Home / Romance / The Boss and His Secretary / Kabanata 73 [Regalo]

Share

Kabanata 73 [Regalo]

Author: Dwendina
last update Last Updated: 2025-12-02 23:46:38

Nakita ni William ang unti-unting paglaho ng ngiti nito na ikinabahala naman niya kaagad.

“Kanina, sasabihin ko na sana sa ‘yo no’ng pagpalapit mo pero mukhang wala ka sa mood. Kaya't hindi ko agad nasabi,” masigla nitong sagot.

Nawala naman kaagad ang pag-aalala niya at napalitan muli ng pagkasabik at ligaya. Niyakap niya si Trisha.

“Babe, I'm sorry, lalo na sa mga nasabi nina grandma at Papá laban sa ‘yo.”

Natigilan ito.

“Sana, huwag kang bibitaw. Mahal na mahal kita, kung alam mo lang. Hindi ako papayag na mawalay ka sa ‘kin–kayo ng magiging anak natin. Mag-ingat ka palagi..”

Kumalas ito at hinawakan siya sa kamay. Pagkatapos ay mataman siyang tinitigan.

“Para ka namang aalis, kung makapagsalita ka.” Inirapan siya nito. “Of course, ipaglalaban natin ang pagmamahalan natin, ano? Walang bibitiw..” Bahagya nitong ipinilig ang ulo sa kaniyang dibdib.

Napangiti siya. Masaya siya sa hatid ng balitang iyon. Wala nang makapapantay sa ligayang kaniyang nadarama habang kasama si Trisha
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 84 [Selebrasyon]

    Maagang nagtungo si William sa Del Fuego Luxury Hotel. Sinuri niya ang buong paligid, makita lamang si Trisha. Alam niyang nagtatrabaho ito sa high-profile family na kasalukuyang number one investor ng kanilang korporasyon, ang Aveedra. Pasimple siyang naglakad-lakad. Puno ng magaganda at nagkikinangang palamuti ang paligid. Kapansin-pansin din ang naglalakihang crystalized chandelier. Ang Del Fuego ang may pinakamarangyang mga Hotel sa buong Pilipinas.Huminga siya nang malalim. Iniisip kung saan mahahanap ang kaniyang asawa. Gusto niya itong makausap hangga't hindi pa nagsisimula ang okasyon. Kumuha siya ng isang baso ng alak.“Hi…” Napalingon si William sa dalagang nakatayo. Sa tingin niya ay mas bata ito sa kaniya nang ilang taon. Maganda ito at mukhang mayaman, kaso mukhang liberated. Hindi nalalayo sa mga babaeng humahabol sa kaniya.“Kilala kita, the only heir of Aveedra,” saad nito sa mapang-akit na boses. Bahagya lang siyang ngumiti. Walang balak na makipag-usap nang mata

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 83 [Appointment]

    Ilang minuto pang nanatili si William sa labas ng establisyemento, hinihintay ang paglabas ni Trisha. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa kaniyang sasakyan. Ayaw niyang maniwala sa sarili na hindi siya nito naaalala. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa likod ng dalawang linggong pagkawala ng asawa. Kahit man sa tingin niya'y malaki ang ipinagbago nito ngayon sa pisikal na anyo. Ito pa rin ang Trisha na kaniyang kilala. Ang kaisa-isang babaeng inalalayan niya ng kaniyang buhay. Ang mamahalin niya hanggang sa wakas. Malaki ang epekto sa kaniya ng pagkawala ni Trisha. At hindi siya papayag na tuluyang itong mawalay sa kaniya. Gagawin niya ang lahat bumalik lamang ito sa kaniya. Hindi nga nagtagal at lumabas din ito agad. Patakbo niya itong nilapitan. “Babe… can we talk?” umaaasang saad niya. Huminto ito at marahang napaismid. “I am busy.” Humarang siya sa pintuan ng kotse. “Please, kahit isang minuto lang..” Napatingin siya sa isang tauhan na palapit sana sa kaniya para

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 82 [Muling Pagkikita]

