Masuk“Ano pa ang hinihintay mo, anak? Magbihis ka na at aalis na tayo,” untag sa kaniya ng ama sa maaliwalas nitong mukha matapos nitong tingnan ang tumatakbong oras sa suot nitong relo.Nakangiting nilingon niya si William–nasasabik na nagmamadaling pumasok at umakyat ng kwarto."Orlando, sa church tayo..” utos ni Doc Sebastian sa personal driver nito nang muli siyang makababa. Hindi umimik si William at sumunod na lamang sa kanila papasok ng sasakyan.“Ah, babe.. ayos ka lang ba?” maya-maya'y tanong niya nang mapansin ang pananahimik ni William sa kaniyang tabi na tila ba may malalim na iniisip. “Pasensya ka na–”“No worries, ayos lang ako,” mabilis nitong sagot sa mahinahong boses. Tumahimik siya, ngunit maya-maya'y kaagad naman siyang yumapos sa lalaki. “Sorry, ah.. gusto kasi ng baby natin na magsimba,” panlalambing niya rito."Ano ka ba, ayos lang, sa simbahan naman tayo patungo. Para rin naman ito sa atin, hindi ba?”Tumango siya. Mas lalo pa niyang isiniksik ang ulo sa leeg ng
“Thank you nga pala rito sa ring, babe..” matamis ang ngiting usal ni Trisha habang ini-stroke ng daliri ang suot na singsing. Ngumiti si William at sinulyapan ang bagay na kanina pang tinititigan ni Trisha. “Do you like it?" Pagkatapos ay muling nilingon ang daan at patuloy pa rin sa pagmamaneho. Pauwi na sila nang mga oras na iyon. Mula sa mansyon ay dala niya ang kasiyahan at ang hindi maalis-alis na kislap at ngiti sa mga mata. "Super.. iba pa rin talaga kapag mahal mo ang nagbigay,” mahina at makahulugan niyang tugon. Kakaiba ang pakiramdam na iyon para kay Trisha. Iba sa kung paano niya naalalang pagtanggap noon sa ibinigay rin sa kaniya noon ni Bert na silver ring na may kaunti lamang na pag-ibig na ramdam niya nang mga panahong iyon pero mas pinili niya ang magpalamon sa pag-ibig para sa lalaki. Hindi katulad ngayon na hindi niya maipaliwanag ang nag-uumapaw na ligayang nadarama sa puso niya. Mas lalong lumuwang ang ngiti ni William sa narinig nito at sa minsang pagmamas
Naiwan si Trisha sa bench sa harap ng fountain, malapit sa man-made waterfall. Kaaalis lang ni William upang kunin sa loob ang isang bagay na sinasabi nitong ibibigay sa kaniya bago siya umuwi. “Trish…” Napalingon siya sa lalaking lumapit. Umiwas kaagad siya rito ng tingin at akmang tatayo nang pigilan siya ni Bert. “Anong kailangan mo?” matigas niyang tanong ngunit sa kalmadong boses. Ayaw niya sanang bigyan ng pagkakataon na makausap ang lalaki lalo pa't nasa paligid lamang si William. Alam niya na ang mga sasabihin nito, kaya't hangga't maaari kailangan niyang umiwas dito–na magsisimula lamang ng gulo sa pagitan nilang tatlo. Oo nga pala at sa kapatid rin ng kaniyang asawa dahil may ugnayan na ang dalawa na nasaksihan niya kagabi lamang. “Trish.. I mean, Stephanie..” saka lamang nito naalalang tawagin siya sa bago niyang pangalan. “Gusto kong humingi ng kapatawaran, s-sa lahat,” pabulong na pagsusumamo sa kaniya ni Bert sa malamyos nitong tinig. Nagbaba siya ng tingin. A
Alas diyes na nang gabi nang marinig ni Trisha ang mga halinghing mula sa kabilang kwarto na naraanan niya sa hallway sa katabi ng silid ni William. Bumaba siya kanina at kasalukuyan nang pabalik na ng kwarto ng kaniyang asawa nang mapahinto siya. Alam niyang boses iyon nina Bert at ng kakambal na kapatid ni William na si Clarisse. Sa mga naririnig niya ay para bang may ginagawang kababalaghan ang mga ito sa loob. Nilingon niya ang pintuan na bahagyang nakabukas, wari'y hindi naisara nang maayos sa pagmamadali. Napakunot ang noo niya nang ilapit ang tenga sa siwang. Habang tumatagal ay mas lalong lumilinaw ang mga kataga sa kaniyang pandinig na ikinalakas ng kabog ng kaniyang dibdib.“Yan.. ganyan nga, shit..” boses iyon ni Bert na halatang nasasarapan. “Ikaw ang pinakamasarap na babae sa lahat ng natikman ko..”Napatakip si Trisha ng bibig. Tama nga ang hinala niya may ginagawa ang dalawa.“Wala rin namang nag-inform sa akin na nasa godbrother ko pala ang sarap na hinahanap ko..” m
