haunt you... it waits for the perfect moment to destroy everything you've rebuilt."******Tahimik na nakatingin si Ellaine sa direksyong nilakaran ni Westley kasama ang executive team.Mabilis.Diretso.Walang pag-aalinlangan.Sa loob lamang ng ilang segundo ay tila naging isang battlefield ang buong executive floor. May mga empleyadong nagmamadaling magdala ng mga dokumento, may tumatawag sa iba't ibang departamento, habang ang iba nama'y halos tumatakbo papunta sa conference room.Napangiti siya nang bahagya.Ngayon niya lamang nakita ang tunay na mundo ng malalaking negosyo.Walang sigawan.Walang panic.Lahat ay organisado.At ang sentro ng lahat ng iyon..ay ang lalaking ilang oras pa lamang ang nakakalipas ay nasampal niya."Miss Cruz." Napalingon siya nang tawagin ng receptionist."Yes?""Pwede bang makahingi ng tulong?""Of course." mabilis niyang sagot.Iniabot nito ang isang tablet."Naka-sync dito lahat ng schedule ni Sir Westley. Si
"The moment you stand beside a powerful man, people stop asking who you are... and start deciding who you must be."********Hindi pa rin maalis ang pamumula sa pisngi ni Ellaine habang tahimik niyang inaayos ang mga gamit sa maliit ngunit elegante niyang workstation na nasa labas lamang ng opisina ni Westley Madrid Vidal.Hindi pa rin siya makapaniwala.Ilang oras pa lamang siyang empleyado ng Vidal Holdings..pero nagawa na niyang sampalin ang CEO.Kung nalaman lamang iyon ng kaibigan niyang si Martha, siguradong tatawa iyon nang isang linggo.Napailing siya habang inilalabas ang maliit niyang notebook, ballpen, at planner mula sa lumang tote bag."Focus, Ellaine. Nandito ka para magsimula ulit. Hindi para gumawa ng panibagong gulo."Huminga siya nang malalim.Unti-unti nang bumabalik ang tibok ng puso niya.Tahimik ang executive floor.Maririnig lamang ang mahinang tunog ng mga keyboard at teleponong paminsan-minsang tumutunog. Maya-maya pa'y umilaw ang intercom sa mesa niya.Napaup
"Some people enter your life with flowers. Others enter with a slap."******Hindi pa rin makapaniwala si Ellaine Cruz habang nakatitig sa company ID na nakasabit sa leeg niya.VIDAL HOLDINGS INC.Employee na siya. May trabaho na siya.May bagong buhay na naghihintay.At higit sa lahat... wala nang makakakilala sa kanya bilang Ellen Valderama-Cruz. Sa tulong ng kaibigan at pera, nakakuha siya ng requirements para dito.Napangiti siya."Congratulations, Miss Cruz." Nakipagkamay ang HR Manager."Welcome to Vidal Holdings.""Thank you po." magalang niyang sabi."Sir Westley already approved your application. Starting today, you'll be working directly under the Office of the CEO."Napakurap siya."K-Kami lang po?""Yes.You're his new personal secretary."Napalunok siya.Naalala niya ang lalaking nag-final interview sa kanya kanina.Confident.Matalino.At napakakulit.Hindi niya makalimutan ang pilyong ngiti nito."Are you sure you can handle working with me, Miss Cruz?"Napailing siya.Ma







