Home / Romance / The Boss and His Secretary / Kabanata 171 [Impostor]

Share

Kabanata 171 [Impostor]

Author: Dwendina
last update publish date: 2026-11-20 18:18:04

‘Clarisse?’

Mabilis na naibaba ng kakambal niya ang teleponong hawak. Nagulat pa ito nang bigla siyang sumulpot mula sa likuran ng dalaga.

‘Sino iyang kausap mo?’

‘Ah, wala.. si Bert.’ Ngumiti pa ito. ‘Kausap ko sa kabilang linya.’

‘Hi, Clarisse..’ Siya rin ang pagsulpot ni Bert mula sa veranda.

Nakita niya ang naging mabilis na reaksyon ng kapatid–ang pamumutla nito. Doon nagsimula ang kaniyang suspetsa na may itinatago ito sa kaniya nang magkandarapa sa paghanap ng paraan–isasagot at idadah
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Boss and His Secretary   Kabanata 171 [Impostor]

    ‘Clarisse?’Mabilis na naibaba ng kakambal niya ang teleponong hawak. Nagulat pa ito nang bigla siyang sumulpot mula sa likuran ng dalaga.‘Sino iyang kausap mo?’ ‘Ah, wala.. si Bert.’ Ngumiti pa ito. ‘Kausap ko sa kabilang linya.’‘Hi, Clarisse..’ Siya rin ang pagsulpot ni Bert mula sa veranda. Nakita niya ang naging mabilis na reaksyon ng kapatid–ang pamumutla nito. Doon nagsimula ang kaniyang suspetsa na may itinatago ito sa kaniya nang magkandarapa sa paghanap ng paraan–isasagot at idadahilan upang hindi mabisto. Nagsimula siyang mapakunot-noo nang muling nanumbalik sa alaala ni William ang huling naging pag-uusap nila ni Clarisse sa mansyon nitong nagdaang araw pag-uwi niya–ang naging huling tagpo na patuloy na bumabagabag sa kaniya. ‘Alam kong may itinatago ka. Then, what could it be?’ Hindi siya makatulog, may kanina pang gumugulo sa isipan niya, lalo na nang maraanan si Clarisse sa kanto na malapit sa highway nang pauwi na sila mula sa party. Alam niyang ang kakambal niya

  • The Boss and His Secretary   Kabanata 170 [Clarisse?]

    “Oh, yeah, event sa Cebu. Sa convention center, right?" paniniguradong saad ni William nang hindi mapahiya sa kausap. Nagliwanag ang mukha ni David at nginisihan sila. "Tama, naalala mo. Akala ko nakalimutan mo na.” "Almost, but I'm sorry, hindi kita agad nakilala." "Ayos lang, hindi rin naman kasi tayo masyadong nagkausap no’n dahil sa rami ng mga negosyanteng gustong makilala ka’t makasosyo,” paliwanag nito. “At saka it's been a year na since our first and last met.” ‘Oh nga e,” napapakamot nitong tugon. Lumabas na naman ang mapuputi at pantay nitong mga ngipin. Karagdagan sa kaguwapuhan ng lalaki. "If you don't mind, William may I talk to you about business? Maybe it’s not the right time but—" “Sure.." putol ni William. Mas lalong nabuhayan si David sa sagot ng lalaki at mas lalo pang na-excite. "Let's talk about it after the party.” “Sige..” Sumulyap sa kaniya si David. Halata sa mukha nito ang matinding kasabikan na parang isang pindot na lang ay tagumpay na

  • The Boss and His Secretary   Kabanata 169 [Selos?]

    "Alam mo ba, Trisha, itong asawa mo.. he’s so different," ngingiti-ngiting saad ni Almira at malagkit na tinapunan ng tingin si William na siyang tinutukoy nito. "Bakit?" tipid niyang tanong rito. “What do you mean?" Mukhang matagal ding nagkakilala ang dalawa sa States. Hindi maitatangging close sa isa't isa, base sa natutunghayan niya ngayon mismo sa harapan niya. Buti at may nakaibigan din pala si William do’n sa kabila ng ugali nito, sabagay Almira is an easy goin’ person, halos lahat nagiging kaibigan agad ng babae kahit sa sinumang makasalamuha nito. Hindi na nakapagtataka. And maybe… Almira might also be the reason kung bakit malaki ang ipinagbago ng lalaki—at si Annie. "He’s one of a kind, iba sa mga lalaking nakilala ko... at naging kaibigan." Kumindat pa ito sa kaniya na akala mo naman ay nakatutuwa. Ewan niya ba, hindi maganda ang pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. Mukha kasing may laman ang mga salitang lumalabas sa bibig ng babae. Marahil ay may kung anong m

  • The Boss and His Secretary   Kabanata 168 [Reunion Party]