“Maraming salamat,” bahagyang yumuko si William nang sabihin iyon. “Ako’y taos-pusong nagpapasalamat sa inyong pagdalo ngayong gabi lalo na sa aking ama at pinakamamahal na grandma na nagplano ng lahat ng ito na siyang modelo ng aming pamilya. Alam n'yo naman kung saan ako nanggaling bago ako muling nakabalik sa tunay kong pamilya. Araw-araw kong ipinagpapasalamat sa Panginoon ang biyayang natatanggap ko, sa kabila ng pinagdaanan kong hirap at mga karanasan. Anyway, this is a big surprise–ang pinakamahalagang gabi sa pag-take over sa Aveedra. Siyempre, hindi ko naman ito magagawa at hindi mapagtatagumpayan kung wala ang magaling, mabait at maganda kong asawa, na ngayo'y dinadala niya sa kaniyang sinapupunan ang magiging future ko ring tagapagmana pagdating ng araw. Ngayong gabi, proud ako at handang ipakilala sa publiko ang aking butihing asawa na patuloy na sumusuporta at bumubuo sa aking pagkatao. Let me introduce you, the one and only woman of my life, Stephanie del Fuego..”
Napabuntong-hininga si William habang nakatayo’t iniinom ang alak away from the crowd. Wala roon sa party ang laman ng isip niya. Habang ang ama niya ay nakikipag-usap sa ilang mga kaibigan at kakilala roon, kitang-kita niya ang pagdating ng mag-amang Bartolome. Naging mahigpit ang pagkakahawak niya sa wine glass habang nakapako ang mga mata sa dalawa. Nilapitan kaagad ito ng kaniyang ama nang mapansin. Walang balak si William na harapin ang mga ito. Kasalukuyang pinagmamasdan lamang niya ang mga bisita mula sa distansya. Ilang sandali pa'y nahuli niya si Bert na tila may hinahanap. Sigurado si William na kung hindi man siya ay si Trisha ang hinahanap ng galá nitong mga mata. Napa-smirk siya at muling uminom ng alak. Napatingin ito sa gawi niya at gaya ng kaniyang inaasahan, tumalim bigla ang mga mata nito habang hawak din nito sa kanang kamay ang sariling wine glass na kulang na lang ay basagin sa pagkakahawak nang mahigpit. Tinapunan niya rin ito ng masamang tingin bago lumakad
“Marami ka pang ikukwento sa ‘kin, bhe. Kulang pa ‘yon kanina,” wika ni Thea na nag-aayos ng mga reports paper. “Kung hindi siguro nagkaroon ng eskandalo rito sa building habang wala ako, e ‘di ko pala sana malalaman ang lihim n’yo.” “I'm sorry,” paghingi niya ng paumanhin nang sumandal sa kanto n
Palabas na siya at pababa ng garahe nang marinig niya ang boses ng kaniyang lola.“Hijo, apo, where are you going?” tanong nito kay William matapos siya nitong mapansin at makitang siya'y nakabihis na. Nakatayo ito sa veranda at nakatanaw sa mabulaklak na harapan ng bahay.“At the company, grandma,
Hinila niya ang upuan sa harapang bahagi ng mesa at naupo roon. She closed her hands nang ipatong ang mga iyon sa mesa. “Lola, may itatanong sana ako sa inyo,” banayad niyang saad nang sa palagay niya'y humupa na ang galit na nararamdaman nito. Napatingin si Lola Mira sa kaniya nang hawakan niya
‘Trisha! Trisha, tulungan mo ako!’ Kinilabutan si Trisha sa mga nakita niya. May mga hindi niya mawaring kalalakihan na humihila sa ina niyang si Celeste patungo sa kung saang madilim. Isang makapal at matayog na rehas ang namamagitan sa kanila. Pilit siya nitong inaabot. Nang ilalahad na niya ang