    Si Joe na driver niya ang kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan patungong building nang biglang sumulpot ang itim na sasakyan at mag-overtake ito. Muntikan pa silang maaksidente sa ginawa ng driver ng kotse.“Stick to him. Huwag mo siyang hayaang makalayo!” maawtoridad niyang saad. Kuyom ang kamaong pabagsak niyang ipinatong iyon. Uminit lalo ang ulo ni William nang hindi ito nagpaubaya sa daan. Para itong may-ari ng highway. Nagpatuloy sila sa pag-uunahan at pag-aagawan ng lane nang huminto sa may establisyemento ang itim na kotse. Imbes na sa building ang tungo niya ay roon sila napunta dahil sa sasakyang iyon.“Dito ka lang, ako na ang haharap sa bwisit na driver’ng iyan!” kumukulo ang dugong saad niya. Hindi siya nagsayang ng oras at kaagad nang bumaba. Galit na pahampas na kinatok ang bintana ng kotse.“Lumabas ka riyan! Ang mga katulad mo ay dapat na–” nahinto siya sa pagsasalita nang bumaba ang naka-shade na babaeng may magandang hubog ng katawan. Naka-floral dress ito ng

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 80 [Pamilya Del Fuego]

    Nanibago si Trisha sa naging takbo ng kaniyang buhay. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang mga naganap. Ang mga katotohanan na hindi na niya maipagkakaila pa. Isang umaga, habang tahimik na nakaupo sa may veranda at isa-isang hinihipo ang mga dahon ng halaman na naka-display, malalim ang kaniyang iniisip. Narinig niya ang pagtikhim ng isang babae sa kaniyang likuran. Nang lingunin niya ito, tumambad sa kaniya ang adopted ng kaniyang mga magulang. Ito ang pumalit sa kaniya noon sa pusisyon bilang anak ng mga Del Fuego. Ayon sa Mamá at Papá niya, upang maibsan ang pangungulila sa kaniya ng mga ito noon. Nag-ampon sila ng baby girl. Ibinigay nila rito ang pagmamahal na sa kaniya rapat pinapadama. Subalit, iba pa rin ang tunay na kadugo. Maaaring naipamalas nila sa adopted child ang pagmamahal ng isang magulang, ngunit hindi pa rin maiwasan ng mga ito ang mangulila sa tunay na anak na nawalay ng matagal na panahon. Dagdag pa ng mga ito na kahit kapiling na

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 80 [Pamilya Del Fuego]

    Nanibago si Trisha sa naging takbo ng kaniyang buhay. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang mga naganap. Ang mga katotohanan na hindi na niya maipagkakaila pa. Isang umaga, habang tahimik na nakaupo sa may veranda at isa-isang hinihipo ang mga dahon ng halaman na naka-display, malalim ang kaniyang iniisip. Narinig niya ang pagtikhim ng isang babae sa kaniyang likuran. Nang lingunin niya ito, tumambad sa kaniya ang adopted ng kaniyang mga magulang. Ito ang pumalit sa kaniya noon sa pusisyon bilang anak ng mga Del Fuego. Ayon sa Mamá at Papá niya, upang maibsan ang pangungulila sa kaniya ng mga ito noon. Nag-ampon sila ng baby girl. Ibinigay nila rito ang pagmamahal na sa kaniya rapat pinapadama. Subalit, iba pa rin ang tunay na kadugo. Maaaring naipamalas nila sa adopted child ang pagmamahal ng isang magulang, ngunit hindi pa rin maiwasan ng mga ito ang mangulila sa tunay na anak na nawalay ng matagal na panahon. Dagdag pa ng mga ito na kahit kapiling na

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 79 [DNA]

    Halos manlupaypay siya nang mga sandaling iyon. Muli siyang nahiga at napatanaw na lamang sa bintana na pilit na hinaharangan na pumasok ang liwanag na nagmumula sa sikat ng araw. Paghihinagpis ang nanaig sa puso niya. Tahimik siyang napahikbi habang kinukumos na ang damit sa bahaging dibdib. Naramdaman na lamang niya ang pagdikit ng mainit na palad ng estranghera sa kaniyang braso at marahan iyong hinaplos. Pagkatapos ay mahina siya nitong tinapik-tapik sa balikat. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Isa rin akong ina na nawalay sa anak nang mahabang panahon. But finally, I found her..” mahinang saad nito nang sumilay ang ngiti sa mga labi. Humarap siya rito at dahan-dahang naupo sa kama upang pakinggan ito. Tumitig ito sa kaniya nang makahulugan na hindi naman niya mawari kung ano. Patuloy na pinisil-pisil nito ang kaniyang palad na hindi na lamang niya pinansin at nakatuon ang atensyon sa idaragdag pa ng ginang.“She's beautiful like her mom, when she's young..” Naguguluhan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status