    Lumipas ang mga araw, nakatanggap siya ng email mula sa dating president ng noo'y section nila. Tinatanong kung makararating siya sa Sabado. Excited niyang ipinaalam dito na makadadalo siya. Napag-alaman niya ring pupunta si Almira na mas lalong nagpa-excite sa kaniya. Dumating ang araw na iyon. Kasalukuyang nagsusuot ng sandals si Trisha nang tawagan niya si William sa phone. Wala pa rin kasi ito. Mahigit isang oras na lang at magsisimula na ang party. Paalis na rin siya ng bahay. Ring lang ng ring ang cellphone ng lalaki–walang sumasagot. Hanggang sa naisipan niyang magpaalam na sa mga magulang at sumakay na lamang ng sasakyan. Nagsama siya ng bodyguard ayon sa utos ng ama. Habang nasa byahe, nakatanggap siya ng tawag mula sa asawa na susunod na lamang ito, sapagkat mukhang male-late si William ng kaunti dahil sa traffic. Kasama ang driver at bodyguard, nagtungo si Trisha sa sinasabing hotel. "Dito na lamang kayo maghintay," utos niya sa mga ito. "Yes, ma'am." Pagkababa

  • The Boss and His Secretary   Kabanata 167 [Imbitasyon]

    "What?! S-Siya na nga 'yon," bulalas ni Thea. Mahigpit siyang napahawak sa glass. Lumingon siya sa kaibigan at mariing tumitig. "Kung gayon.." "Yes, correct," mabilis na sagot ng kaibigan. "A hundred percent sure. Maybe kung hindi dumating si Sir William, baka nakidnap ka na niya. Baka lasug-lasog at gutay-gutay na ang katawan mo. Bhe! Careful naman kahit minsan, lagi ka na lang nato-trouble." Umirap pa ito sa kaniya nang ipagkrus ang mga braso. Huminga siya nang malalim. Hindi naman kasi niya inaasahan na makita roon si Carlito. Outing nila iyon ng asawa at childhood friend. Malay niya ba na magtutungo ito roon? Ngunit, p-para saan, ba't naroroon ito? Bumugso ang takot at kaba sa dibdib ni Trisha. Sinusubaybayan ba sila ng lalaking 'yon–na kahit hanggang do'n sa outing ay nakaabang ito? Ano na naman kaya ang balak gawin ni Carlito? Dapat itong makulong, kung hindi man, mas higit pa roon ang nararapat mangyari rito. Hindi pwedeng manahimik lang siya, dapat mayro'n siyang

  • The Boss and His Secretary   Kabanata 166 [Takot at Kaba]

    Naalala niya ang pangalang binanggit nito. Si Cindy, ang nerd noon sa barangay nila na may gusto sa kanilang dalawa ni Wilson. Muling nagbalik sa kaniyang gunita ang lahat, kung saan aksidente niyang nabasa ang love letter na ginawa nito para sa kaniya. 'Tsk.' Napailing siya. Iyon ang simula at dahilan kung bakit sinubukan niyang magtapat ng damdamin kay Trisha, ngunit sa kasamaang palad, hindi pa rin nito nalaman na may nararamdaman siya para rito. "Ah, oo, naaalala ko siya." Tumawa pa si Wilson. "Umiyak pa nga 'yon no'ng pinagkalat ng mga bullies niya ang nararamdaman niya para sa 'kin. Ang totoo, kawawa nga 'yon, nag-transfer nang dahil lang do'n. William, hindi ba't may gusto rin siya sa 'yo?" Baling nito sa kaniya. "Ha? Ah, s-siguro, hindi ko alam." Muli itong natawa. "Sus, stop pretending, bro. Marami ang nakakaalam dati na nabasa mo ang letter niya." Sinulyapan niya si Trisha na tahimik lamang na nakikinig sa kanila habang nakatingin sa kaniya. "Tss, ano ba kayo,

  • The Boss and His Secretary   Kabanata 6 [Kapatid]

    Umuwi muna si lola para makapagpahinga. Tulog ang aking kapatid, mahimbing ang pagkakatulog. Katatapos niya lang maoperahan kanina at ngayon ay bumabawi ang katawan. Pinaghalong habag at saya ang aking naramdaman. Sa wakas ay magiging maayos na ang kalagayan ng aking kapatid. Hindi na ito mahihira

  • The Boss and His Secretary   Kabanata 5 [Blackmail]

    “Now, that I'm your boss. Susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko bilang personal secretary ko. Or else..” Mariin akong napapikit, nang tuluyang maramdaman ang init ng kaniyang hininga sa pagitan ng aking leeg at tenga. Nakumos ko ang laylayan ng suot kong maiksing palda. Naglaro sa aking diwa ang

  • The Boss and His Secretary   Kabanata 4 [Opisina]

    Naglalakad ako sa daan habang nakapayong nang biglang may dumaang kotse. “Grabe naman! Bulag ka bang driver ka!” inis kong sigaw matapos kong batuhin ang likurang bahagi ng kotse. Kinabahan ako nang biglang huminto iyon. Akala ko ay may bababa para labasin ako, ngunit kaagad iyung muling umandar

  • The Boss and His Secretary   Kabanata 3 [Cheque]

    Pakiramdam ko ay huminto ang lahat sa paligid. Marahan akong napapikit. Nakikiramdam sa mga susunod pang mangyayari. ‘Pamilyar ang kaniyang halik..’ bulong ko sa aking sarili. Napamulat ako nang bigla niya akong buhatin, dahilan para mapahawak ako sa kaniya nang mahigpit. “I'll take you out..” b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status